MADILIM ANG paligid at mga ingay ng kulisap ang tanging naririnig ngunit hindi iyon pinansin ni Richell dahil mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang hanapin ang ama sa gubat. Alam niyang gutom na ito at natatakot rin dahil ni minsan ay hindi ito nanakit ng kapwa.
Tinalasan niya ang pagmamasid sa paligid habang dala ang flashlight at bag na may pagkain at damit ng kanyang ama. Nakapatay man ito upang ipagtanggol ang sarili o kung ano pa man ay ito pa rin ang kakampihan niya dahil ama niya ito.
"Tay?" Tawag niya dito dahil sa mga kaluskos na naririnig niya sa paligid. Nagpalingon lingon siya ngunit wala siyang makitang ibang tao. Sanay siya sa gubat at hindi siya takot sa mga hayop na naninirahan doon dahil kaya niyang ipagtanggol ang sarili.
Walang ibang gubat ang kanilang lugar kundi ito kaya't alam niyang dito nagtago ang kanyang ama.
"Tay sumagot po kayo ako po ito si Richell." Mas lalo niyang nilakasan ang kanyang boses ngunit wala pa rin.
Nagpatuloy siya sa paghakbang kahit alam niyang mas lalo nang lumalalim ang gabi. Sobrang dilim ng paligid dahil ang buwan ay natatakpan ng makapal na ulap at ang mga bituin ay hindi nagpapakita.
Sa muli niyang paghakbang ay napatigil siya dahil sa narinig niyang mga yabag. Lumingon siya sa dinaanan ngunit walang tao, humakbang siya at nandoon na naman ang mga yabag na nagpapatunog sa mga tuyong dahon.
"Guni guni ko lang siguro." Bulong niya sa sarili at nagpatuloy ngunit mas lalaki ang mga hakbang niya ngayon kumpara sa kanina.
Narating na niya ang gitnang parte ng gubat ngunit hindi pa rin niya makita ang ama. Nawawalan na siya ng pag-asa lalo't gabing gabi na. Hindi niya mapigilan ang pag-aalala dahil baka napahamak na ito.
"Tay nag-aalala na po ako sa inyo nasaan na po kayo?" Sigaw niyang muli hindi alintana ang gabi. Wala siyang natanggap na sagot kaya napagpasyahan niyang magpahinga muna, umupo siya sa ilalim ng isang puno habang hindi pa rin inaalis ang pagmamasid sa paligid.
Mahigpit niyang hinawakan ang flashlight dahil sa mga yabag na naririnig niya. Kung ama niya iyon ay alam niyang sasagot ito dahil mag-aalala din sa kanya ngunit hindi pero sigurado siyang may ibang tao sa gubat ngayong gabi.
Hindi ako nag-iisa.
Binuksan niya ang bag na dala at inilabas ang baril mula doon. Pistol ito ng kanyang ama na itinago sa kanilang bahay upang proteksyon nila.
"Sino 'yan?" Lakas loob niyang tanong. "Tarantado ka kung sino ka man hindi ako natatakot sa'yo."
Napatili siya dahil sa kamay na biglang humawak sa kanyang baril at tinakpan ang kanyang bibig. Nagpumiglas siya ngunit mas malakas ito sa kanya. Akmang sisipain niya ito ngunit mabilis nitong nakulong ang kanyang mga hita sa hita nito. Nagsimula siyang matakot dahil sa tagal niyang paggagala dito sa gubat simula noong bata pa lamang siya ay ngayon lamang ito nangyari.
Kinilabutan siya nang dumampi ang hininga nito sa kanyang leeg. Pinilit niyang umiwas pero para lang siya langgam na pilit tinutulak ang malaking bato. Sinubukan niyang aninagin ang katawan nito ngunit hindi niya magawa.
"You're so lovely." Sa malamig nitong boses ay tila siya pinanginigan ng kalamnan. Hindi niya mailarawan dahil sa pagsabay ng matinding kaba sa kanyang dibdib.
Napatili siya dahil hindi na lamang hininga nito ang nararamdaman niya sa kanyang leeg kundi pati ang mga labi nito, sumasakit na ang kanyang lalamunan ngunit walang ingay na kumakawala sa kanyang bibig dahil sa pagtakip ng kamay nito.
Gagahasain niya ba ako? Dahil sa tinatakbo ng isipan ay mas lalo siyang natakot.
"Don't be scared I won't hurt you." Bulong na naman nito. Paano siya hindi matatakot kung pati ang boses nito ay napakalalim at hindi niya kilala.
Mas lalo siyang nagpumiglas at halos maiyak na siya dahil ang kamay naman nito ang naglikot sa kanyang katawan. Wala siyang kalaban laban at kung sakaling gahasain siya nito ay alam niyang walang makakaalam ni isa sa mga kababaryo nila. Tahimik itong makakaalis sa lugar nila na tila walang ginawang krimen.
"You're mine now." Mahigpit siyang napahawak sa braso nito dahil ramdam niya ang mga daliri nitong naglalaro sa kanyang p********e.
Tuluyan siyang naiyak at sa unang pagkakataon sa buhay niya naramdaman niyang hindi niya maipagtatanggol ang sarili. Pero kahit gan'on ay pinipilit niyang protektahan ang puri niya. Ipinagdikit niya ang kanyang mga hita habang ang mga luha ay hindi na niya napigilan.
Ang kalooban niyang susuko na sana ay biglang nabuhayan dahil nakarinig siya ng mga boses at ilaw na papalapit sa kanila. Mariin niyang ipinikit ang mga mata dahil sa walang pag-iingat nitong paghawak sa kanyang dibdib.
Tulong. Tulong. Sigaw niya sa kanyang isipan ngunit alam niyang hindi iyon maririnig ng iba.
Nakita niya ang paglabas nito ng puting panyo at iyon ang itinakip sa kanyang bibig at ilong kapalit ng kamay nito. "Wag kang lalayo dahil babalikan kita." Iyon ang mga salitang narinig niya mula rito bago siya mawalan ng malay.
NAGISING SI RICHELL na masakit ang buong katawan. Napabalikwas siya ng bangon nang makitang hindi ang bahay nila ang kinaroroonan niya ngayon. Mabilis siyang bumaba sa kama kahit na maraming katanungan sa kanyang isipan.
Ang sakit ng katawan ay hindi niya alintana dahil mas may malala siyang problema.
"Bakit ako nandito?" Tanong niya sa sarili. Kilala niya ang ganitong mga disenyo ng mga silid dahil madalas siyang pumapasok sa mga ito. Lumapit siya sa pinto at walang pag-aalinlangan iyong binuksan.
"O, mabuti nagising ka na." Nakita niya ang kanyang among si Leo na saktong papalapit sa silid na nilabasan niya. May dala itong tray ng mga pagkain.
"Sir ang tatay po, nasaan po si tatay? Paano po ako napunta dito, nasa gubat ako kagabi dahil hinahanap ko siya." Sunod sunod niyang tanong. Ngumiti ang amo at tumingin sa pagkain na dala nito.
"Kainin mo muna ito bago ko sagutin ang mga tanong mo."
Agad siyang umiling. "Busog pa po ako at hindi rin po ako gaganahang kumain hanggat hindi ko nalalaman ang lagay ni tatay."
Tumango ito. "Naiintindihan ko." Naglakad ito papasok sa silid na kanyang kinalabasan kaya napasunod siya rito. Inilapag nito ang tray bago muling humarap sa kanya. "Nasa presinto na ang tatay mo dahil sumuko siya kaninag madaling araw. Nandito ka ngayon dahil nakita ka ng mga trabahador kagabi na walang malay sa gitna ng gubat, ano bang ginawa mo doon at natagpuan kang walang malay?"
Dahil sa tanong nito ay bumalik sa kanyang isipan ang kanyang sinapit kagabi at gusto man niyang alamin kung sino ang lalaking iyon ay hindi niya na iyon magagawa ngayon. Naramdaman na naman niya ang paninindig ng kanyang mga balahibo at ang takot pero pinatatag niya ang sarili.
Malakas akong tao at hindi ang gan'ong bagay ang pipigil sa'kin para mabuhay na masaya.
"Dahil lang po siguro sa takot dahil madilim." Nakita niya ang mga gamit na nasa ibabaw ng upuang naroon, kinuha niya iyon at yumuko sa harap ng amo. "Salamat po sa malasakit niyo sir pero tutuloy na po ako dahil kailangan ako ng tatay." Nang tumango ito ay walang lingon siyang umalis sa malaking bahay.
Kahit na walang bihis at dinig niya ang pagkalam ng sikmura ay mas pinili niya pa ring puntahan ang kanyang ama. Dumaan siya sa bakery na malapit sa presinto at bumili doon ng pwedeng kainin ng ama.
Pagkatungtong sa labas ng headquarters ay tinakbo niya ang pagpasok sa loob. Kilala naman siya ng mga pulis dahil ang ilan sa mga ito ay binubusuhan nila ng mga kapwa niya chismosa kapag nakikitang naliligo ang mga ito sa talon.
"Nasaan po si tatay." Tanong niya, taas baba ang kanyang paghinga.
"Napakaganda mo talaga Richell." Nakangising sagot sa kanya ng pulis. Tinaasan niya ito ng kilay.
"Wala akong paki. Ang mabuti pa gawin mo nalang ang trabaho mo, saan ikinulong si tatay?" Irita niyang sagot.
Ngingisi ngisi pa rin ito at titig na titig sa kanyang hinaharap. "Sa ikalawang selda." Tinalikuran na niya ito at hindi pinansin ang pagsipol.
Sanay siya sa mga lalaking hayok sa laman dahil naglipana iyon sa kanilang lugar. Mapaprofessional o tambay ay mga bastos. Madalas ay pinapatikim niya ang mga ito ng masasakit na salita pero minsan ay hindi niya nalang pinapansin tulad ngayon.
Halos maluha siya pagkakita sa amang nakaupo sa tabi ng rehas, nakayuko at alam niyang gutom na rin. Dahan dahan siyang lumapit dito dahilan para tumingala ito.
"Tay." Nangingilid ang kanyang mga luha pero hindi niya iyon hinayaang lumabas. "Ayos lang po ba kayo?"
Agad na tumayo ang ama at hinawakan ang kanya kamay bago sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "Sa wakas nandito na ang anak kong malaki ang bunganga." Biro nito. Natawa siya at mahigpit itong niyakap kahit na may bakal na namamagitan sa kanilang dalawa.
"Nag-alala po ako ng sobra sa inyo."
Ramdam niya ang paghaplos nito sa kanyang buhok. "Wag kang mag-alala dahil buhay pa naman ako, hindi pa ako handang iwan ka dahil alam kong hindi mo pa kayang pakainin 'yang malaki mong bibig kaya lumaban ako."
Tinitigan niya ang mukha nito. Matanda na ang kanyang ama at sobrang nadudurog ang puso niya sa nakikita niyang kalagayan nito ngayon. "Papatunayan po na'tin 'yan 'tay, ilalaban natin ang kasong inihain nila sa inyo. Gagawin ko ang lahat para mapatunayang inosente kayo, hihingi ako ng tulong kay Sir Leo."
"Wag na anak ayos lang naman ako dito ang mahalaga ay ikaw, araw araw mo akong dadalawin ha? Para makita kong ayos ka." Malungkot itong ngumiti, bilang anak kilala niya ang ama at alam niyang nalulungkot rin ito tulad niya.
"Sa akin po hindi ayos paano kung mailipat kayo sa bilibid? Hindi ko masisikmurang hayaan kayong pagdusahan ang kasalanang hindi mo naman sinadya." Tutol niya.
"Mahirap lang tayo anak at ang hustisya ay para lang sa mga mayayaman." Ramdam niyang nawawalan na ito ng pag-asa ngunit hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito.
"Magtiwala kayo sa'kin 'tay gagawin ko ang lahat, lahat lahat ng paraan para makalaya kayo at hindi matalo sa kaso." Ilang ulit siyang napalunok sa sariling mga salita dahil sa totoo lang ay wala siyang alam na paraan pero ayaw niyang panghinaan ng loob ang kanyang ama.
"Salamat anak." Ngumiti siya at iniabot dito ang biniling tinapay.
"Kainin niyo po ito at babalik ako mamaya na may dalang bagong lutong pagkain. Hahanap na din po ako ng pera at magtatanong kung pwede kayong mapiyansahan habang hindi pa dinidinig ang kaso niyo." Tango na lamang ang isinagot nito dahil naging abala ito sa pagkain ng ibinigay niya.
Umupo siya malapit dito at hindi ito nilubayan ng tingin. May mantya ng dugo ang damit nito kaya pinagbihis niya ito ng dala niya. Napapansin niya ang pangingilid ng mga luha ng ama ngunit umiiwas ito ng tingin sa kanya.
Lihim siyang napabuntong hininga at nagmasid masid sa paligid. May mga preso sa kabilang selda, nagkakagulo ang mga ito at ayaw niyang dumating sa punto na danasin iyon ng kanyang ama.
Nagpaalam siyang aalis muna at hahanap ng paraan para makalaya ang ama. Pagkalabas sa headquarters ay may nakita siyang pulis na nakatambay sa mobile sa tapat ng gusali.
"Kuya di ba may agency ang gobyerno para sa mga nakukulong na walang kakayahang kumuha ng abogado?" Lakas loob na tanong niya.
Alam niya ang bagay na iyon dahil kahit papaano ay may pinag-aralan naman siya. Umabot siya ng second year college pero natigil dahil hindi na kinaya ng kanyang ama na pag-aralin siya. Mahal ang matrikula noong mga panahong iyon.
Tumango ito. "Oo sa PAO pero kung doon ka kukuha ng abogado baka abutin ng siyam siyam ang kaso ng tatay mo dahil sa napakadaming kasong hawak nila ay hindi nakakapagfocus sa isa. Kung ako ang tatanungin ay mas maganda kung kukuha ka nalang ng private attorney para natutukan ang kaso niyo."
"Gan'on ba 'yon pero sige susubukan ko munang maghanap ng ibang paraan dahil ayokong magtagal si tatay sa kulungan." Tumango siya dito bago nagpatuloy sa pag-alis. Bumalik siya sa malaking bahay ng kanyang amo.
Susubukan niyang humingi ng tulong dito.