Chapter Thirteen
Dalawang araw. Dalawang araw na hindi umuwi ang asawa ko. Walang sinagot na tawag o text man lang. Nakakabahala. Iyong masamang pakiramdam ko no'ng nakaraan na medyo bumuti na ay nagtuloy-tuloy pa rin dahil wala akong maayos na tulog at talagang natutorete na ako.
Sa dalawang araw na iyon ay pinatahimik naman ni Governor Tiago ang buhay ko. Hindi ko siya nakita rito sa mansion... I mean hindi naman kasi ako lumalabas. Inihahatid lang ang pagkain ko sa kwarto ng mga kasambahay.
Sa awa naman ng Diyos ay hindi puro damo ang pagkain ko.
Ngayon ay napagpasyahan kong lumabas. Naligo ako at nag-ayos. Ganito ang ayos na gusto ni Dimas. Kaya ito ang look ko ngayon. Umaasa akong uuwi ito.
Lumabas na ako ng silid. Nakatutok ang tingin ko sa cellphone na patuloy na tinatawagan si Dimas. Hindi pansin ang nasa harap kaya no'ng bumungo ako ay nabigla talaga ako. Mabuti na lang at pumulupot ang braso ng kung sino sa bewang ko.
Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang anak ng asawa ko.
"Totoo focus ba sa pag-o-online shopping?" angat ang kilay na tanong nito. Dalawang araw lang pala niyang pinatahimik ang buhay ko. May continuation pala ang kasamaan nito. Ganito ba talaga kapag tumatanda? Wait, damay ang asawa ko. Matanda na nga pala iyon. Pero mahal ko. Mahal na mahal ko.
"Hindi ako nag-o-online shopping. Kinokontak ko ang ama mo."
"Really?" ani nito.
Iniangat ko ang phone at ipinakita ko rito.
"For sure nasa bahay iyan ng ibang babae. Two days, right? Hindi siya umuwi ng dalawang araw na?"
"O-oo. Governor Tiago, b-aka pwedeng kontakin mo. Nag-aalala na kasi ako." Mahinang ani ko.
"Nag-aalala ka kahit sinabi kong baka nasa bahay siya ng ibang babae?" inangatan pa ako nito ng kilay. "Ganito ka talaga kakapit sa kanya? Kahit may possibility na nambababae siya ay nag-aalala ka pa rin?"
"Gov, hindi siya nambababae. May tiwala ako sa lalaking pinakasalan ko. Please, pakikontak na lang. Gusto kong malaman kung nasaan siya." Pakiusap ng ani ko. Inilabas naman nito ang phone niya. Mayamaya pa'y may tinawagan ito. Si Dimas.
"Hello?" dinig ko ang tinig ng isang babae. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko.
"Laire, kasama mo ba si papa?" tanong ni Governor Tiago sa babaeng sumagot nang tawag nito.
"Yes, Governor Tiago. Kasama ko ang papa mo. May ginagawa kaming trabaho at patapos na." Magalang na ani ng babae. Trabaho? Sino si Laire?
"Uuwi ba siya mamaya?"
"Opo, Governor Tiago. Hinihintay lang niya akong matapos sa pag-iimpake ng gamit ko. Kailangan daw po kasi ni Sir Dimas na mas malapit ako para sa mga trabahong naipon." Hindi ko alam kung bakit binalot ako ng selos. Oo, alam kong selos ito. Sino si Laire sa buhay ng asawa ko? Babae ang kasama ni Dimas sa loob ng dalawang araw na wala siya rito at walang paramdam?
No, ayaw kong pagdudahan ang asawa ko. Hindi magandang pakiramdam iyon.
"Okay, Laire. Thank you." Ibinaba na ni Governor Tiago ang phone n'ya. "Secretary iyon ni dad."
"B-abae n'ya iyon?" wala sa sariling tanong ko. Umangat ang sulok ng labi ni Governor Tiago.
"Bakit? Pinagdududahan mo na ba ang matandang asawa mo ngayon, Luna?"
"Of c-ourse not!" mabilis na tanggi ko. "Ikaw kasi, eh! Kung ano-anong sinasabi mo. Tabi ka nga d'yan. Hihintayin ko ang asawa ko sa labas." Dali-dali ko na siyang nilampasan at bumaba ako ng hagdan. Alam kong nakasunod ang tingin nito sa akin pero hindi ko na ito nilingon.
Naghintay nga ako. Mahigit isang oras akong tumambay sa labas, nang mainip ay naghintay na sa sala. Naupo ako roon.
After two hours, dumating si Dimas na may kasamang babae. Mukhang mas matanda lang sa akin ng kaunti. Parang nasa 30's ito. Pero maganda. Daring din ang damitan. May salamin sa mata pero hindi iyon nakabawas sa ganda nito. Mapulang-mapula ang labi nito. Maputi rin.
"Laire!" dinig kong ani ni Governor Tiago na ngayon ay pababa na ng hagdan.
"Governor Tiago!" excited namang lumapit si Laire sa lalaking makababa na ng hagdan. Nagyakap silang dalawa.
"Wife," tawag ni Dimas sa akin. Nasa mukha nito ang pagod. Sumenyas ito sa akin na lumapit ako. Kaya naman lumapit ako rito at mahigpit na yumakap dito. Iyong sama ng loob ko... parang hanging lumipad na lang palayo.
"Bakit ngayon ka lang? Bakit hindi mo man lang sinagot ang tawag at text ko?" malungkot na tanong ko sa asawang mahigpit din akong niyakap.
"I'm sorry, mahal ko. Sobrang tambak lang ng trabaho ko. Ayaw kong dalhin dito at makita mo. Ayaw kong makita mo kung paano ako ma-stress sa tambak na paper works." Bulong nito habang yakap niya ako.
"Pero mas okay sa akin na makita ka, kaysa walang paramdam. Alalang-alala ako sa 'yo."
"I know. Kaya isinama ko na rito si Laire. Laire, halika rito at ipakikilala kita sa asawa ko." Malawak naman ang ngiti na lumapit si Laire. Kitang-kita ko ang ngiti nitong iyon nang pakawalan ako ni Dimas. Agad itong naglahad ng kamay nang ipakilala siya ng asawa ko.
"Luna Magdaline, she's Laire. Secretary ko siya at matagal na. Ako ang nagpaaral sa kanya no'ng college. Dahil magaling ay kinuha ko na rin bilang secretary."
"Ako si Laire." Tinanggap ko ang inilahad nitong kamay. "Anak-anakan na rin ni Sir Dimas."
"Inaanak ko rin siya, Luna Magdaline. Anak siya ng dati kong tauhan." Tumango naman ako. Saka binitiwan ang kamay ng babae na napangiti pa dahil sa ginawa ko.
"Sir Dimas, sa guest room ba ulit ako?"
"Nagsabi na ako sa kasambahay na roon ka sa malapit sa office ko, Laire. Para madali lang kitang matawag kung kailangan kita. Manang, paki-assist si Laire sa magiging kwarto niya." Utos ng lalaki na umakbay pa sa akin. Hindi lang si Laire ang napasunod ang tingin sa kamay ng asawa ko no'ng umakbay siya sa akin. Pati na rin si Governor Tiago na ng makitang nakatingin ako rito ay umirap pa sa akin. Sungit naman talaga ng gobernador na ito.
"Mauna na muna po ako. Magpapahinga lang saglit. Para makasabak later sa trabaho."
"Sige, Laire. Magpahinga ka na muna at mamaya ay tiyak kong mapapasabak ka ulit sa trabaho. Luna Magdaline, aakyat na muna ako at magsho-shower." Paalam ni Dimas. Pwede naman akong sumama pero nang hahakbang na rin sana ako ay pinigilan ako nito.
"Bababa rin ako. Dito mo na ako hintayin." Lumakad na ito hindi pa man ako nakasagot. Nang maiwan kami ni Governor Tiago ay bahagya itong lumapit sa akin.
"Dalawang araw siyang wala... trabaho ba talaga ang trinabaho niya?"
Ginugulo lang ng lalaking ito ang utak ko. Kailangan kong lumayo rito. Pero imbes na lumakad ay parang nai-glue ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.
"Maganda si Laire... matured kumpara sa 'yo. Malapit din sila ni dad. Close sila. May haka-haka na may relasyon sila ni dad noon. You know... tirador ng mga bagets ang ama ko---"
"Itigil mo iyan, Governor Tiago! Problemahin mo ang problema ng probinsya ng Santo Claro. Hindi iyong pagkakalat ng tsismis ang inaatupag mo."
"Nagtrabaho na ako kanina para sa probinsyang ito. Ngayon ay tinatrabaho ko naman ang pagsira sa inyong dalawa ng tatay ko." Proud na ani nito.
"Pakyu!" inis na ani ko rito.
"Anong sabi mo?" nagsalubong ang kilay ng lalaki. Napangiwi ako. Akala ko sa utak ko lang iyon sinabi. Naibulalas ko pala.
"W-ala. Kunin ka na sana ni Lord. Ang sama ng ugali mo talaga."
"Kunin na sana ako ni Lord? Don't worry, kapag nangyari iyon ay isasama kita para makatiyak ako na hindi mo makamkam ang yaman namin."
Hayop! Kagigil!
"Wala akong pakialam sa yaman ninyo, Governor Tiago. Kahit pa isaksak mo sa baga mo iyan ay wala akong pake. Hindi ako interested sa ganyang bagay."
"At kay dad ka lang interested? Hindi ako naniniwala."
"Para kang sirang plaka. Kaya ka siguro single---"
"Kahit ganito ang attitude ko... babae pa rin ang naghahabol sa akin. Wala silang pake sa attitude ko. Single ako dahil ayaw ko ng sakit ng ulo kagaya ng sakit ng ulo na dinala ni dad dito sa bahay---"
"Peste ka!" napunta na naman ang usapan sa akin. Pero hindi naman kasi ako ang sakit ng ulo ng ama nito, kabaliktaran nga eh. Mas sumasakit ang ulo ko dahil sa asawa kong bigla-bigla na lang nawawala.
Tumawa ang lalaki. Ako na parang ngayon lang ito narinig na tumawa ay saglit akong napatulala rito. Pero agad ko ring iniwas ang tingin ko dahil ayaw kong mahuli nito.
"Mabalik tayo... if ever ngang may relasyon si dad at Laire ay hindi iyon issue sa akin. Mas kilala ko si Laire kaysa sa 'yo." Kumuyom ang kamao ko. Hindi ko napigilang paluin ito gamit ang nakakuyom kong kamao. Tumama iyon sa matigas nitong dibdib. Nasaktan nga ako, eh. Tapos ito'y parang hindi man lang nakaramdam ng sakit. "What? Natakot ka na ba?"
"May tiwala ako kay Dimas... sa 'yo na anak lang naman n'ya ay wala. Stepson, kung ayaw mong umabot sa ama mo ang mga paninira mo sa kanya ay itigil mo na iyan. Hindi mo kami masisira."
"Hindi ko man kayo masira... baka kaya ni Laire? Ano sa tingin mo? She's hot... nakita mo naman---"
"Baka naman type mo? Huwag ka nang mahiya. Dinamay mo pa iyong ama mo eh. Matanda ka na, Governor Tiago. Kaya mo na ang diskarte d'yan."
"Hindi ko type and babaeng iyon... saka ang alam ko'y mas prefer ni Laire iyong mga mas matanda. Like ni dad. Bantayan mong mabuti ang ama ko, Luna Magdaline. Dahil kapag naahas siya ng iba sa 'yo ay ako ang unang tatawa."
"Gago. Lumaki sana iyang bayag mo---"
"Woman, wanna check? Mas malaki iyong ano ko---"
"Bastos!" dali-dali na akong nag-walkout.