• LEIGH POV •
"Ano bayan na kakagutom ka naman panoorin Leigh" Sabat ni Celine.
"Tawagin nyo na nga yung waiter, gutom na ko eh. WAITER!!" Sigaw nya.
"Reklamo pa!! sya din naman tatawag Hahaha"
"Hi Leigh." bati ni Lester dito, sabay himas sa likod nya.
"Hi-- *cough cough*"
"Dahan-dahan lang kasi, di ka mauubusan." pag aalala nito habang hinihimas yung likod ng dalaga, hindi nila na mamalayan na nakatingin na din si Ethan sa kanila.
"Ehem...Lester kain na." Pag puputol ng moment ni Jaycel sa dalawa. Habang kumakain sila ay syang tapos naman ni Leigh sa pagkain nya.
Nakakainis naman! Ayoko nga sila kasama eh!! Center of attraction tuloy ako!! Alam ko naman ang daming mga nanlilisik na mata sakin ngayon eh!! Dinalian ko nalang ang pag inom ko ng tubig para makaalis na ako agad sa harap nila.
"*Riiinngggg*" kinuha ko ang phone ko at sinagot eto.
~"Hello, baby? Bakit?"
"Atee, *sniff* nawawala yung lunch box ko *sniff* na gugutom na ko ate."
~"Ay oo nga pala, sorry nadala ko, andito sa bag ko."
"*sniff* huhuhu kala ko nawala na eh, huhuhu"
~"Lav. Stop crying pupunta na ko jan, asan ka?"
"Nasa room po."
~"Ok on the way na, wag ka na umiyak OK." Niligpit ko muna lahat ng pinagkainan ko at tatayo na sana ng pigilan ako ni Lester.
"Iwan mo na yan jan, may waiter na kukuha jan." Ay oo nga pala, andito ako sa mesa nila.
"Thank you, Bes, una na ko ah, pupuntahan ko si Lav."
"Sige na, baka miss na miss ka na non! Ikamusta mo nalang muna ko kay Lav mo ah." Anong pinag sasabi nito! Parang di naman nya alam na mag kasama kami sa iisang bahay, baliw talaga to. Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng Canteen.
Tumakbo na ko pa punta sa Elem. Building, baka kasi mag time na di makakakain si Lav. Gutom na yong batang yon for sure. Kinder pa lang si Lav, nasa Elem building kasi ang mga Kinder. Bali apat na Campus kasi ang meron dito sa SSI. Elementary, High School, Senior High, at College.
"Baby..." tawag ko agad kay Lav pag dating ko ng room nila, tumakbo naman sya agad sakin.
"Eto na yung lunch box mo. Kain kana dali baka maabutan kayo ng time." Nag punta naman sya agad sa desk nya at nag umpisa ng kumain.
"Szam, ate mo yon?"
"Uhm."
"Ang ganda ng ate mo."
"Syempre kapatid ko yon eh, hehehe"
"Ay szam gusto mo? Di ko na kasi maubos eh."
Pinapanood ko lang si Lav, pati yung mga classmate nya, totoo ngang mababait sila, buti nalang hindi outcast ang kapatid ko, di tulad ko.
May lumapit na batang lalaki sa kapatid ko at binigyan sya ng Chukie, nag thank you sya dito. Eto siguro yung crush nya, di kasi makatingin ng detetcho yung kapatid ko eh, nahihiya hahahaha, ang cute nila. Nang ma siguro ko na OK na yung kapatid ay na pa ngiti nalang ako sa kanila.
Umalis na ako sa room ng kapatid ko, busy na makipag laro sa mga classmate nya, di nya siguro alam na andito pa ko, kaya nag pasya na din ako bumalik sa classroom, at nag tungo na sa Campus namin, nasa field pa lang ako ng may humarang sakin. Naku po nalintikan na! Na ka abang kasi sila grace kasama nya yung mga alalay nya, ay este yung grupo nya.
"Ang kapal din ng mukha mo no!!!! Ka bago-bago mo dito pero ang harot-harot mo!!!" Di ko nalang sila pinansin at nag tuloy-tuloy na sa pag lalakad malapit na ko sa building namin.
"Aba! Di ka pinapansin Grace, hahaha wala ka pala eh." Sulsol naman sa kanya ng kaibigan nya. Tsk!! Patay na!! Kasi mukang na galit ito.
"Wag mo kong tinatalikuran malandi kaaa!!! "
"Aaaarrrgghh!!! Ano baaa!!!" Hinila nya kasi yung buhok ko! At dahil sa eksena na yon!! Dumami lalo ang mga tao!!! Nakakainis naman!!!
"Di lang yan aabutin mo pag nilapitan mo pa sila lalo na si Ethan" tinanggal ko ang kamay nya sa buhok ko at pabagsak ko etong binitawan!
"Ayyy palaban!!!" Sigaw ng isa pang kaibigan nya, na inis lalo si Grace kaya nag lakad sya papunta sakin, nasahagdan na ako ng hablutin nya ulit ang buhok ko sabay pinag sa sampal nya ang mukha ko, binato naman ako ng bola ng isang lalaki na di ko naman kilala kaya napa upo ako, umikot ang paningin ko kaya na out of balance ako at tuluyan na tumba..
"Sige pa Grace!!! Angas ng transfer nyo eh!! Di ata na tatakot sayo hahahaha" sulsul ng lalaking bumato sakin ng bola, nag tawanan sila ng mga ka sama nya, basket ball player ata sila. Pinabayaan ko nalang silang saktan ako! Tatagal pa kasi kapag lumaban ako, tutal manhid naman na ang katawan ko.
• LESTER POV •
Pa akyat na sana kami sa room ng may nakita kaming mga estudyate na nag kukumpulan malapit sa exit. Nag sipag puntahan sila sa gilid ng makita kami.
"Hoy!! Ano ginagawa nyo sa bestfriend ko!!!" Sigaw ni Jaycel at tumakbo bigla kung asan si Leigh!!
"Aaarrgghh Tangina! Celine masakit!!!" Inis na sabi ni Grace! Pano hinila ni Celine yung buhok nya sabay tulak pababa ng hagdan..
"Masakit?? Wala pa yan sa ginawa nyo sa kanya!!! At kayo??? Kalalaki nyong tao nakikisali kayo??? Ano??? Mga bakla ata kayo eh!! Babae lang pinapatulan nyo!!! 1 on 1 kayo ng boyfriend ko?"
"Wag ka na makisali dito Celine.." Sagot pa ng lalaki, kilala ko to, si Nel, feeling pogi yan sa campus.
"Hoy Gago!! wag mong sinasagot-sagot ng ganyan girlfriend ko!!! Di kayo aalis!!" Sabay sigaw ni Ranz! Kaya nag sipag alisan ang Varsity Team. Mga duwag naman pala.
"Leigh... Leigh.." Tapik ni Jaycel sa pisngi nito..
"Di ako makahinga bess" mahinang sabi ni Leigh. Tumakbo ako sa kanila at binuhat ko sya.. para pumunta ng clinic nag si sunuran naman sila.
"Asan ang nurse ditoooo!!!" Halos mag wala na si Jaycel ng wala kaming nadatnang tao sa loob ng clinic..
"Asan yung bag mo? Andon ba yung pang emergency mo?" Natatarantang tanong ni Jaycel, tumango si Leigh dito.. Nilabas nya yung isang maliit na bag at kinuha yung, Oxygen?? Nag katinginan kami ni Ethan..
"Bakit may ganyan ka?? May sakit ka ba?" Tanong ko kay Leigh pero di nya ko sinagot kasi hirap na syang huminga, ang putla na din nya tapos ng hihina na din sya.
"Asan yung bote??" na tatarantang tanong ni Kaycel sa kaibigan.
"Besss" mahinang sabi nito, di ko alam at bigla nalang akong lumapit sa kanya at pinakakalma ko sya, na awa ako kasi may pumatak ng luha sa mata nya..
"Eto ba yon?" Nag tinginan kami ng mag salita si Ethan, may nilabas syang parang spray bottle sa bag nya..
"Oo, bat nasa sayo yan!" sabay hablot nito sa hawak ni Ethan.
"Nakuha ko yan yung nalaglag yung laman ng bag nya." Paliwanag nito.. Habol hininga padin si Leigh.. Kumapit bigla ito sa braso ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Nahihirapan na ko." Bulong nya, sa sobrang taranta ko inagaw ko agad yung hawak ni Ethan at binigay kay Jaycel. Kinuha din kasi ni Ethan eh.
"Mamaya na kayo mag tanungan!!! Nahihirapan na sya oh!!" Tarantang inayos naman ni Jaycel ang hawak nya at inilagay agad kay Leigh..
"Sorry, sorry bess..." Maluha-luhang sabi nito, unti-unti ko namang nararamdaman na lumuluwag ang kamay nya na nakakapit sakin, nakatulog na pala sya..
"Pumasok na kayo! Paki sabi nalang sa Teacher natin na andito kami ni Leigh sa clinic." sabi samin ni Jaycel.
"Dito lang ako." Nagulat naman sila sa sinabi ko..
"Bakit?"
"Himala ata!! Ikaw aabset?"
"Oo, tinatamad ako!" Palusot ko. Alam ko naman na nag tataka sila! Di kasi ako umaabset, ewan ko ba bakit parang gusto ko syang bantayan!
"Bakit sya may ganyan? May sakit ba sya?" Bigla kong tanong kay Jaycel.
"Wala!"
"Wala? Eh bakit may ganyan!" Mukhang may sakit nga talaga si Leigh!! Di kasi mapakali yung mata ni Jaycel! Ganyan yan kapag may tinatago o pag kinakabahan.
"Wala nga! ganyan lang talaga sya pag nahihirap huminga."
"Ah! Ok! Kala namin may sakit syang nakamamatay!" Sabi ni Celine.
• SOMEONE POV •
Pag ka labas nila sa clinic ay nag tungo agad sila sa tambayan nila, dahil wala naman ang mga teacher nila kaya mag papahinga nalang lamang daw muna ang mga ito. Hindi nila na mamalayan na nag ka ka gulo na ang buong campus dahil sa video na kumakalat. Ang video na ito ay nag lalaman tungkol kay Leigh at kay Ethan. Ang insidenteng nangyare sa mall kasama ang Ex boyfriend ni Leigh at ang babaeng pinalit sa kanya, ang ang agaw eksena ni Ethan sa mga ito.
Galit na galit habang pinapanood ito ni Grace, at dahil sa galit na yon na ka buo sya ng mga plano paano ma pa pa alis sa SSI si Leigh nang sa ganon ay wala na syang ka agaw kay Ethan.
• LESTER POV •
Na ka titig lang ako sa maamo nyang mukha ng biglang tumunog ang cellphone ko. Isang video, at dahil na curious ako, agad ko itong pinanood. Nagulat ako dahil ang video ay yung nangyare sa mall. Tinignan ko muna si Leigh, ok naman sya, mahimbing na ang tulog nya.
Lumabas ako ng clinic at dumeretcho sa tambayan namin.
"Oh!! ginagawa mo dito??? iniwan mo si Leigh?" Bungad agad sakin ni Celine. Nag labasan naman sila.
"Mahimbig tulog nya. Teka!!! na panood nyo na ba yung video?" Pag iiba ko ng usapan. Nag taka naman sila sa sinabi ko.
"Anong video??" Tanong ni Ethan.
"May scandal ka tol?" Na batukan naman agad ni Celine si Ranz.
"G*Go wala!! Video nyo!!" Sabay tingin ko kay Ethan, agad naman nilang kinuha yung mga phone nila at pinanood ito.
"Nag kakagulo buong campus.. Kalat na girlfriend mo si Leigh" Pagabol ko pa, na pa tingin naman silang lahat sakin..
"Instant Jowa ka agad pre hahaha." Sinamaan nya ng tingin si Celine at tsaka nag lakad sa pinto at lumabas.
"So eto pala ang nangyare!!! Arrgg Kian!!! ma papatay talaga kita kapag nakita kita!!!!" Inis na sabi ni Jaycel.
"Bakit? hindi mo ba alam?? tsaka Kilala mo Ex ni Leigh?" Tanong ni Celine.
"Syempre bespren ko yon!!! na kwento sakin ni Leigh yung nangyare, pero iba padin kapag yung kwento sa na panood ko!!!"
"Kalma Jaycel." sabi ko dito, galit na galit na kasi eh. Tumingin naman sya sakin, at nag buntong hinga sabay upo sa sofa.
• ETHAN POV •
Pag tapos ko ma panood yung video agad akong lumabas sa tambayan at nag punta sa clinic kung asan si Leigh. Pag pasok ko nakita ko syang na ka upo na sa higaan nya, wala na din ang oxygen nya sa mukha nya. Di nya ko namalayan na pumasok, hawak nya kasi ang cellphone nya, pinapanood ang video. Nag lakad ako sa gilid at umupo sa dulo ng kama nya.
"Anjan ka pala." Gulat nito.
"Uhm!!, kamusta na pakiramdam mo." Tanong ko agad dito.
"Ayos na. uuhhm---"
"Na panood ko na, kaya nga ko andito eh." Putol ko agad sa sasabihin nya.
"Alam ko naman na maraming nag video non eh! Pero di ko inexpect na kakalat yon! dito pa sa school" Ma lungkot na sabi nya.
"Kalat na din sa buong campus na girlfriend kita!" Nag buntong hininga nalang sya.
"Malamang galit na galit na sakin ngayon mga fangirls mo, lalo na siguro si Grace!!" Bakas sa mukha nya ang kaba.
"Ah ayon??? malamang yon!!" Pa nanakot ko pa sa kanya, di ko din alam talaga sa sarili ko bakit tinakot ko pa sya eh! Ang cute kasi nya kabahan Hahaha.
"Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay!! Mas gusto ko pa yung invisible ako sa paningin ng mga studyante dito eh, kaya nga iniiwasa ko kayo eh!" Ah kaya pala, bigla tuloy akong na awa dito.
"Ano na gagawin ko??? Baka nga pag labas ko jan sa pinto ng clinic nag aabang na sila sakin eh."
"Ano kaba ang nega mo! kaya nga ako andito para kunin na yung kapalit eh."
"Ayan padin iniisip mo, na momoblema na nga ko dito pano ko lalamopasan tong problema na to!!! Kasalann mo din to eh!!!" paninisi pa nya sakin.
"Bakit ako???" Angal ko.
"Kasi kung di ka lang pumasok-pasok sa eksena! edi sana wala ka sa video!! at walang fansclub mo ang mang hu-hunting sakin."
"Kaya nga tutulungan kita sulusyonan yang problema mo eh!!! plus!!! kapag pumayag ka, wala ka na ding utang sakin! bayad ka na agad!!" Bigla kasi akong na ka isip ng plano.
"Sulusyon ba talaga yan o pinalalaki mo lang ang problema." Hirit pa nito.
"Hindi yan akong bahala, ano deal?"
"Ikaw bahala! Pero ako naman ang kawawa!! Anong deal ka jan? di ko pa nga alam yang gusto mong mangyare"
"Simple lang naman eh!! Tulad ng kumakalat na chismis sa buong campus, mag pa-panggap kang girlfriend ko"
——
Don't forget Heart or Follow my stories. Thank you :)