4

1510 Words
Chapter Four "Tahan na, Luna. Alam kong napakalaking sakripisyo nito sa 'yo. Hindi ko nga akalain na pipiliin mo ako kaysa sa mga Lola mo---" "Mahal ko sila, Dimas. Pero mahal din kita. Ngayon ay asawa na. Masakit na iwan sila sa ganitong sitwasyon pero hindi naman pwedeng umikot na lang sa lugar na iyon ang buhay ko. Kung saan ang asawa ko ay roon ako." Yumakap ako rito. Marahan naman nitong hinaplos ang buhok ko. "Thank you, Luna. I really appreciate it. Hayaan mo, kapag nakapag-adjust ka na sa Santo Claro ay babalik tayo sa inyo para bisitahin sila." Tumango naman agad ako rito. Pinunasan ko ang luhang naglandas. May guilt akong naramdaman. Matatanda na sila. Pero nakuha ko pang iwan. Pero kasi madalas naman ay ibang tao ang pinipili ko, para sa happiness nila. Siguro naman ay hindi na masamang iyong happiness ko naman ang piliin ko. Sa totoo lang ay sobrang bilis ng lahat mga pangyayari. Ilang buwan pa lang na magkasintahan tapos nagpakasal agad. Hindi pa nga nakuhang tanggapin ng mga Lola ko si Dimas, eh. Pero alam ko kasi at ramdam ko namang puro ang intentions nito. Hindi naman siguro mali ito, mahal namin ang isa't isa. "Luna, wala ka ring dapat alalahanin. Lahat ng mga pangako ko sa 'yo ay tutuparin ko. Bibigyan kita nang magandang buhay. Hindi mo kailangan magtrabaho kapag naroon ka na sa Santo Claro. Mamumuhay ka roon na parang prinsesa." "Uy, hindi pwedeng gano'n. Gusto kong pagsilbihan ka. Ako ang mag-aalaga sa 'yo." "Luna, aalagaan natin ang isa't isa. Baka magmukha na talaga akong senior citizen kung ikaw lang ang mag-aalaga sa akin." Napahagikhik ako. Ang layo pa ni Dimas sa gano'n look. May mga white hairs man ito pero ilang hibla lang naman. May kaunting puti-puti rin sa buhok sa baba at panga. Medyo magaspang ang parteng iyon dahil hindi literal na pinudpod ang pagtanggal. Nakakakiliti pa nga, eh. "Dimas, ilang taon na nga ulit ang anak mo?" bigla kong naalalang itanong dito. "30 years old, Luna. Isa siyang gobernador. Medyo palikero pero maayos namang namumuno sa lalawigan ng Santo Claro." Bakas sa tinig nito ang pagka-proud sa kanyang anak. "Ang dami na n'yang nagawa sa Santo Claro. Bilib na bilib nga ang mga tao sa kanya. Sa totoo lang ay pwede naman na siyang mag-focus sa mga negosyo ng mga Luvier. Pero sabi naman niya ay kaya naman daw niyang pagsabayin. He's good naman." "Mana sa 'yo ang anak mo." "Aba'y proud ako sa ganyan. Mag-isa kong tinaguyod si Tiago. Hindi ba't nasabi ko nang maaga kaming naiwan ng kanyang ina. Napalaki ko nang maayos si Tiago kahit ako lang." Habang nasa biyahe ay marami pa akong nalaman tungkol sa kanilang mag-ama. Sa sobrang daming kwento nito ay hindi ko na namalayan nakarating na kami sa tahanan nito. Nakahanay pa ang mga tauhan nito sa magkabilang gilid ng malaking pinto. Bakas ang kaengrandehan ng mansion. Pero ang agad kong napansin ay ang malamig na hangin na yumakap sa balat ko nang umihip iyon. Inakbayan ako ni Dimas at iginiya papasok. Nagulat pa nang sabay-sabay na yumukod ang mga kasambahay sa amin. Lumakad lang kami't nilampasan sila. Ang laki ng bahay. Sa sobrang laki'y nagkakasalubong pa kaya sila rito? "Ang laki ng bahay ninyo, Dimas." Manghang bulalas ko. "Nagustuhan mo ba?" "Halatang presko rito---" "May dagat sa likod, Luna. Tiyak kong magugustuhan mo roon. May parte kung saan pwede kang mamulot ng mga pang-ulam." "Totoo? Wow, that's nice! Okay lang bang maligo ako roon?" "Yes. Magpapasama ka lang sa akin o kaya sa mga kasambahay. Hindi ka pwedeng umalis at pumunta roon na ikaw lang." "Bawal?" ani ko. Parang hindi naman ako sanay na may nakabuntot sa akin palagi. "Not really, mahal ko. Kapag sanay ka na sa lugar ay pwede ka namang lumabas-labas." Malambing na ani nito. "Thanks, Dimas." Hinaplos ko pa ang dibdib nito. Bahagya naman niyang hinawi iyon. "Tara na sa kwarto natin, Luna Magdaline. Ipinahanda ko iyon para sa pagdating mo." May kaba akong naramdaman. Kakakasal lang namin, baka sa kwartong iyon na maganap iyong ano... basta iyon. "Why? Pulang-pula ang pisngi mo, mahal ko." Nanunudyo ang tinig nito. "Hindi pa ako ready." Arte ko. Umugong ang tawa ng aking asawa. "Don't worry, hindi pa naman natin gagawin. Kung hindi ka pa ready ay kayang-kaya kong irespeto iyan." Nakaka-touch naman itong asawa kong ito. One in a million lang yata ang katulad nito. Pagpanhik namin sa ikalawang palapag ng bahay ay dumeretso kami sa silid. Pero medyo nagulat ako nang makita kong dalawang kama ang naghihintay sa amin sa kwartong iyon. "Misis, pasensya ka ba kung dalawang kama itong ipinahanda ko para sa atin. Hindi kasi ako sanay na matulog na walang katabi---" "Dimas, okay lang sa akin. Ano ka ba? It's normal lang naman na sa mga unang gabi ay manibago tayo. May mga adjustment at pareho naman nating mauunawaan iyon. Okay lang sa akin kung hindi muna tayo magtabi sa higaan. Malikot din kasi akong matulog." Pumasok na ako nang tuluyan sa silid. Iginala ko ang tingin. Sa ganda ako naa-amaze. Hindi sa kung gaano kalaki o kamahal ang halaga ng mga bagay na narito. Nagtutugma ang mga kulay ng pintura, kurtina, mga muwebles, at kahit iyong halaman malapit sa pinto ng balcony. Lumakad ako papunta sa balcony. Unang tingin pa lang sa labas ay napa-wow na ako. Napaka-peaceful ng ambiance. Ang mahinang alon na humahampas sa dalampasigan ay lumilikha nang nakakakalmang tunog. Napayakap tuloy ako. Sumunod ang aking asawa at niyakap ako mula sa likuran. "Mahal kita, Luna." Bulong ng asawa ko sa akin. "Mahal din kita, Dimas. Hindi ko nakikita ang sarili ko na malayo sa 'yo." "Magsasama tayo habambuhay." "Magkakaroon tayo ng mga supling---" "Siguro soon... pero hindi pa ngayon. Gusto kong handa ka." Tumango ako. Ang nasa isip ko lang ngayon ay makabuo talaga ng pamilya kasama si Dimas. Alam kong magiging mabuting ama rin ito sa mga magiging anak namin. Nang humarap ako sa kanya ay ipinulupot ko sa batok niya ang mga kamay ko. Bahagyang tumingkayad at humalik sa labi nito. Dampi lang dapat, ngunit pinalalim nito iyon. Pero saglit lang din. Nang maghiwalay ang labi namin ay pakiramdam ko'y nagniningning ang mata ko sa kagalakan. Ganito pala talaga kapag in love. Hindi man umayon ang mga tao sa paligid ko ay ayos lang dahil kasama ko naman ang lalaking mahal ko. "May regalo nga pala ako sa 'yo." Mabilis niya akong binitiwan at iniwan sa balcony. Pumasok siya ng kwarto at may kinuha sa bedside table. Pagbalik niya ay bitbit na niya ang isang regalo na nakabalot pa ng kulay pulang gift wrap at may kulay puting ribbon. "Ano iyan?" takang ani ko. "Open it." "Dimas, hindi naman kailangan ng gift. Hindi ko birthday." "Bagay iyan sa 'yo. Nakatitiyak ako, Luna." Binuksan ko agad. Napasinghap pa nang makita ang laman. Mabilis ding umiling at sinubukan kong ibalik iyon dito. "No. Hindi ko matatanggap iyan, Dimas. Ayaw ko n'yan." Halatang na disappoint ito sa reaction ko. Pero hindi ko kasi talaga kayang tumanggap ng regalo na katulad ng alahas na iyon na kumikinang ang bato. Alam kong sobrang mahal no'n. "Luna, para sa 'yo ito. Ikaw ang naiisip ko no'ng binili ko ang alahas na ito." "Dimas, ayaw kong tumanggap nang mamahaling regalo. Kilala mo naman ako. Simple lang akong babae. Mas matutuwa pa ako kung pagkain o bulaklak ng sampagita iyan." "Luna, wala ng simple simula no'ng pakasalan mo ako. Gusto kitang makita sa mga alahas na ito. Kung mahal mo ako ay tatanggapin mo ito." "Dimas!" stress na ani ko. "Please. Para sa 'yo kasi talaga ito. Isuot mo." Kinuha n'ya iyon at nang isuot niya ang kwintas sa akin ay hindi na ako nakatanggi pa. Tahimik lang ako. Pati iyong hikaw ay siya na ang naglagay. Napangiti pa nga ito pagkatapos. Halatang nagalak nang makitang suot ko na ang regalo nito. "Perfect, mahal ko. Bagay na bagay sa 'yo ang alahas na napili ko. Halika. Mayroon pa akong surpresa sa 'yo." Hinila niya ako patungo sa kwarto, deretso sa walk-in closet. Nang makarating kami roon ay nagulat ako nang bumungad ang napakaraming damit pambabae. "D-imas?" takang ani ko. "Bagay sa 'yo tiyak iyang mga damit na iyan." Humakbang ako, hinawi ang mga naka-hanger na damit. Hindi ito ang style ko pagdating sa mga damit. Sinulyapan ko si Dimas. "Dimas---" "Alam kong sanay ka sa t-shirt at mahahabang pang-ibaba. Pero tiyak kong magugustuhan mo rin ang mga ito. May bestidang rito, skirts, at blouse." Nasa tono nito ang saya habang sinasabi niya iyon. "Tapos may mga heels din dito at sandals." Itinuro niya iyong mga sinasabi niya na nasa ibaba lang ng mga damit. "Bago ang lahat ng iyan. Nakatitiyak din ako sa Tama sa sukat ng paa mo." Speechless ako. Kung isusuot ko ang mga iyon. Parang hindi na si Luna Magdaline iyon. Pero nakikita ko sa mukha nito ang excitement. Mukha namang wala itong masamang intentions. Pero kasi... hindi naman ako gano'n manamit. Kasama ba talaga ito sa adjustment na kailangan kong pagdaanan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD