8

1590 Words
Chapter Eight Pagkababa ko ng sasakyan ay saka ko lang din napansin na nakasunod na pala ang bagong sasakyan na regalo ni Dimas sa akin. Hindi naman sa pagiging ungrateful. Pero hindi ako masaya sa ganitong regalo. "So, kaya pala wala kayo ay dahil namili kayo ng bagong sasakyan." Hindi tanong iyon. Nang lingunin ko si Governor Tiago ay nakita ko ito sa entrance ng mansion. Mukhang kararating lang nito base sa ayos nito na hinihila pa lang ang necktie at hawak pa ang bag niya. "N-akipagkita kami sa mga kaibigan ng ama mo, Governor Tiago." Mahinahong ani ko. "Then what? Niyaya mo sa bilihan ng sasakyan?" Alam ko na kung saan patungo ang sinabi nito. Kaya naman agad kong dinepensahan ang sarili ko. "Ang daddy mo ang nagyaya na magpunta kami roon after namin sa restaurant." Humagod ang tingin ni Governor Tiago sa akin. "Bitch." Hindi man kalakasan nitong sinabi iyon pero parang patalim iyon na tumama sa akin. "Hindi ako ganyang klase ng tao." "Come on, Luna Magdaline. Sino sa tingin mo ang mapapaniwala mo? Masyado ka pang bata para magpaikot ng tao. Tiyak na matatauhan din ang aking ama. Pagkatapos n'ya sa 'yo ay tiyak na itatapon ka rin niya katulad ng mga babaeng dumaan sa buhay niya." "Nagkakamali ka, Governor Tiago---" "No, Luna Magdaline. Hindi ako nagkakamali sa mga sinasabi ko sa 'yo. Napakabata mo pa pero pumatol ka sa isang fifty years old. Sobrang hirap ba ng buhay para kumapit ka sa tatay ko?" nanlilisik ang mata nito na parang galit na galit talaga dahil lang asawa ako ng kanyang ama. "Hindi kami sobrang hirap, Governor Tiago. Hindi rin ako nagugutom. Nakapagtapos din ako nang pag-aaral. Wala akong intention na masama sa ama mo. Minahal ko lang talaga siya at nang alukin niya ako ng kasal ay pumayag ako---" "Kasi nakita mo iyon na opportunity para makapasok sa mundo ng mayayaman." "Mundo ng mayayaman? f**k it! Kahit isaksak n'yo pa sa bagay n'yo iyan. Ang sa akin lang ay mahal ko ang ama mo at hindi ko siya iiwan." Tumawa ang lalaki. Iyong nakakainsultong tawa. "Ginagamit mo lang siya." "Never." "Sinong bumili ng alahas mo?" ani nito. Napahawak ako sa kwintas na suot ko. "R-egalo ito ng ama mo sa akin." Umangat naman ang sulok ng labi nito. "Sino ang bumili ng sasakyan at kanino nakapangalan?" "Binili ng ama mo at sa a-kin nakapangalan." Humina ang tinig ko. Tumawa naman ang lalaki. "See... nakuha mo na ba ang pino-point out ko? Manggagamit ka. Bata ka pa lang. May chance ka pang abutin ang pangarap mo sa ibang paraan. Pero tignan mo naman, kumapit ka na lang sa isang matandang lalaki. Para ano... para mas madali ang buhay? No. Hindi iyan mangyayari. Hindi kita patatahimikin hanggang sa makaalis ka sa bahay na ito." "You know what... hindi naman ako interested sa sasakyan. Kung gusto mo sa 'yo na. Itong alahas ay sa 'yo na rin kung gusto mo. Wala akong pakialam sa yaman o pera n'yo. Nandito ako dahil nagmahal ako. Mahal ko ang ama mo, Governor Tiago." Sabay lakad at akmang lalampasan na ito. Pero pinigilan niya ang braso ko. Napangiwi ako dahil sa higpit nang pagkakahawak nito. "Ano ba? Bitiwan mo nga ako!" inis na ani ko sa lalaki. "Slut. Bitch." "Go on! Sabihin mo na ang mga salitang iyan sa akin. Pero hindi magbabago ang nararamdaman ko sa ama mo. Mas mamahalin ko pa siya para patunayan sa inyong mali ang iniisip ninyo sa akin." Binawi ko ang braso kong hawak nito. "Tulad ka rin ng mga babaeng nagkakandarapa kay dad. Pera lang din ang habol ninyo sa kanya. Pinapangarap siguro ninyo na makuha ang yamang mayroon siya. Hindi kayo magwawagi. Haharangan ko kayo." Tumawa ako. "Isaksak mo sa baga mo iyan. Wala akong pakialam d'yan." Immune na ako sa mga gano'n bagay, iniwan ko nga. Bakit ko naman gugustuhin ulit ang mga ganitong bagay tapos sa ibang tao ko pa kukunin? Tsk. Alam kong hindi matatapos ang bangayan na ito. Kaya naman nang iabot sa akin ng driver ang susi ay hinawakan ko naman ang kamay ni Governor Tiago at inilagay ko sa palad nito ang susi ng sasakyan. "Hindi ko iyan kailangan. Sa 'yo na." Nang talikuran ko ito ay hindi ko napigilang mapabuntonghininga. Kaya ko ito. Para sa asawa ko ay kakayanin ko ito. Pagpanhik sa kwarto ay agad na akong nag-shower. Baka sakaling ma-refresh ang utak ko. Parang unti-unti kasing inuukit sa balat ko ang mga salitang binitiwan ng lalaki. Kailangan kong iligo ito at nang masabunan ko rin ang buo kong katawan. Nang makatapos akong maligo ay komportableng damit ang kinuha ko sa maleta ko. Pero nang akma ko nang isusuot iyon ay naalala ko si Dimas. Ayaw niya sa mga outfit na ito. Ibinalik ko iyon. Pumili ako sa mga damit na binili niya, pinili kong mabuti para naman medyo komportable ako. Pagkatapos kong mag-ayos ay sumampa ako sa kama. Wala akong planong bumaba ng dinner. Hihintayin ko si Dimas, mas importante sa akin ngayon na makapag-usap kami. Pero lumipas ang mga oras. Wala ito. Sinubukan ko siyang tawagan. Nag-aalala ako. Pero kahit tawag ko ay hindi nito sinasagot. Nag-text na rin ako pero wala pa ito. 12 midnight. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bumaba na ako. Sarado na ang malaking entrance ng mansion. Pero mas pinili ko pa ring buksan iyon. Maliit na uwang lang, iyong kasya lang ako. Madilim na rin, buwan na nga lang ang nagbibigay ng liwanag. Umupo ako sa sahig. Naghintay sa asawa ko. Pasipat-sipat sa cellphone para tignan ang oras. Nangangati na akong puntahan si Governor Tiago para magtanong dito. Si Governor Tiago ang sasadyain n'ya kanina. Pero nandito na ang lalaki no'ng dumating ako. Alangan namang naghintay pa si Dimas sa office ni Governor Tiago, 'di ba? Napakaimposible no'n. "What are you doing here?" napaiktad ako dahil sa labis na gulat. Napalingon ako sa malaking kahoy na pinto. Lumabas doon si Governor Tiago. Lumakad ito hanggang sa makarating sa gilid ko. Naglabas ito ng sigarilyo at nagsindi. Napatakip naman ako sa ilong ko dahil sa nilikhang usok at amoy ng hawak ng lalaki. "Hinihintay ko ang dad mo." Mahinang ani ko. "Oh, ikalawang gabi n'yo pa lang dito ay naglilikot na si dad?" tumawa ito na waring kilalang-kilala nito ang kanyang ama. Yes, ama n'ya si Dimas. Pero hindi gano'n klase ng tao ang asawa ko. "Hindi iyan totoo, Governor Tiago. Matinong tao ang ama mo. Nag-aalala ako dahil ang sabi niya ay pupunta siya sa 'yo. Imbes na mag-alala ka rin dahil gabi na'y wala pa siya. Pero ito ka't iniisip na may masamang ginagawa ang ama mo---" "Bakit ako mag-aalala? Normal na sa akin na hindi umuwi ang aking ama. Lalo't may mga babaeng pinagkakaabalahan. Masanay ka na rin, Luna Magdaline." Humithit ito ng sigarilyo niya. Nang tumingin sa akin ay yumuko pa talaga para ibuga sa akin ang usok. Inihit tuloy ako ng ubo. "Bastos!" inis na ani ko. "Bata... hindi mo alam ang pinasok mo." Nakangising ani nito. "Mali ka ng taong pinili. He's old. He knows how to play. Baka ikaw barbie pa ang pinaglalaruan, siya ay babae na. Mas kilala ko ang ama ko." Sarcastic na ani nito. Tuloy ito sa paghithit ng sigarilyo niya. Ang bagsak ng usok ay sa akin napupunta. "Don't say that. Mabuting tao si Dimas." "In denial?" tumawa pa ito, tawang nakakainis. "Hindi marunong mapirmi ang ama ko. Marriage? Come on, hindi siya matatali niyan. Maglalaro lang iyan... kahit pa nandyan ka." No. For sure sinisira lang ni Governor Tiago ang kanyang ama. Hindi ito totoo. Ayaw lang talaga ng lalaki sa akin kaya gano'n na lang ang mga ginagamit nitong salita. "You know what... hindi mo kami masisira sa mga ganyang salita mo." "Of course, lalo't kapit na kapit ka sa aking ama dahil sa pera niya." "Bago mo pa lang akong nakilala, Governor Tiago. Pero hayaan mo at patutunayan ko sa 'yo na hindi ako ganyang klase ng babae. Nagmahal lang ako. Binalewala ko ang age gap namin dahil mahal ko ang asawa ko. Minahal ko ang ama mo. Wala akong pakialam sa pera ninyo. Hindi man malusog ang wallet ko... wala ka pa ring dapat alalahanin. Hindi ako nakikialam ng mga bagay na hindi sa akin." "Really? I don't think so. Sa itsura mo pa lang ay alam ko na kung ano ang pakay mo---" "Hindi ka makikinig kahit pa anong sabihin ko sa 'yo. Bahala ka---" "Bata, naghuhumiyaw sa aura mo kung ano talaga ang gusto mo sa aking ama. Wala kang pinagkaiba. Baka kapag nakuha mo na ang gusto mo ay iwan mo na siya. Magkano ba? Ako na lang ang magbibigay sa 'yo. Umalis ka lang sa pamamahay na ito. Sinisira mo ang relasyon naming mag-ama dahil sa pagiging gahaman mo. Ilang lalaki na ba ang ginamit para lang sa ambisyon mo?" "Ilang lalaki?" ani ko na napakagatlabi pa. "Gano'n kababa ang tingin mo sa isang tulad ko... okay." Nakakapagod makipagpalitan ng salita rito. Gobernador ba talaga ito? Ganito rin ba siya ka-rude sa mga mahihirap na lumalapit sa kanyang tanggapan? "Bitch." "Oo, b***h nga. Ano pa? Slut? w***e? Babaeng pakawala? Go lang din. Meron pa ba? Kung wala na ay papasok na muna ako sa loob. Kung pwede rin contact-in mo ang iyong ama. Pakisabi na hindi ako makatulog dahil sa labis na pag-aalala." Iniwan ko na ito. Baka madagdagan pa iyong mga maaanghang na salita nito. Kita na for today. Gwapo lang ang lalaki, pero pangit ang ugali niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD