Catfight

2369 Words
Kung puwede lang kalbuhin ni Ara si Cortney ginawa na n'ya sa sobrang galit na nararamdaman n'ya. Buti na lang naka fitted spaghetti blouse na pinatungan lang n'ya ng manipis na longsleeve polo at khaki six pocket pants lang ang suot naman n'yang pang-ibaba habang naka itim na safety boots naman ang suot n'ya sa paa kaya malakas ang loob n'yang makipag catfight kay Cortney na daig pa ang babaeng nawala na sa katinuan na sigaw ng sigaw habang nakikipag sabunutan sa kanya. Kaya naman minuto lang dinumog na sila ng mga restaurant staff para awatin sila sa loob ng banyo pero parehas silang ayaw mag paawat. Halos mahubaran na rin n'ya si Cortney dahil sa dress na suot nitong nasira na ang terante dahil sa pag hila n'ya rito kanina. "Arabella." sigaw ni Devin mula sa pintuan na 'di n'ya pinansin pero si Cortney biglang bumitaw at pang best actress ang galawan nito dahil bigla na lang itong na himatay habang hawak pa n'ya sa buhok. Hinihingal pa s'ya ng bitawan ang buhok nito na basang-basa. "What have you done?" bulalas pa ni Devin ng makalapit at tiningnan si Cortney na nakahiga sa tiles na sahig ng banyo. nag mamadali naman sinubad ni Devin ang suot nitong coat para itakip sa naka expose ng katawan ni Cortney. Ang dami ng tao sa labas ng restroom na kanya-kanyang hawak ng cellphone para kunan sila. Imbis na umawat mas inuna pa ng mga ito kumuha ng video. Ito ang hirap sa mga pilipino masyado ng kinain ng social media. Napatingin pa si Ara kay Devin ng buhatin nito si Cortney sabay baling sa kanya. "I'm really disappointed with you Ara." iling pa ni Devin na lumabas na ng restroom. Napakagat labi naman si Ara na gusto sana n'yang sumagot pero pinigilan na lang n'ya. Sa galing ng arte ni Cortney baka 'di rin s'ya paniwalaan ni Devin kaya ano pang sense kung lilinisin n'ya ang pangalan n'ya. Inis na inalis ni Ara ang ponytail ng buhok saka nag hilamos sandali, ngayon n'ya na raramdaman ang kirot ng anit n'ya dahil sa sabunot din ni Cortney pero hindi iyon ang inaalala n'ya kundi ang magiging consequence ng ginawa n'yang. Wala naman s'yang pakialam kahit mag maldita si Cortney sa kanya pero ibang usapan na kapag idinamay pa nito ang mommy n'ya lalo pa't wala naman katotohanan ang lumabas na balita sa mommy n'ya noon pa. Minsan ng naging topic sa loob ng mansion nila ang tungkol sa issue na iyon noon pa man mga dalagita pa lang sila. Ang mommy at daddy na nila ang nag paliwanag ng totoong nangyari. Kaya alam nilang mag kakapatid kung paano na buo ang love story ng parents nila na talaga naman hinangaan nilang mag kakapatid. Kaya 'di s'ya papayag na meron babatos sa mommy sa harapan pa n'ya mismo at alam n'yang makikipag-away rin ang mga kapatid n'ya pag-usapin parents na nila ang na dedehado. "Ma'am excuse me po, hindi pa po bayad ang bills n'yo. Umalis na po si Sir Dev." tumarak naman ang mata ni Ara, s'ya na nga ang nasaktan s'ya papala ang mag babayad ng lunch date nila ni Devin sobrang kilig na kilig pa naman s'ya kanina tas bigla bubuwisitin s'ya ni Cortney. After mabayaran ang bills nila ni Devin mabilis na s'yang tumawag kay Ana na nag kataon na corporate lawyer naman ng pamilya nila ang asawa nito. "I need help. Baka maging laman ako ng lahat ng social media at mga news ngayon. Pakisabi kay Tyron mag handa na, maya ko na explain pero baka sumabit ako bigyan muna n'ya akong ng protection. Okay thank you." pag labas ng restaurant agad ng pumara ng taxi si Ara pabalik ng site. Pag dating sa site galit na mukha ng kuya agad n'ya ang sumalubong sa kanya sabay harap ng hawak nitong cellphone sa kanya. 'Di nga s'ya nag kamali ng hinala naka upload na agad ang away nila ni Cortney sa restroom at ang dami na agad na views. "What the hell is this nag lunch ka lang nakipag-away ka na agad. Is it becuase Devin?" galit na tanong ng kuya n'ya' "Mukha ba akong makikipag-away ng dahil lang sa lalaki kuya?" sagot n'ya sa kapatid na nilampasan na agad naman sinundan s'ya ng kuya n'ya hanggang sa table n'ya. "Then what happened hindi ka naman siguro gagawa ng ganitong eksena na walang dahilan." inis na napabayo pa sa mesa si Ara ng maalala mga sinabi ni Cortney pakiramdam n'ya sumulak nanaman ang galit n'ya. "That bit** said our mother is a w***e at pareho kami ni Mommy." "At pinatulan mo naman." napasimangot si Ara na nilingon ang kapatid. "Malamang kuya, alangan hindi." "Alam natin lahat ng totoo kaya bakit mo papatulan ang isang bagay na alam mo naman hindi totoo kung si MOmmy at Daddy nga walang ginagawa sa issue na yan dahil alam nila na parehas kung anong totoo at alam din natin." "Puwes ako ayoko ng ganun. Mom didn't deserve to be humilliated like that kaya wala akong pakialam kung makaladkad ako ng ginawa ko dahil uulitin ko pa rin angn ginawa ko kapag binastos ulit si mommy sa harapan ko." galit na wika ni Ara, napabuga naman ng hangin si Ara. Hinila naman ni Gab ang swivel chair ng kapatid bago hinila s'ya patayo sa kinauupuan. Bahagya pa itong yumuko para ayusin ang buhok n'ya na gulo-gulo pa. "Wag mong ibaba ang level mo sa mga babaeng tulad ni Cortney. Tandaan mo kahit anong gawin n'ya hindi s'ya papatulan ni Devin. Your Devin's fiancee' sooner or later malalaman na rin iyon ng buong mundo kaya hindi nalang ang reputasyon ng pamilya natin ang iingatan mo kundi pati na rin reputasyon nila Devin na iintindihan mo ba?" napabuga ng hininga si Ara na tumango na yumakap na lang sa kapatid at di na inalintana ang ilang mata ng mga staff nila na nasa office barracks ang nakatingin sa kanila na nag thumbs up pa sa kanya kaya napangiti s'yang nag thumbs up na lang din sa mga ito. "Pero kuya ayaw naman ako pakasalan ni Devin kaya bakit ko naman ipipilit ang sarili ko sa isang lalaki na ayaw sa akin." bahagyang inilayo ni Gab ang kapatid at bahagyang tinampal ang noo n'ya. "Sino naman nag pasok ng idea na yan sa kokote mo?" "Si Devin mismo nag sabi sa akin." nakalabi na sagot n'ya. "Talaga sinabi ni Devin na ayaw ka n'yang pakasalan." parang batang nag susumbong na tumango ni Ara. Ngumiti naman si Gab na tumango-tango. "Hayaan mo kung ayaw kang pakasalan ni Devin, maraming lalaki ang mag-aagawan na pakasalan ka." 'Of course kaya nga bahala s'ya sa buhay n'ya hindi ko para ipilit ang sarili ko sa kanya mag sama sila ng abogaga na babaeng yun." "Hay! Ara, mukhang magagamit natin ngayon ang powers ng pagiging Van Amstel Montenegro natin. Prepare yourself tiyak na mag-iingay si Cortney ngayon papasok na s'ya ng showbiz for publicity din to." "Hmmp! di pa man s'ya sumisikat titiyakin kong malalaos agad s'ya." "Yabang." wika ng kuya n'ya na muli s'yang niyakap pero humiwalay din agad. "Ayan na ang guwapo mong soon to be groom." tinanguan ng kapatid ang bagong dating na si Devin bago ito tumalikod. INirapan naman ni Ara ang binata. Pabagsak s'yang naupo muli sa swivel chair n'ya. "Kung aawayin mo ako dahil sa abogago mong fans forget it ma mumura lang kita." "Bakit ba napaka war freak mo?" "Ako war freak? Sure ka d'yan." "Ang sabi ni Cortney pinag bantaan mo daw s'ya na layuan ako dahil ikakasal na tayo." pagak naman tumawa si Ara. "Asan ba ang utak mo nasa sakong mo?" "Arabella." may pag babantang usal ni Devin. "Umalis ka dito kung away mo ng away." "Hindi ako pumunta dito para makipag-away sayo. My point is hindi mo kailangan awayin si Cortney para lang ipamukha sa kanya na ikaw ang pakakasalan ko." "At sino naman nag sabi sayo na pakakasalan kita?" bulalas ni Ara dala ng sobrang pagkapikon n'ya. "Read my lips Devin Lagdameo, hindi ako makikipag-away para lang sayo. Para lang makipag-agawan ng atensyon mo. Hindi ako desperada na makasal sayo. Oo sabihin na natin na jackpot ako kung ikaw ang magiging asawa ko dahil na sayo naman na talaga lahat ng hinahanap ng isang babae. Hindi naman ako ipokrita para itanggi yun pero hindi naman ako kasing desperada ng abogago na yun para gumawa ng drama." "My point here is hindi mo na dapat pinatulan." "Kapag ba sinabi ko na pokpok ang nanay mo hindi mo ba ako sasaktan? tatalikod ka na lang ba at palalampasin ang sinabi ko?" kumunot naman ang noo ni Devin. "See, wala kang alam nakinig ka lang kung anong sumbong sayo ng babaeng yun. Paano ko gugustuhin pakasalan ka ngayon pa lang nakinig ka na agad sa sumbong ng ibang tao. Isa lang ibig sabihin nun madali sayo na husgahan ako kesa alamin muna kung ano bang totoong nangyari." matagal na hindi naka-imik si Devin kaya napabuga na lang ng hangin si Ara. "Sige na umalis ka na, Hindi porket ikaw ang nag papagawa ng project na ito puwede ka na lang mag labas masok dito sa site." wika ni Ara na tumalikod na muli kay Devin saka binuksan ang laptop at nag panggap na lang na may gagawin. Napalingon pa s'ya kay Devin ng abutin nito bigla ang bag n'ya na pinag taka n'ya parang may hinahanap ito sa loob ng bag n'ya na balak na sana n'yang sitahin pero kumunot ang noo n'ya ng makita na hawak nito ang suklay n'ya saka pumuwesto sa likuran n'ya bago inalis ang pagkakatali ng buhok n'ya at walang imik na sinuklayan s'ya ng buhok n'yang gulo-gulo dahil sa pakikipag sabunutan n'ya kanina na basta na lang n'ya tinali kanina. "Hindi kita hinuhusgahan, siguro nga mali ako nag assume ako na nakipag-away ka dahil sa akin. Actually, i felt proud sa isipin na pinag bantaan mo si Cortney na layuan ako just because you my fiancee' it's your right after all. Ang ayoko lang sa nangyari nasaktan ka rin sa pag-aakala kong dahil sa akin. Parehas pa siguro tayong hindi handa na mag pakasal pero hindi ko naman gugustuhin na masasaktan ka ng dahil sa akin." ani Devin habang inaayos ang tali ng buhok n'ya. Napakagat labi naman si Ara bakit ba ang bilis n'yang kiligin sa mga simpleng gesture na ganun ni Devin. Sinusuklayan at tinatalian lang s'ya ng buhok pakiramdam n'ya meron fireworks sa loob ng dibdib n'ya. "I told you hindi ako makikipag-away sa kapwa ko babae kung about lang sa lalaki, masyado akong maganda para makipag-agawan ako." napasinghap pa ng bahagya si Ara ng matapos si Devin na itali ang buhok n'ya at bigla nitong hilahin ang upuan n'ya paharap dito sabay yuko na akala talaga n'ya hahalikan talaga s'ya ng binata. Muntik pa s'yang mapapikit buti na lang napigilan n'ya ang sarili kung nagkataon nakakahiya. Halos ilang pulgada na lang ang layo ng mukha ni Devin sa mukha n'ya habang nakatitig ito sa kanya. Pigil naman n'ya ang hininga n'ya habang malikot ang mata sa paligid dahil sure s'yang pinapanood sila ng mga empleyado nila na naroon. "Ako ba hindi masyadong guwapo para mag karoon ka naman ng dahilan na ipaglaban ako." tanong pa ni Devin na mas lalo lang nag hatid ng kabog sa puso n'ya. Ano bang ginagawa nito sa puso n'ya gusto ba nitong ma stroke s'ya sa sobrang heart palpitation. "Lumayo ka! Nag hahalo na ang amoy ng isdang kinain mo sa bibig mo at sa downy na ipinaliligo mo." turan na lang n'ya sabay tulak rito sabay tayo para dumistansya sa binata, pasimple pa syang bumuga ng hangin para kalmahin ang pusong nag wawala sa loob ng rib cage n'ya. "Hindi ka ba busy? Mula pa kanina umaga ka pakalat-kalat dito sa site." "Busy pero I make time para naman di nakakahiya sa maganda kong fiancee' na nakipag sabunutan kanina sa resto." "Speaking of resto. Siguro paraan mo lang na ilayo si Cortney para ako ang mag bayad ng kinain natin ano?" natawa naman si Devin. "Of course not, emergency yun kanina nag collapse si Cortney sa pang bubugbog mo sa kanya kaya dinala ko s'ya sa malapit na hospital." "At naniwala ka naman nag collapse. Halos mabasag ang eardrum ko sa kakasigaw n'ya tapos bigla ng sumulpot ka nag collapse na agad. O diba magic? Uto-uto ka rin kasi talaga." "Sobrang nasaktan yun tao hindi ka ba na guguilty?" "Sinabihan n'ya ng di maganda ang mommy ko. Tingin mo hindi ako papalag." "Okay fine nandun na tayo pero pustahan tayo. Ikaw pa ang mapapagalitan ni Tita Lux oras na malaman n'ya ang ginawa mo." napalabi naman si Ara. "Mabuting babae si Tita Lux. Hindi ko s'ya ina pero alam ko na hindi s'ya ang klase ng babae na binabatikos noon ng mga pangit na issue pero nakita mo bang pinatulan ng parents' mo? diba hindi kasi nga hindi s'ya yung babaeng tinutukoy nilang masama. Gets mo." "Amen na! Wag mo na akong misahan dahil na misahan na ako ng Kuya kanina. Kaya tsupi na marami pa akong gagawin nakakasira ka ng time management. Hoy! ano ba?" gulat na bulalas ni Ara ng bigla na lang s'yang yakapin ni Devin sa likuran. "Sige mag wala ka." "Bakit ba? minamanyak mo lang ata ako e." anggil pa ni Ara habang pinipilit kumawala sa pag kakayakap ni Devin. "Gusto ko lang i share sayo ang bango ko mukha ka na kasing mabaho." "Wow! sanay na sanay ka na sa pang lalait sa akin ah! Gusto ng kiss." inis na usal ni Ara na binali ang leeg para lingunin si Devin na nakayakap sa likuran n'ya pero ganun na lang ang pan lalaki ng mata n'ya ng lumapat nga bigla ng mabilis ang labi ni Devin sa labi n'ya saka ito nag mamadaling umatras papalayo na abot tenga ang ngiti. "Smack pa lang yan. Paano kung french kiss pa." wika pa nito habang paatras na lumalayo. "Lumapit ka rito bibigyan kita ng french kick. Lumapit ka rito lapit.' sigaw na ni Ara na napangiti na rin na hahabulin sana si Devin pero mabilis na itong nakatakbo palabas ng baraks.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD