Chapter 5

719 Words
Enjoy reading! Ezekiel's PoV, Hi Im Ezekiel Saavedra. Twenty years old. My father is Business man. Marami kaming Business in other country. At isa kami sa pinaka-mayamang tao sa buong mundo. By the way, I'm here in the bar. Kasama ko 'yong dalawa kong kaibigan. Sina Brent at Paul. Pagkatapos ko kasing ihatid si Allianah sa mansion ay pumunta ako rito sa bar. Mahal ko si Allianah. Simula noong una ko siyang nakita dahil Birthday noon ni Dad. She's pretty in her blue dress that night. Kaya nang malaman kong may utang ang parents niya kay Dad ay sinabihan ko kaagad si Daddy na gusto kong magpakasal sa anak ni Mr. Hovers kapalit ng utang nila. Alam ko naman kasi na hindi 'yon mababayaran ni Mr. Hovers. Kaya napagdesisyunan ko na magpakasal sa anak niya. Unang kita ko pa lang kay Allianah nang gabing 'yon ay sinabi ko na sa sarili ko na akin siya. Walang kahit na sino ang pwedeng umagaw sa babaeng mahal ko. Palagi ko siyang sinusundan simula sa bahay nila hanggang sa paaralan niya. "Bro, chicks." Sabi ni Paul sabay turo sa babaeng papunta sa amin. "I don't care." Malamig kong sagot sa kaniya. "Wow bro, loyal ka na pala kay Allianah ngayon?" Si Brent. Yeah, I'm loyal to her. At alam din nila na gusto kong pakasalan si Allianah. Hindi ako nagtatago ng lihim sa dalawang 'to. "Shut up your f*cking mouth Brent." Inis kong sabi sa kaniya at tumayo na at lumabas na ng Bar. –—— Allianah's PoV, Hindi ako makatulog. Siguro namamahay ako. Kahit anong gawin ko hindi talaga ako makatulog. Kaya ang ginawa ko ay umupo na lang ako sa kama. Kumusta na kaya sina mom at dad? Miss ko na sila. Maya-maya ay napatingin  ako sa cellphone ko na hawak ko nang may nag text sa 'kin. Sino 'to? Bakit number lang nakalagay. From:09123456789 Hi, tulog ka na ba? Si Ivan 'to. OMG! Si Ivan nag text sa 'kin? Damn it! Gusto kong sumigaw sa kilig. Mag re-reply na sana ako nang biglang bumukas 'yong pinto. "Ay panget na demonyo!" Damn! Ano ba 'yan! Hindi ba uso sa kaniya ang kumatok? Nakakagulat naman. Papatayin niya ba ako sa gulat? Alam niyo kung sino 'yon? Walang iba kundi ang prinsipe ng mga impakto. Si Ezekiel. "Hoy, uso ang kumatok bago pumasok. Hindi 'yong nanggugulat ka." Bulyaw ko sa kaniya. Nakakainis ba naman. "Sorry, pero hindi uso sa 'kin ang kumatok." Sagot niya. At naglakad papunta sa closet. "Ano? Paano kung nagbibihis ako tapos bigla kang pumasok? Hindi mo ba naisip 'yon ha?" Inis kong tanong sa kaniya. "E 'di mas okay. Para wala ng sagabal," naka-ngiti niyang sagot. Iyonn bang ngiting may binabalak. Subukan niya lang talaga. At dahil sa sinabi niya bigla akong namula. Damn you, Ezekiel. Sana hindi niya mahalata. "Are you ready?" Tanong niya na naka-ngiti pa rin. Anong pinagsasabi nito? "A-anong ready ang p-pinagsasabi mo?" Tanong ko sa kaniya na nauutal pa. "For our first night," nakangiti niyang sagot. At bigla niyang hinubad anng T-shirt niya. My ghad! Pandesal! 'Yong mga muscle niya. Damn! At....at....at 'yong abs niya. Anl ba 'yan Allianah tigilan mo nga muna 'yang kalandian mo. "Are you done checking my abs?" Tanong niya sa 'kin habang may ngiti sa labi. s**t, 'yong laway ko tutulo na. Joke lang. Hindi ako ganon. "H-hoy hindi ah. Iba y-yong tinitingnan ko." Palusot ko. Ano ba 'yan nauutal ako. "Talaga? Kaya pala muntik ng tumulo ang laway mo," pang-aasar niyang sabi. Napahawak naman ako sa bibig ko. Wala namang laway. "Hindi ah. At pwede ba magsuot ka ng t- shirt mo," inis kong sabi sa kaniya. Nakakainis na. "Ayaw ko. Sanay ako matulog na walang damit kaya masanay ka na. At saka higit pa riyan ang makikita mo pag kasal na tayo," sabi niya sabay higa sa kama. At ano raw sabi niya? Higit pa raw roon ang makikita ko? Napaka manyak talaga nito. "Umalis ka nga rito sa kama. Doon ka sa couch." Sabi ko sabay turo sa couch. Aba! Ayaw kong katabi siya. Baka kung ano pang gawin niya sa 'kin. "This is OUR room honey. Kaya dapat magkatabi tayo matulog," at pinag-diinan pa talaga ang OUR! At ano raw sabi niya? Honey? Hindi na ako sumagot. Tumayo na lang ako at pumunta sa couch at doon matulog kasi ayaw ko talaga katabi siya. Nakakainis siya. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at 'di ko namalayan nakatulog na pala ako. ©Miss_Terious02
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD