PANGATLO

3706 Words
Sa ginawa'y biglang natigilan si Sebastian at ng makabawi ay kaagad na iniwas ang kamay sa tulog parin na si Richard. Ang pagbukas ng pinto sa kwarto ang humiwalay sa mga mata ni Sebastian sa pagtitig sa maamong mukha ng kasama. Pagbukas nga ng pinto ang duktor ang lulan nito. Sinuri ng pumasok na duktor ang kalagayan ni Sebastian. Ilang minuto rin na inobserbahan nito si Sebastian at matapos nun ay ipinaalam sa kanya na kung gusto na nitong lumabas ngayong araw ay maaari na rin itong lumabas. Nag-paalam na rin ang duktor pagkatapos. Samantalang nagising naman si Richard paglabas ng duktor, dulot ng napalakas na pagsara nito ng pinto. "Good morning Richard." bungad ni Sebastian ng mapansin nito na nagising na si Richard. Sandali pang nagtaka si Richard kung nasaan ito paggising. Nang marinig ang boses ni Sebastian ay tsaka pa lamang pumasok sa kanyang natutulog parin na diwa na nasa ospital ito. "Good morning sir." ganting bati ni Richard. "Iyan ka na naman sa kaka-sir mo, Richard na nga ang tinawag ko kanina ng batiin kita." nakangiting saad ni Sebastian. "Sorry, okay good morning Baste." ulit na bati ni Richard kahit na naiilang. "Good, mas maganda yan, nakakatanda kasi pakinggan kapag tinatawag mo akong sir. Oo nga pala ipinaalam ni dok na maaari na akong lumabas ngayong araw." "Ah ikaw sir este Baste pala gusto niyo na bang lumabas na ngayong araw?" "Oo sana, ikaw Richard ayos lang ba?" "Oo naman, naayos na rin ni mama ang gagamitin mong kwarto sa bahay." saad ni Richard at iniwasan ang pagbanggit sa pangalang baste dahil naiilang parin itong itawag sa kasama. "Kung ganun, gusto ko ng lumabas ngayong araw rin na ito. Pakikuha na lang ng wallet ko sa mga gamit kong nasa kabinet." saad ni Richard. Kaagad naman itong sinunud ni Richard at ng makita ang nasabing wallet ay iniabot niya ito kay Sebastian. Pagkaabot ni Sebastian sa kanyang wallet ay binuksan niya ito, sabay kuha sa atm card at ibinigay kay Richard. Bago iabot ni Sebastian sa kanya ang wallet, ay 'di sinasadyang makita ni Richard ang larawan ng isang magandang babae sa loob ng wallet ng una. 'Girlfriend siguro iyon ni Sebastian.' sabi sa sarili ni Richard. "Ikaw ng bahalang magbayad sa bill ko Richard at ngayon palang ay sobrang nagpapasalamat na ako sa'yo." saad ni Sebastian matapos abutin ni Richard ang kanyang atm card. "Walang problema Baste, basta ba ilibre mo ako kapag magaling ka na." biro ni Richard. "Haha walang problema, sige kahit saan mo gusto." tawang saad ni Sebastian. "Huy Baste nagbibiro lang ako, pero kung seryoso ka ay okay din sa akin." saad ni Richard na nawala na ng tuluyan ang ilang na nararamdaman at pati na ang ilang sa pagtawag nito sa palayaw ng kasama. ... Gaya nga ng nais ni Sebastian ay nakalabas na ito ng ospital. Matapos nilang sumakay ng eroplano galing sa Davao, ngayon ay sakay ng van, kasalukuyan nilang tinatahak ni Richard ang pauwi sa bahay ng mga magulang ng kasama. Katabi ni Richard ang kanilang family driver sa loob ng van, na sumundo sa kanila ni Sebatian sa paliparan at nasa likod naman nila ang nakatulog nang si Sebastian. Gamit ang cellphone ay ipinaalam ni Richard sa text sa kanyang mama ang malapit na nilang pag-uwi ni Sebastian. Habang hawak parin niya ang cellphone ay biglang tumunog ito at isang unknown number ang tumatawag, pagtingin ni Richard sa number ay kaagad niyang naisip na baka ito rin ang tumatawag kanya kahapon, kaya naman minabuti niyang sagutin na lamang ang tawag. "Hello." bungad niya sa kabilang linya. "Hello Richard. Si Lorenzo ito." sagot ng tumawag sa kanya. Saglit na napaisip si Richard at kaagad din naman niyang naalala ang kasamahang sundalo na humingi sa kanyang numero kahapon. "Huy bok ikaw pala, pasensiya na kung hindi ko nasagot ang tawag mo kahapon." "Ayos lang 'yon Chard, oo nga pala baka nakakaistorbo ako sa'yo." "Hindi naman Renz, hayan tinawag mo kasi ako sa palayaw ko kaya tinawag na rin kita sa palayaw mo, naku! Tama ba na Renz ang palayaw mo." Sa kabilang linya naman ay napapangiti si Lorenzo sa kausap. 'Mukhang may pagkamadaldal pala ito.' sabi niya sa sarili. "Ang totoo niyan Chard, hinulaan ko lang ang palayaw mo at swerteng tama pala ako, pero mukhang hindi ka magaling sa paghula ng sa akin dahil Enzo ang tawag ng lahat ng tiga sa amin sa akin." sabi ni Lorenzo sa kausap sa kabilang linya. "Sorry naman, pero kasi pwede naman na Renz din ang palayaw mo." pilit ni Richard sa palayaw nito kay Lorenzo. Lalo naman napangiti si Lorenzo sa kakulitan ng kausap. "Sige na, payag na ako na Renz ang itawag mo sa akin." suko ni Lorenzo sa kausap. "Haha sige Renz, oo nga pala bakit ka napatawag?" 'Gusto ko lang marinig ang boses mo' yun sana ang gustong sabihin ni Lorenzo pero baka mabigla ang kausap kapag iyon ang kanyang sinabi. "Ah nangangamusta lang at sinigurado ko lang na tama ang numerong ibinigay mo sa akin. Baka kasi sa dami ng mga girlfriends mo ay ayaw mong ibigay ang number mo sa akin at baka makadagdag pa ako sa mga tumatawag sa'yo." pag-iiba ni Lorenzo sa gustong sabihin at pabiro pang idinagdag ang mga huling sinabi. "Loko ka Renz, para sabihin ko sa'yo wala pa akong girlfriend sa katunayan kahit isang nobya hindi pa ako nagkakaroon." Si Sebastian naman ay nagising ilang saglit pa lang ang nakalilipas sa narinig na boses ni Richard at napatingin ito sa gawi ng huli. Rinig tuloy nito ang malamyos na boses ng kasama habang may kausap ito sa kabilang linya. Patuloy lang si Sebastian sa lihim na pakikinig sa may kausap na si Richard at 'di nito namalayan na napangiti ito ng matawa si Richard sa kausap. Hindi alam ni Sebastian kung sino ang kausap ni Richard sa kabilang linya. Narinig rin ni Sebastian ang sinabi ni Richard, na wala itong nobya at kahit isang nobya ay hindi pa ito nagkakaroon, nalaman niya rin na Renz ang pangalan ng kausap ng huli. Sa isip ni Sebastian ay babae ang kausap ni Richard at mukhang nakikipagflirt ito sa paraan ng pakikipag-usap sa kabilang linya. Kanina ng marinig na wala pang nobya at naging nobya si Richard ay 'di alam ni Sebastian kung bakit natuwa siya sa narinig, pero ng marinig ang paraan ng pakikipag-usap ng una sa kausap ay nakaramdam naman siya ng inis. Sa kabilang linya naman ay sobrang saya ang nadama ni Lorenzo dahil sa narinig. "Maniwala ako sa'yo, baka ayaw mo lang malaman ko na marami kang babae." patuloy na biro ni Lorenzo sa kausap. "Hahaha loko totoo ang sinabi ko, sa ating dalawa, ikaw ang mukhang may maraming babae." balik sa kanya ni Richard. "Hahaha ikaw Chard ah, mukhang tama nga ako, kasi ibinalik mo sa akin ang sinabi ko sa'yo na marami kang babae." giit pa ni Lorenzo kay Richard. "Hahaha wala nga akong nobya, ikaw hindi mo ikinaila na marami kang babae, kasi tama ako." "Hindi ko ikinaila kasi wala naman, o sige na nga naniniwala na ako na wala kang maraming babae." pagsuko ni Lorenzo sa kausap. "Dapat lang kasi wala naman, siguro darating din 'yon balang araw." sagot ni Richard. "Tama ka Chard ganun din ang nasa isip ko. O sige ibaba ko na ang tawag para matawagan mo na ang mga girlfriends mo." tapos ni Lorenzo at hinabol pa ang pagbibiro sa kausap. "Loko ka talaga Renz hahaha." at ang tawang iyon ni Richard ang kumumpleto sa araw ni Lorenzo. Si Sebastian naman, ang inis na naramdaman kay Richard ay nawala dahil sa patuloy niyang pakikinig sa huli, napagtanto nito na lalake pala ang kausap ni Richard. Ngayon naiinis si Sebastian sa lalaking nakausap ni Richard. ... Kaagad sinalubong ng kanyang mga magulang si Richard at ang kasama nitong si Sebastian na pansamantalang mananatili sa kanila. Sa tulong ng family driver nila Richard, ngayon ay nakasakay na sa wheel chair si Sebastian habang nasa likod si Richard na nakaalalay rito. "Masaya akong nakalabas ka na ng ospital Manlangit at ngayon ay makakausap na kita." saad ni Heneral Manalo sa sundalong inatasan niya, sa katatapos pa lang na giyera sa Maguindanao. "Sir, ngayon palang ay nagpapasalamat na ako sa pagtulong ng pamilya niyo sa akin sir!" nakasaludo at magalang na pasasalamat ni Major Manlangit sa kanyang Commanding Officer. "Tama na muna ang pormal na pakikipag-usap Sebastian at hindi mo na kailangan pang magpasalamat dahil pamilya at anak na ang turing namin sa'yo ng Tita mo." saad ni Heneral Manalo. "Sige po tito." "Mabuti pa pumasok na tayo sa loob at nakahanda na ang pagkain, alam kong gutom na kayong dalawa." sali sa usapan ni Aurora. ... "Baste alin sa mga ito ang gusto mo." tanong ni Richard sa katabing si Sebastian, sa pagkain na gusto nitong kainin. Kasaluyan silang nasa hapag sa hinihandang tanghalian ng kanyang mama, kasabay rin nilang kumakain ang kanyang mga magulang. "Okay lang Richard, ako na lang, sa tingin ko kaya ko nang igalaw ang mga braso ko." tanggi ni Sebastian sa pag-alok ni Richard. "Sir Manlangit, sige nga subukan mong abutin ang menudo sa gawing kanan mo." subok ni Richard kay Sebastian dahil hindi ito naniniwala na kaya na nito. Si Sebastian naman ay sinubukan gawin ang sinabing iyon ni Richard. Dahan-dahan nitong iginalaw ang kanang braso, pero sa kakaunting paggalaw pa lang na iyon na ginawa ni Sebastian ay napangiwi na ito sa naramdamang sakit. Ang mga magulang naman ni Richard ay nakikinig sa usapan ng dalawa at nakamasid sa ginawang iyon ni Sebastian. Nang makita ang itsura ng napangiwing mukha ni Sebastian ay hindi mapigilan ni Richard ang matawa. "Anong nakakatawa Manalo?" tanong ni Sebastian na pinipigilan rin matawa dahil alam nito na siya ang dahilan sa pagtawa ng katabi. "Ako tumawa? Hindi kaya sir, sina mama at papa sa tingin ko ang narinig mo." tanggi ni Richard sa ginawa at sumbong rin sa mga magulang na kagaya niya ay nangingiti sa mga oras na iyon. Sa narinig ay napatingin nga si Sebastian sa gawi ng mag-asawa at tama si Richard sa sinabi dahil bakas ang tuwa sa dalawa. "Chard anak tama na ang pang-aasar, mabuti pa ay iabot mo na kay Baste ang mga pagkaing gusto niya." suway ni Aurora sa pilyong anak. "Ikaw naman Baste 'wag ka ng mahiyang magpatulong kay Chard, mabait ang bunso kong 'yan kahit pa may pagkaisip bata madalas." baling ni Aurora kay Sebastian at biniro pa ang anak. "Mom! Pa si mama oh." reklamo ni Richard sa narinig sabay sumbong sa papa nito. "Bakit anak? Totoo naman ang sinabi ng mama mo." asar ng Heneral sa bunsong anak. Natawa naman si Sebastian sa nakitang samahan ng tatlo. "Anong nakakatawa Major Manlangit? balik ni Richard sa tanong ni Sebastian kanina. "Ako tumawa? Hindi kaya Manalo, sila tito at tita sa tingin ko ang narinig mo." gaya naman ni Sebastian sa naging sagot sa kanya ni Richard kanina. "Gaya-gaya." bulong ni Richard, na narinig naman ng matalas na tenga ni Sebastian na ikinatawa ng huli. ... Matapos kumain ay sinamahan ni Richard si Sebastian sa kwartong tutuluyan. "Baste okay bang iwanan na kita?" tanong ni Richard matapos tulungan maihiga si Sebastian sa kama. "Ah pupwede bang pakikuha na muna ng tubig para makainom na rin ako ng gamot." "Sige may iba ka pang gusto?" "Yun lang salamat." "Okay, sige." Kaagad naman na kumuha ng tubig si Richard at iniabot na rin ang gamot na iinumin ni Sebastian. Pagkakuha sa gamot ay ininom na rin ito ni Sebastian. "Salamat ulit Chard." "Ayos lang Baste, sige lalabas na ako. Kung may kailangan kay ay tawagan mo lang ako." saad ni Richard. Sa narinig naman ay isang ideya ang pumasok sa isip ni Sabastian. "Paano kita matatawagan hindi ko pa alam ang number mo." "Ay! Oo nga pala sandali asan yung phone mo?" nahihiyang tanong ni Richard sabay kamot pa sa ulo. "Nasa isang bag, yung kulay itim kasama ng iba pang gamit ko. Pakikuha na lang at isave mo na rin ang number mo at pagkatapos ay iabot mo na rin sa akin." sagot ni Sebastian. Matapos marinig ang sagot ni Sebastian, hinalukay ni Richard ang laman ng itim na bag at nakita nga niya na naroon ang cellpone ng una. "Baste, anong password pala ng phone mo?" tanong ni Richard ng hawak na ang cellphone. "I-swipe mo lang 'yan, hindi ako mahilig sa password." simpleng sagot ni Sebastian. "Seryoso? Ikaw palang ang taong nakilala ko na walang password ang phone." komento ni Richard. "Ganun talaga ako eh." Pagkaswipe nga ni Richard sa phone ni Sebastian ay bumungad sa screen ng cellphone ng huli ang larawan ng isang magandang babae. Kaagad naalala ni Richard ang babaeng nakita rin niya na nasa wallet ni Sebastian at napagtanto niya na iisa lang ang babae. Gusto man itanong ni Richard kay Sebastian kung sino at kaano-ano niya ang babae ay pinigilan niya ang sarili dahil masyadong personal ang bagay na iyon at ilang araw pa lang silang magkakilala. Minabuti niyang isave na lang ang numero, na siya namang dahilan kaya hawak niya ngayon ang cellphone ni Sebastian. "Okay, gaya ng sabi mo naisave ko na ang number ko at kinuha ko na rin ang sa'yo para alam ko kapag tumawag ka." saad ni Richard sabay abot sa cellphone ni Sebastian. "Sige, salamat" maikling sagot ni Sebastian at kinuha ang kanyang cellphone. Nag-paalam na rin lumabas si Richard pagkatapos. ... Paglabas ni Richard sa kwarto ni Sebastian ay dumiretso ito sa sariling silid, na katabi lang din ng silid ng huli. At dala ng pagod ay nakatulog kaagad ito. ... Paglabas ni Richard sa kwartong tinutuluyan niya, naiwan si Sebastian na hawak ang cellphone at pinagmamasdan ang larawan ng kanyang girlfriend. "Tama ba na girlfriend pa kita? O ako nalang ang nag-iisip na tayo parin." kausap ni Sebastian sa larawan ng babae. ... Sa kabilang panig naman ng mundo. Isang fashion show ang dinaluhan ni Rachelle at siya ang star sa nasabing event. Maraming kilalang fashion designer, fashion guru ang mga naroon at mga international media naman ang kumukuha sa isa sa pinakamalaking event na iyon sa Paris. Matapos ang gabi ng event na kanyang dinaluhan, umuwi si Rachelle sa hotel na kanyang tinutuluyan. At bago pa ito matulog ay napanood niya sa balita ang katatapos lang na giyera na nangyari sa Pilipinas. Nalaman niya na naging matagumpay ang mga sundalo sa kanilang misyon at nahuli pa ng buhay ang lider ng mga terorista. Nakita rin niya sa balita sa nasabing giyera ang pagkamatay ng 50 sundalo at marami rin ang nasugatan. Pero ang nakitang larawan sa sumunod na kuha sa balita ang ikinahinto niya, kasunud ng malakas na pagtibok ng kanyang puso. Ang larawan ni Major Sebastian Manlangit na nasabugan ng bomba at kasalukuyang walang malay. "Sebastian. Mahal." ... Sa mga sumunod na araw ay unti-unti ng gumagaling ang mga sugat ni Sebastian. Ang pananakit naman ng kanyang katawan, lalo na ang kanyang balikat ay hindi na gaano pa ang pagsakit nito at naigagalaw na niya kahit papaano. Nahihiya na rin siya kahit papaano na humingi pa ng tulong kay Richard na naging parang personal na nitong nurse sa ilang araw na lumipas. Kaya sinikap niyang gawing mag-isa, lalo na ang pribadong gawain ng isang tao. Hindi nga maalis sa isip niya, ang pamumula ng mukha ni Richard sa hiya, nung araw na humingi siya ng tulong sa panahong nasa ospital pa siya. Marami na rin siyang nalaman tungkol kay Richard, na madalas na samahan siya nito pagkagaling nito sa ilang oras niyang pagpasok sa kampo. Lagi pa itong nagrereklamo sa kanya, dahil gaya nga ng kanyang inaasahan sa kanya mama. Ipinaalam ng kanyang amang Heneral ng dalawang buwan siyang magtratrabaho sa opisina at laging paper works ang makakaharap niya. Pagtingin ni Sebastian sa oras na nasa wall clock ng kanyang silid, inaasahan niya na ilang minuto mula ngayon ay darating na si Richard. At tama nga s'ya, pero ang inaasahang mag-isang si Richard ay may kasama ito nang dumating. ... Matapos makausap ni Lorenzo si Richard, sumunod na ginawa ng sundalo ay tignan ang mga impormasyon ng kapwa sundalo sa internet. Sa ilang oras na paghahanap niya, hindi ito nabigo na malaman ang ilang impormasyon sa kapwa sundalong pumukaw sa kanya. Matapos ang ilang araw at mukhang tinutulungan siya ng tadhana. Nadestino si Private Lorenzo Velasco sa Cavite. Ang nasabing lugar ay siya rin nakita ni Lorenzo sa internet, kung saan nakatira si Richard. Ibayong saya nga ang nadama at hindi na makapaghintay pa si Lorenzo na makitang muli, ang ilang araw ng laman ng kanyang isip na si Richard. Dala ng komunikasyon nila ni Richard sa mga nakalipas na mga araw, nalaman ni Lorenzo kung saan nagtratrabaho ngayon si Richard at ngayong araw mismo ay bibisitahin niya ito. "Magandang Hapon po, nandirito ba si Private Manalo?" bungad ni Lorenzo kay Richard, na abala sa pagtingin sa mga tambak na papeles sa kanyang harapan. Sa narinig naman ay napatingin si Richard sa nagsalita. "Renz?" 'di makapaniwalang saad ni Richard. "Ako nga Chard, mukhang busy ka ah." sagot ni Lorenzo sabay turo pa sa maraming papeles sa mesa ni Richard. "Sinabi mo pa." saad ni Richard at napabuntong hininga pa. "Maiba ako anong ginagawa mo dito?" baling naman nito kay Lorenzo. "Dito ako sa Cavite nadestino at kahapon nakita kita rito kaya lang paalis ka na. Kaya ngayon, naisipan kong dalawin ka para na rin magkita tayo." sagot ni Lorenzo. "Buti ka pa, ako dalawang buwan na mga papeles ang kalaban ko." reklamo ni Richard sa kausap. "Bakit naman at dalawang buwan? Ang tagal naman nun." 'di makapaniwalang saad ni Lorenzo. "Dahil sa mom ko, kinausap niya si papa na 'wag muna akong pabalikin sa field, kaya ngayon nandirito ako." paliwanag ni Richard. "Ganun ba? Wala na tayong magagawa, ang hirap pala ng sitwasyon mo." simpatya ni Lorenzo sa kausap. "Mabuti pa samahan mo akong mamasyal paglabas mo." suhestiyon pa nito. "Pasensya na Renz, pero kung gusto mo ay samahan mo na lang ako sa amin. Para na rin makita mo si Major Manlangit." tanggi ni Richard at imbita kay Lorenzo na napakunot noo naman sa narinig. "Bakit? Kasama mo si Major Manlangit?" "Ah oo, sa amin siya pansamantalang tumutuloy. Mamaya paglabas ko ikukwento ko sa'yo ang lahat ng mga nangyari." saad naman ni Richard. ... Ngayon nga ay kasama ni Lorenzo si Richard at pagbukas ng pinto ay bumungad ang nagtatakang mukha ni Sebastian sa kanila. "Baste, kasama ko pala si Private Lorenzo Velasco." pakilala ni Richard kay Lorenzo sa nagtatakang si Sebastian. "Sir. Gaya nga ng sabi ni Chard, ako si Lorenzo." pakilala ni Lorenzo sabay lahad ng kamay. Sandaling tinignan ni Sebastian ang nakalahad na kamay ng kasama ni Richard at kaagad naman itong inabot ng una ang kamay ni Lorenzo. "Hindi ko na siguro kailangan pang magpakilala at kilala mo na ako." seryosong saad ni Sebastian kay Lorenzo. "Ah oo sir, kayo po ang nanguna sa amin nila Chard sa Maguindanao." sagot naman ni Lorenzo. "Tama na muna 'yan, mabuti pa ay magmeryenda muna tayo." putol ni Richard sa usapan ng dalawang kasama. "Baste, bababa muna kami ni Renz at ipag-aakyat nalang kita ng meryenda." baling ni Richard kay Sebastian. "Tara Renz samahan mo ako." baling naman nito kay Lorenzo. "Sandali Chard, kaya ko naman nang gumalaw. Sasamahan ko na kayo." kaagad na saad ni Sebastian. "Sigurado ka Baste?" "Oo naman." sagot ni Sebastian at sinubukan nitong tumayo. Medyo masakit pa ang naramdaman ni Sebastian sa pagtayo, pero hindi nito ipinahalata kay Richard para hindi ito tumutol sa pagsunud sa dalawa. "O sige, tara na." yakag niya sa dalawa. Si Lorenzo naman ay nanghinayang na masosolo na sana wakas si Richard, kungdi lang sa kasama nilang si Sebastian. 'Sino naman itong Lorenzo na ito? At bakit kasama siya ni Richard.' inis na kausap ni Sebastian sa sarili. "Nga pala Renz, ilang araw ka nang nadestino dito sa Cavite?" tanong ni Richard kay Lorenzo habang abala ito sa paghahanap na pwedeng ihandang meryenda sa dalawa. "Limang araw pa lang Chard, buti nga nakita kita kaagad kahapon. Kaya naman naisip kong surpresahin kitang puntahan kanina." sagot ni Lorenzo na mula pa kanina ay 'di maalis ang tingin sa abalang si Richard. Ang mga tingin na iyon ni Lorenzo ay hindi nakaligtas sa mapanuring mata ni Sebastian. "Nasorpresa talaga ako kanina." saad naman ni Richard. "Tiga-saan ka Velasco?" tanong ni Sebastian kay Lorenzo para maputol ang pag-uusap ng dalawa. "Sa Cebu ang probinsya ng mga magulang ko sir." sagot ni Lorenzo. Sa narinig naman ni Richard sa sinabi ni Lorenzo. "Talaga! Tiga-Cebu ka pala Renz. Siguro naman marunong kang mag-bisaya." interasadong saad ni Richard. "Sa katunayan niyan Chard, kakaunti lang ang alam ko. Sa tito ko kasi na tiga Maynila ako nanirahan ng matagal, kaya ganun." kwento ni Lorenzo kay Richard. "Ah." tanging reaksyon ni Richard sa nalaman kay Lorenzo. "Ikaw Baste, bago manirahan sa Amerika sila tito't tita. May probinsya ba kayo?" baling naman ni Richard sa inis nang si Sebastian, dahil patuloy parin ang pag-uusap ng dalawa. "Meron, parehong taga Batangas sila mama't papa." sagot ni Sebastian. "Ala eh! Batangeño ka pala." saad ni Richard at ginaya pa ang nakagawiang pagsasalita ng mga Batangeño. "Oo, pero hindi ako ganyan magsalita." maagap na saad ni Sebastian. "Bakit naman eh, ang ganda pa naman pagkinggan eh." natatawa pang patuloy na gaya ni Richard. "Seryosos Manalo, hindi ka na nakakatawa." asar talong saad ni Sebastian. "Ala eh, napikon na si Major eh." patuloy pa rin ang hindi maawat na si Richard. Pinipigil naman ni Lorenzo ang matawa at baka magalit rin sa kanya si Sebastian. Sa huling sinabi ni Richard, matalim na tingin ang ipinukol sa kanya ni Sebastian. At sa nakitang 'yon ay doon palang ito tumigil. "Mabuti pa magmeryeda na tayo." pag-iiba ni Richard sa usapan na kahit papaano'y natakot sa tingin na iyon sa kanya ni Sebastian. Sa mga sumunod na oras, panay ang kwentuhan ng tatlo habang inuubos ang ginawang meryenda ni Richard. "Chard, mauna na ako. Salamat sa meryenda." ngiting pasalamat ni Lorenzo. "Wala 'yon. Sa susunod ikaw naman ang taya." "Oo ba." kaagad naman sang-ayon ni Lorenzo. "Sir." baling naman nito kay Sebastian, na isang tango lang ang naging sagot sa kanya. Pag-alis ni Lorenzo ay naiwan ang dalawa na nasa sala. Prenteng nakaupo si Sebastian sa mahabang sofa at nakatutok ang mata sa nakabukas na tv. Si Richard namay ay nasa isahang sofa at abala sa kanyang cellphone. Nang ibaling ni Sebastian ang tingin niya kay Richard, nakita nito ang nangingiting mukha ng huli habang tutok sa cellphone. "Sino yan?" hindi na napigilang usisa ni Sebastian kay Richard. "Ah si Lorenzo." Sa narinig ay napa-tsk nalang si Sebastian. "Mukhang close kayo ah." puna pa niya. "Hindi pa masyado, pero hindi malabong mangyari kasi mabait 'yung tao." "Ibig sabihin gusto mo siya?" nadulas na tanong ni Sebastian, na hindi na napigilan ang sarili gusto man niyang bawiin ang mga ito. "Oo naman, gaya nga ng sabi ko mabait siya at dapat lang kaibiganin ang mga ganung klaseng tao." sagot ni Richard na mali ang pagkakaintindi sa naging tanong ni Sebastian. "Mabuti naman kung ganun." saad ni Sebastian at sa narinig ay lihim na natuwa pa ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD