[CHAY CELESTIAL'S P.O.V.] Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang makita ko si Adonis na nasa labas ngayon ng bahay ko. Nahihiya ako dahil nakita niya kung gaano lang kaliit ang bahay ko, kumpara sa kaniyang bahay na sobrang laki. Hindi kayang makipag-kumpetensya ng bahay ko sa bahay ng mga estudyante sa C.U. Kaya nga ay ayoko na may makakaalam ng bahay ko na kahit na sino. Pero narito ngayon si Adonis sa harapan ko at lasing na lasing. Delikado pa na nag-drive siya papunta rito nang ganitong oras tapos nakainom pa. Mabuti na lang at hindi siya napahamak. Ngunit hindi ko rin inaasahan na masasabi ko ang mga salita na 'yon sa kaniya. Bahagya rin siyang napatahimik. Hindi ko makayanan ang tingin niya sa aking mga mata. Para bang nanlalambot ako at hindi ko maipaliwanag ang mararam