CHAPTER 6

2013 Words
• LEIGH POV • Pag dating namin sa bahay ay agad kaming nag palit ng pambahay. Nilabahan ko yung uniform namin ni Lav, isa lang kasi ang uniform ko at dalawa naman sa kapatid ko. "Papaaaaa wag mongg galawin yan...." nag madali akong pumasok sa bahay ng marinig ko ang sigaw ng kapatid ko. Hinila ko agad ito kay papa ng tinulak nya ito. "Kailangan ko ng pera!! Kulang pa to!!! Annika!!! Alam kong may pera ka jan!!! Akin na!!!" Inis akong tumayo at inagaw ang piggy bank na kinuha nya!! ipon ko yon eh. "P*tang *na Annika!!!!" Galit na galit na sabi ni papa. Tinulak ko kasi sya kaya nakuha ko ang piggy bank. "Aaaaaahhhhh!!! Papaaa" hinila nya ang buhok ko at inihampas sa sahig, tumama ang left hand ko sa divider. Ang sakit. May panibago na naman akong pasa nito malamang. "Ate,,, atee. Ayos ka lang ate?" nag aalalang tanong ni Lav "Hhmm" sagot ko agad sa kapatid ko kahit ang sakit na. "Ate, may dugo." Tinignan ko agad ang braso ko, may hiwa ito pero maliit lang naman. Pumasok si papa sa kwarto namin kaya nataranta ako at sinundan ko sya. "Wag mong kunin yan!!! Pambayad ng Kuryente yan! Wala ka na nga na itutulong sa bahay na to eh!!! Lumayas ka nalang dito!!" Inis kong sabi sa kanya. Alam kong bastos na kung bastos pero di ko na kaya ang manahimik nalang sa tuwing kukunin nalang nya lagi ang pera namin. "Aba!!! Sumasagot ka na ngayon!!! Baka nakakalimutan mo ako ang asawa ng mama mo!!! Ako ang may karapatan dito! Asan ang titulo ng bahay? Ibebenta ko to at mag kalimutan na tayo!!! Tutal hindi naman kita anak! hindi kita ka ano-ano. Hoy Lavaigne!!! Sa sama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo!!" "Ayoko sayo!!!" Sigaw ni Lav. "Wala kang magagawa! ako ang tatay mo!" Tumakbo sa akin si Szam. "Ate ayoko kay papa!" umiiyak na sabi nya. "Wag ka mag alala, hindi kita ibibigay sa kanya." Pag papatahan ko sa kanya. "Hindi mo mabebenta ang bahay dahil binigay sakin ito nila lolo, ako ang nakapangalan dito!!! Kaya wala kang karapatan dito!" Bulya ko sa kanya, tila nagalit naman sya at kinuha ang isang pigurin at binasag ito. "Wala akong pakialam! Ako ang guardian mo kaya wala ka pang karapatan!!!" Kinalkal ni papa ang cabinet ko!! Tumakbo ako ng makuha nya ang file case na nag lalaman ng house title!!! Binigay ko ang buong lakas ko para makuha ito, nang makuha ko na ito ay hinila ko agad si Szam para tumakbo. Nang ma ka labas na kami at na ka layo-layo na din kahit pano, na upo muna kami sa gilid. Mini park ang lugar na ito. "Baby!. Dito muna tayo ah!! Antayin lang muna natin ma ka tulog si papa.." tumango naman si Lav, kaya niyakap ko sya. Lumipas ang 1 oras. "Ate na gugutom na ko." "Gutom na ang baby ko?? Tara kain tayo." "May dala ka bang pera ate?" Na pa isip ako agad, kaya kinapa ko ang bulsa ko, buti nalang may 100 pesos pala akong nilagay, ibibili ko sana ng ulam namin to kanina pag tapos ko mag laba, kaya lang sinumpong na naman yung tatay namin. Nag punta kami sa karendirya na sa tapat lang ng plaza, pinag kasya namin ang pera namin. Pinag masdan ko si Lav na kumakain. "Gutom ka pa? Eto pa kainin muna yung akin, busog pa naman si ate eh." Nag dalawang isip muna ito. "Sure ka ate? Baka gutumin ka mamaya." Nginitian ko lang sya at inilagay ang pagkain ko sa kanya. Kaya ko naman tiisin ang gutom eh. Basta mabusog lang ang kapatid ko. Nang matapos kami kumain ay nag lakad-lakad muna kami, nag pa pa baba kasi kami ng kinain, nag punta kami sa night market at sa plaza na may mga nag pe-perform. Nilibot ko muna si Lav at masaya ako na kahit paano ay nakalimutan nya ang nangyari sa bahay. "Tara na ate uwi na tayo, tulog na yon si papa." "Inaantok ka na ba?" Tanong ko, nag kukusot na kasi sya ng mata nya at humihikab na. "Ay sus... Na pagod ang baby ko, halika kargahin kana ni ate." "Eeeehhh ate... ang laki-laki ko na eh.." natawa naman ako sa inasal ng kapatid ko. "Ano naman? Baby padin kita. Wag ka mag alala di ka makikita ng crush mo na karga-karga ka ni ate mo." Na tawa ako lalo ng makita kong na mula ang mga pisngi nya. "Halaaaaa ate??? Alam mo???" "Syempre no. Ate mo kaya ko." kunyareng sagot ko, kahit hindi ko naman talagga alam. "Pasan sa likod mo nalang ate." "Hahaha sige na nga, ang baby namin, nahihiya na" Asar ko dito, sabay baba ko at pasan dito at nag lakad na pa punta sa bahay. Ang totoo nyan di ko naman talaga alam na may crush na sya eh!! Sadyang madali lang talagang hulihin ang kapatid ko sa mga bagay na ganyan, kaya di sya nakakapag sinungaling sakin kasi alam nyang mahuhuli ko sya. "Bukas turo mo sakin yung crush mo ha?" Sabi ko kay Lav. "Eeehhh ayoko nga." Hiyang sabi nito. "Bakit??? Tuturo mo lang naman eh." pang aasar ko pa. "Eeehh baka lokohin mo ko eh.. nahihiya ako ate, baka malaman nya na crush ko sya di na ko pansinin non." "Hahahaha mana ka talaga sakin. Wag ka mag alala, gusto ko lang sya makita." "Promise ah, titignan mo lang sya ah. Hindi mo sa sabihin ha??" Paninigurado pa nya. "Oo naman, basta aral muna ikaw ha." "Opo ate. Crush lang naman yon eh." Andito na pala kami. Dahan-dahan kaming pumasok sa bahay, ng makapasok na kami sa kwarto namin ay agad ko itong ni-lock, inayos agad ni Lav ang mga kalat na gamit, na pansin kung na ka bukas ang drawer ko sa tabi ng kama namin. "Lord. Sana hindi nya kinuha." Dasal ko sa sarili ko. Na pa luhod nalang ako ng makita ko na wala ng laman ang wallet ko kundi ang picture naming tatlo nila Mama at Lav, nalang ang andon "Bakit ka umiiyak ate." Pinunasan ni Lav ang pisngi ko. "Kinuha ni papa yung 5000 na na ka lagay sa wallet ko, pambayad ko ng kuryente yon eh, tapos yong 3000 allowance natin sa buong isang buwan." Na iiyak na sabi ko dito. "Pano yan ate? Baka maputulan na tayo bukas ng kuryente?." "Wag ka mag alala, gagawa ng paraan si ate, kahit maputulan tayo ng kuryente basta meron tayong pang gastos sa isang buwan. Ayos lang ba sayo yon??" "Opo ate." "Promise! Gagawan ng paraan ni ate to para mabalik agad ang ilaw natin." Tumango si Lav at niyakap ako. "Wag mo ko ibibigay kay papa ah! Ayoko sa kanya ate." May takot sa mata nyang sabi sakin. "Hinding-hindi kita ibibigay sa kanya!" Inantay ko muna ma ka tulog si Lav bago ako natulog na din. • ETHAN POV • Pag pasok ko sa school, nag tungo agad ako sa rooftop kung saan tanaw ang mga studyante na pumapasok sa gate. Habang pinag ma masdan ko ang mga pumapasok bigla kong nakita si Leigh may kasama sya. Tumalon agad ako hanggang baba, buti walang nakakita sakin. Hinabol ko sila pero patago lang. Kaya lang bigla sila na ala, lumingon-lingon ako para hanapin sila pero hindi ko na talaga sila nakita. "Sino kaya yon" • LEIGH POV • Nang maihatid ko na si Lav sa room nya ay agad na ako nag tungo sa room ko. "Aray... ano baaaa!" Tinignan ko kung sino tong epal na humila sakin sa likod ng building. "Ma ka aray naman! Hindi naman masakit pag kakahawak ko sayo." Tinaasan ko sya ng kilay. "Ano bang problema mo? Bakit ka ba nang hihila? Bat andito tayo?" Inis na tanong ko sa kanya. "Gusto ko lang sabihin sayo na simula ngayon susundin mo na lahat ng utos ko!" "Ano!!! At bakit naman?" "Baka nakakalimutan mo na may utang kang pinangako sakin." "So ayon ang kapalit ng pag tulong mo sakin?" Inis na bulyaw ko sa kanya, ngumisi naman sya! Nakakainis!!! Ang daming pwedeng hinging kapalit bakit yon pa talaga.. "Pano kung ayoko?" Taas kilay kong sabi sa kanya.. "Ok lang din naman!!! Wala naman kaso yon eh." Sagot nya sakin, wala naman palang kaso eh.. edi ok.. aalis na sana ako ng napahinto ako sa pag lalakad ko. "Sasabihin ko lang sa ex mo na yung pag pa panggap ko, gusto mo ba yon?" Huminga muna ako ng malalim bago tuluyan umalis. Bahala sya kung sabihin nya! Sya naman may pakana non eh! "Leigh!" Na pa lingon ako ng inakbayan ako Jaycel. "Sabay na tayo." Kasama nya pala ang grupo nya, at andito nadin si Ethan. "Anong meron??? Bat ganyan kayong mag tinginang dalawa?" Sabay singit ni Celine. Umiwas naman ako agad.. "Ah, mauna na kayo, sige." Sabi ko sa kanila. "Hoy Leigh!!!" Habol pa ni Jaycel sakin ng pasara na ang elevator. Ayoko kasi sumakay ng elevator. Nag punta na ako ng exit at don nalang dumaan pa akyat sa 5th floor. Sa room namin. Pag pasok ko sa room ay nag tungo agad ako sa upuan ko. "Ano nangyare sayo? umulan ba sa labas bat basa ka?" Bungad agad ni Jaycel. "Pawis yan." Sagot ko agad. "Oh bat pawis na pawis? anong ginawa mo?" Nako naman Jaycel! Daming tanong, di ko nalang sya sinagot at umupo na agad sa upuan ko. Pag upo ko ay syang tayo naman ng isang classmate ko sa harap. "Tahimik muna!!!!" Sigaw nya. Na pukaw nya mana lahat ng atensyon ng buong klase. "Class wala tayong mga teacher ngayon may meeting daw." Nag sigawan naman ang buong clase sa balita ng class president. Tumayo na ako at akmang kukunin na ang bag ko nang agawin agad ito ni Ethan. "*sigh* inis naman!" Bulong ko! "Sumunod ka samin!" Na una na silang lumabas, wala na kong nagawa ng hinila na ako ni Jaycel at Celine. "Ano ba yan!!! Bakit kasama nila yang transfer?" "Tignan mo dala pa ni Ethan mo yung bag oh!!" "Napakalandi talaga!!!" "Wag mo sila pansinin!" Bulong ni Celine. Patay ako nito!!! Pano yung fansclub kasi ni Ethan s***h yung patay na patay sa kanya na si Grace ang sama-sama na ng tingin sakin!! Classmate ko nga pala tong mga to! Kung na kakatunaw lang sya tumingin siguro kanina pa ko nag melt .. Tumakbo ako kay Ethan at inagaw ang bag ko, kaya lang masyado mahigpit ang pag kakahawak nya! Kaya ang ending ayon na sira ang bag ko at nag kalat ang mga gamit ko.. Taranta akong kinuha lahat yon at ibibalik sa sira kong bag.. "Nakakainis ka talaga!!!" Inis na bulyaw ko sa kanya!!! "Aba!!! Di ko kasalanan yan!!! Hahahaha tanga-tanga mo kasi!! Bat mo kasi hinila pwede mo naman kunin ng ayos sakin" "Bakit ibibigay mo ba ng maayos?" Pa taray na sagot ko. "Hindi din syempre hahaha." Pinipigilan kong wag maiyak sa harap nila. Ang dami na kasing nakatingin samin. Tumayo nalang ako at umalis na sa harap nila!!! • SOMEONE POV • Nang makaalis si Leigh ay may pinulot naman si Ethan na importanteng bagay mula sa bag ni nito. Para syang spray bottle! Inilagay nya ito agad sa bag nya.. "Wag mong subukan pag tripan yung bestfriend ko Ethan! Sinasabi ko sayo!!" Pag babanta ni Jaycel. "Pano ba yan? Trip ko sya eh!! Wag kang basag trip jan!" "Gago ka!!! Sinasabi ko sayo!! Kapag nasaktan si Leigh sa mga trip mo yari ka sakin." "Don't worry Jaycel, di nya sasaktan yang bes mo! Mamahalin nya yan!!! Diba Ethan?" Pang aasar naman ni Ranz "Hahahahaha" nag tawanan naman sila.. "Mga abnoy!! Pinag sasabi nyo!" "Sus! Ethan. Hahahaha" "Geh tawa pa! Lilipad kayong lahat!!! Kukunin ko lang yung utang nya sakin! wag kayong mag imagine jan" "Oy anong plano mo??? " Excited na tanong ni Ranz. "Alalay ko!" "Gago ka Ethan!!" Sabay hampas ni Jaycel sakin. "OA naman nito! 1 month lang." "Hindi pwede!!! Kawawa na nga yon sa bahay nila eh!" "Bakit kawawa?" Tanong ni Celine. Tinignan lang kami ni Jaycel "Basta!! Ayusin mo lang Ethan! pag pinahirapan mo yung besfriend ko lagot ka sakin.." "Don't cha worry" Pilyonh sagot nito "Seryoso ako ako Ethank.." Nang makarating kami sa canteen ay tumakbo agad si Jaycel kay Leigh. May dala kasi etong tray at pa punta na sana sa upuan nya ng hinila sya nito at pinaupo sa pwesto namin! "Good Girl.." bulong ko sa isip ko. "San ka pupunta?" Tanong ko agad sa kanya ng akmang tatayo na sya. "Upo!! " wala naman syang nagawa kaya umupo nalang sya at nilantakan na yung pagkain nya. Grabe naman to kumain! Di man lang na hiya andito kami sa harap nya. "May alaga ka bang dragon jan sa loob ng bituka mo??" Di sya pinansin ng dalaga at patuloy lang sa pagkain nya. "Hoy bes! gutom na gutom?" sabat naman ni Jaycel, na ka tingin lang sa kanya ang buong grupo, tuwang-tuwa na pinagmamasda ang dalaga na kumain. "Libre Jaycel eh." Sagot agad nito sa kaibigan. "Sino nan libre?" "Macky" "Tsk!!Mukang libre"  Bulong ng binatang si Ethan matapos marinig ang sinabi ni Leigh.      —— Don't forget Heart or Follow my stories. Thank you :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD