“COME, I’ll introduce you to the two of the most important people in my life,” ani Yalena nang sa wakas ay bumitiw kay Ansel. Siya na ang kusang humawak sa palad nito at mayamaya ay marahang hinila ito papasok sa sementeryo. When she was younger, when she still believed in fairy tales, she dreamt of taking her prince or her knight in a sacred place and there, she would give him her yes. Sa simbahan niya iyon pinangarap noon. Pero hayun sila ni Ansel sa sementeryo ngayon. Malayo iyon sa pinangarap niyang simbahan pero sagrado pa rin naman iyon. Nakapagdesisyon na siya. Palilipasin niya lang ang Pasko at Bagong Taon at makikipagkita na siya kay Dennis para personal na aminin dito ang pagtiwalag niya mula sa kanilang plano. Dalangin niya ay magawa siyang maunawaan ng lalaki. Tinimbang