CHAPTER 3

2132 Words
• LEIGH POV • "Boss. Tapos na po ako sa shift ko." Pag papaalam ko sa boss ko. "Ay! 5:00 am na pala! Sige na umuwi kana... Oo nga pala eto yung sahod mo this month." Napangiti naman ako kay boss at inabot ang sobre na brown na naglalaman ng sahod ko. "Dahil magaling kang empleyado eto, bonus mo! Alam ko naman na pasukan mo na next week, pandagdag mo sa bibilhin mo sa school supplies niyo, di ba mag aaral na din yung kapatid mo?" "Opo boss, salamat po talaga." Ang bait talaga ni boss, gustong-gusto niya din kasi si Szam. Nakikita niya daw kasi si Szam sa little sister niya na namatay. "Ngayon ba kayo bibili ng mga gamit?" Tanong sa akin ni boss. "Opo boss, nakapangako na ko sa kapatid ko eh." "Gusto mo samahan ko na kayo? Dadaan din ako sa mall eh, bibili din ako ng mga gamit, teka nga saan nga pala papasok si Szam?" "Sa Seijin School of Intelligence." Sagot ko. "Ah boss Macky, baka po makaabala kami, uuwi pa po ako para mag asikaso sa bahay." Paliwanag ko sa kanya. "Ayos lang, antayin ko kayo, miss ko na din yung ka kulitan ng batang iyon eh.. " "Naku boss! Andon yung papa ko eh." Paliwanag ko. Nakakahiya baka anong sabihin sa kanya ni papa. "Ok lang, ano ka ba! Di naman siguro nangangain ng gwapo yung papa niyo hindi ba? Hahaha" naapangiti naman ako kay boss ng tumawa siya, ang gwapo talaga ni boss. "Sige po ikaw bahala." Wala na kong nagawa sa kakulitan ni boss, pag tumanggi din kasi ako, kukulitin at kukulitin pa din niya ko hanggang sa pumawag ako, hindi lang naman sa akin ganyan yan si boos, pati din sa lahat ng empleyado dito!! Kaya gustong-gusto siya ng mga tauhan niya kasi ang bait bait niya sa amin. Inayos ko na lang ang mga gamit ko para makaalis na. Nang mapatingin ako kay boss, na pa lunok ako ng tumitig din sa akin si boss, unti-unti lumalapit ang mukha niya, hindi ko alam ang gagawin ko, di ako makahinga, palapit na ng papalapit ang mukha niya sa akin. "Ah... boss tara na po!" Haaaayyy! Buti na lang.. hahalikan ba ko ni boss??? Ano yun? Bakit iba yung nakikita ko sa mga mata niya.. erase erase!!! Annika! Walang gusto sayo yun! Baka may dumi ka lang sa mukha mo, oo yon lang yon wag kang assuming! Sumakay na kami sa kotse ni boss at nag tungo na sa bahay namin, medyo madilim pa kasi 5:10 am pa lang, Night shift kasi ako. Whoooo ang tahimik! Di ako sanay, palihim akong tumingin kay boss na nagmamaneho at tsaka tumingin sa bintana sa gilid ko. "Alam mo bang sa SSI din ako nag aaral? 2nd yr college?" Biglang Sabi ni boss. "Talaga???? Wow may kilala na din ako" Sayang! Sana ka age ko na lang si boss baka sakaling mag ka-klase pa kami. "Lumipat ka na din? hindi ba sa International Science School (ISS) ka?" Tanong ni boss. "Lilipat na po ako, di na afford ang tuition eh haahaha." Pag sisinungaling ko! Wala naman akong binabayaran doon dahil full scholar ako! Di na ko nagpakita sa school at pinakuha ko na lang sa bestfriend ko mga kailangan ko. Baka kasi di ako payagan ng principal. "Eh mas mahal ang tuition sa SSI eh." Alam ko naman iyon.. "Nakakuha po ako ng half scholar, kung ma mi-maintain ko daw ang grades ko or kung mas mataas pa pwede daw ako mag apply ng full scholar, pagbubutihin ko na lang para next sem makapag apply ako ng full scholar" "Oo ganon na lang gawin mo, kaya mo yan, ikaw pa! Pero kung kailangan mo ng tulong sabihin mo lang." lumapit ng unti si boss. "Malakas ako sa may-ari ng school.." bulong niya. "Hahaha!!! wag na boss! Kaya yan! Ako pa ba. Buti na lang talaga sa SSI ka din no? ay kaya lang nasa college building nga pala kayo." na lungkot naman ako ng maalala ko, bawal ata mag over the bakod. "Ano kaba!! pwede naman kami pumunta sa Senior High School Building eh. Gusto mo sabay pa nating puntahan si Lavaigne sa Elem. Building eh." Paliwanag niya. "Talaga? Maganda yon! Ahhhh bosss ... pwede bang---- " napatigil ako sa sasabihin ko kaya tumingin siya sa akin. Nginitian ko na lang siya. "ah wag na lang pala hehehe." Sa sabihin ko sana na sabay kami mag lunch sa school kasi wala naman ako kilala, kaya lang baka di kami pareho ng sched. Si bes ka kilala ko kaso baka di kami mag ka-klase nun. Malamang sa alamang. "Ok lang Leigh! Sabay-sabay ang lunch ng buong SSI gusto mo sabay tayo tuwing lunch?" Nagulat naman ako kay boss Macky, paano niya nalaman? "Hahahaha... alam ko naman na yun ang gusto mo sabihin eh! Kilala na kita, tagal mo na din kayang nag tatrabaho sa akin." Napakamot ako ng ulo sa hiya. "Baka po kasi iba ang sched natin, nakakahiya! Ok lang po ba kahit sa 1st day at 2nd day ng school?" Pakapalan na ng mukha. Di naman sa allergy ako sa tao ah! ayoko lang kasi sa kanila, kasi sa huli ta-traydorin ka din naman nila, tsaka baka malaman pa nila yung sekreto ko, mahirap na. "Gusto mo hanggang sa makahanap ka ng mga kaibigan mo para may kasabay ka na sa lunch." "Walang may gustong makipag kaibigan sa akin boss, i'm a weird person, remember? Hahaha" paliwanag ko kay boss. "Ikaw talaga, Ok ka naman eh! Away mo lang ma attach sa kanila." Sabay gulo ng buhok ko. "Andito na tayo." Bumaba na kami at nag tungo na sa bahay namin. • MACKY POV • "Ayos lang kaya si Leigh?" Huminto ako ng marinig ko ang pangalan niya. "Bakit ano nangyari?" "Nakita ko kasi siya sa locker kanina, nakita ko ang dami niyang pasa at sugat sa katawan." Lumapit pa ako sa kanila ng di nila namamalayan. "Erika!! Di ba kapitbahay niyo si Leigh?" "Oo bakit?" "Ano nangyari sa kanya bakit ang dami niyang sugat at pasa?" "Ahhh ayon? Naku baka binugbog na naman siya ng papa nila, lagi ko iyan sila naririnig, kundi si Leigh ang sasaktan niya, yung bunso naman na si Lavaigne." Napakuyom ako ng kamao sa narinig ko. "Anak niya binubugbog niya? Grabe naman iyon" "Adik ata yon eh! Lagi kasi lasing yun, minsan nga kinukuha uon yong pera ni Leigh pambili niya lang ng alak, syemre pinababayaan na lang nila kasi masasaktan lang sila, ewan ko ba sa dalawa bakit di na lang nila layasan yung tatay nila." Pagtapos ko marinig yun ay nag tungo na ko sa office ko, sakto naman na pumasok din si Leigh. Binigay ko yung sahod niya at dinagdagan ko pa ng bonus, alam ko kasi na pasukan na nila next week. Sinabi ko na sasamahan ko sila sa mall, pero wala naman talaga akong dadaanan dun, gusto ko lang talaga na makapunta sa bahay nila para makilala ko ang tatay nila. Mabait na impleyado si Leigh, mahigit isang taon pa lang ata siya dito na nag ta-trabaho, kapag bakasyon araw-araw siya pumapasok, kapag school day naman tuwing sabado at linggo lang siya pumapasok kasi nag aaral siya. Buti na lang sa SSI na din siya mag aaral, ano kayang meron bakit lumipat siya, baka naman lumipat din yung boyfriend niya kaya lumipat din siya, sobrang mahal niya din kasi yung boyfriend niya kahit mukang di naman seryoso sa kanya yung lalaki. Nang makababa na kami ng sasakyan humarap muna siya sa akin na parang may gustong sabihin, nag buntong hininga lang siya at tsaka nag tuloy na ng lakad sa gate nila at binuksan ito, na ka sunod lang ako sa kanya. "Ate...." lumabas ng tumatakbo si Szam. "Bakit? .. bakit ka umiiyak?" Tarantang tanong niya sa kapatid niya, lumapit naman ako sa kanila.. "Lavaigne Szaaaammmm!!!" Biglang nag tago ito sa likod ni Leigh. "Oh!!! Annika! anjan ka na pala! Tamang tama.... teka sino yang kasama mo???" "Ano na naman ginawa mo kay Szam???" Mahina pero may diin na tanong ni Leigh sa papa niya. "Yang kapatid mo!!!! Ayaw ako sundin! Pinauutang ko ng Gin sa tindahan!! Ang tamad-tamad!!! Halika nga ditong bata ka! Makaka tikim ka talaga sa akin!!!!" Lalapit na sana yung papa nila kaya hinila ko sila at tinago sa likod ko. "Ah... sir ako po si Macky, boss po ni Leigh, wag na po kayo umutang, eto po pera kayo na lang po bumili." Kinuha ko ang wallet ko at binigyan ng 500 php, walang kung ano-ano ay tinanggap niya ito. "Buti pa tong boss mo binigyan ako ng pera! Pero kayo??? Wala talaga kayong silbi!!! Sige ijo feel at home... hoy Leigh!! Asikasuhin mo yang bisita mo!!!" Pagkasabi niya nun ay agad siyang umalis. "Haysss!!! Sana di mo ginawa iyon boss!" Tumingin ako kay Leigh. "Hayaan muna! Kesa naman saktan niya kayo.. Kamusta na baby girl? Ok ka lang ba?" Tanong ko kay Szam habang sinusuri ang mga kamay niya, may mga sugat at pasa din ito.. "Dalhin natin sa hospital si Szam." "Wag na po boss!!, pwede na po kayo umalis, kami na lang po bibili ng mga gamit namin, masyado ka nang naabala sa amin." Napabuntong hininga na lang ako. "Aantayin ko kayo sa kotse, sasamahan ko kayo mamili." Tumalikod na ako at nag punta na lang sa kotse ko. • LEIGH POV • Nag buntong hininga na lang ako ng lumabas na si boss. "Ate! Ano ginagawa ni Kuya Macky dito?" "Sasamahan daw niya tayo mamili ng mga gamit sa school, kaya dalian mo jan at mag ayos kana, nakakahiya kay boss.." nag madali naman kami mag ayos para di mag antay si boss ng matagal.. "Gusto niyo ba muna kumain?" Tanong ni boss sa amin ng nakapasok na kami sa mall. "San niyo gusto kumain? .. Lavaigne? ikaw san mo gusto kumain? Treat ko na" Tumingin muna siya sa akin, kaya nginitian ko siya. "Sa jollibee po kuya Macky." "Boss, KKB ako na lang po magbabayad ng samin ni Lav" Bulong ko kay boss. "Ano ka ba Leigh, di ba sabi ko pag wala tayo sa work wag mo ko tawagin boss? Akala ko ba friends na tayo?" Napakagat naman ako sa labi ko ng mag lungkot-lungkutan si boss sabay pout! Nakakainis tong lalaking to bakit ang cute... "Ok Macky!! Hahahah pasensya na nasanay na kasi ako eh.." "Sa School dapat Macky na ang itawag mo ha!" "Ok. Pero pwede bang Kuya Macky? Baka sabihin di kita ginagalang eh." "Sige ikaw bahala. Pero mas better kung walang kuya." Wala na kong nagawa ng pinaupo na niya kami at siya na daw mag oorder. Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay agad na akong bumaba para buhatin si Lav, sa likod kasi siya nakatulog na sa sobrang pagod. "Ako na magbubuhat kay Szam, ikaw na lang sa mga pinamili niyo." Kinuha ko yung mga paper bag at plastic bag na mga pinamili namin at siya na nga ang nag buhat kay Lav.. Binuksan ko agad ang kwarto namin at inayos ang higaan para maibaba niya ang kapatid ko. "Thank you Macky ha. Ngayon ko lang nakitang ganon kasaya si Lav kanina habang naglalaro kayo sa World of Fun." "Wala iyon, nakakatuwa nga yang batang iyan eh." *Ringggggg... ringgggg....* Kinuha ko ang phone ko sa bulsa, sasagutin ko na sana ng makita ko ang caller Id. "Kanina ko pa naririnig ring ng ring iyang phone mo, sagutin muna baka magalit iyang boyfriend mo." "Wala na kami." Na pa yuko na lang ako. "Tsk!!! Di ko na tatanong kung sino may kasalanan, halata naman na eh! I know you really love him. Ang tanga niya lang kasi pinakawalan ka niya.." "Hindi siguro talaga kami para sa isa't isa eh..hahaha" na tawa na lang ako kunwari. "Hindi talaga!!!" "Huh?" "Wala .. Oh pano alis na ko, mukang wala pa ang papa niyo ah!." "Andon na naman siguro sa sugalan iyon o kaya nag iinom na naman sa kapitbahay." "Oh sige basta pag may problema, tawagan mo lang ako agad ah, good night. See you sa School." Paalam niya sa akin, hinatid ko siya hanggang labas. "Ingat po." Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan niya ay pumasok na agad ako, inayos ko na muna ang mga pinamili namin, pagtapos ay nag shower na para presko matulog. Thanks God for this day.. Maaga ako nagising dahil mag aasikaso pa ako sa bahay. Pagtapos ko maligo ay nagluto na ako nang almusal. Nakita ko si Lav na lumabas ng kwarto namin. "Gising na pala ang baby ko, kain kana muna bago ka maligo." Umupo naman siya, hinainan ko sya ng pagkain at kumain na eto. "Aayusin ko lang ang gamit natin ah." Pumasok ako sa kwarto para ayusin ang gamit namin ni Lav. —— Don't forget Heart or Follow my stories. Thank you :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD