Enjoy reading!
Allianah's PoV,
PAGKAGISING ko kinaumagahan ay agad akong naligo at nagbihis na. Remember susunduin na raw ako ngayon. Bwesit talaga. Kaya 'yong mga gamit ko, ayon ine-impake na ni manang Ghie. Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon.
"Pasok,"sagot ko.
"Sweetie, mamimiss ka namin ng daddy mo," si mommy talaga kahit kailan iyakin.
"Mom, ako din po mamimiss ko kayo ni daddy." Sagot ko tsaka niyakap ko sila.
"Basta anak kapag sinaktan ka nila roon sabihin mo samin," si mommy. Tumango lang ako.
Maya-maya pa ay may narinig na kaming mga sasakyan sa baba. Siguro sila na 'yon. Pwede pa bang umatras? Gusto kong magtago. Gusto kong tumakbo palayo. Hindi ko talaga inaasahan na ikakasal ako sa murang edad ko. Pero wala akong magagawa. Ayaw ko namang makulong ang daddy ko kaya kahit ayaw ko ay kakayanin. Bumaba na kami dala ang isang maletang mga gamit ko. Pagkababa namin naroon na si Estranghero.
Hinatid ako ni mommy at daddy hanggang sa gate namin. Nagpaalam na ako sa kanila at sumakay na sa kotse. Tiningnan ko siya saglit. Naka grey shirt siya at naka pantalon. May suot din siyang shade. Ngayon ko lang napansin ang gwapo niya. At doon ko naalala 'yong nag chat sa 'kin noong nakaraang araw. Siya ba si Ezekiel Saavedra?
Ngunit ang hindi ko inaasahan ay nang bigla siyang lumapit sa 'kin. Damn! Ang lapit ng mukha niya. Hahalikan niya ba ako? Napapikit na lang ako. Pero may narinig akong naglock! Pagmulat ko ay malayo na ang mukha niya sa 'kin.
"Huwag masyadong atat, wife. Aabot din tayo sa halik na 'yan." Namula ako sa sinabi niya. Nakakahiya!
"H-hoy! Asa ka naman!" Sagot ko. Tumawa lang siya at pinaandar na ang sasakyan. Habang nagba-byahe kami ay sa labas lang ako nakatingin. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa kaniya. Siguro dahil hindi ko pa siya kilala.
"Bakit ang tahimik mo?" Napatingin ako sa kaniya nang magsalita siya. Hindi ko pa rin siya pinapansin.
"By the way, my name is Ezekiel Saavedra." Pagpapakilala niya. Tama nga ako. Siya 'yong nag chat sa 'kin. Pero nakakapagtaka kung bakit niya ako kilala noon pa. Habang ako kahapon ko lang siya nakilala. Nakakapagtataka.
-———
Pagkaraan ay huminto kami sa isang bahay. Wait, isang mansion! Lumabas na ako ng kotse. Ang ganda ng mansion nila. Gaano ba kayaman ang mga Saavedra? Hindi ko inaasahan ang ganitong bahay.
"Let's go," sabi niya at hinila ako papasok sa loob ng mansion. Sinalubong kami ng isang matandang babae. Binati niya kami. Pero napatingin kami sa hagdan nang may magsalita.
"Iha, welcome to Saavedra Family," ang mommy niya.
"Thank you po, Tita," nahihiya kong sagot.
"Call me Mommy, iha," nakangiti niyang sabi.
"Ok po.....Mom," nahihiya kong sabi.
"Hello, my soon to be sister-in-law!" Napatingin naman ako sa likod ng mommy niya. Isang babae rin na sa tingin ko ay kasing edad ko lang din. Ang ganda niya. Ang kinis ng balat. Artistahin.
"Hello po," bati ko rin.
"No, no! Call me ate Zelly," kahit nahihiya ay tumango na lang ako.
"Manang Tess, pakihatid po si Allianah sa kwarto ko." Utos ni Ezekiel sa medyo matandang babae na bumati sa amin kanina. Tumango lang si Manang at naglakad na kami papunta sa taas. May pupuntahan pa raw kasi si Ezekiel. Nakasunod lang ako kay Manang hanggang sa huminto kami sa isang pinto. Binuksan niya ito.
"Pasok na po kayo Ma'am," magalang na sabi niya.
"Salamat po," sabi ko at ngumiti. Tumango lang siya. Pumasok na ako sa loob ng kwarto. Ang ganda sa loob. Black and white ang kulay. Halatang panglalaki talaga ang kwarto. May isang king size bed. At mayroon din sariling banyo.
Umupo ako sa malapad at malambot na kama. Inilibot ko ang paningin ko sa loob. Maraming mga bookshelf at puno lahat ng mga libro. Nabasa niya na ba lahat ito? May nakita rin akong mga picture frame sa isang table. Dalawa lang pala silang magkapatid. At sa isang picture naman ay ang mommy at daddy niya. Napakunot naman ang noo ko sa isang picture frame. May kasama siyang isang babae. Ang sweet nilang dalawa sa picture. At dito ko lang nakita na ngumiti si Ezekiel. Hindi ko pa kasi siya nakikita na ngumingiti. Sino kaya ang babaeng ito? Siya pa lang ang nakita ko na nagpangiti kay Ezekiel.
©Miss_Terious02