Chapter Two
"Nandito na po si Dimas." Magiliw ang tinig na ani ko para pagtakpan ang awkward na atmosphere rito sa sala. Lahat sila ay nakamata sa amin, parang pataasan pa sila ng kilay habang nakatitig.
"Magandang umaga po mga lola---"
"Hoy! Sampung taon lang ang agwat ng edad natin. Mahiya ka nga." Mataray na ani ni Lola Felipa. Bumilis din ang pagpaypay nito na akala mo talaga ay init na init.
"Lola, may dala pong mga pagkain si Dimas. Halika, Dimas." Hinawakan ko ang kamay nito. Ang tingin ng tatlong matanda ay sumunod sa mga kamay namin ng lalaki na magkahawak na.
"Bitaw, Luna. Manliligaw pa lang iyan." Masama ang tingin na ani ni Lola Conching.
"Kami na po. Sinagot ko po siya bago kami pumasok dito kanina." Proud na ani ko sa mga ito.
"Diyos ko ka, Luna Magdaline! Hindi ka na ba talaga nag-iisip?" mukhang kahit nasa harap si Dimas ay sasabog na sa inis ang mga ito. Pero ngumiti lang ako. Galit lang ang mga ito ngayon, pero alam ko namang matatanggap din nila si Dimas. Makikita rin naman nila kung ano ang nagustuhan ko sa lalaki. Gentleman ito. Sobrang bait. Pasensiyoso. Saka mature... well, talagang matured na.
"Alam kong issue sa inyo ang agwat ng edad namin ni Magdaline. Pero mahal ko ang apo ninyo. Seryoso ako sa kanya." Kalmado na ani ng aking nobyo. Nginitian ko ito, gusto kong makita nito na kahit galit ang mga tao sa desisyon ko... masaya pa rin ako.
Hindi naman kasi pwedeng iba ang sundin ko pagdating sa usapang puso. Mahal ko si Dimas, kahit pa malaki ang agwat ng edad namin. Saka hindi ko nga ramdam na matanda na ito para sa akin, ang cool kasi nito.
"Kami nga'y huwag ninyong pinagloloko. Isa itong masamang biro. Luna, itigil mo na itong kalokohan mong ito. Tumataas ang dugo ko sa ginagawa mo." Inis na ani ni Lola Conching.
"Mga Lola ko... hindi po ito isang biro. Seryoso po kami ni Dimas sa isa't isa. Saka narito po siya para patunayan sa ating lahat na seryoso siya sa akin. Hindi ba?" baling ko sa aking nobyo.
"Yes, mahal." Kinilig ako sa endearment nito sa akin.
"Luna, baka naman akala mo lang mahal mo siya kasi kulang ka sa pagmamahal ng isang ama?" napangiwi ako sa tinuran ni Lola Teresita.
Grabe naman, nakaka-hurt naman iyon. Pero hindi naman gano'n iyong tingin ko kay Dimas.
"Lola Teresita, hindi naman po tatay ang tingin ko kay Dimas. Mahal ko po siya. Sana ay suportahan ninyo na lang po kaming dalawa." Ngumiti ako. Pareho namang napairap ang mga ito.
"Tsk." Umirap pa si Lola Teresita. Para maiba ang takbo nang usapan ay niyaya ko na ang mga ito sa kusina. Ipinasok na rin kasi ang mga pagkaing dala nila Dimas. Tumulong ako sa pag-aayos.
Ilang ulit na nilang nakaharap si Dimas pero hindi pa rin sila okay sa lalaki... baka nga hindi na maging okay. Pero palalampasin ko ba ang pag-ibig na alay nito sa akin dahil lang hadlang ang mga tao sa paligid ko? No. Walang pag-ibig na palalampasin.
"Nasaan na nga ulit ang pamilya mo, Dimas? Iyong mga asawa mo? Iyong mga anak mo?" parang imbestigador na tanong ni Lola Felipa. Mga asawa? Mga anak? Hays, sa bawat punta ni Dimas dito ay tinatanong nila iyon. Parang hinuhuli nila ito. Paulit-ulit nilang tinatanong. Umaasa na magkakamali nang sagot ang nobyo ko.
"Wala po akong asawa."
"Po? Tsk. Kadiri. Huwag mo kaming pino-po. Kaunti lang ang agwat ng edad natin." Ang taray naman ng Lola Felipa ko. Napabuntonghininga ako. Nakaupo na kami, nagsisimula na nga silang magsandok ng pagkain eh.
"Wala ho akong asawa. May isa po akong anak. Isa na siyang gobernador sa lalawigan ng Santo Claro. May maayos po akong kabuhayan. Negosyante sa Santo Claro at sa siyudad. Walang pamilyang pinabayaan, o kahit asawang pwedeng maghabol. Wala hong gano'n." Magalang na ani ni Dimas sa matatandang kaharap namin.
"Walang asawa pero maraming babae?" si Lola Conching naman iyon na iniangat pa ang tinidor at itinuro sa lalaking katabi ko.
"Wala rin pong babae. Si Luna Magdaline lang po ang kasintahan ko."
"Hindi kami kumbinsido. Baka balak mo lang gamitin ang apo ko habang nandito ka sa bayan namin."
"Seryoso po ako sa inyong apo."
"Nasaan na iyong nanay ng anak mong gobernador?" nagkatinginan kami ni Dimas. Naghihintay ako nang sagot mula rito. Hindi ko pa alam ang tungkol doon.
"I don't know. Iniwan niya kami bata pa lang ang anak kong si Tiago." Naramdaman ko naman na nagsasabi ito ng totoo kaya inabot ko ang kamay nito at bahagya iyong pinisil. Nang tumingin ito sa akin ay nakuha naman nitong ngumiti. "Hindi kami kasal. Naghintay ako sa kanyang pagbabalik. Pero sumuko na ang puso ko. Wala akong ibang inibig bukod sa babaeng iyon. Pero dahil kay Luna Magdaline ay parang nagising muli ang natutulog kong puso." Masuyong ani nito. Nakatingin pa ito sa akin habang sinasambit iyon. Kilig na kilig ako. Masayang-masaya ako na nae-experience ko ngayon sa isang tulad nito ang atensyon na inaamot ko lang dati sa mga nauna kong karelasyon.
"Hoy! Ngiting-ngiti. Akala mo naman talaga." Puna ni Lola Conching.
"Hoy, lalaki! Uto-uto itong apo ko. Kaya itigil mo iyan. Baka maniwala masyado."
"Seryoso ako sa mga sinabi ko. Unang kita ko pa lang sa kanya ay alam kong siya na ang ipinadala ng Diyos sa akin."
Mas lalo kong naramdaman ang kasiyahan, kung makikinig ako sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid ko na huwag ko itong piliin... na iwasan ko ito. Alam kong hindi ako sasaya.
Nang matapos ang dinner ay napapayag ko rin naman sina Lola na sumama ako kay Dimas para maglakad-lakad.
Wala akong dapat ikahiya sa mga kapitbahay. Proud ako na makita ng mga ito na naglalakad kasama ang 'kasintahan' ko.
"Luna, iyan ba iyong tatay mo?" tanong sa akin ng tindera sa mini store na madalas kong bilhan kasama ang kaibigan kong si Verry.
Binalak bitiwan ni Dimas ang kamay ko, pero hinigpitan ko ang hawak ko roon.
"Hindi ko po tatay si Dimas, nobyo ko po siya."
"Ngek! Ang tanda naman niyan. Wala na bang lalaki---"
"Baka nga po'y nagkakaubusan na. Ako'y nakipagnobyo sa matanda, tapos ikaw po'y nakipagrelasyon sa kapatid ng asawa mo." Napasinghap ang ginang sa gulat. Si Dimas ay hinila na ako palayo sa tindahan hindi man lang binigyan nang pagkakataon iyong ale na naka-rebut.
"Hindi mo na sila dapat pang patulan." Seryosong ani ng nobyo ko.
"Tsk. Hindi ako mananahimik. Wala silang karapatan na pagsalitaan ka. Ipagtatanggol kita." Bumuntonghininga ang lalaki.
"Kaya mahal kita, eh. Sa lahat ng mga nakilala kong babae... ikaw lang iyong iniisip na ipagtanggol ako. Pero Luna... kaya ko ring ipagtanggol ka."
"Alam ko." Mas lalong lumawak ang ngiti ko. "Kaya hindi rin ako takot na mag-take risk kasi alam kong hindi mo ako pababayaan, Dimas."
Nang titigan ko ito ay mas lalo akong napangiti. Alam kong worth it itong pinapasok ko.
Sobrang gentleman kaya nito. Kaya kahit ayaw nila Lola at ng mga kapitbahay kong tsismosa... ilalaban ko ito.
--
"SI ANTE LUNA naglalaro na naman ng ganda-gandahan." Pasaring ni Verry na kadarating lang. Inabutan ako nitong umikot-ikot pa habang hawak ang bulaklak na ipinadala ng nobyo ko sa akin.
"Verry!" excited na lumapit ako sa tarangkahan at pinagbuksan ito ng gate. "Pasok ka." Pumasok naman ito pero ang tingin ay masama. "Oh, ganyan na naman ang tingin mo. Ano ka ba? Ilang buwan na kaming magkasama ni Dimas. Hindi mo pa rin tanggap?"
"Hindi, Luna. Kahit kailan ay hindi ko matatanggap. Hindi ko talaga ramdam na sincere iyang lalaking iyan sa 'yo. Pakiramdam ko'y may motibo---"
"Mayroon. Ang motibo niya ay pasayahin ako't mahalin. Huwag ka nang mag-isip ng negatibo. Simula no'ng natuto akong humarot at magnobyo ay ngayon ko lang naramdaman na sobra akong espesyal."
"Espesyal ka sa aming lahat, Luna---"
"Majojowa ba kita?" angat ang kilay na tanong ko rito.
"Hindi---"
"Jowa ang hanap ko, Verry."
"Siraulo ka. Matatauhan ka rin, Luna. Sana lang ay hindi mo pa naibibigay ang kepyas mo---"
"Hoy! Sobra ka! Siyempre hindi pa. Gentleman si Dimas, Verry. Hawak nga lang sa kamay at kiss sa pisngi. Hindi pa niya ako kiniss sa lips. Saka hindi rin namin iyon magagawa rito dahil bantay sarado kami nila lola."
"Aba'y sa tono mo'y parang may panghihinayang ka."
"Wala. Saka na ang kiss kapag kasal na kami."
"Kasal? Hoy!" nalokang bulalas nito sa akin.
"Napag-uusapan na namin. Verry, seryoso kasi kami talaga sa relasyon namin."
"Girl, hindi ka ba namaligno? Baka naman kailangan nating lumapit sa mangtatawas."
"Hindi, Verry. Ikaw kasi. Ayaw mong bigyan ng chance si Dimas. Try mo kayang kilalanin para hindi mo jina-judge. Ang buti no'n taong iyon. Mahal na mahal ako." Umirap ito.
"Masama talaga ang kutob ko diyan. Ang pangit niyang bulaklak mo. Pampatay." Nakasimangot na ipinalo ko iyon sa braso nito.
"Ang bad mo talaga, Verry."
"Tsk. Tambay na lang tayo sa park. Hindi na kita nakakasama. Puro ka kasi Dimas."
"Itatabi ko lang sa loob. Tapos magpapaalam ako kina Lola at siyempre pati sa nobyo ko." Doon sa huling sinabi ko'y para pa itong nandiri. "Ang arte mo, Verry. Kainis ka." Saka ko siya tinalikuran at dali-daling pumasok para magpaalam.
Pumayag naman sila. Mas madali pang pumayag dahil best friend ko ang kasama ko. Samantalang kay Dimas ay madalas ang date namin ay rito lang sa bahay. Tapos nakabantay sila lola. Ito namang si Dimas kahit sa bahay lang ay masaya na. Mag-effort pa, to the point na rito na lang sa bakuran nagpapa-set up ng table para lang makapag-dinner date kami nito.
Nag-text lang din ako kay Dimas na may lakad ako.
"Mahal, aalis kami ni Verry. Pupunta kami sa park." Paalam ko sa lalaki. Ngayon ay nasa siyudad ito dahil sa trabaho niya. Hindi ko nga ine-expect na agad itong magre-reply sa akin, eh.
"Mahal, ingat kayo. Message me kapag nandoon na kayo. Message me rin kapag nakauwi ka na para mapanatag ako."
"Sige, see you soon. I love you." Kinikilig pang in-send ko iyon. Saka ako lumabas.
"Kilig na kilig. Maihi ka d'yan."
"Tara na, Verry. Huwag mo na lang problemahin ang love life ko kasi masaya naman ako." Naglakad lang kami, hindi naman kasi iyon kalayuan. Dalawang Kanto lang at sa duration ng lakad namin ay mahigit isang daan na ang nasiraan nito.
Pagdating sa park ay agad ako nitong niyaya sa paborito nitong pwesto. Pero bago iyon ay niyaya ko munang bumili ng siomai.
Pagkatapos naming mamili ay pumwesto na kami nito.
"Bakit nga pala hindi ka na nagsisimba, Luna?" tanong ni Verry sa akin.
"Bakit pa ako magsisimba? Iyong mga tao roon ay puro husga." Napairap na ani ko. No'ng huling simba ko'y isinama ba naman ako sa topic ng mga makadiyos doon. "Tinalo pa nila ang Diyos sa mga panghuhusga nila, eh. Wala naman kaming ginagawang masama ng nobyo ko. Nagmamahalan lang kami. Wala kaming inapakang tao."
"Well, ako naman ay inis na inis ako sa desisyon mo. Sa taong pinili mo. Pero below the belt nga iyong mga sinabi nila---"
"Below the belt ka rin naman, pero sanay na ako sa iyo. I mean nasasabi mo sa akin ang mga iyon ay dahil concern ka. Pero iyong mga matatandang iyon na akala mo'y very entitled kasi mga matatanda na sila. Bwisit talaga ako sa kanila. Kaysa magkasala pa ako ay iwas muna ako sa pagpunta roon."
"Mahal mo talaga." Parang ang bigat pa ritong tanggapin iyon.
"Mahal ko, Verry. Tapos nararamdaman ko ring mahal na mahal niya ako."
"Wala na talaga. Masyado ka nang hulog na hulog." Para itong natalo sa lotto.
"Hindi ako takot na mahulog, Verry. Alam mo kung bakit? Kasi alam kong sasaluhin ako ng nobyo ko." Proud na ani ko.
"Paano iyong anak ng nobyo mo? Baka mas matanda pa sa 'yo iyon."
"Matanda nga. 30 na siya."
"Potik. Kapag nagkatuluyan kayo eh may stepson kang mas matanda pa sa 'yo." Tinawanan ko lang ito.
"Mas okay na siguro iyon. Mas malawak na ang pang-unawa ng gano'n."
"Paano kung ayaw sa 'yo?" natigilan ako't napaisip.