5

1355 Words
Chapter Five "Luna Magdaline, magpalit ka." Seryosong ani ng aking asawa. Dumating na raw ang anak ni Dimas. Ipakikilala niya ako sa anak niya mamaya sa dinner. Nagpahanda pa nga ng maraming pagkain si Dimas para sa amin. Ngayon ay nakapagpalit naman na ako ng damit. Isang t-shirt na ang kapares ay mahabang paldang bulaklakin. Ang kapares ay rubber shoes na komportableng ilakad. "Dimas, pero komportable naman itong outfit ko." Umikot pa ako para ipakita ang kabuuan no'n. Kaso seryoso ito ngayon. Umiling pa. "I don't like it, Luna Magdaline. Magpalit ka." Bumagsak tuloy ang balikat ko. Humaba ang nguso. "Pero bagay naman, Dimas. K-akain lang din naman tayo sa dining room." "Sundin mo na ang sinabi ko, Luna. I don't like it." Itinuro pa nito ang suot ko. "O-kay. Sorry kung hindi mo nagustuhan." Nanunulis pa rin ang nguso. Saka ako akmang lalakad na pero hinawakan nito ang kamay ko. Kaya naman napigilan din ang pag-alis ko sa harap nito. "I'm sorry, mahal ko. Gusto ko lang makita ka rin sa mga outfit na pinili ko para sa 'yo. Magpalit ka na." Binitiwan na ako nito, ako naman ay walang nagawa kung 'di magpalit nga. Oras na dapat ng hapunan pero ito ako't nagbibihis pa. Kakain lang naman, eh. Isang kulay maroon na dress ang napili ko. Conservative naman ang style no'n kaya iyon na lang. Pinaresan ko na lang din ng sandals. Kaso pumasok ito ng walk-in closet at inutusan akong isuot iyong heels na kinuha niya. Para hindi na tumagal pa ay pinalitan ko na lang din. "Mahal ko, ngumiti ka. Mas bagay sa 'yo ang nakangiti." Malambing na ani ni Dimas sa akin. Tumango naman ako. For sure gusto lang nitong maging presentable ako sa harap ng anak nitong gobernador. Magkahawak kamay kaming bumaba. Lumakad patungo sa dining room. Wala pa roon ang anak ni Dimas. Pero naroon na ang kapatid ni Dimas na si Callo Luvier. "Brother!" ani ni Callo na agad tumayo at nakipag-shake hands sa asawa ko. Nang gumawi ang tingin nito sa akin at medyo umawang ang labi. Bakit kaya? "Callo, mabuti at narito ka rin. Meet my wife, Luna Magdaline Madrinale-Luvier. Luna, he's Callo Luvier." "Magandang gabi po, sir." Magalang na ani ko. "Kuya na lang, hija." Hija? Huhu, asawa ako ng kapatid niya pero hija? "Callo, huwag mo siyang tawaging hija. Luna. Tawagin mo ang asawa ko ng Luna." "Luna? Sure, no problem. Maupo na tayo. Pumanhik lang si Tiago sa kwarto niya at may kinuha." Ipinaghila ako ni Dimas ng upuan. Nang makaupo ako ay sa kabisera naman siya pumwesto. Si Callo naman ay naupo sa kabilang side, katabi ng katapat kong upuan. Mukhang sa bakanteng upuan na iyon uupo ang anak ni Dimas. Kabadong-kabado ako. Hindi man siguro halata sa mukha ko pero kinakabahan ako. Kung ang mga lola ko ay tutol sa amin ni Dimas dahil sa malaking agwat ng edad namin, paano kaya si Tiago? Kokontra rin kaya siya? Habang lumilipas ang mga minuto na naghihintay ay apaw na apaw na ang kaba ko, at nang dumating ang hinihintay namin ay mas lalo pa yatang dumoble ang tahip ng dibdib ko. Agad sumentro ang tingin namin sa lalaking pumasok ng dining room. "Son!" galak na ani ng asawa ko. Tumayo ito't agad sinalubong ang kanyang anak at niyakap ito. Pero hindi man lang kumilos ang anak nito para yakapin ito pabalik. "Halika, hijo. May ipakikilala ako sa 'yo." Excited na ani nito. Ako naman ay agad tumayo. Of course, ako ang ipakikilala nito. Inihanda ko ang aking ngiti. Pero nabura agad iyon nang magsalita ang lalaki. "Bakit nag-uwi ka ng babae mo rito sa bahay, dad? Alam mo ang rule natin. Pwede kang tumikim ng iba-ibang babae. Pero hindi pwedeng tumapak dito. Masyadong bata naman ngayon, dad. Saan mo ito napulot? Club? Sa liblib na lugar?" "Young man!" mapanganib ang tinig na ani ni Dimas sa kanyang anak. May babala roon. "What?" ani ni Tiago. "Sino pala siya? Anak mo? Kapatid ko ba?" "She's my wife, Santiago." Seryosong ani ng aking asawa. Nagtagisan sila ng titig. "Wife? Uuwi ka rito sa Santo Claro na may dalang batang babae at sasabihin mo sa aking asawa? Nagpapatawa ka ba, dad? Parang anak mo na iyang babaeng iyan. Mahirap ba siya, dad?" bakit naitanong nito ang estado namin sa buhay? "Oo, mahirap lang ako." Tugon ko. "Oh, I get it. Dad, isang mahirap na babae naman ngayon ang napili mong paglaruan? Hindi ka ba naawa? Magkano ang ibinayad mo para makipaglaro siya sa 'yo?" "Tiago, stop it." Saway ni Callo sa kanyang pamangkin. "H-indi ako mukhang pera, T-iago." Halos pabulong na lang na bulalas ko. Napatingin si Tiago at Dimas sa akin. "Of course, mahal ko. Alam kong hindi ka mukhang pera. Tiago, maupo na muna tayo. Kumain na muna tayo. Baka gutom lang iyan kaya mainit ang ulo mo." Mahinahong ani ni Dimas. "Tiago, halika na at maupo." Si Kuya Callo lang yata ang pinakamahinahong tao rito sa dining room na ito. Bago kumilos si Tiago ay nakipagsukatan pa ito ng titig sa kanyang ama. Sobrang nakakatakot ang aura nito. Ramdam kong ayaw nito sa akin. Sa mga salitang binitiwan pa lang nito kanina ay ramdam ko ng hindi ako welcome sa lugar na ito. Naupo ang lahat. Si Dimas na nasa kabisera na ay inabot ang kamay ko at bahagyang pinisil iyon. Pero hindi enough iyong assurance na iyon. Siguro nga'y naramdaman pa nito ang panlalamig no'n. "Magiging okay rin ang lahat, Luna Magdaline." Mahinang ani nito. Pero nang tumingin ako sa anak nitong gobernador ay napakatalim ng titig nito. Parang kung sa titig ako magbabase... parang ipinaparating no'n na hindi magiging okay ang lahat. Pero dahil nakikita kong positibo si Dimas na magiging okay rin ang lahat ay tumango na lang ako. "Tiago, meet my lovely wife. She's Luna Magdaline Madrinale." Inulit nito ang pagpapakilala sa akin. "Luna, meet my son. He's Santiago Dimas Luvier. Pwede mo siyang tawaging Tiago o kung gusto mo'y pwede ring Governor Tiago." Tumango naman ako. Pero hindi ko makuhang tignan ang lalaki. Sobrang talim ng titig sa akin, eh. "Tawagin mo akong Governor Tiago. Hindi tayo close para tawagin mo ako sa pangalang iyan." "Anak, naman!" saway ni Dimas sa kanyang anak. This time ay ako na ang umabot ng kamay ni Dimas. "It's okay, Dimas. Tama naman ang anak mo. Hindi kami close para tawagin ko na lang siya basta sa pangalan niya." "Oh, pwede na ba tayong kumain? Medyo gutom na kasi ako." Pabirong ani ni Kuya Callo. Papasang uncle ko na ito, pero Kuya lang ang itatawag ko dahil kapatid ito ng asawa ko. Hindi rin nagkakalayo ang edad ni Kuya Callo at Dimas. Kaya naman kuya lang talaga. Nagsimula kaming kumain. Masarap iyong isdang ulam. Masarap iyong lechon. Pati na rin iyong chicken. Kasi hindi ko magawang lantakan iyon. Nahihiya ako sa lalaking katapat. Tahimik na no'ng una. Ngunit bigla na lang ibinagsak ni Governor Tiago ang kutsara niya. Galit. Sabay tayo dahilan para bumagsak ang upuan nito dahil sa pwersa ng tayo niya. "Son?" ani ni Dimas. "Hindi ko kayang kumain habang narito kasama natin sa hapag ang babae ng aking ama---" "She's my wife!" "b***h. That's right, your bitch." Unang pagtatagpo. Pero pinaulam na ako ng insulto ng lalaki. "Slut." Biglang tumayo na rin si Dimas. Malakas nitong hinampas ang mesa. Nagulat ako. Nanginig ang kamay ko. Nabitiwan ko pa ang tinidor. Dahan-dahan akong napatingin kay Dimas. Nanlilisik ang mata nito at direktang nakatitig iyon sa kanyang anak. Pero kahit takot ako ay sinubukan kong hawakan ang kamay nito. Baka sakaling kumalma ito. "Don't disrespect my wife, Tiago. Hindi kita pinalaking ganyan." Gigil ito. "D-imas, huwag kayong mag-away." Naiiyak na pakiusap ko. "Kung ayaw mong mag-away kami... umalis ka rito. Hindi ka welcome sa bahay na ito." Saka nag-walkout ang lalaki. Kumurap-kurap ako. Biglang naluha ang mata ko. Ayaw nila Lola sa relasyon namin ni Dimas... ayaw ng anak ni Dimas sa relasyon namin ng kanyang ama. Ano bang mali sa pagmamahalan na ito? Edad lang naman namin ang magkalayo. Pero ang mga puso namin ay hindi naman. Bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD