10

1529 Words
Chapter Ten "Aalis ka?" after breakfast ay pumanhik si Dimas patungo sa kwarto. Pagbaba ay nakabihis na ito nang pang-alis. May lakad ba kami nito? "Yes, mahal ko. May kaibigan akong dumating dito sa Santo Claro. Kikitain ko siya dahil saglit lang din siya rito at ito ang best opportunity para magkita kami. Maiwan ka muna rito. Kung may kailangan ka ay magsabi ka lang kina Manang. Huwag kang mahihiya dahil bahay mo ito." No, kahit mag-asawa kami ni Dimas ay hindi ko ito bahay. Bahay ni Dimas at Governor Tiago ito. Wala akong karapatan dito. "Wala ring pasok si Tiago. If may kailangan ka ay pwede ka ring lumapit sa kanya." Napangiwi ako nang banggitin nito ang pangalan ng kanyang anak. "Mabait si Tiago, Luna Magdaline. Bigyan lang natin siya ng time para matanggap niya tayong dalawa. Mahal ako ng anak ko, for sure mas pipiliin niyang hayaan akong maging masaya. Ikaw ang nagpapasaya sa akin." Tumango ako. "Wait, sumama ka na lang muna kaya?" ani nito. "Magpalit ka. Iyong maganda. Mas maayos." "S-ige." Mas mabuti pa ngang magpalit. Hinahangin kasi talaga. Umakyat ako at naghanap ng dress na papasok sa panlasa ng asawa ko. Sinubukan ko namang mag-effort para sumaya ito. Pero pagbaba ko ay nawala ang ngiti nito nang makita ang ayos ko. "Hindi mo ba nagustuhan?" mahinang tanong ko. "Bakit wala iyong belt? Sa pagkakaalam ko'y may belt iyan. Nagmukha kang manang. Anong oras na?" sinipat nito ang orasan. "Mahal, maiwan ka na lang. Aalis na ako." Hindi pa man ako nakakapagsalita ay tumalikod na ito at sinenyasan ang kanyang mga tauhan. Hindi ako makapaniwala. Iniwan niya ako dahil lang hindi ko isinuot ang belt. Masyado kasing sexy kung ilalagay ko iyong belt. Okay naman itong suot ko, eh. Pero hindi siya natuwa. Umalis ito na hindi ako kasama. Napayuko ako. Hindi talaga ako makapaniwala. "Unti-unti mo na bang nalalasap ang pagbabago ni dad?" ani ng lalaking tumabi sa akin. Nang-uuyam ang tinig nito. Masama ang loob ko sa ginawa ni Dimas, pero never akong sasang-ayon sa mga salita ng anak ng asawa ko. Akmang tatalikod ako pero pinigilan niya ako. Napaigik ako dahil sa sakit na naramdaman ko. Salubong ang kilay ng lalaki sa naging reaction ko. "Hindi mahigpit ang hawak ko sa 'yo, Luna Magdaline." Damn, totoo ang sinabi nito. Pinigilan lang niya akong umalis. Pero hindi madiin o 'di naman mahigpit iyon. "Ah, nagulat lang ako." Bahagyang pinisil ni Governor Tiago ang braso ko. Para itong may gusto i-check sa ginawa nitong pagpisil at waring nakuha nito sa reaction ko ang nais niyang malaman. "Sinaktan ka ni dad?" ani nito. Matalim na rin ang titig nito. "Ha? Of course not! Hindi ganyan ang daddy mo, Governor Tiago. Hindi ako sinaktan ni Dimas." Binitiwan ako nito. "Mas kilala ko ang ama ko, Luna Magdaline. Alam ko kung ano ang kaya niyang gawin... at kaya n'yang manakit." "No, kasinungalingan iyan. Hindi ako sinaktan ng iyong ama. Hindi sinasadya iyong nangyari---" "Hindi sinasadya? Anong ginawa niya?" ani nito. "Lasing siya kaninang madaling araw. Naitulak niya ako dahil akala niya ay ibang babae ako." Mahinang paliwanag ko rito. Hindi ito sumagot. Pero iniangat nito ang sleeve ng suot ko. "f**k!" ani ng lalaki. Nakita niya ang pasa sa siko ko. Medyo may kalakihan dahil siguro dahil sa lakas nang pagtama. Ibinaba n'ya rin iyon pero salubong pa rin ang kilay niya. "Follow me." Nilayasan niya ako. May pagtataka man ay hindi na ako nagkumento at sumunod na rin. Nakarating kami sa sala. Tinawag ni Governor Tiago ang kasambahay. Inutusan nitong kumuha nang pang-compress sa pasa ko. Umupo ang lalaki sa couch. Nanatili naman akong nakatayo. "Maupo ka." Sa pinakamalayong parte ng couch ako naupo. Kaso sinamaan ako nito ng tingin. Kaya umusog ako. Pero hindi pa sapat iyon kaya siya na ang umusog. "Napapala ng mga batang nag-aasawa ng matandang hindi naman lubusang kilala." Mahinang ani ng lalaki. Naihatid na Ang pang-compress na hiningi ni Governor Tiago. Habang naglilitanya ito ay idinikit na niya iyon sa pasa ko. "Mahal ko ang ama mo, Governor Tiago. Wala rin akong galit dahil sa nangyari. Aksidente iyon. Lasing siya. Inakala niyang ibang babae ako kaya ayaw niyang magpaalalay." "Kinilig ka naman?" nanulis ang nguso ko. Hindi naman ako kinilig, lalo't nasaktan ako. Maingat nitong idinampi-dampi iyon. "Hindi ikaw ang makakapagpabago sa taong iyon, Luna Magdaline. I know him. Kung kaya mo pang kumalas ay kumalas ka na---" "Ano ba, Governor Tiago? Asawa ko ang ama mo. Wala naman akong masamang intensyon. Nagmahal lang ako. Mahal ko si Dimas... ang ama mo." "Bulag ka, bobo ka, o sadyang kapit lang talaga sa patalim. Saan ka sa tatlong iyon?" binawi ko ang kamay ko. Ako na rin ang humawak nang pang-compress. "Bulag? Mahal ko siya, Governor Tiago. Bobo? Bobo na ba ngayon ang magmahal ng taong malaki ang agwat ng edad? Hindi ba pwedeng sa kanya lang tumibok ang puso ko? At ano pa... kapit sa patalim? Nagpapatawa ka. Kontento ako sa buhay ko sa bayang pinanggalingan ko. Hindi ko kailangan ang yaman ng iba. May pinag-aralan din ako. Kaya kong magtrabaho. Hindi ako ganyang klase ng babae. Ang pangit ng tingin mo sa akin at sa intentions ko sa ama mo. Dahil lang sa mas bata ako? Tangina ng edad iyan." Tumayo na ako. Inirapan ko ito at nagmartsa na palabas. Hindi naman ito sumunod. Umiiyak ako na umikot ng mansion. Tinahak ko ang daan patungo sa dagat. Humihikbi pa ako dahil sa sama ng loob ko. "Lord, ano ba namang pagsubok ito? Para naman akong nasa teleserye. Nagmahal lang ako. Pero ganitong pagsubok naman ang binibigay mo sa akin. Parang oras-oras ay kailangan kong lunukin ang masasakit niyang salita. Kaya ko ba ito, Lord?" nakarating ako sa Kubo. Doon ako sumilong dahil nagsimulang pumatak ang ulan. Nakita ata ni Lord na umiiyak ako, kaya naman sinabayan niya ng ulan. Ilang araw pa lang ako rito ay parang gusto ko nang umuwi. Pero kung uuwi ako ay tiyak na hindi matutuwa si Dimas. Hindi naman ako narito para lang magbakasyon eh. May asawa na ako. Hindi ko siya pwedeng iwan dito. Saglit lang din naman akong umiyak. Na-realize ko na parang tanga lang ako habang narito. Ang salbahe no'ng Governor Tiago na iyon. Ang pangit niya. Wala sigurong love life ang isang iyon kaya galit na galit siya sa relasyon namin ng dad niya. Ah, baka dahil sa sama ng ugali ay walang pumapatol doon. Tama! Baka wala talagang pumapatol sa kasamaan n'ya ng ugali. Ang pangit n'ya. Tsk. Pangit. Pangit. "So, pangit na ako n'yan?" napaiktad ako sa gulat dahil sa biglang pagsulpot nito. "Kamukha ko ang ama ko, Luna Magdaline. So, pangit si dad?" ibig sabihin ay vino-voice out ko na pala iyong mga salita sa isipan ko. s**t. Narito siya habang may hawak na payong. Sa likod niya ay may tatlong kasambahay. May mga dalang lalagyan. "Lunch na. Baka sabihin ni dad ay hindi ka pa pinakain, prinsesa." Sarcastic ang tonong ani nito. "H-indi ka na sana nag-abala. Hindi naman ako gutom." Inirapan ako ng lalaki. Pinaglihi yata ito sa sama ng loob. "Iwan n'yo na lang d'yan, Manang." Inilapag na nila iyon. Medyo nababasa na sila ng ulan. Pero talagang naghatid pa sila ng lunch sa akin. Pagkatapos nilang mailapag sa mesa ay umalis na rin sila. Naiwan ako at si Governor Tiago. "Bata, kain ka na. Iyong tatay mo... I mean iyong matandang asawa mo ay busy pa sa ibang babae." "Pwede ba, huwag mo namang siraan ang ama mo dahil lang ayaw mo sa akin. Paulit-ulit na lang tayo---" "At uulit-ulitin ko pa para umalis ka sa buhay ng ama ko. Modus mo ba ito? Papatol sa matanda at manghuhuthut? Mali ka ng matandang napili. Dahil hindi ako papayag na mangyari iyon." Nagsimula siya sa paghahain ng mga pagkaing dinala ng mga kasambahay nila. Pero sa bawat pagbukas ng mga tupperware ay nagsasalubong ang kilay nito. "Grass?" ani nito na tumingin sa akin. "Healthy living ba, Luna Magdaline? Para ano? Para mahaba pa ang buhay mo at marami ka pang matandang mabudol?" Inirapan ko ito. "Sa tingin mo ba'y gusto ko iyan? Ako ba ang nag-request?" "Hindi mo gusto ang mga ito?" turo niya sa mga pagkaing damo. "Dad mo ang may gusto n'yan." Inirapan ko ito at saka humila ng tupperware. Masama ang loob na kakain na naman ako ng gano'n. Pero mas okay ng kumain ng gano'n kaysa walang kainin. Binawi nga lang ni Governor Tiago ang tupperware. "Huwag mong kainin." Awat nito sa akin. Inilabas din nito ang cellphone at mayamaya pa'y kausap na nito ang mayordoma nila. Nag-request ito ng ibang pagkain. "H-indi ako maarte sa pagkain, Governor Tiago. Kahit ano ay kinakain ko." Baka maging issue pa ito rito. Baka isipin pa nito na ang arte-arte ko rin sa pagkain. "Hindi mo pala gusto bakit kakainin mo?" "O-kay na rin. Kaysa walang kainin." "Dinidiktahan ka niya pati sa pagkain?" "Hindi. Hindi gano'n ang daddy mo." "Itanggi mo pa. I know him, stepmom." Stepmom? Ang weird marinig sa isang 30 years old na gobernador ang salitang iyon. "Kaya nakatitiyak ako na iyang kasal na pinanghahawakan nyong dalawa... hindi iyan magtatagal."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD