CHAPTER 5

2102 Words
• LEIGH POV • Ano na naman kaya ang gustong kapalit ni Ethan, sabi kasi ni Jaycel, grabe daw maningil ng kapalit yun eh, baka naman pag titripan lang ako nun, O kaya baka aalilain lang ako nun?? Mas ok na siguro iyong ganon kesa naman pagtripan sa buong campus, ganon daw kasi kadalasan mga pinagagawa ni Ethan sa mga may utang sa kanya, ayoko pa naman ng ganon. Gusto ko kasi yung tahimik lang, yung papasok lang ako para mag aral ng mabuti hanggang sa makagraduate ako tapos!!. Iniiwasan ko din kasi sila, kasi mayayari ako sa mga fangirl ng mga iyon, kaya hanggat kaya ko silang iwasan gagawin ko. Kanina talaga nagmadali lang talaga ako dahil ayoko sumama sa kanila, gusto kasi nila isama ako sa tambayan nila, buong klase ako pinilit ni Celine pati ni Jaycel, tinatanguan ko na lang sila kunyare para tumahimik na, kaya nung labasan na karipas agad ako ng takbo eh. Pero sana talaga sa labas ng school na lang gawin ni Ethan kung ano man gustong ipagawa niya sa akin, ayoko kasi may makakita at baka malaman pa nila na tinulungan ako ng Prince Charming DAW??? nila.. korny nila no? hahahaha kahit ako natawa nung narinig ko yan eh, may kumpol na grupo kasi ng mga babae kanina sa CR, nag uusap sila about kay Ethan pati sa grupo niya, kinikilig pa nga sila eh, ang haharot nila promise, di nila alam na nasa loob lang ako ng cubicle, gustong-gusto ko na din kayang lumabas noon kaso di ako makalabas kasi sila Grace yung andon, Sabi ni Jaycel Numero uno daw iyon na patay na patay kay Ethan, binubully daw nun lahat ng nilalapitan ni Ethan o kaya lahat ng nag tatangka lumapit dito, one time nga daw may lumapit daw dito para ibigay yung modules na pinabalik ng teacher tapos nung nalaman ni Grace kinabukasan sinugod niya daw ito tapos kinawawa, hindi daw magawang parusahan ng may-ari ng school si Grace kasi inaanak pala daw siya nito kaya yung babae na lang daw yung nag tranfer ng school, kawawa naman. Tsk!!! ang unfair lang talaga ng mundo. Ay hala napahaba ang kwento ko, andito na pala kami sa park. Nang makarating kami sa plaza ay tumakbo agad si Lav sa isang bench, may mga upuan kasi dito yung may kasama ng mesa tapos yung mga nagtitinda nasa gilid lang din. Ang dami pang tao, mga bata na naglalaro, may mga pamilya din na sama-sama. Hayss!! bigla ko tuloy namis si mama at lolo, ganyan din kami dati eh, yung wala pa si Lav, kami na lang kasi tatlo mag kasama noon. Ay nako! tama na nga, baka maiyak pa ko dito. "Lav, ano gusto mo kainin?" Tanong ko agad sa kapatid ko. "Hotdog ate, ganon oh yung may tinapay." Turo niya sa batang dumaan na may dalang hotdog sandwich. "Ok." Nag tungo na agad ako kung saan may tinda ng hotdog sandwich.. "Ate, dalawa nga pong hotdog sandwich?." "60 pesos lang ija." "60 pesos po isa?" Gulat na tanong ko. "Ay hindi dalawa na iyon." natawa naman siya. "Ah ok po, pati po dalawa ding coke, paki plastik na lang po." Pagkabigay ko ng bayad ay nag asikaso na siya sa pagluluto. Habang inaantay ko yung binili ko, nakatingin lang ako kay Lav, baka kasi mawala eh, mahirap na, malikot pa naman iyong batang yun. "Ineng, eto na oh." Abot sa akin ni manang ng mga binili ko.. "Salamat po." Ang cute ng kapatid ko, habang naglalakad kasi ako para siyang pusa na nagaantay sa pagkain niya.. yung mata niya kasi parang sa garfield na nag papaawa hahaha. "Eto na, dahan-dahan ah." "Opo." Kumain na kami habang pinapanood ang mga bata na naglalaro sa damuhan, yung iba nagtatakbuhan.. Sabi ko kay Lav makipag laro din siya eh. Ayaw naman niya ayaw daw kasi niya mapapagod lang daw siya, baka pawisan pa daw siya, hahaha arte talaga nitong batang to. "Ate, kamusta naman sa school niyo?" Tanong bigla ni Lav. "Ok naman, classmate nga pala kami ni ate Jaycel mo." Sagot ko agad sa kanya, kilala din niya kasi si Jaycel, close din sila nun. "Ay ang galing, kamusta naman si ate jaycel?, miss ko na iyon ate." "Awww, miss ka na din ni ate jaycel mo, kanina nga tinatanong ka nun sa akin eh." Napangiti naman siya sa sinabi ko. "Talaga???" "Oo, hayaan mo kapag hindi na masyadong busy si ate Jaycel mo, dadalawin ka nun. Miss ka na daw niya ka laro." "Hihihi, miss ko na din siya kalaro eh.. Sana hindi na siya maging busy ano? para makita ko na ulit siya at maglaro ulit kami tulad ng dati" "Ohm! sige na ubusin mo na yang kinakain mo, para ma ka uwi na tayo, baka abutan tayo ng gabi eh. Mahirapan pa tayo sumakay." Sabi ko na lang dito, ma ngungilit na naman kasi yan, mag tatanong ng mag tatanong yan about sa mga pinag-gagawa namin at tsaka mag ga-gabi na din kasi. "Sige po." bibong sabi nya sabay ubos ng pagkain nya. Nang ma tapos na kami kumain ay tumayo na kami para pumunta sa sakayan ng jeep, buti nalang onti pa lang naka pila. Pag baba namin ng jeep na pansin ko yung mga ingay sa kabilang eskinita, sinilip ko ito, nagulat ako sa nakikita ko. May dalawang lalaki, yung isa may hawak na kutsilyo at yung isa may tubo. Pero ang ikina gulat ko lalo ay yung tatlo pang lalaki at isang babae, naka suot sila ng school uniform Parehas ng uniform ko pero naka jacket sila at na ka hood. Hindi mo makikita ang mukha nila pero ako, kitang kita ko sila at kilala ko pa. Pa anong??? "Ate???" "Ssshhhhh" Saya ko sa kapatid ko, hinila ko sya sa gilid para makapag tago. "Sino kayo??? Mga demonyo kayo!!!" Sigaw ng isang lalaki na na ka mask at kita lang ang mata. "Kami???? Kayo nga ata ang mga demonyo dito sa mundo na to eh!!!" Salita ng isang pamilyar na boses ng babae. "Oppsss!!! I'm sorry i'm late." Sabay sabi ng isa pang babae na ka da-dating lang. "Jaycel." Napatakip ako agad ng bibig ng biglang lumingon si Ethan sa kinatatayuan namin ng kapatid ko, dali-dali kung hinila si Lav sa akin, para ma ka pag tago pa kami sa sulok, para di kami makita, per kita padin namin sila. Yes!! Ang grupo nila Ethan ang mga tinutukoy ko. "May tao ba jan????" Sabay sabi ni Ranz. "Tulong...aaarrrgghhh!!!" Tinakpan ko ang bibig ni Lav, ng biglang umangat ang isang paso na may halaman ng walang nag bubuhat kaya napatingin ako kay Celine ng ibato nya ito sa isa pang lalaki na may hawak na tubo, hahampasin nya kasi sana si Ethan na biglang tumalikod at mag lalakad na sana pa punta samin. "Ano ba Ethan!!! Tapusin na natin to! Inaantok na ko ano ba kasi ginagaa mo jan!." Inis na sabi ni Celine kaya bumalik ito sa kanila. "Tinawagan ko na si Kuya Dafh." Sabi ni Lester. Isa-isa nilang pinag babato ng kapangyarihan nila ang dalawang masamang tao na kaharap nila. Maya-maya lang may isang pulis ang dumating. "Ma aasahan talaga kayo mga bata eh!! Anong kasalanan ng mga yan?" Tanong ng pulis. "Ang bagal mo kuya Dafh!!!" "Sorry na kapatid." Sagot nung pulis kay Celine, kapatid nya pala eto, siguro may kapangyarihan din yon. "Akyat bahay yang mga yan." Sagot ni Lester. Ginamitan din sila ng kuya Dafh ng kapangyarihan, halos lahat sila parehas lang ang kapangyarihan, telekinesis. "Pinapatay nila mga bantay na aso! tapos pag nanakawan na nila yung bahay." "Ay bad!!! Kaya pala galit na galit ang kapatid ko eh!!! Di nyo ba alam Dog Lover yan?" Sabi pa ng kuya ni Celine sa dalawang magnanakaw. Halos patayin na ni Celine ang dalawa sa isip nya. "Alam kong mina-murder mo na yang dalawa sa isip mo Celine!!." "Kaso hindi ako ang apprentice ni Athena. Sana nga ako nalang para sa sabihin ko nalang lahat ng gusto kong mangyari!! At ang murderin ang dalawang to ang unang-una kong gagawin!" Gigil na gigil na sabi ni Celine habang nanlilisik ang tingin sa dalawa. "Kaso bawal tayo pumatay!" "Pwede!!! Deserve naman nila!!" "Ranz, pa kalmahin mo yang jowa mo" sabat ni Jaycel. "Hahahaha!!! Kasi kayo bakit kayo pumapatay ng mga aso? Ayan tuloy!! Di kayo pa patawarin ng girlfriend ko!!!" Na tatawa ng sabi pa ni Ranz. • SOMEONE POV • Masyadong na lilibang ang grupo ng mga Gods & Goddess Apprentice. Hindi nila na ma malayan na unti-unti ng nag lalakad ang dalawang magnanakaw pa palayo sa kanila para tumakas. "Aaaaaaahhhhhh Sino ka!!!!" Sigaw ng dalawa ng batuhin sila ng apoy at bumilog ito sa harap nila para di sila ma ka takas, mas lalo pa nya itong nilakihan ng mag tangka na lumabas ang dalawa.. "Elementalist!!" Nag takbuhan naman ang grupo nila Ethan sa pangyayari at gulat na gulat sa nakikita. "Sino may gawa nito?" Tanong agad ni Dafh. "Hindi namin alam!!! Bigla nalang nya kaming binato ng apoy!" Takot na takot na sabi nila habang nakaturo sa likod ng plywood na ka harap lang nila. Nag madaling pumunta doon si Lester. "Pinag loloko mo ba kami? Wala namang tao dito!!!" Inis na sabi nito. "Paanong wala??? Anjan lang sila kanina." "Sila???" Takang tanong ni Lester. "Oo, dalawa sila." Wala ng nagawa ang dalawang magnanakaw ng pinosasan na sila ni Dafh. "Babae o lalaki?" Tanong ni Ranz "Dalawang babae" sagot naman ng dalawang magnanakaw. "Hindi kaya kanina pa tayo pinapanood ng Elementalist" sagot ni Lester habang nag kakamot sa batok. "Ayan kasi! Ano bang ginagawa nyo ha? At hindi nyo padin na hahanap ang Elementalist?? .. " tanong ni Dafh sa kanila "Nag aaral kami! At the same time hinahanap din namin sya! Wag kang epal jan kuya!" Inis na sagot ni Celine. "kaya nga kayo ang pinadala dito kasi gusto nyo manirahan dito sa mundo ng mga normal na tao" "Eh bakit ba ang kulit mo!!! Ikaw kaya mag hanap!! Ewan ko lang kung mahanap mo sya na walang kahit anong info na alam sa kanya!!" "gusto nyo bang bumalik sa mundo natin? Boring pa naman don! Lagot na naman kayo kay Athena." "Eh sa mailap eh!!! Ikaw mag hanap. Tara na nga!! Kanina pa ko inaantok, ikaw ng bahala jan." Inis na sabi ni Celine sa kuya nya at biglang nag laho, isa-isa nadin silang nawala at si Dafh at ang dalawang magnanakaw nalang ang natira. Dinala na din ni Dafh ito sa prisinto, pero bago nya muna ito issurender ay binura muna nya ang pangyayari ngayon sa mga utak nila. "Mahirap na baka sumabit pa." Sabi nito at agad ng umalis. • LESTER POV • Palaisipan pa din sakin kung sino yung elementalist na yon! Bakit dalawa sila? Ang tagal na namin hinahanap yon at ngayon lang kami nag karoon ng info sa kanya. Babae pala ang Elementalist! Wala kasi kaming alam sa kanya kaya hindi namin sya mahanap-hanap! Mailap din kasi sya! Ngayon lang nya ata na isipan gumamit ng kapangyarihan nya! Sa bagay andito kasi sya sa mundo ng mga normal na tao pinanganak. Kami kasi ay ipinadala lang dito para mag bantay sa mundong ito! At hanapin nadin sya! Gumagamit lang kami ng kapangyarihan kapag may gantong masasamang tao! Ewan ko lang kay Ethan at araw-araw na ata ginagamit ang kapangyarihan nya, lalo na sa school kapag bored sya!! Manti-trip nalang ng basta-basta yon, kaya ikaw mag ingat ka don, baka pag tripan ka din non. "Lalim ng iniisip mo ah!" Tanong ni Ranz. "Iniisip ko lang yung Elementalist!! Ngayon may info na tayo sa kanya sana mahanap na natin sya." "Kaya nga!!! Akalain mo yon??? Babae pala sya.." nakarating kami sa Penthouse namin dito sa hotel na pag ma may-ari namin. Nag dinner nalang kami sa Catering ng hotel at pag tapos kanya-kanya na kaming pasok sa mga kwarto namin at Pag pasok konsa kwarto ko ang ibinagsak ko ang ktawan konsa na pa ka lambot kung kama. "Bakit kaya parang iniiwasan nya kami?" "Ang ganda nya ka pag ngumingiti." "Gusto ko syang maging kaibigan." "Saan kaya sya na katira?" "Paano kaya sila naging mag bestfriend ni Jaycel?, ay nako!! nako!!! Ma tanong na nga lang sa kanya bukas. Bumangon na ako at nag punta sa CR, ma ka pag shower na nga lang, kung ano-ano pang pumapasok sa utak ko eh! Nang ma tapos akong mag shower ay nag punta ako sa computer ko, mag ga-games na muna ako, pam pa antok ko kasi lagi to.. Maya-maya pa ay na ka raramdam na ko ng antok kaya nag quit na ko sa ni lalaro ko at pinatay ko na ang PC sabay talon sa kama ko. — Don't forget Heart or Follow my stories. Thank you :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD