11

1692 Words
Chapter Eleven "Pakiramdam ko'y may malaki kang galit sa ama mo. Ang sama ng tingin mo sa kanya. Hindi mo makita iyong kabutihan na nakikita ko sa kanya." Dumating na ang pagkain na iniutos nito sa mayordoma na ihanda. Tumulong din si Governor Tiago sa paghahanda no'n. "Masyado ka pang bata kaya siguro hindi mo makita kung ano iyong totoong kabaitan. Hindi mabait ang ama ko, Luna. If you want pwede kitang tulungan para mahiwalay ka sa kanya." Nagsimula akong kumain. Ang sarap ng ulam na beef steak. Parang natutunaw sa bibig ko iyon. Napapikit pa ako lalo't masarap talaga ang pagkaing nakahain na ngayon sa mesa rito sa kubo. "Hindi ko kailangan ng tulong mo. Obvious namang gusto mo lang kaming maghiwalay ng dad mo." "At hindi rin ako titigil hanggang sa makumbinsi kita. Hindi ko kailangan ng stepmom. Hindi kailangan ng aking ama ng batang asawa---" "What if hindi nalalayo ang edad ko sa ama mo? Aayaw ka pa rin ba sa akin?" curious na tanong ko rito. Napatitig ito sa mga mata ko. Hindi ako nag-iwas ng tingin kahit na pakiramdam ko'y natutunaw na ako sa titig nito. "Of course not! Kung doon masaya ang ama ko---" "Anong klaseng utak iyan, Governor Tiago? At sa mas batang babae na katulad ko ay hindi sasaya ang ama mo?" ani ko na napapantastikahan sa reasoning ng lalaki. "Yes." Bobo. Iyon ang salitang naghumiyaw sa utak ko pero mabuti na lang at nanatili na lang iyon sa utak ko at hindi na lumabas sa bibig ko. "Hindi mo mahal si dad. Pera lang ang kailangan mo sa kanya. Magandang buhay. Marangyang buhay." Nakakawalang ganang kumain dahil sa mga salitang binibitiwan nito. Akala ata niya ay cool iyong mga sinasabi n'ya. Nakakadurog nang pagkatao. Nakakadurog ng self confidence. "Sarado nga talaga ang isip mo. Bahala ka." Itinikom ko na ang bibig ko. Bumuka na lang iyon no'ng ipagpatuloy ko ang pagkain ko. Ang hirap ilunok ng pagkain lalo't habang nakatitig ito ay pakiramdam ko'y hinuhusgahan pa rin niya ako. "Ilang lalaki na ang naloko mo, Luna Magdaline?" that's it. Ayaw ko nang kumain. Hindi naman ata nito balak na bigyan ako nang matiwasay na pagkakataon na makakain. "Ilang lalaki?" parang ang pait naman no'n. "Yes." "Kung ilan ang naiisip mo ay i-go mo na iyan, Governor Tiago. Tutal naman ay nahusgahan mo na ako mula ulo hanggang talampakan---" "Ma'am at Governor Tiago, excuse me po." Kawawa iyong kasambahay na dumating. Pareho kasi naming sinamaan ng tingin kahit na wala namang masamang ginawa sa amin. "N-autusan lang po ako. Pinabibigay po ni Sir Dimas kay Ma'am Luna." Kay Governor Tiago iniabot iyon dahil siya ang mas malapit sa kinatatayuan ng kasambahay. Umalis din agad ang kasambahay. Habang si Governor Tiago ay matalim na matalim ang tingin sa regalong ipinadala ni Dimas. Initsa n'ya iyon sa gilid ng table. Ako naman ay nanginginig ang kamay na dinampot iyon at binuksan. May idea na ako lalo na sa klase ng kahon. Pagbukas ko ay mariin akong napapikit. Hindi dahil nakakasilaw ang alahas na naroon. Kung 'di iyong idea na tiyak na pumasok sa utak nito. "D'yan pa lang ay marami ng tama sa mga sinabi ko." Nang marinig ko iyon ay initsa ko rin iyon pabalik dito. "Sa 'yo na." Inangatan ako nito ng kilay. "Sa akin na dahil na witness ko ang isa sa way mo nang panghuhuthut sa ama ko?" ani nito. Puno ng kasarkastikuhan. "Sa 'yo na dahil hindi ko naman iyan gusto. Hindi ko hiningi sa ama mo iyan. Hindi ako maluhong tao, Governor Tiago. Ayaw ko sa mga fancy clothes, sa mga mamahaling alahas, sa mga pagkaing puro dahon lang, ayaw ko nang pangmayamang buhay. Pero nagsusuot ako ng mga gano'n damit dahil sa daddy mo. Nagsusuot ako ng mga alahas na ganyan kamahal kasi gusto ng daddy mo. Mas prefer ko ang simpleng kwintas na ginto, hikaw na ginto, iyong simple at mura lang. Pinipilit ko lang ding kainin ang mga dahon-dahon na iyan dahil iyon ang gusto n'ya. Alam mo kung bakit ko ginagawa iyon? Kasi mahal ko siya. Gusto kong i-please siya. Pero ilang araw pa lang ako rito ay nahihirapan na ako dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako iyong binubuo niya. Hindi ako gano'n klase ng tao. Ayaw ko ng sasakyan kasi kaya kong mag-commute. Ayaw kong walang ginagawa kasi sanay akong kumilos kahit nasa bahay lang ako---" "Stop the drama... may paraan ka naman para matigil na iyang ganyang sitwasyon mo. Iwan mo siya." "D'yan ka magaling. Ang sabihing iwan ko siya. Siguro'y hindi mo pa naranasan ang umibig. Pero sana nga'y hindi mo maranasan. Kawawa iyong babaeng mamahalin mo---" "At paano mo nasabi?" "Dahil masama ang ugali mo. Gwapo ka katulad ng ama mo pero basura ang ugali mo." Tumalim ang tingin nito sa akin. "Kung hindi ka titigil sa ginagawa mong paninira sa amin... isusumpa talaga kita na kapag nagmahal ka ay iwan ka ng babaeng iibigin mo. Tipong hindi siya magpakita sa 'yo kahit na halughugin mo ang buong mundo. Ang pangit ng ugali mo. Gobernador ka pa man din." "Damn you, bata!" ani ng lalaki. "Damn you? Aba'y tangina ka. Kung hindi ka lang kamukha ng ama mo ay iisipin kong hindi ka niya anak. Ang sama mo." Napatulala ito. Hindi ko alam kung dahil sa sinabi kong baka hindi siya anak ni Dimas o dahil sa malutong kong mura. Tsk. Alangan namang siya lang ang pwedeng magsabi ng bad words. Muli ko siyang sinamaan ng tingin. Bago ko siya nilayasan. Parang hindi si Dimas ang magiging dahilan nang pagsuko ko sa ganitong set-up. Parang si Governor Tiago iyon. Kalalaking tao ay sobra kung makapagsalita. Akala ba talaga niya ay kagusto-gusto ang kayamanan nila? Baka nga mas mayaman pa iyong tatay ko kaysa sa kanila, eh. Sa kalalakad ko ay natawid ko na iyong kabilang lupain. Humihikbi pa rin ako. Hanggang sa may sumitsit sa akin. Paglingon ko sa kubo ay may nakita akong bata at isang babaeng sa tingin ko ay kaedad ko lang. "Hello po, bakit ka po umiiyak?" inosenteng tanong ng batang babae. Mabilis ko namang pinunasan ang luha ko. Lumapit ang bata, hinawakan ang kamay ko, at iginiya niya ako patungo sa Kubo. "Okay ka lang po ba?" tanong ng babaeng kasama ng bata sa kubo. "Ah, oo! Okay lang." Sakto namang umulan ulit. "Upo ka muna rito." Yaya ng babae. Iyong bata naman ay nagpatuloy sa pagsusulat. "Ako si Vicky at siya naman si Via." Turo nito sa bata. "Hello po." Bati ng bata pero muling ibinalik ang atensyon sa sinusulat niya. "Sa kabila ka galing?" ani ni Vicky. "Yes. Ako si Luna Magdaline." "OMG! Ikaw iyong wifey ng kapatid ni papa?" ani nito. Kapatid ng papa n'ya? "Anak ka ni Kuya Callo Luvier?" ani ko. "Oo. Papa ko si Callo Luvier. Okay ka lang ba, Luna? Bakit ka umiiyak?" "Ah, wala naman! May salbahing pangit lang kasi sa kabila." Tinitigan ako ng babae. "Ate, isumbong mo kay Manong Gov!" ani agad ng babae. Nanulis ang nguso ko. Isusumbong ko sa manong gov n'ya? Eh, iyong manong gov n'ya na iyon ang nang-away sa akin eh. Pero sabagay nga naman. Hindi nito maiisip na ang gobernador ang tinutukoy ko dahil sa salitang ginamit ko, 'salbahing pangit'. Dapat pala'y salbahi lang. Hindi papasang pangit iyong gobernador na iyon. Kamukhang-kamukha ni Dimas eh. Younger version lang. "May bad sa house ni Manong Gov?" tanong ni Via. "Ah, w-ala. Walang bad. Napuwing lang ako." Mabilis na tanggi ko kay Via. Tumango naman ito na waring naniwala. Umupo naman sa tabi ko si Vicky. "Kapag may nang-away sa 'yo d'yan ay isumbong mo kay Ate Vee ko. Matapang iyon. Palaban." "Vee?" "Yes, sister ko. Pero bakit ka umiyak? Sorry sa pagiging tsismosa." "Ah, hayaan na lang natin." Baka kapag sinabi ko rito ang dahilan ay mas lalong hindi matuwa si Governor Tiago sa akin. Ang pangit-pangit na nga ng tingin nito sa akin ay baka masabihan pa ng sumbungera at sipsip. Kotang-kota na siya. "Kung wala kang magawa sa kabila ay pwede kang pumasyal dito. Dito kami madalas sa kubo. Dito kami gumagawa ng assignment ni Via. Tambay ka rito tuwing hapon." Mukha namang mabait si Vicky kaya naman agad akong tumango. Mas lalong lumakas ang ulan. Mas lalo ring hindi ko naisip na bumalik sa kabila. Nang nagyaya si Via na bumalik na raw sa mansion ay nagpaiwan na ako sa kanila. Nag-stay ako rito hanggang dumilim na. "Bitch." Nakayukyok ako sa mesa nang marinig ko iyon. Agad akong nag-angat nang tingin at hinanap ang taong nagsalita roon. "Nananadya ka ba? Hindi mo ba naisip na gabi na---" tumayo ako. Nakita kong nakapayong siya at may bitbit pa siyang isa pang payong. Pero imbes na kunin iyon ay nilagpasan ko siya. "Bata!" ani nito na waring nagulat dahil tuloy-tuloy akong naglakad kahit pa umuulan at nababasa na ako. Hindi ko siya pinansin. "Luna Magdaline!" pero parang bingi na tuloy pa rin ako sa paglalakad. Malakas ang alon, malakas ang buhos ng ulan, at malakas din ang tinig ni Governor Tiago. Pero wala akong pakialam sa kahit isa sa mga iyon. Bahala siya. Humabol ito at sinubukan niya akong payungan pero hinawi ko lang iyon at mas binilisan ko pa ang paglalakad. "Iyan ang nagustuhan ng ama ko sa 'yo?" napahinto ako sa paglalakad. Kahit mukha ko'y basang-basa na. "Iyan ba ang nagustuhan ni dad? Isip bata? Nagmamaktol pa sa ulanan." Hinarap ko ito. "Tapos ka na? May sasabihin ka pa ba?" "Inuubos mo ang pasensya ko, Luna Magdaline." "Ubos na agad? Kaunti na lang ba? Come on, matagal pa ako rito. Kung saan ang dad mo ay roon din ako. Kawawa ka naman pala kung gahibla lang ang pasensya mo. Magdasal ka ng marami, Governor Tiago. Baka ma-highblood ka na n'yan, eh." "Woman." Naglapat nang mariin ang labi nito na parang galit na galit sa akin. Pero ngumisi lang ako saka muli ko siyang tinalikuran. Wala ba siyang tauhan na pwedeng maghatid ng payong? Bakit siya pa? Oh, sinadya niyang siya ang maghatid ng payong para mainsulto na naman niya ako? Ah, baka nga iyon ang dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD