• LEIGH POV •
Di ko na alam gagawin ko kaya mas minabuti ko nang umalis doon, nahihiya na din kasi ako sa mga tumulong sa akin, tapos ang dami pang mga tao nanonood sa amin. Ayoko muna umuwi eh, naglakad-lakad muna ako, bahala na kung saan mapunta,
"Wow. Ang ganda naman dito, bat ngayon ko lang to nakita?." Di ko alam kung saan to, basta dito ako dinala ng mga paa ko, kitang-kita mo kasi dito yung buong City, ang sarap pa ng simoy ng hangin,
May nakita naman akong isang malaking bato na pwedeng tambayan kaya nagtungo ako doon para umupo at mag pahinga. Hays!! kailan kaya matatapos ang kamalasan ko sa buhay?. Medyo napapagod na din kasi ako eh. Pinagmamasdan ko lang ang buong tanawin, madilim na din kasi kaya nagsindihan na ang mga ilaw, ang ganda ng mga city lights, dati pangarap ko magkaron ng bahay sa mataas na lugar, yung makikita ang buong paligid at city lights, kaso pangarap na lang iyon na di na kailanman matutupad, ang mahal kasi ng mga pangarap ko eh, wala akong ganoong halaga.
Nang napagod na ko sakakatingin sa magandang tanawin ay tumayo na ako at naglakad na ulit pababa ng kalsada, medyo pa bundok na pala yung narating ko, may nakita akong maliit na mall kaya pumasok muna ako doon para mag CR,.
Nag ikot-ikot muna ako sa mall, maliit lang naman dito kaya ok lang, sarap sana bumuli ng mga damit oh, kaso lang kailangan ko mag budget kung hindi wala kaming kakainin ng kapatid ko. Makauwi na nga lang, ang daming tukso eh.
Paglabas ko ng mall nag para agad ako ng jeep, di ko na naman maiwasang isipin si Kian, bakit kaya niya ko niloko? wala naman akong ginawang mali sa kanya eh, kahit kailan siya lang lagi ang inaalala ko, siya lang lagi ang sinusunod ko, kasi takot ako mawala siya, sobrang mahal na mahal ko si Kian, Pero niloko pa din niya ako, ang hirap naman mag mahal, yung nagpapakatotoo ka sa kanya pero ikaw niloloko ka na lang pala niya, kaya pala ang laki na ng pinagbago niya, dati kasi lagi niya akong kinakamusta, mag te-text siya o kaya tatawag, kapag di ako nakasagot sa mga iyon, mag aalala na iyon o kaya pupuntahan niya ako makita niya lang akong OK at safe. Pero nitong mga nakaraang buwan nag bago na lahat, dahil pala may mahal na siyang iba.
Sana sinabi niya na lang sa akin dati pa para hindi humantong sa ganito. Sobrang mahal ko siya kaya kung hindi na siya masaya sa akin papakawalan ko naman siya eh. Pero bakit kailangan niya pa akong lokohin. Hays!! mga lalake nga naman, di marunnong makuntento sa isa. Move on na nga lang tayo.
Kaya mo yan Annika, walang-wala yan sa lahat ng pinagdaanan mo, Haysss!! Ok na din siguro na wala na kami ni Kian, Sobrang mahal ko si Kian, siya kasi yung first boyfriend ko at gustong-gusto siya ni mama para sa akin, speaking of mama? .. Sorry po mama, alam kong gusto mo si Kian para sa akin, pero mukang hindi kasi ako ang gusto niya eh, wag mo sana akong mu-multuhin mama dahil wala na kami. Mama miss na miss na kita, yakapin mo naman ako oh,, please. Pinigilan kong wag umiyak dito sa jeep, nakakahiya naman kasi kung dito pa ko iiyak. Baka mamaya mag viral pa ko dito!! Pinagtitinginan pa naman na nila ako.
"Manong, para po." Pagbaba ko ng jeep sumabay na agad ako sa mga tao patawid, alam niyo na, shunga kasi ako pag sa tawiran eh, ayoko ng ma lbangga ang sakit kaya sa katawan, tsaka ang mahal mag pa hospital.
Magpakilala muna nga pala ako sa inyo. Hi! ako nga pala si Leigh Annika Kim "(Ley)" na lang. 17 mag 18 na next month, may kapatid nga din pala ako, Lavaigne Szam Kim, 5 years old. Actually Half Sister ko lang siya, dapat magkaiba kami ng last name, kaya lang si mama eh, yung last name niya din ang pinagamit niya para daw parehas kami ng last name at di kami tuksuin ng iba.
Wala kasi yung papa ni Lav nung pinanganak siya kaya Kim ang ginamit ni mama na last name niya, di naman alam ni mama na magkakabalikan pala sila ng papa ni Lav.. Yung daddy ko? Kilala ko naman siya, pinakita siya sa akin ni mama, pero di niya ko kilala, sabi ni mama, dumalaw daw isang beses si daddy yung pinanganak ako, iyon lang tapos hindi na nagpakita, binayaran niya lang yung hospital bill, kumbaga tinakasan niya ako! Sad no? Ayos lang masaya na kong nakikita ko siya kahit sa malayuan lang.
Ok naman ang naging takbo ng pamilya namin, tinuring akong anak ng step dad ko, sa katunayan nga papa din ang tawag ko sa kanya. Masaya naman kami eh, kaya lang noon yon, yung buhay pa si mama, hanggang sa nawala si mama, nagbago ang masayang pamilya na meron kami, 2 years old pa lang si Lav non at 15 naman ako nang kunin sa amin ni papa God si mama.
Ang sakit lang mawalan ng isang mama, kasi siya iyong lagi kong kasama eh, hatid sundo niya lagi ako sa school, siya yung naging besfriend ko, suportado ako ni mama sa lahat ng bagay na gusto ko.
Simula nong nawala si mama nagbago na si papa, lagi na siyang naglalasing, nagsusugal, lahat ng negosyo namin nawala na dahil kay papa, binenta niya lahat ng ari-arian na meron kami tapos pinatalo niya lang sa sugal. Itong bahay na lang ang natira sa amin dahil di niya ito mabebenta, Ipinamana sa akin to ng lolo ko bago siya nawala, dahil hindi pa ako 18 di pa ako pwede pumirma, pero syempre alam ko yun no! Kahit anong mangyare di ako papayag na mawalan kami ng bahay!! Hindi pwede! Buti na lang hindi niya alam na may fund akong nakukuha monthly, at yung pera ni mama sa banko, sa akin ipinangalan kaya ayon ang ginagamit ko para sa pag aaral namin ni Lav. Pero syempre konti na lang iyon, tapos ako pa nagbabayad ng mga gastusin dito sa bahay, kaya tinitipid ko, nagtatrabaho din ako sa gabi pagtapos ng school ko, at dahil malapit nang matapos ang bakasyon, nakaipon din ako kahit paano para sa pag aaral namin ngayong pasukan.
"Hello ate" bungad sa akin ng kapatid ko.
"Hello baby ko." sabay yakap sa kanya.
"Kamusta ka?"
"Ate si papa, pinalo na naman niya ko.." pagsusumbong nya sakin, tinignan ko agad ang katawan niya. Nakakainis! dati di naman kami sinasaktan ni papa eh, pero ngayon malala na siya.
"ANNIKA!!! BUTI ANJAN KANA!!" bigla akong kinabahan nang lumabas si papa.
"Bakit po?"
"Pengeng pera, bibili akong Gin."
"Pa, wala na po akong pera"
"Tigilan mo ko Annika! Pengeng pera!!!"
"Wala na po talaga pa, pambili lang po namin ng mga gamit to ni Szam, pasukan na po next week."
"Wag ka ng mag aral."
"Pa naman."
"Si Szam lang bilihan mo, wag kana mag aral! mag asawa kana para naman may ibigay kang pera sa akin araw-araw." Galit na sabi niya.
"Papa naman!! Ano bang sinasabi mo? Hindi na nga kami nagrereklamo sa mga ginagawa mo eh, hindi ka na nga nakakatulong dito sa mga bayarin sa bahay eh"
"Aba sinasagot mo na ko ngayon"
"Nagsasabi lang po ako ng totoo.. Aaaahhhh!! Papa masakit po." Hinila ni papa ang buhok ko, kinaladkad at pinasok sa kwarto namin, tsaka ako hinataw ng pang kamot nya sa likod, yung kahoy, masakit, kasi hindi pa gumagaling ang mga pasa at sugat na natamo ko sa kanya nung isang araw, tinitiis ko lang. Di pa siya na kuntento kaya sinampal niya din ako at pinag tatadyakan.
"Ateeeee ..." Pumasok si Szam, at tinulak si papa kaya natumba ito.
"Tarantado kang bata ka! Gusto mong ipa-ampon kita! Para naman magkasilbi ka saking bata ka.
"Lumayas kana dito!!! Hindi ako sasama sayo!!" Pasigaw na sabi ni Szam.
"Aba!! Sinasagot mo na din ako!!! Nagagaya ka na din sa ate mo!!"
"Szaaaammm." Niyakap ko agad ang kapatid ko at tumalikod para ako yung mahampas ni papa.
"Accckk"
"Wala kayong kwenta!! Tandaan mo ANNIKA!!! ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang mama niyo! ikaw ang dahilan kung bakit ako ganito!! Dapat ikaw na lang ang namatay!!! Mga wala kayong kwenta!!!." Pagkasabi ni papa nun ay umalis na siya kasabay ng pagbagsak nya ng pinto.
Sana nga papa, sana nga ako na lang ang nawala at hindi si mama. Nang dahil dun! Nag flashback na naman sa utak ko ang araw na iyon, ang araw kung kailan namatay si mama.. Hindi ko naman ginusto na mawala si mama eh!!! Aksidente yung nangyari, walang may gusto nun papa, wala!!!
"Ateee" Umiiyak na yumakap sakin si Szam.
"Ok lang si Ate baby, ikaw ba? Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya habang chine-check ko ang katawan nya kung may panibago na naman siya sugat. Kawawa naman yung kapatid ko, ang bata-bata pa niya pero ang dami na din niya pinagdaanan p*******t galing sa sarili niyang ama. Sana bumalik na sa dati si papa.
" Szam, pwede bang Bukas na lang tayo bumili ng mga gamit ha? Oo nga pala Lilipat na lang ng School si ate mo doon sa school niyo, may Senior high school naman doon eh, para May maghahatid at sundo sayo" Pag iiba ko ng topic sa kanya, para naman di niya ulit damdamin yung nangyari ngayon.
"Pero ate mahal doon di ba?, ako na lang kaya ang lumipat?" Hay nako Lav, napakabait mo talaga.
"Lav, ano kaba, May iniwan sa atin si mama na pang school natin, at tsaka may work ako diba? akong bahala, ayaw mo ba iyon? iisang school na tayo?."
"Talaga ate?" Napangiti siya agad sa sinabi ko.
"Oo, Halika nga gamutin na natin mga sugat mo, sayang ang kutis mo, diba sabi mo gusto mo maging model?."
"Opo.. Gusto ko talaga maging model ate, pangarap namin ni mama iyon eh." Bibong sabi nito, natuwa naman ako sa ngiti niya. Ang ganda talaga ng kapatid ko. Nilinis ko ang sugat niya at ganon din siya sa akin. Ganto lagi ang scenario namin magkapatid pagtapos kaming gulpihin ni papa.
"Lav? .. Nagugutom ka ba?"
"Bakit ate? nagugutom ka na?" Ako nag tatanong eh, ibalik daw ba sa akin ang tanong ko.
"Ok lang ba na bukas na lang tayo kumain? di pa nakukuha ni ate yung sahod niya eh, bukas kakain tayo sa jollibee tapos bibili na din tayo ng mga gamit mo at uniform mo." sabi ko dito habang sinusuklayan ang buhok niya.
"Talaga ate? Sige po busog pa naman ako eh, Tulog na tayo? para maaga tayo bukas gumising, iwan natin si papa. Tapos ate libutin natin ulit yung mall ha?? " Tuwang-tuwa na sabi niya, excited na naman tong bata na to. Bihira kasi makapunta ng mall si Lav eh, ayoko kasi siyang dalhin sa mall ng wala akong pera, baka kasi may gusto siya tapos di ko mabili, malulungkot yan, ayoko kasing nakikitang malungkot si Lav, hanggat maari kapag may problema ako, hindi ko pinpahata, lakas pa naman makaramdam ng batang yan, minsan nga nagtataka na din ako kung sino sa amin ang mas matanda eh.
"Sige, sleep na baby ko, Goodnight." Ang swerte ko talaga sa kapatid ko, kasi kahit bata pa siya alam na niya yung sitwasyon namin, naiintindihan niya na yung mga bagay-bagay na pinagdadaanan namin.
"Goodnight ate." Pasensya ka na Lav, babawi talaga si ate sayo, pagnakatapos na ko ng pag-aaral, para sayo lahat gagawin ni ate maging maganda lang ang buhay mo Baby. Ikaw na lang ang meron ako kaya pag bubutihin ni ate para sa kinabukasan mo.
"I love you." Sabay halik ko sa pisngi niya at kinumutan na siya, niyakap ko na lang siya habang pinapatulog.
Nang mahimbing na siyang natutulog ay dahan-dahan akong tumayo para lumabas ng kwarto, nang makalabas na ko ay agad na akong naligo at nagpalit ng damit, sa-sideline kasi ako ngayon bilang waitress sa isang event party.
Nang matapos na ako maligo, nagbihis na ako at nag ayos ng mga kailangan ko ayusin, lahat-lahat! bago umalis ng bahay chineck ko muna yung kapatid ko nagpunta din ako sa kwarto ni papa para silipin siya kung tulog na, parehas na silang mahimbing na natutulog. Nang Ok na lahat ay dahan-dahan na akong lumabas ng bahay, baka kasi magising sila, Nang nakalabas na ako ay agad na akong tumungo sa papasukan ko.
"Para sa future! Para kay Lavaigne."
—
Don't forget Heart or Follow my stories. Thank you :)