Chapter Fourteen
Hindi ko maiwasang mapatitig sa pagkaing nakahain sa plato ni Laire at sa plato ko. Kung ano iyong naroon sa kanya ay gano'n din ang akin.
"Si Sir Dimas ang nag-influence sa akin na kumain ng mga 'damo', Ma'am Luna. Hulaan ko... ikaw rin, 'no?" kung makipag-usap ang babae ay akala mo'y close na close kami nito. Kasama namin siya at kasabay na naghahapunan. Halata mong close talaga siya sa mag-ama. Siguro kung hindi kung ano-ano ang mga sinasabi ni Governor Tiago ay iisipin ko na anak-anakan lang ni Dimas ang babae. Pero dahil sa mga maruruming salita ay hindi ko maiwasang isipin na hindi lang anak-anakan ang turing ni Dimas dito.
Pinagdududahan ko ang asawa ko. Hindi ito maganda. Mali ito. Sinabi naman ni Dimas na trabaho ang ginawa nilang dalawa.
Ngayon na may kaunting bahid na ng pagdududa sa asawa ay pakiramdam ko'y ako pa ang nagkakasala.
"O-oo, Laire."
"Mas healthy naman kasi at alam kong magugustuhan n'yo talaga. Lalo ka na, Luna Magdaline. Mas healthy, mas maganda."
"How about your fashion style?" bumagsak ang tingin ko sa damit ng babae. Kita ang cleavage nito na waring ipinagyayabang talaga ang mga papaya niya roon.
Malusog naman ang dibdib ko pero sakto lang naman iyon para sa katawan ko, iyong sa babae ay lubos ang biyaya sa kanya.
Ang sexy nito. No doubt doon. "Si Sir Dimas din kasi ang nag-influence sa akin na matutong manamit. Very old fashion kasi ako. No'ng naging boss ko siya ay ayaw n'ya ng mga 'manang' sa paligid niya." May pagkamanang ako manamit, kung ayaw ni Dimas ng 'manang' ay bakit niya ako niligawan at pinakasalan?
"Laire, nagbabago ang taste ng tao. Like me... na in love ako rito kay Luna Magdaline kahit na medyo old fashion ang style niya." Proud pa ito, samantalang nare-realize ko ngayon na unti-unti n'ya talaga akong binabago. Na-in love nga siya pero parang goal niya na mahalin ako sa bagong ako.
"That's nice. Nakakatuwa naman iyon. Ang laki ng age gap ninyo, Sir Dimas. Iba talaga maglaro ang pag-ibig."
"Sa mas bata ako itinuro, Laire." Nagseselos ako. Ang saya-saya nilang nag-uusap. Dati naman ay ganyan kami ni Dimas. Noong naroon pa kami sa aking bayan. Pero no'ng narito na sa Santo Claro ay nag-iba na. Bigla kong na miss iyong Dimas na nakilala ko roon.
"Oo nga, Sir Dimas. Sa dami ng mga babaeng may gusto sa inyo ay kay Luna Magdaline kayo bumagsak." At ang dating sa akin no'n ay parang lugi pa si Dimas.
Damo na nga lang ang kinakain ko ay nawalan pa ako ng ganang isubo ang nasa tinidor. Habang si Laire ay ganadong kumakain.
Abot na abot ko ang masasarap na ulam na inuulam ni Governor Tiago at ni Dimas. Pero wala akong lakas ng loob. Baka sa harap pa ni Laire at Governor ako mapagalitan.
Natapos ang dinner na halos bumangka si Laire sa usapan. Ganito sila ka-close. Kailangan kong tanggapin iyon dahil bago pa ako dumating sa buhay ng asawa ko ay may isa ng Laire sa buhay nila.
--
"Luna Magdaline, pumanhik ka na sa kwarto. May trabaho pa kaming tatapusin sa library. Matulog ka na."
"H-indi pa ako inaantok, Dimas. Hihintayin kitang matapos sa trabaho mo, mahal ko." Malambing pa akong yumakap dito habang nakatingin sa amin si Laire na nasa tabi na ng pinto ng library.
Kaso mukhang may kailangan talaga itong tapusin. Inalis niya iyon na parang napaso siya sa akin. Nang tumingin ako kay Laire ay bahagya pang umangat ang sulok ng labi nito.
"Akyat na sa kwarto, Luna Magdaline." Utos ng tatay ko... ay asawa pala. Kasi sa inaakto ni Dimas ay mas mapagkakamalan pa itong tatay kaysa asawa ko. Napahiya ako sa totoo lang.
Lalo't gano'n ang nakita kong reaction ni Laire.
"O-kay." Mahinang ani ko bago ako tumalikod. Pero bigla akong pinigilan ni Dimas. Pinatakan nito nang halik ang noo ko.
"Good night, mahal ko. Susunod ako mamaya roon." Nang pumasok si Laire sa office/library ay sumunod na si Dimas.
"Ang sakit 'no? Nandito na sa bahay pero may iba pang tinatrabaho?"
Demonyo ata si Governor Tiago no'ng past life n'ya. Tapos isinasabuhay ulit niya ngayon. Pababa ito ng hagdan. Nakapamulsa pa nga ito.
"Trabaho ang gagawin nila. Huwag mong bahiran ng malisya." Nakarating ito sa pinakababang baitang.
"Hindi tayo tiyak d'yan, Luna Magdaline." Nakangising ani nito. "What if may ginagawa pala silang milagro sa loob?"
"Ano ba, Governor Tiago!" inis na ani ko.
"What if sa mga oras na ito ay magkalapat na ang mga labi nila?"
What if iyong hindi ginagawa ng asawa ko sa akin ay kay Laire niya ginagawa?
Wala sa sariling napahakbang ako sa pinto ng office ni Dimas. Walang pag-aalinlangan na binuksan ko ang pinto at mabilis na itinulak iyon. Halatang nagulat ang dalawa. Si Dimas ay nakaupo sa swivel chair at may hawak na mga papeles. Habang si Laire ay nasa couch at abala sa laptop nito.
"Why, Luna Magdaline?" takang ani ng asawa ko. Hiyang-hiya ako. Kasalanan talaga ni Tiagogago ito!
Pero kaysa tuluyang lumubog sa kahihiyan ay nag-isip na lang ako ng ibang dahilan. Pumasok ako ng office. Lumapit sa asawa ko. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at niyuko ko iyon. Pinaglapat ko ang mga labi naming dalawa. Iginalaw ko ang labi ko. Pero wala man lang naging tugon ang lalaki.
Napahiya na naman ako pero hindi ko iyon ipinahalata.
"Good night, Dimas."
"Good night, mahal ko. Sige na, lumabas ka na. Marami akong trabahong gagawin ngayon." Tango na lang ang naging tugon ko.
"Good night, Laire." Bati ko na rin kay Laire.
"Good night, Miss Luna. Sweet dream." Napla-plastic-an talaga ako rito.
Nang lumabas ako ay nasa ibaba pa rin ng hagdan si Governor Tiago. Sinamaan ko ito ng tingin pero tinawanan lang niya ako. Ginugulo lang talaga ng lalaking ito ang utak ko. Tapos ito naman ako at nagpapauto sa kanya.
"Aakyat na ako, Governor Tiago." Paalam ko rito.
"Mamaya na, Luna Magdaline. Nagpapaluto ako kay Manang ng sinigang na baboy." Napahinto ako sa akmang paghakbang sa unang baitang. Tinignan ko ito na may pagtataka sa aking mukha. "Hindi ka kumain nang maayos kanina." Buti pa ito'y napansing hindi ako nakakain nang maayos. Habang si Dimas ay parang wala na atang pakialam.
Nate-tempt akong paunlakan ang paanyaya nito. "Tara na. Huwag mo akong paghintayin." Naramdaman kong kumalam ang sikmura ko. Gutom nga talaga ako.
Nang tumalikod ito ay sumunod na ako. Sa dirty kitchen kami dumeretso.
"Sakto ang dating n'yo. Luto na, Gov. Dalawa ba kayong kakain?"
"No, Manang. Si Luna Magdaline lang po." Magalang naman ito sa iba, pero bakit sa akin ay ang bastos-bastos? Well, nagtatanong pa talaga ako. Samantalang alam ko naman ang sagot. Ako kasi ay hindi nito gusto para sa kanyang ama.
"Halika na, Ma'am Luna. Nakahain na po." Ipinaghila ako ni Governor Tiago ng upuan. Umupo naman ako. Hindi ko man nais na makita nila kung gaano ako kagutom pero gutom na talaga ako. Mabilis akong kumain kahit na mainit pa iyong ulam na sinigang. Para akong walang ibang kasama habang mabilis na kumakain.
"Manang, everytime na magluluto kayo ng food ay make sure na may extrang ulam for Luna."
"Paano kung malaman ng dad mo? Alam mo namang napakaistrikto no'n." Worried na ani ng ginang.
"Subukan na lang nating ilihim, Manang. Basta kayo na ang bahala sa pagkain ni Luna Magdaline." Anong tinira ng lalaking ito at concern ito sa pagkain ko? Concern ba ito o sadyang kilala nga lang talaga nito ang ama? What if iyong mga sinasabi niya sa akin tungkol sa ama niya ay may basehan talaga siya?
Lito na ang utak ko.
Natapos akong kumain at busog na busog ako. Pero iyong utak ko'y hindi pa rin matahimik.
"Salamat po sa pagkain, manang." Tumayo na ako. Nagliligpit na rin ang matanda.
"Wala iyon, hija. Alam namin ni Gov kung gaano ka-controlling si Sir Dimas pagdating sa pagkain. Kung gutom ka, dito ka lagi sa kitchen dumeretso. Naglalagay ako ng extra food na pwedeng i-microwave. Huwag mong pigilan ang sarili mo. Kung gutom ka'y kumain ka."
"Opo. Salamat po, Manang."
Nang tumango ito ay nagpaalam na ako. Lumakad na rin palabas ng kusina. Sumunod naman si governor na walang kaimik-imik.
"S-alamat." Mahina ang tinig na ani ko rito. Kaso may expiration ang kabaitan nito.
"Tsk. Iyan ang napapala ng mga babaeng nag-aasawa ng lalaking hindi naman lubos na kilala. Pagkain at kasuotan mo pa lang ang kinokontrol niya. Kaya mo pa ba kapag nagsimula na siya sa iba pa? He's a control freak, Luna Magdaline. Alam mo ba? Kinilala mo ba siya bago mo siya pinakasalan?" natameme ako. Puso ko ang pinakinggan ko no'n kaysa sa mga lola at kaibigan ko. Nagmahal ako kaya naging bingi ako... ayaw kong dumating sa sitwasyon na pagsisisihan ko ang mga desisyon ko. Mahal ko si Dimas. Ayaw kong maging tama sila... ayaw kong makita ang sarili ko na walang Dimas sa buhay ko. Mahal ko siya, eh. Mahal na mahal.