Episode 1- Unang pasilip
Looks like we made it
Look how far we've come, my baby
We might a took the long way
We knew we'd get there someday
They said, "I bet they'll never make it"
But just look at us holding on
We're still together, still going strong, mmm
Panay na ang singhot ni Ara ng sipon n'ya habang pinapanood ang isang matandang babae na nag lalakad sa isle habang suot ang isang maganda at magarang wedding gown. Gusto din n'ya mag suot ng ganun kagandang wedding gown kapag ikinasal na s'ya sa lalaking mahal n'ya. Pinahid ng panyong hawak nya ang psingi n'ya sira na ang make up n'ya dahil sa pag-iyak n'ya 'di kasi n'ya mapigilan lalo pa't ang ganda ng boses ni Daniella na tulad n'ya umiiyak na din ito habang pinapanood ang mommy nito na nag lalakad sa isle habang ang daddy ng mga ito ay nasa unahan ng altar at nag iintay ng pagdating ng bride nito. Puti na ang buhok ng ama ni Daniella halos wala ng itim pero still bakas pa rin sa tikas nito ang ganda nitong lalaki noong kabataan pa nito. Sana lahat ng lalaki tulad ni Mr. Dylan Lagdameo kung mag mahal ay wagas. Bihira na ang lalaking tulad nito kaya ang panganay nitong anak parang hindi tulad ng ama. Speaking of Devin asan kaya ang magaling n'yang fiancee' pasinghot-singhot na hinanap n'ya ang panganay na anak ng ikinakasal.
You're still the one I run to
The one that I belong to
You're still the one I want for life
(You're still the one)
You're still the one that I love
The only one I dream of
You're still the one I kiss goodnight
Gustong matawa ni Ara ng makita si Devin na naka black shade sa loob ng simbahan akala mo naman ay lamay ang pupuntahan nito. Nasa likuran ito ng bahagi ng simabahan kanina lang kasama pa ito sa pag lalakad sa entourage kasi ito ang bestman ng ama pero bigla itong nawala ng sabihin ng wedding coordinator na papasok na daw ang bride. Yun pala nag punta ito sa likuran at parang alam na n'ya kung bakit. Saglit s'yang nag excuse sa mga abay na kasama n'ya sa mahabang upuan ng simbahan para puntahan si Devin sa likuran.
Ain't nothin' better
We beat the odds together
I'm glad we didn't listen
Look at what we would be missin'
They said, "I bet they'll never make it"
But just look at us holding on
We're still together, still going strong
oh
Saktong lapit ni Ara kay Devin huling huli nya ang pag-agos ng luha nito sa pisngi na mabilis na pinahid ng kamay nito. Ang pula na ng ilong nito malamang kanina pa ito na iyak mag-isa sa likuran. Sure naman s'ya na tears of joy iyon para sa parents nito meron pang isang dipa ang layo n'ya rito pero mula sa puwesto n'ya na ngangalingasaw na ang amoy ng suot nitong tuxedo. Mukhang nilabahan pa muna ng mommy nito bago ipinasuot rito usual amoy downy. Sa buong buhay n'ya sa dami na rin naman ng lalaking nakasalamuha n'ya dahil sa uri ng trabaho bilang architect lahat na ata ng klase ng amoy ng lalaki na amoy na n'ya pero si Devin ang nag iisang lalaki na amoy downy kalalaking tao nito hindi ata nagamit ng perfume parang wala itong pakialam sa sasabihin ng nakakaamoy rito.
"Layuan mo muna ako Ara, wala ako sa mood makipag bangayan sa'yo." ani Dev na di man lang s'ya nilingon ng tabihan n'ya ito.
"Sino naman may sabi sayo na makikipag bangayan ako sayo. Sasabayan kita sa iyakan kakawawa naman mag-isa ka lang dito eh." aniya 'di naman na ito nag komento pa kaya tahimik na lang nilang pinanood ang parents nito na habang tinatapos ni Daniella ang kanta na alay nito sa parents nito.
You're still the one I run to
The one that I belong to
You're still the one I want for life
(You're still the one)
You're still the one that I love
"Ara." napalingon naman si Ara na pasakay ng motor n'ya katabi si Devin na nakasakay na din sa motor,
"Anong tawag mo kay Ara." galit na usal ni Devin na napigil sa ere ang pag susuot ng helemt ng marinig ang pagtawag ng kapatid kay Ara.
"Ate Ara." ulit naman ni Denis na nakangisi kaya napangiti naman si Ara sa kakulitan ni Denis. Lagi na lang kasi nitong inaasar ang kuya nito.
"Ginawa mo pa akong bingi."nakasimangot na turan ni Devin.
"Pupunta na ba kayo ng reception?"
"Oo." Sagot ni Ara.
"Pa________
"Gusto mong bawasan ko allowance mo weekly."
"Kay Ate Dany na lang pala ako sasabay. Sige my loves babye." nag mamadaling paalam ni Denis na kumaway pa sa knila.
"My love my ass. Gago talaga."
"Alam mo ikaw maaga kang tatanda patulan pa ang kapatid."
"Bakit kaya hindi na lang si Denis ang pakasalan mo mukha naman close kayong dalawa." Anito na tuluyan ng sinuot ang helmet at nauna ng umalis. Agad naman sumunod si Ara kahit naka long gown sya na damit pang-abay hindi naging dahilan iyon para mag maneho s'ya ng motor. High school palang s'ya mahilig na s'ya mga adventure kaya naman madalas s'yang nababartolina ng parents n'ya pero dahil kasagpi nya ang lolo n'ya noon ng nabubuhay pa ito walang magawa ang mga ito. Her lolo even bought her motorcycle Kawasaki ninja na gamit na n'ya noon pa ng mag college na s'ya. hindi lang naman s'ya ang babaeng napasok na naka big bike na motor meron din ilan pero motor nya ang pinaka astig puti at pink ang color combination nun at talagang ginastusan n'ya para ma upgrade kaya naman sikat na sikat s'ya sa campus nila. Na hilig s'ya sa pag momotor dahil kay Devin, 12 years old s'ya ng una s'yang makapasok ng kuwarto ni Devin. Ang dami nitong toy collection mga marvel heroes at mga iba't ibang klase ng magagandang motor.
Pagkatapos nakita pa n'ya si Devin na nag dadrive ng isang black ducati panigale v4 kaya mula noo itinatak n'ya sa isip n'ya na gusto na din n'ya ng motor. Nag simula na din s'yang mangolekta ng mga limited edition na mga laruan na motor. Minsan nag aaway pa sila ni Devin sa pag aagawan ng mga limited model ng motor. Si Devin din nag nag suggest sa kanya noon na ipa upgrade nila ang motor n'ya. Nag kakasundo lang sila kapag usapang motor pero pag-ibang matter madalas nag babangayan sila.
Bata pa lang sila ipinag kasundo na silang dalawa na pag dating ng tamang panahon mga papakasal sila at ngayon nag sisimula na ang parents nila na pag usapan ang kasal nila. Ayaw ni Devin na matuloy ang kasal nila at syempre inayawan ni Devin ang kasal natural ayawan din n'ya kahit deep inside gustong-gusto n'ya pero mamatay na muna s'ya bago n'ya aminin rito na may gusto s'ya rito.
Ikakasal lang sila dahil sa gusto ng mga tatay nila na business merging na tutol naman ang mga mommy nila na ang gusto hayaan silang pumili ng mga magugustuhan nila. Kaya ang ending subukan daw muna nilang mag date bilang couple at kapag talagang 'di nila magugustuhan ang isa't-isa hindi na ipipilit ng mga ito. Kaya nag kasundo sila ni Devin na ipakita sa mga magulang nila na hindi talaga sila bagay na hindi talaga sila bagay. Pero na iimagine na n'ya na ang sarili na kasama n'ya si Devin sa future bilang asawa n'ya ang saya siguro nun pero hindi naman n'ya gagawin na ipilit ang sarili sa taong ayaw sa kanya. Mahigpit na bilin iyon ng mommy n'ya. Wala daw masamang mag mahal ang masama iyong ipilit daw ang sarili sa taong ayaw naman sayo pero kung alam mo naman daw sa sarili mo na meron naman chance ipag laban pero kung one sided love lang daw wag ng ipilit dahil hindi daw naman na tuturuan ang puso na mag mahal dahil ang pag mamahal daw kusang dumadating kung nasa tamang tao ka na.
Para sa kanya si Devin na ang tamang tao para sa kanya pero mukhang s'ya hindi pa s'ya ang tamang babae para rito kaya one sided love lang ang nasa pagitan nilang dalawa. Wala rin naman nobya si Devin pero meron itong babaeng laging kasama at feeling n'ya sooner or later magiging mag on na rin ang dalawa. Kaya madalas inaaway s'ya ng babae pero malas lang nito maldita din'sya kaya 'di rin ito makapanalo sa kanya.
S'ya pa ang hahamunin lagi nito ng away mismong si Devin nga 'di manalo sa kanya si Cortney pa kaya na puro ganda lang ang meron. Maganda at sexy lang ito pero ang brain nasa ilalim ata ng talampakan at ewan ba n'ya kung bakit pinapansin pa ito ni Devin. Kung brain at beauty lang naman panalo na s'ya kaya nag tataka talaga s'ya bakit ayaw s'yang pakasalan ni Devin. Kung tutuusin napaka suwerte na nito sa kanya.
Agad n'yang nilampasan si Devin ng maabutan n'ya ito. Nakita pa n'ya sa side mirror n'ya na sumesenyas ito ng slow down gamit ang kamay. Basta sabay silang mag motor matic nag uusap na sila gamit ang mga sign languange na inaral pa talaga n'ya para maintindihan. Walang kaalam-alam kahit sino sa pamilya kahit si Devin pa na memeber s'ya ng underworld drag race na mahigpit na pinag babawal sa pilipinas pero walang na huhuling member dahil protektado ang mga identity nila at wala naman nakakaalam ng identity nila maliban sa headmaster ng underworld.
Doon n'ya na kilala si Luzifer Brichmore na aksidente lang ang pagkakakilala nila dahil nag kataon na iisang casa ang pinag dalahan nila ng motor nilang nasira noong huling laban nila. S'ya ang nag champion at malaking pera ang nauwi n'ya habang si Luzi naman ang matindi n'yang kalaban. Dahil lang sa motor kaya nila na kilala ang isa't-isa di naman nito akalain na babae pala ang shadow blast na nakilala nito sa arena. Iyon kasi ang code name n'ya sa underworld habang si Luzi naman si night panther. Mula noon madalas na silang nagkakausap medyo busy din naman ito dahil tulad n'ya di rin alam ng pamilya nito ang tungkol sa underworld kaya nag kakaintindihan sila sa ilang bagay.
"pullover." sigaw pa ni Devin ng tabihan s'ya nito at isenyas pa na itabi n'ya ang motor. Sumang-ayon naman s'ya at panabay na silang gulid ng highway. Hindi na nito inalis ang suot na helmet. Napilitan naman s'yang bumaba ng motor ng iutos nito nagulat pa s'ya ng bigla itong lumuhod sa hararao nya at inabot nito ang laylayan ng likuran ng gown nya at gitnang laylayang harapan ng goen nya saka ibinuhol iyon sa pagitan ng binti nya. Bago kinuha naman ang gilid ng gown nya saka binuhol para paiksiin ang saya ng both side ng gilid ng gown.
"may panty ka naman siguro sa ilalim ng gown mo diba?" tanong pa nito.
"Natural ano naman kala mo sa akin kaldkarin." sagot n'ya na itinaas ang visor ng helmet n'ya.
"Tara na." utos ulit nito pinauna muna s'ya nitong sumakay para tingnan kung makikitaan pa s'ya sa ginawa nitong pagtatali ng gown n'ya.
"Hindi ka ba na hihirapan?" tanong ni Devin. Umiling s'ya sabay thumbs up kaya tumango ito na sumakay na din ng motor at muli na ulit silang nag biyahe. Pag dating sa hotel na pag-aari nila Devin sinamahan pa s'ya ni Devin sa mag bihis muna ng maayos bago sila bumaba sa reception.
"Bakit yan ang suot mo hindi ba masyado naman maiksi yan mag momotor tayo pag-uwi mamaya?" sita ni Devin pag labas n'ya ng banyo.
"Hindi ako sasabay pag-uwi sayo mamaya. May lakad ako iiwan ko muna ang motor ko sa ground parking." Kumunot naman ang noo ni Devin.
"Saan ka pupunta?"
"Birthday ni Luzi saka ng mga kapatid n'ya invited ako naka oo na ako kaya sasama ako kakaunin n'ya ako mamayang 5pm dito sa hotel."
"Boyfriend mo ba ang luzifer na yan?"
'Hindi pero kung manliligaw s'ya possibleng maging boyfriend ko."
"At balak mong sagutin. Pangalan pa lang hindi na katiwa tiwala." iling naman ni Devin habang palabas na sila ng suite na tinitigilan ni Devs kapag nag hohotel visit ito.
"Wag kang OA mabait yung tao."
"May mabait bang luzifer ang pangalan."
"Pangalan lang yun. Ikaw wala ka bang balak ligawan si Cortney para maging official na kayo para in case na ligawan ako ni Luzi sabay tayong mag kakaroon ng relationship apara sabay din natin ipakilala sa parents natin.
"Wala pa akong balak mag-asawa."
"Sabagay mommy's boy ka kasi kaya malamang 'di ka pa talaga ready humiwalay sa saya ng mommy mo."
"Bakit ba lagi mo nalang sinasabi na mama's boy ako hindi naman totoo." lumapit naman si Ara kay Dev at inamoy ito sa balikat.
"hanggat amoy downy ka mama's boy ka pa ra sa akin."
"Anong gusto mong gawin ko pag bawalan ko ang mga katulong na wag gumamit ng fabric conditionaire kapag nag lalaba sila."
"Bawasan kamo daig n'yo pa ang may factory ng fabcon."
"Bakit kayo ba hindi nagamit ng fabcon?"
"Natural nagamit pero na amuyan mo ba ako."
"Hindi madalas kang amoy pawis na maasim." ani Devin na ikinaawang ng bibig n'ya. Totoo kaya sinabi nito maasim nga kaya s'ya kaya 'di s'ya magustuhan ni Devin.
"'Di nga walang joke mabaho ako?"
"Amoy kang kalawang most of the time." Awang ang bibig na natuptop ni Ara ang bibig at waka sa loob na inamoy ang balat n'ya sa braso amoy lotion naman s'ya dahil mula pa naman pag kabata sanay na s'yang nag lolotion ng buong katawan n'ya hanggang sa singit n'ya. Tapos iyon pala amoy syang maasim at amoy kalawang nakakahiya naman pala pakiramdam n'ya bigla s'yang nahiya kay Devin.
"Downy." tawag pa ni Ara sa binata na sumimangot. Downy kasi talaga ang tawag n'ya rito kapag silang dalawa lang at walang nakakarinig.
"puwedeng makilaba ng mga damit ko sa inyo. Gusto ganyan din ka bango kasing bango mo."
"Oh! akala ko ba ayaw mo ng amoy ko?" natatawang tanong ni Devin.
"Mas mabuti ng amoy fabcon kesa amoy kalawang."
"Wag na maganda ka naman babae saka hindi ka naman mukhang mabaho wag ka lang aamuyin."
"Haizt! kaiinis ka bakit ngayon mo lang sinabi yan? tagal tagal na natin mag kakilala."
"Syempre ayokong saktan ang damdamin mo. I'm a perfect gentleman."pigil naman ni Devin ang matawa dahil paniwalang paniwala talaga ito na mabaho ito pero ang totoo never naman n'ya itong na amoy na ganun. Mas na aamoy n'ya ang shampoo scent nito na humahalo naman sa matamis na amoy ng perfume nito na madalas nitong gamit. Sinabi lang n'ya iyon para bumaba ang self confidence nitong sumama ng sumama sa luzifer na yun.
"Yakapin mo nga ako saglit." nagtataka naman kumunot ang noo ni Devin.
'Bakit?"
"Baka sakaling kumapit din sa balat ko ang amoy mo." wika pa nito sabay kuskos ang dalawang kamay nito sa suot nyang tuxedo na lalong umalingasaw ang bango habang pininapahid naman ni Ara sa damit nito ang amoy na nakukuha ng kamay nito sa damit nya.
"Lakas din talaga ng saltik mo." iling nalang kay Ara na iniwan na napahabol naman si Ara sa binata.