Seatbelt

2342 Words
"Kamusta ang relationship n'yo ni Devin, Anak." tanong ni Ivo habang sabay-sabay silang nag hahapunan sa isang five-star restaurant kasama ang buong pamilya nila. Ang sarap talagang tingnan kapag sama-sama sila at nakikita n'ya ang mga makukulit n'yang mga pamangkin. Masarap talaga kapag meron malaking pamilya tas lumaki pa sila pare-parehas na may malaking respeto sa nakakatanda. Maayos silang napalaki ng parents nila bagamat meron minsan mga toyoin sa kapatid nila at mga tampuririt pero still intact pa rin ang samahan nila lahat. Sadyang mga spoiled na lang ang mga bunso nilang kapatid na talaga naman sakit na sa ulo ng kuya nila at sa parents nila dahil bata palang mukha ng shopping. At salamat sa lolo nila kaya tumigas ang ulo ng ibang kapatid nila na sobrang na spoiled sa lolo nila na ang motto ay gastusin ang pera wag itago. Live your live to the fullest ng wala kang pag sisihan pag dating ng araw. Kaya lumaki silang ganun ang paniniwala kaya naman ang mommy nila lagi na lang naka sigaw at galit sa kanilang lahat dahil ginagawa nila lahat ng gusto nila pero para sa kanya ang mommy pa rin n'ya ang pinaka the best mom. Puro babae sila iisa lang ang kuya Gab n'yang lalaki kaya gusto ng mommy n'ya mag sipag-asawa na daw silang lahat para wala na itong inaalala tama na daw ang 3 pa n'yang kapatid na puro nag-aaral pang sakit ng ulo nito sa katigasan ng mga ulo. Wag na daw silang dumagdag so far naman may asawa na din naman ang ate Ella nya at si Ana. S'ya na lang ang natitirang anak na babae na puwede na daw mag-asawa kaya pinag kakasundo na s'ya ng mga ito kay Devin. "Naka motor ka nanaman ba ng pumunta dito Ara?" tanong ng mommy n'ya, 'di naman nakasagot si Ara tiyak na kasi s'ya na ang sasalang sa hot seat dahil napuna na s'ya ng ina puro kasi naka dress ang mga kapatid n'ya s'ya lang ang bukod tanging naka jeans at boots na pang motor. "My, hindi na ako naka-uwi para mag bihis at mag palit ng kotse galing ako sa site kaya dito na po ako dumeretso." "Pinapayagan ka ba ni Devin na mag motor." napabuga naman ng hangin si Ara. "My, hindi pa po kami mag-asawa ni Dev para hawakan n'ya ako sa leeg." "I know pero hindi kaba natatakot kababae mong tao nag momotor ka buti sana kung mga simpleng motor lang pero ang laki ng motor mo nakakatakot." "Mommy ang astig nga ni Ate." wika ni Aira ang bunsong bunso kapatid nila na nasa high school na ngayon. "Ako din Mommy gusto ko ng motor tulad ng kay ate Ara mag papabili kami kay Lolo." wika naman ni Mikaela na sinigundhan naman ni Blessy na parehas na nasa college naman na. "Mag bike nga di kayo marunong tapos gusto n'yo pang mag motor." ngiti ni Ana sa mga kapatid. "Si Ate Ara din naman hindi marunong noon." ani Mika. "Yan ang akala n'yo. Elementary palang kami kung ano-ano ng buwis buhay ginagawa ng Ate Ara n'yo." wika ni Ana na sinusubuan ang anak nito. "Kaya kayo wag n'yong gagayahin ang ate n'yo kung ayaw n'yong maaga akong mawala sa mundo sa atake sa puso." wika ng ina na tinawanan lang ni Ara. "Wag mong tawanan ang Mommy mo Ara, hindi lang ako nag sasalita dahil sa mommy mo pero talagang gustong-gusto na din kitang alisan ng motor na yan." "Dad, safe driver naman ako saka maingat naman ako." "kahit na hindi pa rin kami kampante na sa pag motor motor mo na yan delikado pa rin." "Si Kuya Dev." sabay pang turo ni Mika at Klary sa may entrance ng restaurant na ikinalingon nilang lahat may mga kasama itong mga parang iba-ibang nationality na igunaguide ni Dev at ng assistant nito na inassist naman ng dalawang waiter na lumapit. "Ang guwapo talaga ni Kuya Dev. Mommy hindi ba puwedeng ako na lang mag pakasal kay Kuya Dev." "Bibig mo Lordblessy." sita ng ina. "Ang guwapo nga ni Kuya Dev, kahit anong isuot n'yang damit bagay sa kanya." komento naman ni Aira. Mabilis naman umiwas ng tingin si Ara ng makitang lumingon sa gawi nila si Devin na bahagyang ngumiti at tumango sa kanila. "Napakasuwerte ng babaeng pakakasalan ng batang iyan." wika naman ng Daddy n'ya. "Dad hindi na bata si Dev makakagawa na s'ya ng bata." ani Gab na tinawanan ng ibang kapatid nila. "E ikaw Gab, wala ka pa rin bang girlfriend? baka maunahan ka pa ni Ara na mag-asawa. Ilang kapatid mo na ang may asawa ikaw na pag-iiwanan ka na." "Lalaki po ako hindi ko kailangan mag madali sa pag-aasawa. Yan mga kapatid ko pong babae ang problemahin n'yo wag n'yo na po akong alalahanin." "Hay! Ewan ko sa inyo bahala kayo sa mga desisyon n'yo basta kami ng Daddy n'yo naka alalay lang palagi sa inyo hindi namin kayo pakikialaman sa mga gusto n'yo. Kaya ikaw Ara kung ayaw mo talaga kay Dev it's your choice walang pilitan." wika ni Lux. "Pero anak para kang nag tapon ng grasya kung aayawan mo si Dev." singit ng ama na kinurot ng mommy nila sa tagiliran kaya natawa na lang sila ng ngumiti ang ama na hinimas ang pinagkurutan ng asawa. "Hon, nakakapanghinayang lang kasi it's not about the money. Napaka suwerte na talaga ni Ara kung si Dev ang pakakasalan n'ya." "Nandun na tayo pero wag natin pilitin ang mga bata kung talagang ayaw nila. Mas maganda pa rin yun pundasyon ng kasal yung love." Huminga naman ng malalim si Ivo na tiningnan si Ara na nanahimik lang na pinapapak ang leche plan sa plato n'ya. "Wala pa rin bang spark anak? Bata pa lang naman kayo magkaibigan na kayo ni Devin kaya 'di naman siguro mahirap na magustuhan n'yo ang isa't-isa." tanong pa rin ni Ivo. Ngumiti si Ara na tumingin sa ama sabay iling na lang saka muling binato ng tingin si Devin na sakto naman napalingon sa kanya ang binata na parang batang dinilaan pa s'ya sabay ngiti. "Ang cute ni Kuya, nakita ko yun Ate." ani Klary na nilingon si Ara. "May cute bang naka corporate attire na ganyan ang galawan." "syempre nag papa cute sayo si Kuya, ang manhid mo naman ate." segunda naman ni Mika. "I heard na girlfriend n'ya yung isang beauty queen na ngayon ata ay artista na." wika naman ni Tyron asawa ni Ana. "Ah! yes, I also heard that totoo ba yun Ara?" tanong naman ng Ate Ella n'ya. "Assumerang palaka lang te'" "And I don't think hindi rin naman ganun babae ang hahayaan ni Dana na mapangasawa ng anak nilang panganay." wika ng Mommy nila. "My." bigla n'yang tawag sa ina ng maalala ang nangyari ng nakaraan. S'ya na mag sasabi ng nangyari bago pa nito malaman sa iba. "May nagawa po akong kasalanan the other day." "Na aayos na ng Daddy mo don't worry about it!" biglang putol ng mommy n'ya na ngumiti naman. Nag tataka na napatingin s'ya sa ama. "Don't worry hindi naman na kakalat ang video, Dylan helped me to blocked all of them pero next time anak tulad ng sinasabi namin sa inyo ng mommy n'yo. Kapag may ganun issue wag n'yong pansinin para iwas gulo at eskandalo sa pamilya natin buti na lang na sabi agad sa amin ni Devin kaya bago pa kumalat na bantayan agad namin ni Dylan." wika ng ama. "Anak, kahit ano pang pangit na salita ang marinig nyo about sa akin, wag n'yong ibaba ang sarili n'yo para patulan ang mga taong mga kulang sa aruga." ngumiti ang ina na inabot pa ang kamay ng ama. "Your Dad and I are very happy, maraming strunggle pero walang sumusuko. Kayong lahat ay sapat na dahilan para mag patuloy kami ng Daddy n'yo kaya walang makakagiba sa ating pamilya basta mag kakasama tayo. Tama ba ako?" "We love you mom Dad." halos sabay-sabay na sagot nila napangiti naman si Ara na napatingin sa cellphone n'yang umilaw sa ibabaw ng mesa. Napalingon pa s'ya sa gawi ni Devin ng makita n'yang si Devin ang nag text habang busy naman ito sa pakikipag-usap sa mga foreigner na kasama nito sa di kalayuan mukhang business meeting ang dinayo roon ni Devin. "Bakit parang ang ganda mo ngayon?" kumunot ang noo ni Ara sa text ni Devin. "May katarata ka ba?" reply n'ya sa binata. Ano naman kaya nakain nito at pinuri s'ya for the first time. Muling tumunog ang cellphone n'ya nakita pa n'ya si Devin ng bitawan ang phone nito na ipinatong sa mesa habang nag sasalita. "Ay! Sorry wrong send pala." "Gago!" 'di napigilan usal ni Ara ng mabasa ang text ni Devin. Inis na agad s'yang nag reply sa binata. "Di' ka ba na hihiya sa mga ka meeting mo? Kaamoy mo yung tablecloth ng mesa." "Sinong ka text mo at nakasimangot ka?" tanong ng kuya Gab n'ya na katabi n'ya sa upuan sa mesa. "Yung isang Engr sa site kuya. Nakakapikon kung puwede lang sesantihin ginawa ko na." muling tumunog ang phone n'ya sa reply ni Dev. "Mas mabango ako ang cheap ng fabcon na gamit ng resto." napangiwi naman si Ara na napailing. "At talagang proud ka pa na amoy kay Fabcon." "Of course, kesa amoy kalawang." reply ni Devin na may laughing emojies pa sa dulo. "Ano bang gusto mo gulo o away?" "Mamaya na tayo mag-usap I'm on the meeting as you see. Text ka ng text you're disturbing me." awang ang bibig ni Ara na napalingon kay Devin na saglit s'yang nilingon na ngumisi pa. "Grabe parang gusto ko ng pumanaw." sapo pa ni Ara ang dibdib sa buwisit kay Devin. Ito ang text ng text tapos s'ya ang sasabihin nakaka-abala naku kung wala lang itong kasama mga foreigner lalapitan n'ya ito at bibigyan ng malupit na pektus sa ulo. ****** "Ara." napalingon si Ara ng marinig si Devin na papalapit sa kanya na bitin sa ere ang pag susuot n'ya ng helmet ng makita itong papalapit. "Ano?" angil n'ya rito. "Pasabay pauwi?" "Wala akong extrang helme, Asan ang kotse mo?" turo nito sa kotseng katabi ng motor n'ya. Tumaas ang kilay ni Ara ng mapatingin sa bago nanaman kotse. "It's not mine actually ni roroad test ko lang ireregalo ko kay Dennis." "Oh! bakit ka sasabay may kotse ka pa lang dala." "Ipinadederetso ko na kasi kay Jules sa bahay." turo pa ni Devin sa assistant na papalapit na rin. Sabay pa sila ni Devin na kumaway sa pamilya n'ya na nag kanya-kanya ng una na umalis para mag-uwian. "Wala nga akong extrang helmet kaya mag----- "Meron akong dala." sagot ni Devin na pinabuksan pa kay jules ang backdoor ng kotse at nakita pa ni Ara ang isang box na binuksan ni Devin. 'Di napigilan ni Ara na matawa ng makita ang bagong helmet ni Devin. "Ano yan bakit may helmet ka d'yan." "Free ng kotse ng bilihin ko kanina." ani Devin habang inaalis ang plastic ng helmet. "Bakit ba kasi sasabay ka pa sa akin pauwi." "wag kang madamot." reklamo naman ni Devin na isinuot na ang helmet saka umangkas na sa likod ng motor n'ya. Maraming beses na s'yang umangkas kay Devin mula pa noon pero ngayon lang mangyayari na ito naman ang aangkas sa kanya parang ang awkward. Nahigit pa n'ya ang hininga n'ya ng makitang pumulupot sa bewang n'ya ang kamay at braso ni Devin. "Ano yan?" patay malisyang tanong ni Ara na nilingon si Devin na inangat ang visor ng helmet. "Seatbelt! safety first." "Ayos ka rin ano simpleng-simpleng galawan ka rin e." himutok pa ni Ara habang isinusuot ang helmet pero di mapigilan ang mapangiti ng maisuot na n'ya ang helmet. Malakas na talaga ang gapak n'ya sa kokote dahil kinikilig s'ya sa yakap na yun ni Devin. "Luwagan mo naman." kunwari ay reklamo ni Ara na pinalo pa ang ibabaw ng kamay ni Devin. "Wag na 'di mo naman ikamamatay ang hawak ko tara na bilis." "Tsk! Hay Downy. Lakas din naman kasi ng powertrip mo ngayon aba." wika pa ni Ara ng paandarin na ang motor palabas ng parking. Nasa highway na sila ng abutin sila ng red light kaya huminto naman si Ara aksidenteng napalakas ang tapak n'ya sa preno kaya halos sumaksak sa kanya si Devin. "Hoy! Devin!" bulalas ni Ara ng may matigas s'yang bagay na maramdaman sa likod n'ya." kaya simangot na simangot na nilingon ni Ara si Devin pagkatapos itaas ang visor ng sariling helmet. "Bakit?" "Anong bakit?" "Yang lint** mong tubo bakit matigas yan hayo* ka." natawa naman si Devin. "Amoy ka kasing rugby kaya parang na high ako bigla." "Gago ka talaga. Baba!" "Ayoko! Iiwan mo ako sa gitna ng highway?' "baba bilisan mo aabutin na tayo ng Go. Ikaw na mag drive ako na lang aangkas. Buwisit ka." "Tinatamad akong mag drive kaya nga ako umangkas sayo e." "Maaksidente tayo dahil d'yan sa tubo mong tumutusok sa kin buwisit kang baboy ka." natawa naman si Devin na napilitan ng bumaba umatras naman ng upo si Ara saka sumakay si Devin sa unahan n'ya. "Tinigasan lang baboy na." "Oo, anong itatatawg ko sayong maligno ka." anggil pa n'ya rito na biglang pinaandar ni Devin ang motor kaya napahawak bigla si Ara sa bewang ni Devin at aksidente na nasagi pa ng kamay n'ya ang 'di dapat masagi. Inis na inis na sinapok ni Ara si Devin sa suot nitong helmet. Kaya habang nasa biyahe sila pinaulanan na s'ya ni Ara ng mura at kurot sa likod habang si Devin naman ay tatawa-tawa na lang sa nangyari. Di rin naman nya inaasahan na titigasan talaga s'ya sa pag kakayakap n'ya sa likod ni Ara habang naka angkas rito kung ano-ano kasi bigla ang pumasok sa isip n'ya at kahit anong pigil at bura n'ya ng kahalayan sa isip n'ya di n'ya mabura tapos bigla pang nag preno si Ara kaya na buko s'ya ng dalaga buti na lang hindi n'ya nabastos si Ara sadyang nabuwisit lang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD