Chapter 3

836 Words
Enjoy reading! Allianah's PoV, Nagising ako dahil ang ingay nang alarm clock ko. Kaya agad na akong bumangon at ginawa ko na 'yong dapat kong gawin. Pagkatapos ay bumaba na ako at kumain sa kusina. Naroon na sina mom at dad kumakain at mukhang ako na lang ang hinihintay nila. "Good morning po mom, dad." Masaya kong bati sa kanila. "Good morning din sweetie/princess." Bati rin nila sa 'kin. Kumuha na ako ng plato at nagsalin ng kanin at ulam. Nahahalata ko kay daddy na may mabigat siyang problema. Ayaw niya naman kasing sabihin sa 'kin. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa nagsalita si mommy. "Sweetie how's your school?" Mom asked. "Ok naman po mommy. Mataas naman po ang grades ko." Sagot ko. "Thats my girl." Sad said. Ngumiti lang ako sa kanila. Pagkatapos kong kumain ay umalis na ako papunta sa school. Pagdating ko sa school ay naroon na ang dalawa kong kaibigan. Nagku-kwentuhan kaming tatlo ng kung ano-ano. Hinanap ko naman si Ivan pero parang wala siya. Maya-maya ay dumating na 'yong english teacher namin. Naku! Ang sungit pa naman ni Mrs. Santos. Pag wala kang assignment at project sa kaniya ay mag squat ka ng 300. "Ok goodmorning class," bati ni Mrs. Santos. "Good morning Mrs. Santos," kaming lahat. "Ok, ilabas niyo na ang inyong mga assignment. Ang wala, ay pumunta sa likod at mag squat ng 300!" Mabuti at may assignment ako. Pagkatapos naming mag-check ng assignment ay nag discuss na si Mrs. Santos. Nakikinig lang ako kay ma'am hanggang sa.... "Ok class dissmis," sabi ni Mrs. Santos. Inayos niya na 'yong gamit niya at lumabas na ng room. Narinig ko naman na tumunog ang bell hudyat na recess na namin. Gutom na ako at nagrereklamo na 'yong alaga ko sa tiyan. Pero joke lang. Agad na kaming pumunta sa canteen para bumili. Pagkatapos ay bumalik na agad kami sa room namin. Pagkatapos ng klase namin ay umuwi na kami. Pagkarating ko sa bahay ay umakyat agad ako sa kwarto ko. Wala pa kasi sina mom at dad. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nagbihis ako at nag open ng f*******: account ko. Pagka-open ko ay may isang chat. Sino kaya 'to? Tiningnan ko kung sino siya. Ezekiel Saavedra? Binasa ko kung ano ang sinend niya sa'kin. "See you tomorrow sweetheart" Ano raw? Sino ba 'to? Kung ano-ano mga sinasabi. Pero naalala ko yung lalaki kahapon sa school. Tinawag niya rin akong 'Sweetheart'. Siya kaya 'to? Bahala nga siya. Baka wrong send. Nag log out na ako pagkatapos. Then as usual natulog na lang ako. - Napasarap ang tulog ko. Syempre sabado ngayon walang pasok kaya walang istorbo sa pag de-dreaming ko kay Ivan my love. Hindi kasi siya pumasok kahapon kaya na miss ko na siya. Bumangon na ako at naghilamos at nag ayos para naman mag mukha akong tao. Pero maganda ako. Walang aangal. Pababa na ako ng hagdan nang makita kong may bisita sina mom at dad. Pero teka! Kilala ko 'yong isang lalaki. Siya 'yong estranghero na yumakap sa 'kin sa school. Kilala pala siya ni dad. Bakit siya narito? "Oh, siya na ba 'yan?" Tanong ng isang babae na katabi ng lalaki na yumakap sa 'kin. Siguro mommy niya 'yon. Ang ganda niya. Hindi halatang matanda na. "Yeah." Sagot naman ni mommy at tumingin sa 'kin at ngumiti. "Mr. Zach Saavedra, I want you to meet my daughter, Allianah." Dad said. Pinakilala niya ako sa isang lalaki. Siguro daddy 'yon ng estranghero. "What a beautiful name. Kasing ganda niya," sabi ng matanda na si Mr. Zack. "Mom, sino sila?" Takang tanong ko paglapit ko sa kanila. "Ah...eh sweetie ano," ano ba talaga ang nangyari? Bakit si mommy nauutal? "I'm your Husband now," singit naman ng lalaki na estranghero. At ngayon ko lang na realized ang sinabi niya. Husband? Asawa ko siya? Nananaginip ba ako? "What?" Napasigaw ako nang wala sa oras. Baliw nga yata siya. "Why are you shouting! Can't you hear me?" Inis na sabi sa 'kin ng lalaki. Psh! Sungit. "Sorry. Pero bakit? Pano, kailan, saan?" Sunod-sunod kong tanong. "Iha anak, kasi wala tayong pangbayad ng utang natin sa kanila. Request din kasi ni Zeke na gusto ka raw niyang pakasalan." No! Ayaw ko! Hindi ko naman 'yan mahal. Tsaka bata pa ako para mag-asawa. Ngayon nga lang kami nagkakilala. "No! I don't want," matigas kong sagot. "You have no choice. Wether you like it or not, magpapakasal tayo. That's my command. And tomorrow I will back here to fetch you. Because you will live with me. Period. Lets go," pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na sila. Nakakainis siya. Grabe naman 'yon. Akala mo kung sino! Porket gwapo siya! "Iha im so sorry," dad said. Niyakap niya ako. Hindi ko kayang pigilan ang mga luha ko. Kusa na lang tumulo. "Daddy, it's so unfair, right?" Tanong ko habang umiiyak. "Its my fault princess. I'm sorry," si daddy habang pinupunasan niya ang mga luha ko. "It's ok dad. Para po ito sa inyo. Dahil mahal ko po kayo ni mommy." Sagot ko at niyakap silang dalawa. Wala naman akong ibang choice 'di ba? Kahit gustuhin ko man na hindi makasal, ay roon pa rin ang punta ko. ©Miss_Terious02
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD