CHAPTER 4

2088 Words
• LEIGH POV • Nang makalabas na kami ng gate ay agad kaming hinarang ni papa, tinignan niya kami mula ulo hanggang paa, nag buntong hininga na lang ako at kumuha sa bulsa ko ng 100 pesos at binigay sa kanya, ayoko na makipagtalo baka ma late pa kami. Wala naman siyang sinabi at umalis agad pagbigay ko ng pera. Malamang bibili na naman niya ng alak niya iyon o kaya naman magsusugal na naman! Hayss!!! Kelan kaya magbabago si papa. "Sana bumalik na si papa sa dati no?" Malungkot na sabi ni Lav. Sumakay kami ng jeep papuntang SSI. Saglit lang naman ang byahe mga 10 mins lang pag di traffic. "Ate, ang ganda ng school natin." Tuwang-tuwa na sabi niya, hinatid ko muna siya sa Elem.Building "Pasok na si ate ha? Tawagan mo ko kapag may problema ah" "Opo" Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago nag tungo sa field, Orientation kasi daw muna. "Besssss!!!!" Nagulat ako ng may biglang yumakap sa likod ko. "Bes! Ikaw pala.." buti na lang may kilala na ko.. "Inaantay kita sa Entrance eh!! Alam mo bang excited ako, sa wakas same school na tayo." Tuwang-tuwa na sabi niya, may pag hampas-hampas pa. Hindi halatang excited siya! "Hinatid ko muna si Lav sa room niya." "Ay oo nga pala no? Nag-aaral na din siya." "Anong section mo bes?" Tanong ko sa kanya. "Section A" "Talaga????? Magkaklase tayoooo.." buti na lang talaga classmate kami.. Di niyo pa pala siya kilala no?. Siya si Jaycel Saavedra, 17 na siya na late lang ako ng isang buwan. Magkaibigan ang Mommy niya at si mama, childhood bestfriend naman kami. Siya lang ang nakaka kilala sa akin ng sobra pero may isang bagay siya na di ko pa sinasabi sa kanya at wala akong balak sabihin dahil baka katakutan niya ko! Kahit sino naman siguro matatakot kapag nalaman ang sekreto ko! Nang matapos ang Orientation ay nagpuntahan na kami sa room namin. "Bes! Dito ka na lang umupo, walang nakaupo jan." Sinunod ko na lang si Jaycel, ok na din para na sa tapat ko siya, may nakaupo daw kasi sa tabi ko, at sa likod ko, dalawang upuan ang bakante sa likod. Gusto ko sana doon umupo eh. "Good Morning class A, kamusta ang bakasyon niyo?" Bungad ng teacher namin. Siya na siguro ang adviser namin. "Ok naman po ma'am, bitin lang.." sagot ng iba kong classmate. "Paano? Di niyo na kailangan magpakilala dahil kayo-kayo pa rin naman ang mag kaklase!!" "Ma'am may trasfer po." Nasipa ko agad yung upuan ni Jaycel. Kainis ayoko nga magpakilala eh!! "Oh!!!! Hello, kindly introduce your self miss?" Nag buntong hininga na lang ako, tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang tatlong lalaki at isang babae, Maygad!!! Kilala ko sila!!! Ano bayan bakit naman sila pa! Mukang classmate ko pa yata sila. Yumuko ako nang papunta sila sa pwesto ko at umupo sa tabi ko yung babae at isang lalake, sa likod naman ay yung dalawang lalake. "Ok miss?" Napatingin ako kay ma'am nang tawagin na niya ko, wala na kong nagawa at nagpunta na lang sa harap.. ramdam ko ang titig nila sa akin lalo na yung lalaking tumulong sa akin, huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "I'm Leigh Annika Kim. Leigh for short, 17, from International Science School." "Oh!! From ISS. Thank you Miss. Leigh, Welcome to SSI." "Thank you po." Pagtapos ko magpakilala ay nag tungo na ako sa desk ko. "Another b***h!!!" "Yeah!! Nakakainis!" "Bakit ka naiinis?" "Kasi tignan mo si Ethan! Kanina pa titig na titig sa kanya." "Baka nagagandahan o kaya type niya" "Ano ka ba di niya type mga ganyan no!!! tsaka maganda? asan jan? mas maganda naman ako jan!" "Oo naman no!" Tsk!!! Di din talaga mawawala ang mga gantong tao!! Bahala kayo jan, basta ako mag-aaral.. "Hi, Ako nga pala si Celine, naaalala mo ba kami?" Lumingon ako sa tabi ko. "Ah oo! Hello." "Hoy! Mag kakilala kayo?" Singit ni Jaycel na lumingon pa sa amin. Tumango lang ako sa kanya. "Explain later! Sa amin ka sasabay mag lunch." Sabi niya sabay balik ng tingin kay ma'am. Ano ba yan, kasabay ko si Macky eh. Nang matapos ang klase ay nag ayos na agad ako ng gamit, aalis na sana ako ng harangin nila ako kasama ang bestfriend ko. "Ah bess! Di ako makakasabay sa inyo." "Bakit? Saan ka pupunta?" "May kasabay na kasi ako eh." "Sino?" "Si Macky." Nag ningning naman ang mata ni Jaycel. Hahaha crush niya kasi iyon eh, pero hanggang crush lang daw dahil may gusto daw siyang iba. Sino kaya iyon? di pa niya kasi sinasabi. Dami alam eh.. "OMG!!! Sama akoooo!!!! .. Guys! Di muna ako sasabay sa inyo ah... bye.. Halika na dali baka andon na si Macky! Masamang pinag-aantay ang gwapong nilalang na ka gaya ni Macky" hinila na ako ni Jaycel, Papunta na kami sa Canteen, doon na lang daw namin antayin si Macky sa entrance kung sakaling wala pa siya. Na kwento ko na din kay Jaycel iyong nangyari sa mall. Habang naglalakad kasi kami papunta dito, pinakwento niya ko kung ano nangyari sa bakasyon ko, eh wala naman kasing magandang nangyari sa akin kaya ang kwenento ko na lang yung kamalasang nangyari sa akin sa mall. Tinanong din niya kasi paano ko nakilala si Celine. "Pagnakita ko talaga yang Ex mo!!! Babangasan ko yan!! Naku!!! Nag iinit na naman tong kamay ko!!! Matagal tagal ko na din hindi nagagamit to.." Ang brutal talaga nitong babaeng to. "Ano ka ba! Ayan kana naman eh!!! Pag bangasan talaga eh no?" Magaling kasi tong makipag away. Paano taekwondo Black Belter. • ETHAN POV • Pagalis nila Leigh ay nag tungo na kami sa canteen. "Kyaaaaaahhhhh anjan na sila!!!" "Ang gwapo talaga ni Lester no?" "Mas gwapo si Ranz" Tsk!!! Mga bulag! Mas gwapo ako!! "Gago ka! Marinig ka ni Celine, kalbo ka!!" "Bulag ba kayo???? Mas gwapo kaya si Ethan ko! Tignan niyo..." Tsk!! Grupo pala nila Grace to!!! Ang babaeng patay na patay sa akin!!! Ay hindi lang pala siya ang patay na patay sa akin, halos lahat pala ng nag-aaral dito. Ganon talaga, Syempre gwapo ko. "Gwapo nga! Di ka naman niya type... hahahah" natawa naman ako ng palihim sa pang-asar ng kasama niya. Wala kung type sa inyong lahat. "Mag antay ka!!! Maiinlove din sa akin yan!!! At kung sino man ang babaeng lalapit sa future boyfriend ko!! Malilintakan sa akin." Nainis naman ako kaya tinignan ko siya ng masama. Lakas ng loob ah! "Hi. Ethan.." "Shut up!!!" "Boom!!! Basag si Grace! Hahahahaha" Pang aasar sa kanya ng kasama niya. "Hahahahaha" nagtawanan naman ang mga nasapaligin namin na nakarinig. "Buti nga!!! Taas kasi ng pangarap. b***h!!!" Pahabol pa ni Celine sabay irap. Wala silang nagawa kundi tumahimik. Syempre Celine yan eh!! Ang Angelic Devil ng SSI .. Angelic Devil ang tawag ng campus kay Celine kasi daw ang amo ng mukha, mabait sa mga alam niyang mabait sa kanya, pero demonyo kapag nakaaway mo, kaya ikaw mag ingat ka, nasa loob ang kulo niyan. "Akalain mo nga naman! Dito na mag aaral si Leigh... naks!!! Destiny.." nakatingin sa akin si Celine habang sinasabi niya iyan, di ko na lang siya pinansin. Alam ko naman na nang aasar na naman iyan. "Hello po ano po order niyo?" Tanong sa amin ng waiter.. astig ng canteen namin may waiter no??? .. ang totoo niyan kami lang talaga ang pinag se-serban niyan. May sarili din kaming table. "Yung menu niyo today." Sagot ko agad, nag si pag order din ang mga kasama ko. Di mawala sa isip ko si Leigh!! Kaya habang kumakain ako may naisip akong plano. Tama!!! May utang siya sa akin.. "Para kang baliw , Tol. Ngumingiti mag isa." - Ranz "G*go!!!! May naisip na kasi akong kapalit ng pag tulong ko kay Leigh!" Naka ngising sagot ko sa kanila. "G*go ka talaga! Pag titripan mo yung transfer?" Nakataas kilay na sabi ni Celine. "Bakit ba!!! Siya naman may sabi na sa susunod niya na lang ibabalik yung kapalit ng pag tulong ko ah!!" "Oo nga, ayusin mo lang ETHAN CHAZE DEL GADO!!! Alam mo naman na kapag pinag tripan mo ang isang tao, ginagaya na ng iba!! Bahala ka kapag yan bumalik sa ISS wala ka nang love life." "Love life mo mukha mo!! Di ko type yun no!!" Pweee ako magiging type iyon? No!! Never!!! "Wag kang magsalita ng tapos! Baka kainin mo yang sinabi mo." "Isa ka pa, Lester eh." Napatingin kami sa entrance ng mag ingay ang mga studyante. Nakita ko si Jaycel at Leigh. Tsk!!! Bat kasama nila yan, nilipat na ba ang canteen ng College? "Halaaaaa!! Si kuya Macky..." "Omg!! Ano ginagawa niya dito." "Hoy! Dali pengeng pulbos dali..." "Sino yung isang kasama nila?" "Si Jaycel at Macky lang kilala ko." "Ay ayan yata yung transfer sa SH2 Section A .. inferness maganda." San ang ganda jan? "Pre!! Ang ganda ng transfer sa Section A oh.. may boyfriend kaya?" "Kita mong kasama ni kuya Macky oh! Baka girlfriend niya iyan, malabo naman na si Jaycel eh ngayon lang na padpad dito sa campus yan. Tsk!!" Ingay!! Daming bubuyog pati mga lalaki. "Baka nga girlfriend ni Macky si Leigh." "Loko! Ka bebreak lang niyan eh." "Baka maharot! " tinignan ko si Ranz ng masama. "Aray naman!! Bat ka nambabatok!!" Napangisi ako, binatukan kasi siya ng girlfriend niya. "May nagseselos hahahaha." Sinamaan ko ng tingin si Celine. Sino nagseselos??? Ako??? Asa!! "Hahaha, bat ang sama ng tingin mo kay Macky?" Di ko na lang sila pinansin at kumain na lang. Tsk! Bat ba kasi dito pa kumain yang lalaki na yan!!! Ang ingay-ingay tuloy. • LEIGH POV • Pagpasok namin sa canteen rinig ko na agad ang mga bulong-bulungan!! Di ko na lang sila pinansin at sumunod na lang kala Jaycel at Macky hanggang sa nakaupo na kami. Nag order na agad si Macky, siya na daw sasagot. Iba talaga pag yayamanin eh. Alam kong maraming masasama ang nakatingin sa akin ngayon. Na kwento na kasi sakin ni Jaycel na sikat nga daw si Macky, di lang sa college dept. kundi sa buong SSI, pati pala ang grupo nila Ethan, sikat din daw at kasama siya sa grupo nila, bestfriend ko si Jaycel pero ayoko maging sikat no!!! Iiwas na lang ako sa grupo nila. Nang matapos kami kumain ay nag paalam na si Macky, may research pa daw kasi sila. Inis nga yon eh, kasi start palang daw ng klase research agad, ang aga nga naman kasi!! Kami naman may 30mins pang oras bago ang class. Inilibot muna ako ni bes sa buong Senior High School campus, grabe ang laki din pala ng SHS, mas malaki kesa sa ISS .. sabagay puro anak mayaman mga nag aaral dito, sa ISS naman kahit di ka mayaman basta matalino ka pasok ka.. Agad naman mabilis lumipas ang oras at natapos na ang last subject namin, nag madali na ako mag ayos ng gamit para makaalis na, kanina pa kasi ako kinukulit ni Ethan, kundi niya ko kakalabitin, sisipain niya naman yung upuan ko, alam ko naman ang gusto niya eh, yung pinangako kong kapalit ng pagtulong niya sa akin, kainis! Di makapag antay. "Bes, una na ko ah! Baka inaantay na ko ni Lav eh, Bye.." "Teka lang Leigh!!!" Di ko na siya pinansin at nagmadali sa paglalakad para di na niya ako mahabol, isa pa yun! Gusto niya kasi akong sumama muna sa tambayan nila eh. "Ateeee.." napangiti ako agad ng tumakbo si Lav at yumakap sa akin. "Kamusta ang first day of school ng baby ko?" "Ate ang babait ng mga classmate ko, binigyan nila ako ng baon nila." Tuwang-tuwa na sabi ng kapatid ko. Mabuti naman at ayos ang lagay niya. "Wow! Talaga? Mabuti naman kung ganon! Di na mag-aalala si ate.." "Uuwi na ba tayo ate?" "Oo eh, bakit? May gusto ka bang puntahan?" "Wala naman po, ayoko pa kasi umuwi eh, baka lasing na naman si papa." "Di ko hahayaang masaktan ka niya ulit, wag kang mag-alala, andito si ate... ano? Tara na??" Tumango naman ito kaya hinawakan ko na ang isa niyang kamay tsaka kami lumabas ng school, dito na kami lumabas sa Elem. school. "Gusto mo ba muna pumunta tayo ng plaza?" Biglang aya ko kay Lav. "Sige po ate,, Yeheeeyy!!" nag tatalon-talon pa siya sa harap ko, na gutom kasi ako tutal ayaw pa niya umuwi kaya sa plaza muna kami. "Meryenda tayo sa plaza." "Wow mag pipicnic tayo ate?" "Parang ganon na nga, na gutom kasi ako bigla eh." "hihihi, ako din eh" Masayang sabi niya. —— Don't forget Heart or Follow my stories :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD