Chapter Nine
"D-imas?" naalimpungatan ako dahil sa pintong malakas na isinara. Susuray-suray na pumasok si Dimas. Kaya naman kahit inaantok pa ay dali-dali akong lumapit dito. Inalalayan ko siya. Pero pagdating sa kama niya ay malakas niya akong hinawi. Tumama ako sa edge ng kama ko dahil nawalan ako ng balanse. Mariin akong napapikit habang namimilipit sa sakit. Pinakanapuruhan ay ang siko ko kaya talagang naluha ako. "Don't touch me. I'm married. Asawa ko lang ang pwedeng humawak sa akin." Sa sobrang kalasingan ay hindi na ako nakilala ng lalaki. Napabuntonghininga ako na pilit tumayo at sinubukan ulit na hawakan ito.
"It's me, Dimas. Asawa mo ako." Pilit nitong idinilat ang mata. Pero hinihila na ito ng antok niya. Masakit man ang siko ay inasikaso ko pa rin ito. Inalis ko ang sapatos at medyos. Pati na rin ang belt nito at hinubad ko ang slacks niya.
Sa totoo lang ay hindi naman problema sa akin na gawin ito. Asawa ko naman ito, eh. Pero no'ng magawi sa brief nito ang tingin ko ay agad akong nag-iwas. Asawa ko ito! Pero ito ako, nahiya bigla samantalang nakita lang iyong brief. Tinakpan ko na lang muna. Sunod kong hinubad ay ang damit nito. Tagaktak na ang pawis ko, pero itinuloy ko pa rin. Kumuha rin ako ng pamalit nito at isinuot ko iyon dito.
Nang matapos ay parang lantang gulay na humiga ako sa kama ko. Sa sobrang pagod ay hindi na ako pumwesto pa nang maayos. Nakatulog ako na gano'n na ang higa.
--
Nang magising ay naramdaman ko ang marahang paghaplos sa siko ko. Kahit marahan ay may naramdaman akong kirot doon. Nang nagmulat ako ay nakita ko ang seryosong mukha ng asawa ko na nakatitig doon.
"Anong nangyari rito, Luna Magdaline?" tanong ng lalaki. Halatang hindi maalala na siya ang dahilan ng pasa na iyon.
"Hindi mo maalala? Lasing ka't naitulak mo ako kaninang madaling araw." Bumangon ako't naupo. Nagsalubong pa lalo ang kilay nito.
"Ako ang may gawa n'yan?" bakas na ngayon sa tinig nito ang disappointment. Muli nitong hinawakan ang siko ko at sinuri.
"Yes. Lasing na lasing ka at kahit ako ay hindi mo nakilala." Nanulis pa ang nguso ko.
"Mahal ko, I'm sorry." Bigla nitong niyuko iyon at pinatakan ng halik. "I'm sorry. I'm sorry. Napasarap ang inuman ko kasama iyong mga tauhan ng anak ko. You know... close ako sa kanila. Nagkayayaan. Naparami ang inom. Hindi ko sinasadya." Guilt ang nasa mukha nito. Mayamaya pa'y may pumatak ng luha. Napasinghap ako. Hindi ko akalain na iiyak ito sa aksidenteng nagawa nito.
"Heay! Hindi mo naman sinasadya iyon. Lasing ka. Inakala mong ibang babae ako." Mabilis na ani ko. Sabay sapo sa magkabilang pisngi nito. "Ayos lang ako. Mawawala rin ito."
"I'm sorry. Mali pa rin, eh. Dapat ay kahit lasing ako ay kilala pa rin kita. Ibig sabihin lang din ay sinagad ko ang sarili ko sa alak. I'm really sorry, mahal ko." Niyakap ko na lang ito. Napakandong pa ako rito at mas hinigpitan ang yakap dahil halatang masama ang loob nito sa sarili.
"Tahan na." Alo ko rito.
Nang tignan ko ito ay nakuha ko na ring punasan ang luha nito. "Huwag nang umiyak, mahal ko. Ayos lang talaga ako." Tumango naman ito.
"Okay, mag-shower ka na. Ako na ang maghahanda nang isusuot mo." Utos nito. "Pipili ako ng damit na hindi makikita ang pasa mo." Natigilan ako sa idinugtong nitong salita. Halata ba?
Pero siguro'y mas mabuti na rin iyon. Baka ma-misinterpret ng mga kasama rito sa mansion lalo na ni Governor Tiago.
Pumasok ako sa banyo at hinayaan na itong gawin ang gusto niya. Promise, mag-uusap talaga kami today.
Naligo lang ako nang mabilis.
Paglabas ay naka-robe lang at busy sa pagtuyo ng buhok. Dumeretso ako sa walk-in closet. Nakahanda na roon ang bihisan pero walang Dimas doon.
Napabuntonghininga ako sa damit na inihanda nito. Mahangin dito sa mansion lalo't dagat ang likod at ang style ng mansion ay tagos-tagusan. Hindi komportableng isuot ang summer dress na mahaba ang sleeve. Tapos ang dulo ay kalahati lang ng hita. Kaya imbes na iyon ang isuot ay iniba ko.
Nang matapos magbihis ay dumeretso na ako sa vanity table. Nagsuklay at ipit lang ako. Walang pinahid na kahit lipstick man lang.
Pangiti-ngiti na nga ako dahil gusto ko ang ayos ko. Pero pumasok si Dimas ng kwarto namin.
Iyong magaang aura nito ay napalitan nang kaseryosohan.
"Luna Magdaline, anong klaseng damit iyan? Magpalit ka." Dahil nabuksan naman ang usapan ay mas tama ngang pag-usapan na ngayon.
"No, Dimas. Hindi ako komportable sa damit na inihanda mo. Hindi ko iyon gusto. Mas komportable ako sa ganito. Saka narito lang tayo sa bahay. Wala namang ibang makakakita sa akin bukod sa mga taong kasama natin dito."
"Gawin mo na lang ang gusto ko, Luna Magdaline. Magpalit ka."
"No."
"Luna Magdaline." Kinilabutan ako sa ginamit nitong tono nang bigkasin nito ang pangalan ko. Hindi ko napigilang maluha.
"What is wrong with you, Dimas? Hindi ka naman ganyan no'ng nasa amin tayo. Bakit ngayong narito tayo sa Santo Claro ay dinidiktahan mo na ang pananamit ko?" frustrated na tanong ko rito.
"Dinidiktahan? Iyon ba ang tingin mo sa ginagawa ko?" disappointed na tanong nito.
Walang pag-aalinlangan na sumagot ako. "Yes, Dimas. Dinidiktahan mo ako." Umawang ng bahagya ang labi nito. Nag-iwas din ng tingin.
"Iyon pala ang tingin mo sa ginagawa ko sa 'yo. Habang ang iniisip ko lang ay tulungan ka na makapag-adjust dito, ikaw naman ay nag-iisip na ng masama sa effort na ginagawa ko."
"W-hat? Dimas, pwede mo akong tulungan pero hindi mo ako kailangan baguhit. Alam kong malaking adjustment ito sa akin. Pero hindi to the point na babaguhin ko ang sarili ko para lang makapag-adjust ng lubusan. Hindi ko kailangan baguhin ang sarili ko---"
"Hindi kita binabago, Luna Magdaline. Mahal na mahal kita... kung paano kita nakilala. Kung ano ang ayos mo. Kung paano ka kumilos. Lahat iyon minahal ko sa 'yo. Ibinili kita at ipinili ng ibang style ng damit dahil nagandahan ako sa mga iyon at naisip kong bagay sa 'yo. Gano'n ko na appreciate iyong ganda ng babaeng minahal ko. Pero ang iniisip mo ay dinidiktahan kita? Oh God! Bakit mo naisip iyan?" frustrated na ani nito sa akin. Bahagyang nanginig ang labi ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat na isagot dito. "I love you, Luna. Bakit mo iniisip iyan sa akin?"
Napayuko ako. Nauwi na sa hikbi ang kanina lang ay nangingilid kong luha. Nakita ko pa ang paglapit nito sa akin. Niyakap niya ako kaya mas lalo akong naiyak.
"S-orry." Mahinang ani ko habang umiiyak pa rin. "Sorry, Dimas." Yumakap na rin ako rito. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nito. Napabuntonghininga ang lalaki.
"Tahan na, mahal ko. Nagulat lang ako na gano'n ang iniisip mo pero hindi ako galit. I'm sorry rin. Pero hindi mo rin naman ako masisisi kung gusto kitang makita sa mga gano'n kasuotan. Sobrang ganda mo, mahal ko. Naa-appreciate lang kita sa iba't ibang ayos mo. Tahan na, hindi ako galit."
"S-orry." Ulit kong paghingi ng tawad dito.
"Okay na. Halika na sa baba. Nakahanda na ang breakfast. Nasa baba si Tiago. Naghihintay sa atin."
"Ah, maghilamos lang ako. Mauna ka na. Susunod ako." Tumango naman ito. Nagpunta ako ng banyo at naghilamos. Naging obvious agad ang pag-iyak ko. Kaya naglagay ako ng make-up. Kaunti lang para medyo itago ang naging estado ng aking mata. Tapos bumalik ako sa walk-in closet at nagpalit ng damit. Nakakahiya ang utak ko. Bakit inisip kong dinidiktahan ako nito? May dahilan pala ito kung bakit niya ako nais magsuot ng mga gano'n.
Sumunod na rin ako sa asawa ko. As expected ay bahagyang hinahangin ang dress na suot ko. Hindi ako komportable pero dumeretso na ako sa dining room para makaupo na agad.
Gumawi ang tingin ng tatlong lalaki sa akin. Si Governor Tiago, si Kuya Callo, at si Dimas.
Lumarawan sa mukha ng asawa ko ang pagka-proud sa akin. Gusto n'ya talagang makita ako sa mga ganitong damit.
"Hijo, naiisip mo na bang tumakbo sa higher position?" nawala lang ang tingin nila sa akin nang magsalita si Kuya Callo.
"Wala pa po sa isip ko iyan---"
"Pero maraming willing sumuporta sa 'yo, hijo. Dapat ngayon pa lang ay pag-isipan mo na." Putol ni Dimas sa sinasabi ng anak niya.
"Mas priority ko sa ngayon ang lalawigan ng Santo Claro. May mga goals pa ako para sa lugar na ito, dad."
"Masyadong maliit ang Santo Claro, Santiago."
"Pagtulong sa kapwa ang priority ko. Maisaayos ang lalawigan na ito. Kung hindi ko magawa iyon dito... kung hindi ko kayanin dito ay ano pang sense na tatakbo ako sa national election?" may punta nga ito. "Dito muna ako, dad."
"Pero magsabi ka agad kapag naisip mo na ang national election. Para maiayos ko ang lahat para sa 'yo." Hindi na umimik pa si Governor Tiago na salubong ang kilay. "You know what... pareho kayo ni Governor Colton Andreras na malaki ang chance sa national. Kilala mo siya, 'di ba?" bahagya lang tumango ang lalaki. "Pero parang wala ring balak sa higher position ang isang iyon. Iyong popularity ninyo ay kayang lampasuhin iyong mga nasa national position na."
"Dad, hindi lang kasi ito tungkol sa popularity. Tungkol ito sa kakayahang mamuno. Masyado pa akong bago sa politics." Ito ang almusal ng mga Luvier. Politics. Business. Doon lang umikot ang usapan hanggang matapos ang agahan.