6

1270 Words
Chapter Six "Pasensya ka na kay Tiago, Luna. Mukhang hindi lang maganda ang mood ni governor ngayon. Okay naman si Tiago at si Dimas. Mukhang hindi talaga maganda ang timing ni Dimas ngayon kaya nagkainitan sila." Wala namang dapat na ihingi nang pasensya ang lalaki, eh. "Pasensya na rin sa nangyari, Kuya Callo. Aakyat na muna po ako." Paalam nito. "Hays, ang weird matawag ng kuya ng batang katulad mo. Para kang iyong anak ko. Kaedad mo lang siguro iyon o mas matanda lang ng kaunti sa 'yo. Tapos ngayon ay asawa ka ni Dimas. Pasensya na, hija. Kahit ako ay nagulat nang ibalita ni Dimas ang tungkol sa 'yo." "Alam ko naman pong malaki ang agwat ng edad namin ng asawa ko. Pero mahal po namin ang isa't isa. Hindi po ako mukhang pera na pumatol sa matanda. Puso ko po ang nagdesisyon na piliin si Dimas." Kalmadong sagot ko sa lalaki. "I know that, hija. Sana'y makita iyan ni Tiago at matanggap kayo. Tumatanda na kami ng ama niya. Mas gugustuhin siyempre namin nang maayos na relationship sa family. Alam kong mahal na mahal din ni Dimas ang anak niya. Tiyak na hahangarin niyang matanggap ni Tiago ang kanyang asawa... ikaw. Matanda na rin si Tiago. Pero kahit gano'n ay anak pa rin siya ng asawa mo. Pang-unawa na lang ang ipakikiusap ko, Luna." "Wala po kayong dapat alalahanin. Bago po ako nagpunta rito at sumama sa asawa ko ay inihanda ko na rin ang sarili ko sa mga possibilities." "Salamat kung gano'n, hija. Welcome to the family." Tumango ako. Nang ilahad nito ang kamay ay tinanggap ko iyon. "Magpahinga ka na." Tumango ako sa lalaki at lumakad na para bumalik ng silid. Pero hindi ko maiwasang ma-curious sa pinag-uusapan ng mag-ama. Sinundan ni Dimas si Governor Tiago para kausapin pagkatapos mag-walkout ng lalaki. "For sure she's a gold digger... a bitch." Nasa unang baitang na ako ng hagdan nang marinig ko ang tinig ni Governor Tiago. Mula ang tinig nito sa isang silid na nakapinid ang pinto. Alam ko namang masasaktan lang ako sa mga maaanghang na salita mula rito. Pero imbes na ipagpatuloy ang pagpanhin ay ito ako't parang itinulos sa unang baitang ng hagdan. "Tiago, hindi siya ganyang klase ng babae. Simple lang ang asawa ko. Hindi pa nga niya naranasang nanghingi ng pera o mamahaling bagay sa akin---" "For sure style lang niya iyon, dad. Ang tanda mo na pero nakuha mo pa talagang magpakasal sa babaeng papasang anak mo na." Napayuko ako. For sure kahit magpaliwanag ang ama ay hindi pa rin makukuhang makinig ng anak. "Wala ba akong karapatan sa bagay iyan, Tiago? Ang gusto ko lang ay tanggapin mo kami. Hindi mo siya kailangan pagsalitaan nang masasakit dahil hindi niya deserve iyon. Mabuti siyang tao. Pinili niya ako kahit na ayaw ng mga Lola niya sa akin. Pinili niya ako kahit na singkwenta na ako. Pinili niya ako kahit na walang katiyakan kung matagal ba kaming magsasama lalo't fifty years old na ako. Anak, mahal ko si Luna Magdaline. Nagmamahalan kami. Respect her. Iyon lang ang hinihingi ko sa 'yo." Bakas sa tono ng asawa ko ang pakiusap niya. "No, dad. Hindi ko matatanggap ang babaeng iyan. Huwag mong ipilit dahil tiyak akong tama ang iniisip ko sa taong iyan. Opportunist. Gold digger. Bitch." "Napakasarado ng utak mo sa bagay na ito, Tiago. Hayaan mo't patutunayan ko sa 'yo na hindi ako nagkamali ng babaeng pinakasalan." Mukhang tinapos na ni Dimas ang usapan nila ni Governor Tiago. Kaya naman ipinagpatuloy ko na ang pagpanhik ko. Pagdating ko sa ituktok ng hagdan ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa baba. Agad na rin akong pumasok ng kwarto at dali-daling pumasok ng banyo. Pagkasara ko ng pinto ay humarap ako sa salamin. Gulat na gulat pa nga ako sa sarili ko. May luha na pala roon na bumasa na sa pisngi ko. Agad kong pinunasan iyon. Pagsubok lang ito. Tiyak na maaayos din. Naglinis na lang din ako ng katawan saka lumabas na naka-robe lang. Si Dimas na ay nasa upuan. Seryoso sa cellphone niya. Hindi man lang ito tumingin sa akin. Pero mukhang busy kaya dumeretso na ako sa walk-in closet. Kumuha ako sa dala kong gamit ng pamalit. Nagbihis muna ako bago ako lumabas ng walk-in closet. Pero wala na si Dimas doon. Nang marinig ko ang tunog ng shower ay saka ko lang na realize na nasa banyo ito. Dali-dali akong bumalik sa walk-in closet. Naghanda ako ng bihisan niya. Doon ko lang din iniwan iyon. Bago ako lumabas at sumampa na sa kama. Humiga na rin ako at nagkumot. Nang lumabas ito ay mukhang fresh na fresh na ang lalaki. 50 years old, fit pa rin ang katawan. Kung pagtatabihin ito at si Governor Tiago ay tiyak kong papasang magkapatid ang dalawa. Sobrang bata tignan ng asawa ko, eh. Ang seryoso nga lang ng mukha nito. Dahil siguro iyon sa pagtatalo nila ng kanyang anak. Ilang minuto ito sa loob ng walk-in closet. Paglabas ay ibang damit naman ang suot niya. Nanulis ang nguso ko. Hindi niya isinuot iyong inihanda ko para sa kanya. "Good night, Luna. Kung ano man ang sinabi at narinig mo sa anak ko ay huwag mo na lang pansinin. Mas alam natin ang totoo. Alam ko at malinaw sa akin na mabuti kang tao. Matatanggap din niya tayo. Hindi man ngayon pero malay natin soon." Tumango naman ako. Huwag na lang sigurong magpaapekto. Maaayos din ito panigurado. "Magpahinga ka na." Humalik lang ito sa noo ko pagkatapos niyang sabihin iyon. Saka siya lumipat ng kama at humiga roon. Kiss lang sa noo ang natanggap kong goodnight kiss. Nanulis tuloy ang nguso ko. Parang limang minuto pa lang na nakahiga si Dimas ay naghihilik na ito. Kaya naman umayos na rin ako ng higa. Hindi ko maiwasang mapabuntonghininga habang sinusubukan kong matulog. Siguro'y dahil nasa ibang bahay ay hindi rin agad ako nakatulog. Nag-e-echo sa tenga ko ang mga sigaw ni Governor Tiago. Galit. Nanlilisik ang mata. Parang nandidiri pa. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulala hanggang sa hilain na ng antok. Napanaginipan ko pa nga at galit ito sa panaginip ko. -- NAGISING ako na wala na si Dimas sa higaan niya. Late na ako nakatulad at nagulat pa nang makitang 9 am na. Para akong sinampal ng oras nang nagawi sa wall clock ang mata ko. Nagmadali pa akong bumalikwas at tumakbo ng banyo. Nakakahiya. Late akong nagising. Kung narito si Governor Tiago ay tiyak iisipin no'n na feeling prinsesa ako. Nag-shower muna ako. Pagkatapos ay nagbihis ng simpleng damit pambahay. Nang lumabas ako ng walk-in closet ay naroon na ang asawa ko. Mayroon ding kasambahay na nag-aayos ng sapin ng higaan ko. "Change." Utos ni Dimas. "Ha?" "Magpalit ka, Luna Magdaline." Napabuntonghininga ako. Dahil may kasambahay ay hindi ko na ipinilit ang sarili kong opinion pagdating sa pananamit. Sumunod pa nga si Dimas at itinuro niya ang mga nais niyang isuot ko. Masyadong sexy, malayong-malayo sa style ko. Nandito lang kami sa bahay pero para akong dadalo ng fashion week. Kaunting tuwad lang baka masilip pa ang dapat ay nakatago. Pero ginawa ko na lang din talaga ang gusto nito. "Perfect, Luna Magdaline. You're so beautiful." Bulalas na puri ng asawa ko. Hinaplos pa nito ang pisngi ko. "Huwag ka nang magpalit. Baka matuloy tayo sa lakad later. Gusto kong ipakilala ka sa mga kaibigan ko." "O-kay." Tugon ko. Parang gusto kong magtampo sa lalaki. Parang nawawalan ako ng boses sa relasyon naming dalawa. Pero nang yakapin niya ako. Iyong tampo na nararamdaman ko ay agad ding naglaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD