1

1105 Words
"Governor Tiago, mali ito. B-aka mahuli tayo ng asawa ko." Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Paano kung abutan kami ng ama nito at makita kami sa ganitong ayos? "Relax, Luna Magdaline!" bulong ng gobernador na nakapatong sa akin. Chapter One "Hoy, Luna!" tawag ng kaibigan kong si Verry sa akin. Nagwawalis ako sa bakuran namin nang mapadaan ito. Itinigil ko ang pagwawalis, kinuha ang panyong nakasabit sa balikat. Habang papalapit dito ay pinupunasan ko ang pawis. Hindi kailangan buksan ang tarangkahan dahil hanggang bewang ko lang iyon. "Bakit, Verry?" takang ani ko sa babae na bakas sa mukha ang inis. For sure hindi iyon dahil sa akin. "Pinag-uusapan ka na naman sa kanto." Pinandilatan pa ako nito ng mata. "Oh, ano namang bago roon? Lagi naman nila akong pulutan sa usapan nila. Ako nga ang agahan, tanghalian, merienda, at hapunan nila. Hindi na iyon bago sa akin, Verry." "Mukhang proud ka pa!" "Eh, at least may pinagkakabisihan sila. Hayaan mo na. Huwag ka nang mayamot." "Nakakainis kasi. Sinasabi nilang nakita raw nila iyong matandang dayo na pumunta rito sa inyo. May dalawang bulaklak." "Si Dimas? Ano namang problema nila roon? Nanliligaw sa akin si Dimas. Natural lang na rito n'ya ako ligawan sa bahay. Kaysa naman sa gilid ng kalsada. Sa Kanto. Sa karinderya." "Luna, Diyos ko ka! Ang tanda na no'n. Trenta ang agwat ng edad n'yo. Ano ka ba naman! Hindi naman kayo naghihirap. Maayos naman ang buhay n'yo rito sa San Ildefonso. Bakit naman sa matanda pa, Luna?" "Hindi naman mukhang matanda si Dimas. Ang gwapo kaya n'ya. Mabait pa. Marunong rumespeto sa mga nakatatanda." "Gaga, ilang taon lang ang agwat ng edad ni Lolo Dimas sa mga Lola mo. Mag-isip ka naman. Halos magkakaedad na sila. Lolo mo na siya, Luna." Parang gusto na ako nitong batukan para lang ipagdiinan sa akin ang katotohanan na hindi naman namin mababago ni Dimas. "Verry, age doesn't matter. Eh sa lalaking iyon ko nakita ang ideal guy ko, eh." Depensa ko rito. Expected ko naman ng maraming mapapaangat ng kilay sa ginawa kong pagpayag na ligawan ako ng isang matandang lalaki na single. Pero hindi naman iyong mga mapanghusgang tao ang magpapasaya sa akin. "Naloloka ako sa 'yo, Luna Magdaline Madrinale. Ang ganda-ganda mo. Ang bata-bata mo pa. Ang dami mo pang pwedeng maabot sa buhay. Marami ka pang pwedeng makilala na hindi nalalayo ang edad sa 'yo. Bakit sa isang fifty years old pa?" himutok nito. "Dahil mabait siya, Verry. Kung nais mo siyang makilala ay pumunta ka rito mamayang hapon. Dito siya maghahapunan." Hindi nagpaapekto sa mga salita nito, nakuha ko pa itong imbitahan. "Hindi. Ayaw ko. Bahala ka d'yan. Naiinis ako sa 'yo, Luna. Sa lahat ng pwedeng patulan ay sa matanda pa talaga." Inirapan ako nito. Saka siya naglakad paalis. "Verry, I love you. Ikaw lang ang kaibigan ko. Sana dumating ang time na matanggap mo ang desisyon ko." Napahinto ito sa paglalakad. Saka tumingin sa akin. "Hindi! Hindi ko matatanggap na ang kaibigan ko ay magkaka-jowa ng senior citizen." Napahagikhik ako sa narinig. Alam ko namang nag-aalala lang ito. Pero bente na ako, nakatatlong boyfriend na. Lahat sila ay niloko lang ako. Kaedad ko lang ang mga iyon, ha. Lahat sila ay manloloko, huling-huli ko pa sila sa akto. Nasa kaedad ko ang trauma, ngayong may isang single na lalaki na may malaking agwat ng edad na kumakatok sa puso ko ay sa tingin ko ay hindi naman masamang pagbuksan. Again, age doesn't matter. Nasa legal age naman na ako. Alam ko itong pinapasok ko. "Luna," dinig kong tawag ni Lola Teresita. Agad kong binalikan ang walis at ipinagpatuloy ang pagwawalis. Pagpapanggap na pagwawalis. "Nandyan ka lang pala. Sasama ka ba sa amin sa kapilya?" "Lola!" dali-daling binitiwan ang walis at lumapit dito. "Alam n'yo naman pong pupunta si Dimas dito." Nanulis pa ang labi ko. Nagpapa-cute sa matanda. "Dimas? Lolo Dimas, Luna. Bastos ang hindi paggalang. Saka sumama ka na sa amin. Ipapadasal kita kay father. Baka sinasapian ka." "Lola Teresita," inabot ko ang kamay ng matanda. "Please po, pupunta po si Dimas mamaya at dito maghahapunan. Aakyat po ng ligaw." "Aba'y kung isa sa amin nila Conching at Felipa ang liligawan ay pwede. Hindi naglalayo ang agwat ng edad. Pero kung ikaw... hindi pwede." "Lola, please!" naiiyak na ako. Kapag sa mga Lola ko ay iyakin talaga ako. "Hindi, Luna. Hindi mo kami madadaan sa drama mong iyan. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa 'yo kung papatol ka sa matanda?" "Wala po akong pakialam sa kanila. Mabuti pong tao si Dimas, Lola. Hindi ko po ramdam ang agwat ng edad namin sa tuwing nagkakausap kami. Iyong mga past boyfriends ko po ay niloko lang ako. Kaedad ko po ang mga iyon. Ang sakit-sakit pagdaanan no'n, Lola. Baka po hindi talaga ako para sa mga kaedad ko. Baka po sa may edad ng lalaki ay sumaya ako." "Luna, hindi ka naman namin minamadaling magnobyo o mag-asawa. Makakahanap ka pa ng iba---" "Si Dimas po ang gusto ko, Lola." Parang sumakit ata ang ulo nito dahil seryoso kong sinabi iyon. "Hindi po ako sasama sa simbahan. Dito lang po ako kasi darating siya mamaya." "Lintik kang bata ka! Walang magsisimba!" saka ito pumasok na sa bahay. Malawak ang ngiting sumunod ako rito. "Huwag na raw po tayong mag-abalang magluto. Magdadala raw po siya ng pagkain dito, Lola." Inirapan ako ng tatlong matanda pagdating sa kusina. Pare-parehong masama ang loob nila na nagpapaligaw ako sa lalaking ilang taon lang ang agwat sa kanila. "Sayang." Dinig kong ani ni Lola Conching. "Mga Lola... balak ko na rin po siyang sagutin mamaya." Nabitiwan ni Lola Felipa ang hawak n'yang baso. Tumama iyong sa lababo. Bahagyang nabasag. "Ako na po d'yan." Mabilis na prisinta ko. Excited ako. Kahit pa anong iutos nila sa akin ay gagawin ko. "Luna, baka magbago pa ang isip mo. Hindi ba't plano mong mag-masteral. Unahin mo muna iyon, apo." "Pwede ko naman pong pagsabayan ang masteral at pag-ibig. Marunong naman po akong magbalanse ng mga bagay-bagay." "Apo, masyado kasing komplikado itong pinapasok mo." "Hindi naman po ito magiging big deal kung kaedad ko, tama po? Pero dahil malaki po ang pagitan ng edad namin ay big deal na big deal. Gusto ko po si Dimas, mga Lola ko. Mabuting tao po siya." Hindi na sila kumibo. "Maliligo na muna po ako. Ano po bang magandang isuot ngayon? Bestida po ba o blouse?" "School uniform, Luna. Tutal bata ka pa naman." Napangiwi ako. Bente na ako. Legal ng umibig sa taong napupusuan ko. Gusto ko si Dimas. Sa tingin ko'y wala na itong katulad pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD