PARANG piniga ang puso ni Ansel nang makita ang basang-basang anyo ni Yalena nang sa wakas ay buksan nito ang pinto ng banyo. Nang mga sandaling iyon ay hindi niya makita kahit kaunti mang bakas ng kanyang dragon. Sa halip, ang nakikita niya ay ang isang batang babae na hindi sigurado sa dapat na gawin. Fear was evident in her Latin eyes. Gaano ba kalaki ang takot ni Yalena sa nakaraan para magkaganoon ito? Kung aaminin lang nito sa kanya kung sino ang taong may pakana ng kamatayan ng mga magulang nito, kung sino ang dahilan ng takot at mga bangungot nito ay hahanap siya ng paraan para matulungan ito. Todo ang pagpipigil niyang mag-imbestiga dahil gusto niyang pagkatiwalaan siya ng dalaga at kusa na itong umamin sa kanya. Ayaw niyang isipin nito na pinakikialaman niya ang personal