PANGALAWA

3795 Words
Matapos umalis ni Lorenzo ay naisipan ni Richard na bumalik na lang sa kwarto, kung saan nagbabantay ang mga kapatid sa wala paring malay na si Komandante Manlangit. "Richard anak, ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo?" nag-aalalang bungad sa kanya ng mama nito bago pa makabalik sa kwarto si Richard. At bago pa makasagot ito'y mahigpit na yakap ang natanggap niya sa nagsisimula ng maging emosyonal na mama nito. "Mom, ayos lang ako." nahihiyang sagot nito sa kanyang mama na nakakuha ng pansin sa mga taong naroroon. Habang yakap-yakap parin nito ng kanyang mama ay humingi ito ng tulong sa kuyang si Erick na nagpipigil naman ng kanyang tawa. "No, hindi ka okay, mabuti pa sasamahan kitang magpatingin sa doktor at baka may sugat ka o anupaman, mabuti ng sigurado. Tignan mo na lang ang mga nangyari sa mga kasama mong sundalo, Dios kong mahabagin hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa'yo." balewala ng mama ni Richard sa sinabi niya at nag-uumpisa na naman sa labis na pag-aalala sa kanyang bunso. At dahil sa narinig sa kanilang mama ay minabuti na ni Erick ang tulungan ang kapatid na hindi na maipinta ang mukha dahil sa hiya. "Mom, okay lang si bunso. Kaya hindi na kailangan na ipatingin pa siya sa doktor dahil katatapos palang siyang matignan ni dok." pagsisinungaling ni Erick. "Sigurado ka Erick?" dudang tanong ni Aurora sa panganay na anak. "Siguradong-sigurado mom." Hindi na nagpumilit pa si Aurora at naniwala ito sa panganay na anak. "Kaya mom, halika na at samahan mo na lang akong bumalik sa kwarto ng Komandante namin at kaibigan nila kuya." pag-iiba ni Richard sa usapan at baka magbago pa ang isip ng mama nito at ipatingin pa siya sa doktor. "Mabuti pa nga, oo nga pala nagkita na ba kayo ng papa mo?" tanong nito sa anak. "Hindi pa mom, siguradong abala si papa sa pagbisita sa mga kasama naming sundalo." sagot ni Richard sa mama nito. "Mom pwede bang ikaw na muna ang bumalik sa kwarto ni baste at kakausapin ko lang si bunso." pakiusap ni Erick sa mama nila para makapag-usap silang dalawa ni Richard. "Sige anak." pagpayag ni Aurora sa panganay. "Richard pagkatapos niyong mag-usap ng kuya mo, tayo naman dalawa ang may pag-uusapan." baling nito sa bunsong anak bago pa iwan nito ang dalawa. Pag-alis ng mama nila ay napabuntong-hininga na lang si Richard. "Hahaha hindi ka pa nasanay kay mom bunso." natatawang saad ni Erick. "Oo nga pala bago ko pa makalimutan, kaya kita gustong makausap ay dahil kay Baste." "Anong tungkol sa kanya, kuya?" naguguluhang tanong ni Richard sa kapatid. "Napag-usapan namin kasi ng kuya Vince mo, na makakabuti kung sa atin muna tutuloy si Baste paglabas niya ng ospital. Ang mga magulang niya ay sa Amerika na nakatira at wala naman siyang ibang kamag-anak na titingin sa kanya habang nagpapagaling siya." paliwanag ni Erick sa kapatid. "Yun lang kuya? Okay lang naman sa akin kung sa atin siya tutuloy at hindi mo na kailangan pa na kausapin pa ako.." hindi na natuloy pang sabi ni Richard ng maisip na may iba pang gusto ang kapatid kaya siya nito kinausap. "May iba kapang gustong ipakiusap." kumpirma nito sa kapatid. "Hehe ganun nga bunso. Nakausap kasi namin kanina si dok at sinabi niya na ngayong araw din ay magkakamalay na si Baste at pagkagising niya ay may ilang tests pang gagawin sa kanya, kapag nakasigurong maayos na talaga siya ay maaari na rin siyang lumabas sa susunod na araw dito sa ospital. At dahil ang sabi ko nga sa'yo kanina, nagpaalam lang kami saglit ni Vince para madalaw si Baste, gusto ko sana na ikaw na muna ang bahala kay Baste hanggang sa makalabas siya ng ospital, makakaasa ba ako sa'yo bunso." mahabang paliwanag ni Erick sabay pakiusap sa kapatid. "Si-sige kuya, isa pa wala naman na akong magagawa. Si mama naman siguradong kukumbisihin si papa na sa opisina nalang muna ako sa mga susunod na mga araw." pagpayag ni Richard sa nais ng kapatid. "Sigurado, yun ang gagawin ni mama bunso. Isa pa kapag gumaling na si Baste, maraming maitutulong sa'yo ang mokong na 'yon, lalo na paghawak ng mga baril." "Oo nga kuya, magaling nga si Major Manlangit dahil hindi ko na mabilang kung ilan sa mga kalaban namin ang napatumba niya sa kasagsagan ng laban namin sa mga terorista." 'di mapigilang kwento ni Richard sa nakitang galing ni Major Manlangit. "Siya nga at sigurado akong hindi tatanggi 'yon kapag nagpaturo ka sa kanya." Matapos mag-usap ni Richard at Erick ay bumalik na ang dalawa sa kwarto ni Major Manlangit. ... Pag-uwi ni Lorenzo sa kanilang tirahan ay kaagad itong dumiretso sa likod bahay para maligo. Simple lang ang huhay na mayroon si Private Lorenzo Velasco. Ang mga magulang niya ay kapwa magsasaka sa kanilang baryo. Panganay siya sa tatlong magkakapatid, sa Edad na 22 ay tumutumulong ito sa kanyang mga magulang sa pag-papaaral sa dalawa nitong kapatid. Ang sumunod sa kanya na si Lorraine ay Grade 10 na, at ang bunso na si Lexter naman ay grade 6. Matapos mapuno ni Lorenzo ang timba ng tubig na galing sa poso ay naligo na ang sundalo. Ibayong ginhawa ang dulot sa kanyang katawan ng malamig na tubig na galing sa poso. Habang abala sa pagligo ang sundalo ay bumalik sa kanyang isipan ang naganap na pakikipaglaban nila sa mga terorista. Masasabi niya sa sarili na masaya siya sa napiling propesyon at ng sumagi sa isipan niya ang mukha ng kasamahang sundalo na si Private Richard Manalo ay sumilay ang ngiti sa kanyang mukha, pagkatapos nga nun ay minadali na nito ang pagligo at hindi na makapaghintay pa si Lorenzo na matawagan o kaya'y matext man lang ang kapwa sundalong pumukaw sa damdamin niya sa maikling panahon pa lang nilang magkakilala. ... Maingay na usapan ang bumungad kay Richard at Erick pagbalik nila sa kwarto ni Sebastian. Kitang-kita ni Richard sa guwapong mukha ng kanilang Komandante ang saya kahit pa kasalukuyan na nakahiga ito sa kama at puno ng mga benda dahil sa mga sugat na tinamo. Sandali naman natahimik si Vince at Sebastian sa pagpasok ng dalawa. "Ayos Baste, parang kani-kanilang ng dumating kami ni Vince para bisitahin ka, akala namin kukunin kana ni kamatayan." natatawang biro ni Erick sabay lapit at tapik nito sa balikat ng kaibigan. Napangiwi naman si Baste dahil sa bigat ng kamay ng kaibigan na tumapik sa kanya, kung saan pa naman may benda ito at alam niya na sinadya ng alaskador nitong kaibigan ang ginawa. "Ang yabang pa ng mokong kuya, ang sabi niya bago kayo pumasok, para daw paso lang pala ng sigarilyo ang natamo niya sa pagsabog ng bomba." sumbong ni Vince sa pagyayabang ni Baste. "Kung ganun pala, bumangon ka diyan at mag-sparring tayong dalawa." saad naman ni Erick. Sa nakitang pagbibiruan ng kanyang mga kuya at ni Sebastian ay tahimik lang na nakamasid si Richard sa tatlo. Samantalang si Baste naman ay panaka-nakang tinitignan ang lalakeng kasamang pumasok ng kaibigang si Erick kapag wala sa kanya ang mga mata ng lalaki. Sa nakitang mukha ng lalake ay napagtanto ni Sebastian na ito marahil ang bunsong kapatid ng mga kaibigan at kaagad naalala na isa ito sa mga nakasamang sundalo sa pakikipaglaban sa Maguindanao. Nang matuon ang pagtitig ni Sebastian kay Richard ay eksato naman na bumaling ang tingin nito sa kanya, kaya naman nagkasalubong ng tingin ang dalawa. Hindi alam ni Richard ang gagawin ng makita na nakapako sa kanya ang tingin ni Sebastian at bago pa magawa nitong umiwas ng tingin ay isang ngiti ang binitiwan sa kanya ng Komandante. Nang makita naman ni Erick ang pagtitig ni Sebastian sa kapatid. "Oo nga pala bok, baka sakaling hindi mo pa kilala, si Richard kapatid namin." "Kamusta, Richard." nakangiting saad ni Sebastian at hindi parin maalis ang tingin kay Richard. "Ayos lang sir." pormal na sagot ni Richard dahil sa ilang na nadarama sa patuloy na pagtitig ni Sebastian. "Ang pormal naman ng sir, Baste na lang ang itawag mo. Gaya ng pagtawag sa akin ng mga kuya mong ilang taon ko ng pinagtyatyagaan na kaibiganin." birong sabi ni Sebastian na ikinatawa ni Richard. "Hoy mokong, kaming dalawa lang nga ni Vince ang napilitan na kaibiganin ka." ganti naman ni Erick. "Oo nga kuya, kung hindi natin kinaibigan ang mokong na ito ay baka nabaliw na mag-isa noon." sang-ayon pa ni Vince. "Oo na, panalo na kayong dalawa at mag-isa lang ako." suko ni Sebastian sa asaran nilang magkakaibigan. Minabuti ni Richard na iwanan muna ang tatlong magkakaibigan at para ipaalam na rin sa doktor na nagkamalay na si Sebastian. Habang patungo sa kinaroronan ng doktor ay naalala ni Richard ang paraan ng pagtitig sa kanya ng Komandante at sa naisip ay napailing na lamang ito. ... Hawak ang cellphone, hindi alam ni Private Velasco kung ano ang gagawin habang nakatitig sa pangalan ni Richard sa kanyang telepono. Nang makakuha ng lakas ng loob ay sinimulan na nitong tawagan ang numero ni Richard. Habang naghihintay na sagutin nito ang kanyang tawag ay kinakabahan ang sundalo kung anong maaari nitong sabihin kapag sinagot nito ang tawag. Pero tunog lang ng telepono ni Richard ang kanyang narinig at wala itong sagot na natanggap. Sa nangyari'y inisip ni Lorenzo na baka nagpapahinga na ito, kaya naman minabuti nitong magpahinga na rin. At bukas paggising nalang niya susubukan tawagan si Richard. ... Matapos ipaalam ni Richard sa doktor na nagkamalay na si Sebastian, kaagad naman pinuntahan ito ng doktor. Kasama ang doktor ay bumalik na si Richard sa kwarto ni Sebastian. Sa nakitang pagbalik ng kapatid kasama ng doktor ay nagpaalam na si Erick at Vince sa kaibigan. Si Richard naman ay minabuting iwanan muna si Sebastian habang tinitignan ito ng doktor at para na rin maihatid ang mga kapatid sa pag-alis. "Ikaw na muna ang bahala kay Baste ah Chard." habilin ni Vince sa kapatid sabay yakap nito. "Oo kuya." "Paano bunso, mauna na kami." paalam ni Erick at ginulo pa ang buhok ng kanilang bunso. "Sige kuya, ingat kayo." ... Paglabas ng doktor sa kwarto ni Sebastian ay hindi alam ni Richard kung papasok ba ito o hindi. Iniisip nito na hindi naman sila malapit ni Sebastian at naiilang rin siya sa presensya ng kanyang Komandante. Pero naisip rin niya na kung hindi nito sasamahan ang sundalo ay mag-isa lang ito sa kwarto at wala naman iba pang dadalaw sa kanya dahil wala naman itong kamag-anak na narito. Sa pagtatalo ng isip ni Richard ay 'di nito namalayan ang pagdating ng kanyang amang Heneral. "Anak, nakaalis na ba ang mga kapatid mo?" tawag ng pansin ni Diosdado sa malalim na pag-iisip ng kanyang bunso. Bahagya naman nagulat si Richard sa tanong ng ama. "Ha? Opo pa." sagot ni Richard ng makabawi. "Ganun ba, oo nga pala nagkita na ba kayo na mama mo?" "Opo pa, oo nga pala gising na si Major Manlangit." sagot ni Richard at ipanaalam sa ama ang lagay ng kanyang Komandante. "Mabuti naman kung ganun, halika samahan mo akong puntahan siya." sabi ng ama nito at sa narinig, nasagot ang pagtatalo kanina ni Richard kung sasamahan ba niya o hindi si Sebastian. ... Matapos magpaalam ng mga kaibigan sa kanya ay iba-ibang mga tests ang ginawa sa kanya ng doktor. Tinanong rin siya kung ano ang nararamdam niya at ng sabihin ni Sebastian na kumikirot ang mga sugat nito pati na ang magkabilang balikat ay pinainom kaagad siya ng pain killer at niresetahan narin siya ng doktor ng iba pang gamot para mapadali ang paghilom ng mga sugat niya. Sa narinig naman ng doktor tungkol sa pananakit ng makabilang balikat ay ipinaalam sa kanya na dahil lang ito sa bugbog na natamo sa pagsabog at wala naman itong bali. Matapos lumabas ng doktor ay inaasahan ni Sebastian ang pagpasok ng bunsong kapatid ng mga kaibigan para samahan siya. Pero ilang minuto ang lumipas ay wala itong nakitang pumasok. Dala ng gamot na ipinainom ng doktor sa kanya ay 'di namalayan ng sundalo at nakatulog ito. ... Ang natutulog na Sebastian ang naabutan ng mag-ama pagpasok nila sa kwarto. "Ayaw yata akong makausap ng loko, kada pagdating ko rito'y natutulog siya." natatawang saad na amang Heneral. "Baka po napagod siya dahil kila kuya pa." kwento ni Richard sa ama. "Siguro nga. Bueno, nalaman ko sa mama mo na sa atin pala tutuloy si Manlangit." "Opo pa at pinakiusapan ako nila kuya na samahan ko muna si Major Manlangit hanggang sa makauwi siya sa atin." "Mabuti kung ganun, o siya ikaw na muna ang bahala sa kanya." "Sige pa, si mama pala nasaan?" "Oo nga pala nakalimutan kong sabihin, nauna na siyang umuwi sa atin para ipahanda ang gagamiting kwarto ni Manlangit pag-uwi sa atin." "Mabuti naman po, akala ko kasi ipipilit pa ni mama na magpatingin ako sa doktor." sumbong ni Richard sa ginawa ng mama nito. "Masanay ka na sa mama mo, ikaw ang paborito niya kaya ganun. Oo nga pala, good job son sa una mong misyon." naiiling na saad ni Diosdado sa narinig na ginawa ng asawa at hinabol ang papuri sa bunsong anak. "Salamat pa." masayang saad ni Richard sa ama. "You deserved it son at proud kami sa'yo ng mama mo, kahit pa alam kong aawayin niya na naman ako pag-uwi." "Gaya nga ng sabi mo pa, masanay na tayo kay mama." biro ni Richard sa ama. "Loko ka talaga, o siya maiwan ko na kayo ni Manlangit." naiiling na saad ni Heneral Manalo at iniwan na ang dalawang sundalo. ... Sa pag-alis ng ama ay naisipan ni Richard na maligo muna sa shower na naririto rin sa kwarto ni Sebastian. Matapos maligo ay kumuha ng mga damit na maisusuot si Richard sa laging baon na bag. Matapos magbihis ay naisip rin nito na kuhanin ang cellphone na nakasilid din sa kanyang bag. Pagtingin sa kanyang cellphone, isang unknown number na may missed call ang bumungad sa screen nito. Tsaka niya naisip si Velasco na humingi ng kanyang numero. Tatawagan niya sana pabalik ang unknown number, pero hindi na niya ginawa dahil naisip niya na baka nagkamali lang ng tinawagan ang numerong iyon. Paglabas ng banyo ni Richard ay natutulog parin si Sebastian, kaya naman minabuti niya na kumain na muna sa labas. Bago pa ito makalabas, nahagip ng mata niya ang papel na nakapatong sa mesang malapit sa kama ng natutulog na si Sebastian. Pagkakuha ni Richard sa papel ay nalaman nito na reseta pala iyon ng gamot ng mga iinumin ni Sebastian. Kaya naman ng lumabas ito para kumain ay isasabay na rin niya mamaya ang pagbili sa mga gamot ni Sebastian. ... Matapos kumain at makabili ng gamot ay bumalik na rin si Richard sa kwarto ni Sebastian. Samantalang nagising naman si Sebastian bago pa makabalik si Richard dahil sa pagkapuno na ng kanyang pantog. Maingat na bumangon ang sundalo at dala ng bugbog at mga sugat sa katawan ay nahirapan ito sa pag-upo pa lamang. Nasa ganitong sitwasyon ang Komandante ng bumukas ang pinto. Pagbukas sa pinto ni Richard ay bahagya pa itong nagulat sa nakitang ayos ni Sebastian. Nag-aalala naman na kaagad itong lumapit sa kinaroroonan ng Komandante. "Si-sir ayos lang po kayo?" alalang tanong ni Richard sa nagpipigil na maihing si Sebastian. "Manalo ayos lang ako, pero ang junior ko ay hindi." walang prenong saad ng komandante dahil ilang saglit nalang ay maiihi na ito. Sa narinig naman ni Richard ay kaagad na namula ito. "Po?" tanong ni Richard sa Komandante dahil sa naisip na baka nagkamali lang ito ng rinig. "Alam mo Manalo? Lumapit ka na kaya muna sa akin at tulungan mo ako rito dahil puputok na ang pantog ko anumang oras." klarong saad ni Sebastian sa namumulang si Richard. Nang maunawaan ni Richard ang sinabi ng Komandante ay mabilis naman itong lumapit at tinulungan ang nagpipigil parin na maihing si Sebastian. Nakaakbay sa kanya na sinamahan ni Richard si Sebastian papunta sa banyo, nahihiyang umiwas naman kaagad ng tingin si Richard para makapagbawas na ang kanyang Komandante. Samantalang si Sebastian naman ay hindi nito magawang mahawakan man lang ang sariling junior para mailabas sa suot nito, dala ng pananakit sa magkabilang balikat sa nangyaring pagsabog. "Manalo hindi ako makakaihi ng ganito." tawag ng pansin ni Sebastian sa nakaiwas na tingin na si Richard. Nang walang makuhang sagot kay Richard ay walang preno nitong sinabi ang mga sumunod. "Ilabas mo ang junior ko sa suot ko." ... "Ilabas mo ang junior ko sa suot ko." Sa narinig na sinabi ng Komandante ay parang nabingi si Richard. Hindi ito makapaniwala sa gustong ipagawa ni Sebastian sa kanya. "Manalo, narinig mo ba ang sinabi ko." ulit ni Sebastian sa kasama na hindi parin makatingin sa kanya. "Pe-pero sir." utal na sabi ni Richard "Manalo, kapag hindi mo pa sinunod ang ipinagagawa ko, ikaw rin ang kawawa. Ayaw mo naman siguro na habang kasama mo ako'y amoy ihi ako." pagrarason ni Sebastian para makumbinsi si Richard sa nais nito. Sa narinig na sunod na sinabi ni Sebastian sa kanya ay wala ng nagawa pa si Richard. Tama naman ang Komandante sa sinabi dahil responsibilidad na niya ito ngayon. Isa pa, ano ba naman ang simpleng pagtulong kay Sebastian sa pag-ihi, kapalit sa ginawa nitong pagligtas sa kanya sa bomba. Kaya naman kahit nahihiya sa nais ipagawa sa kanya ay sumunod na rin si Richard. "Si-sige sir." Matapos nga nun, gamit ang isang kamay ni Richard ay itinaas nito ang suot na hospital gown ni Sebastian. Bumungad tuloy kay Richard ang nakabukol na junior ni Sebastian sa suot na brief. Si Sebastian naman ay seryoso lang na nakatingin sa ginagawa ni Richard at pansin ang pamumula ng mukha ng huli. 'Marahil nahihiya ito sa gagawin.' bulong sa sarili ni Sebastian. 'Richard kaya mo 'to, parehas naman kayong lalaki.' kumbinsi naman ni Richard sa sarili. Sunud ay ibinaba nito ang brief na suot ni Sebastian at tuluyan ng tumambad sa kanya ang p*********i ng kanyang Komandante. Ramdam ni Sebastian ang malamig na hangin sa kanyang p*********i ng maibaba ni Richard ang suot na brief at pansin pa na lalong namula ang mukha ng kasama. "Manalo para matapos na, hawakan mo ang junior ko at itutok mo sa inidoro." pahintulot ni Sebastian kay Richard na batid ang hiya ng kasama kung anu pa ang susunod nitong gagawin. "Y-yes sir." sunud naman ni Richard at naiilang man ay hinawakan ang junior ng Komandante. Dala nga ng napunong pantog ay ilang minuto rin na hawak ni Richard ang junior ni Sebastian habang patuloy ang pag-ihi nito. Nang matapos umihi si Sebastian ay kaagad ng itinaas ni Richard ang suot na brief ng kanyang Komandante. "Salamat Manalo at pasensya na rin sa nangyari." pasalamat ni Sebastian at hingi nito ng paumanhin sa kasama. "A-ayos lang sir." "Oo nga pala, maghugas ka muna ng kamay mo." saad pa ni Sebastian. "Okay sir." Naghugas nga ng kamay si Richard at habang ginagawa niya ito'y naka-akbay parin sa kanya ang Komandante. Si Sebastian naman ay napatingin sa nasa harapan nilang salamin at pansin ang repleksyon ng maamong mukha ng kasama. 'Di gaya ng mga kaibigan ay maputi ang kutis ni Richard at kung naging babae lamang sana ito'y siguradong isa siya sa magkakagusto sa kasama. Sumagi rin sa isip niya ang pamumula ng mukha ng kasama kanina at napangiti ito dahil para itong inosente sa paningin niya na hindi alam ang gagawin. Matapos maghugas ni Richard ng kamay ay napatingin ito sa salamin at napansin ang pagngiti ng kasama. Sa nakita'y naalala ni Richard ang nangyari kanina at naisip na pinagtatawanan siya ng kasama. Napansin rin ni Sebastian na naging seryoso ang mukha ni Richard. "Tapos na ako sir, maari ko na ba kayong ihatid pabalik sa kama?" seryosong saad ni Richard dahil ang hiyang naramdaman sa kasama kanina ay napalitan na ng inis. "Oo Manalo ihatid mo na ako." sang-ayon ni Sebastian na walang kaalam-alam sa inis na nararamdaman ng kasama. Nang makabalik ang dalawa sa kwarto at makahiga ulit si Sebastian. "Sir, 'yung mga gamot niyo pala ay binili ko na." saad ni Richard na hindi man lang makatingin sa mukha ng kasama. "Salamat Manalo." "May kailangan ka pa ba sir?" tanong na may himig na inis ni Richard na hindi na napigilan ang sarili. "Wala na Manalo, sandali may problema ba?" saad naman ni Sebastian at tanong na rin kay Richard, na 'di nakaligtas ang paraan sa pagtatanong kanina sa kanya ng huli. "Wala naman sir, may dapat ba akong problemahin?" balik na tanong ni Richard. "Okay, okay. Kung ang pagtulong mo kanina sa akin ang dahilan kung bakit ka galit sa akin, humihingi ako ng paumanhin. Pasensya na rin dahil alam ko, na malaki akong abala sa'yo. Hayaan mo, hindi mo na kailangan na samahan pa ako at ako nalang ang bahala na magpaliwanag sa mga kuya mo." mahabang saad ni Sebastian. Sa narinig ay biglang nahiya si Richard sa naging akto nito. "Sir hindi naman sa ganun." depensa ni Richard sa sarili. "Ibig sabihin galit o may inis ka nga sa akin?" kumpirma ni Sebastian kay Richard. Isang tango lang ang naging sagot ni Richard. "Kung ganun, sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit." saad ni Sebastian habang natingin ng diretso kay Richard. "Kalimutan mo na lang sir ang naging sagot ko." tanggi ni Richard na sabihin ang dahilan kung bakit ito nainis sa Komandante. "Hindi, sasabihin mo ang dahilan kung bakit ka galit sa akin o tatanggapin mo ang sinabi kong hindi mo na kailangan pang samahan ako." seryosong saad ni Sebastian. Saglit na napaisip si Richard matapos marinig ang kundisyon ni Sebastian. Kung tutuusin mas madaling gawin ang ikalawa, pero alam niyang hindi kaya ng konsensya niya na iwan ang kapwa sundalong tumulong sa kanya. Isa pa kung kaibigan si Sebastian ng kanyang mga kuya ay alam niyang parang kapatid na ang turing ng dalawa kay Sebastian at kung tatangapin niya na iwan si Sebastian ay parang pinabayaan na rin niya ang sariling kapatid. "Suko na ako sir, sige sasabihin ko na ang dahilan kung bakit ako nainis sa iyo." sukong saad ni Richard at ikinuwento nga sa Komandante ang dahilan kung bakit nainis ito. Samantalang tahimik naman na nakinig si Sebastian kay Richard. "Okay, naiintindihan ko na kung bakit ka nagalit sa akin, pero hindi para pagtawanan kita kaya ako napangiti kanina." umpisang magpaliwanag ni Sebastian at mataman naman na nakikinig sa kanya si Richard. "Kaya ako napangiti ay dahil sa nakita ko ang mukha mo kanina sa salamin, mukhang sa babae kasi ang mukhang meron ka at naisip ko na kung babae ka lang sana, siguradong isa ako sa magiging manliligaw mo." tapos na paliwanag ni Sebastian. "Ah, hindi na bago sir sa akin ang napansin mo, marami na ang nagsabi sa akin n'yan. Sa katunayan napagkakamalan pa akong tibo ng ilan." kwento naman ni Richard na nagkakamot pa ng batok dahil sa hiya. At ang ilang na nararamdaman ni Richard sa presensya ni Sebastian ay unti-unting nabawasan. Marami pang napagkwentuhan ang dalawa at ilan sa mga ito'y kung paano naging kaibigan ni Sebastian ang mga kuya ni Richard. Lumipas ang ilan pang oras at matapos makainom ng gamot si Sebastian ay nagpaalam na itong magpahinga. Si Richard naman ay nanatiling nakaupo malapit sa kama ni Sebastian at nanood ng telebisyon. Ilang saglit pa ay nakatulog na rin ito. Nagising si Sebastian kinaumagahan at kaagad nitong napansin ang kasamang sundalo na nakatulog habang nakayuko sa kama nito. Napangiti si Sebastian at hindi nito namalayan, na hihaplos ang kamay na malapit sa mukha ng natutulog na si Richard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD