DIRETSONG naglakad si Ciara palabas pagkatapos mag-walkout at wala na siyang pakialam kahit pinagtitinginan na siya ng mga taong nadadaanan niya. Sa isip niya ay gusto niya lang makaalis sa lugar na 'yon.
"Ciara!" sigaw ng kaniyang secretary. Saglit niya itong nilingon at nang makitang hinahabol siya nito ay pinagpatuloy niya lang ang paglalakad. Walang nagawa si Vivian kung hindi ang mapahilamos ng kaniyang mukha habang patuloy niyang sinusundan si Ciara.
Nang tuluyang mahabol ni Vivian si Ciara ay doon lang siya nagkaroon ng chance na piliting bumalik ang amo roon sa lamesa. Tumigil sila sa may labas ng restaurant na kung saan malayo na sa mga taong naiwan nila sa loob.
"Ano ba, Ciara?! Tatakasan mo na naman ba ulit ang meeting mo?" reklamo ni Vivian sa kaniya. Nilingon naman siya ni Ciara na may ngisi sa labi.
"We all know na hindi meeting ang pinunta natin doon," sagot ni Ciara, "hindi ko nga alam kung bakit pa tayo pumunta rito. Alam ko naman na ganito ang mangyayari."
"Oo nga. Alam ko naman, pero hindi mo pa rin sila puwedeng iwan ng ganoon lang lalo na at pamilya mo pa rin sila," pagbaba ni Vivian ng kaniyang boses nang mapansin na pinagtitinginan na silang dalawa. Bumalik ang tingin niya kay Ciara at alam niyang kapag ganito ay nahihirapan na siyang pakalmahin ang kaibigan.
"Viv, kaibigan na kita noon pa lang at alam mong hindi ko sila kailanman tinuring na pamilya. Simulo noong sa bahay na sila tumira, I feel like they are replacing my place." Napatigil si Ciara sa pagsasalita at iniwas ang tingin nang maramdaman ang pangingilid ng kaniyang luha. Huminga muna ito nang malalim bago muling hinarap si Vivian.
"I know, Ciara. Naiintindihan ki---"
"Hindi mo ako naiintindihan, Viv," pagputol nito sa sinasabi ng kaibigan, "isa pa ay ano bang pakialam nila sa gustong gawin ni Daddy? Eh, mga palamunin lang naman sila."
"Ciara!" pagpapatigil ni Vivian sa dalaga. Alam niyang matabas ang dila ni Ciara kaya nga walang nakatatagal na secretary niya at siya na lamang ang kinuha nito. Kilala niya na si Ciara noon pa lang at alam niya kung ano ang pinanghuhugutan ng dalaga.
"Alam mo hindi ko talaga maintindihan si Daddy. Mamamatay na nga lang, dinadamay pa ako sa hukay niya. Bakit hindi niya na lang idamay ang dalawang 'yon?" inis na sabi ni Ciara.
"Ciara!" muling pag-awat ni Vivian at napapailing na lang. Alam niyang wala siyang magawa kung hindi ang pagsabihan lang ang kaibigan.
"Bata pa lang ay sinikap ko nang aralin lahat ng gusto ng mga magulang ko. Ngayong malaki na ako sa tingin ba nila ay kailangan ko pa rin ng tulong nila?" reklamo ni Ciara. Kahit anong pilit ni Vivian na awatin ang kaibigan ay hindi niya magawa. "At paano naman nila nalaman ang kondisyon na binibigay sa akin ni Daddy? Kaya ba nag-set up sila ng ganiyan para paikutin ako?"
"Baka gusto lang nila tumulong."
"P'wes hindi ko kailangan ng tulong nila!" singhal ni Ciara, "alam man nila o hindi ay gagawin ko kung ano ang gusto ni Daddy, pero hindi ako hihingi ng tulong sa kanila.
"And I will help you."
"Pero limang linggo, Viv?!" may diing tanong ni Ciara, "sa tingin mo ay saan naman ako makahahanap ng lalaking aanakan ako?"
"Edi makipagbalikan ka sa ex mo. Tutal hindi ka pa rin naman maka-move on sa kaniya."
"Asa!" mabilis na sagot nito. Napailing na lamang si Vivian sa bilis ng pagbabago ng reaskyon ni Ciara. "Kahit kami na lang ang natitirang tao dito sa mundo, hindi ako magpapaanak sa kaniya!" may galit sa boses ni Ciara nang sabihin ito. Alam ni Vivian kung ano ang pinupunto ng kaibigan.
"Parang hindi ka naman inlove na inlove sa kaniya noon," pang-aasar pa ni Vivian. Umikot naman ang mga mata ni Ciara nang marinig 'yon.
"Noon 'yon, okay? Pinagsisihan ko naman na lahat ng ginawa ko." Tinignan niya naman ng masama ang kaibigan. "And why do you keep always telling me the past?"
"I'm just helping you, okay?"
"You're not helping."
"Bumalik na kasi tayo sa loob. Baka hinahanap ka na nila."
"Hindi na ako babal—" Napatigil si Ciara sa pagsasalita nang makarinig sila ng malakas na pagkabasag.
Parehas na napalingon ang dalawang babae sa may unahan at napansin nila ang isang lalaking waiter doon na nakatayo lamang habang pinagduduro siya ng isang babaeng customer.
"Nasaan ba kasi ang manager mo? Bakit may mga katulad mong tatanga-tanga! Hindi mo ba naintindihan ang in-order ko o bobo ka lang talaga?!" sigaw ng ginang sa waiter. Mula sa malayo ay nakamasid lamang si Ciara sa kanila at kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip nito.
"Pasensya na po, ma'am. Uulitin ko na lang po ulit," paghingi ng paumanhin ng waiter.
"And you need me to wait for another twenty minutes? For pete's sake! Ang sabihin mo, tatanga-tanga ka lang talaga. Wala kang kuwenta!"
"Let's go, Ciara. Don't mind them. Umalis na tayo rito. Ako na lang magsasabi sa pamilya mo," pagyaya ng kaniyang secretary, pero hindi sumunod ang dalaga.
Nanatili itong nakatayo sa kaniyang puwesto habang nakamasid sa lalaking waiter. Nakita niya naman sa isang gilid 'yong isa pang waiter na hindi na maintindihan ang itsura dahil sa takot. Alam na kaagad ni Ciara kung bakit may ganoong eksena. Paniguradong nagpapaka-hero na naman ang waiter na 'yon sa kaniyang kasama.
"Ciara, tara na," muling pagyaya ni Vivian.
"Look at him," pag-iiba ni Ciara. Napakunot naman ang noo ni Vivian, pero napatingin din siya sa tinitignan ng kaibigan.
"Him?"
"Yes, the one who got scolded," sagot nito. Hindi maalis ni Ciara ang tingin sa lalaking pinapagalitan.
"Oh, anong meron sa kaniya?"
"I like him," diretsong sabi ni Ciara. Agad na napalingon si Vivian sa kaniya at nakita niya ang kakaibang ngiti ng kaibigan.
"Seryoso ka ba? Hindi ka ba nalilito lang sa sinasabi mo? I mean, ikaw? Magkakagusto sa lalaking 'yan. Eh, ang taas-taas kaya ng standard mo sa lalaki." Agad naman siyang nilingon ni Ciara at napaikot na lamang ng mga mata.
"Not the way I like him as a man. I like him to be my babymaker."
"Seriously?!" hindi makapaniwala nitong sagot. Tumango si Ciara at nilingon muli ang lalaking waiter. Nakita niya ang paglapit ng manager at rinig na rinig sa buong hallway kung paano na lamang ito agad na natanggal sa kaniyang trabaho.
"He's tall and handsome," sambit ni Ciara.
"Eh, halos lahat naman ng mga nag-a-apply sa'yo ay mayroong ganoon."
"Yes, and all of them like me." Nilingon nito si Vivian at pinagpatuloy ang sinasabi. "Fantasizing and love me. I don't like them."
Natigilan si Vivian at sabay na muling hinarap nila ang lalaking tinutukoy ng dalaga.
"He's different."
"In what way?" tanong ng secretary nito.
"Different na para bang hindi magkakagusto sa akin. Feeling ko magkasalungat kami. Magkaiba kami ng pinaglalaban at magkaiba kami ng mindset. And, besides..." Napatigil si Ciara at napatingin sa isang parte ng katawan ng lalaki.
"Besides what?" naghihintay na tanong ni Vivian.
"Mukhang malaki naman ang alaga niya."
"Ciara!" wika ni Vivian nang malaman kung ano ang tinutukoy ng amo. Bago niya pa ito tuluyang mapigilan ay nakita niya na lamang si Ciara na papalapit sa lalaking waiter. Napailing na lamang ito at wala nang nagawa kung hindi ang sumunod.
"Hi, l'm Ciara," pagpapakilala ng dalaga at inabot ang kamay nito sa lalaking kaharap. Tinitigan lamang iyon ng binata na naguguluhan.
"Miss, wala akong oras makipagkilala sa iyo."
"I know," sagot ni Ciara at binaba ang kaniyang kamay. "But you will later."
Muling tinignan siya ng binata at nagtataka sa sinasabi nito.
"Nawalan ka ng trabaho, 'di ba? Why don't you work for me?"
"A-Ano?"
"Work for me. Bingi ka ba? Gusto mo pa bang ulitin ko?" saracastic na sagot ng dalaga.
"Bakit naman ako magtatrabaho sa iyo? Sino ka ba?"
"I told you earlier that my name is Ciara." Tinignan ng dalaga ang name tag na naka-pin sa uniform nito at napangiti. Binalik niya muli ang tingin sa lalaki.
"Nathaniel, I know that you need money. Don't worry hindi naman mahirap ang gagawin mo. Aanakan mo lang ako," diretsong sabi ni Ciara dahilan upang hindi makapagsalita ang lalaking kaharap.