Chapter 2

2034 Words
"BAKIT ba kasi pumunta ka sa malaking bahay hindi ba may trabaho ka?" Sermon sa kanya ng kanyang ama. Naiiling ito habang nakatingin sa kanya na napapangiwi habang hinihilot ang kanyang paa at balakang. "Sinamahan ko lang naman po si Manang Alma." Sagot niya at mariing napakapit sa mesa nilang yari sa kawayan upang pigilan ang malakas na pagtili. "Tiisin mo lang iha." Sabi ni Aling Alma na siyang naghihilot sa kanya. Tumango siya bilang sagot. "Ikaw talagang bata ka, saan ba ako nagkulang ng pagpapalaki sa'yo." Kunsimisyadong tugon ng kanyang ama. "Hindi naman ako lumaki five nga lang height ko." Napangiwi siya ng akmang hahampasin siya nito ng hawak na maliit na tuwalya. "Hindi ka nga lumaki pero 'yang bibig mo napakalaki. Kanino ka ba nagmana ha? 'Yong nanay mo noong nabubuhay pa hindi naman chismosa ni hindi nga lumalabas ng bahay tapos ikaw halos gawin mo ng bahay ang labas." Alam niyang iritang irita na ito sa kanya ngunit hindi niya magawang dibdibin ang mga sinasabi nito dahil maliban sa wala naman siyang dibdib alam niyang mahal na mahal siya nito. "Kung hindi ako nagmana kay nanay at hindi rin sa inyo 'tay baka sa kumpare niyo." Ngising ngisi siya dahil sa pagsasalubong ng kilay ng kanyang ama. Pikon talaga ito kaya tuwang tuwa siyang biruin. "Lagot ka baka nagkabit si nanay, nasalisihan ka siguro noong nag-aararo ka sa bukid tapos si nanay inararo ng kumpare mo." Masamang masama ang tingin nito at tuluyan siyang napahagalpak ng tawa dahil hindi na ito nakapagpigil na paluin siya ng hawak na good morning towel. "Napakadumi talaga niyang bunganga mong bata ka saan ka ba nagsususuot at nakakapagsalita ka ng ganyan." Sinasalag niya ang bawat hampas nito habang patuloy sa pagtawa. "Joke lang 'tay sa'yo talaga ako nagmana dahil gwapo ka tapos ako maganda." Sa wakas ay tumigil ito samantalang siya ay halos makalimutan ang kirot ng katawan dahil sa kakatawa. "Maganda ka nga pero malaki bunganga mo." Seryosong tugon nito. Napahawak siya sa dibdib at napangiwi. "Ouch 'tay realtalk agad agad?" Kunwari ay nagdamdam siya ngunit ay totoo ay nagbibiro lamang siya. Alam niyang malaki ang bunganga niya at hindi na iyon bago dahil ang pagiging malaki n'on ay asset niya. Mas lalo siyang gumaganda dahil doon lalo kapag nakalipstick. "Sinisubukan mo pasensya ko. Nakakahiya kay Sir Leo at nanggulo ka pa sa bahay niya." "Sino po ba naman kasi ang hindi magugulantang kung may malaking cobra d'on sa bahay nila?" "Paanong nagkaroon ng cobra doon kung napakalinis naman ng bahay nila at malayo sa kagubatan?" Hindi pa rin iton kumbinsedo. Napangisi na naman siya dahil muling sumagi sa kanyang isipan ang nakita niya. Kung kanina ay takot na takot siya ngayon ay hangang hanga na dahil sa laki niyon at totoo nga ang mga usap usapan. Aabangan ko siya bukas na magjogging gusto kong makita ang mukha niya. Bulong niya sa kasulok sulokan ng kanyang isipan. "Tay narinig niyo na ba 'yong kasabihan na hindi lahat ng ahas nasa gubat?" Tumango tango ito. "Kunsabagay may punto ka." "At narinig niyo na rin po ba 'yong kasabihan na hindi lahat ng nasa pagitan ng hita ng mga lalaki ay hotdog ang iba cobra." Nakagat niya ang mga labi upang pigilan ang pagbunghalit ng tawa dahil halatang napaisip ang kanyang ama. Ilang sandali pa ay umiling ito. "Matanda na ako pero ngayon ko lang narinig ang kasabihan na 'yan." Halos mautot na siya sa pagpipigil ng tawa at napatikhim nang tumingin sa kanya ang ama. "Siguro po nakaligtaan niyo lang." "Siguro nga." Isinampay nito ang laging dala dalang good morning towel sa balikat bago muling bumaling sa kanya. "Sya sya, babalik na ako sa bukid at sasabihin ko kay Sir Leo na hindi ka muna makakapagtrabaho dahil sa lagay mo." "Kaya ko naman kunting pilay lang 'to babalik rin po ako sa trabaho ko." Angal niya pero hindi ito nakinig. "Bukas ka na bumalik sa pamimitas ng mga prutas at ako na ang magdadala ng mga kakanin sa mga trabahador." "Pero--" akmang aapila na naman siya pero tumalikod na ito. "Magpahinga ka na muna at kapag nakita kita sa labas 'yang bibig mo guguntingin ko 'yan para mas lalong lumaki." Alam niyang nagbibiro lang ito ngunit hindi halata dahil palaging seryoso. Walang ibang nakakagbiro sa kanyang ama kundi siya dahil seryoso itong tao. Pagkaalis ng kanyang ama ay siya ring pagpapaalam ni Aling Alma. Napabuntong hininga na lamang siya at iika ikang nagtungo sa balkonahe ng kanilang maliit na bahay. Nakapangalumbaba siyang tumambay doon at napapangisi kapag naaalala ang nangyari sa malaking bahay ng kanilang amo. "Ayos lang mapilay basta nakakita ng cobra." Napahagikhik siya dahil malinaw na malinaw sa kanyang alaala ang hitsura niyon. Kung tutuosin ay hindi na naman bago iyon sa kanya dahil kahit laking probinsya ay hindi naman siya 'yong tipo ng babaeng kalahi ni Maria Clara. Hindi siya mahinhin at lalong hindi siya inosente. Nanonood siya ng mga malalaswang mga palabas kasama ang mga kapwa niya chismosa sa kanilang lugar. Naninilip rin sila minsan sa mga binatang trabahador na pasok sa tipo nila. Napapailing na lamang siya kapag naaalala ang kanilang mga kalokohan. "Richell, Richell." Napadako ang tingin niya sa labas at nakita niya ang papalapit na si Valerie. Tumatakbo ito at kitang kita niya ang malaking ngiti. Alam ko na pakay nito. Natatawa siyang hinintay itong makalapit sa kanya. "Chismis na naman hanap mo?" Salubong niya, mabilis itong tumango at umupo sa kanyang tabi. "Narinig ko 'yong nangyari sa'yo." At humagalpak ito ng tawa. "Kwento ka dali." Pinagpapalo pa nito ang braso niya. "Panigurado kakagising mo lang ano?" Tinaasan niya ito ng kilay lalo at tumango. "Palagi ka talagang huli sa balita." "Alam mo naman na matakaw ako sa tulog e." Napapakamot sa batok na tugon nito. "Hindi ka matakaw sa tulog dahil tulog ka na tinubuan ng katawan." "Gaga alam ko na 'yan ang ikwento mo sa'kin ay 'yong hindi ko pa alam." Kung hindi niya lang ito kaibigan ay talagang hindi niya ito pagbibigyan dahil minsan nakakairita ang pagiging huli palagi nito sa balita. Pareho ang likaw ng mga bituka nila at kasapi sa pederasyon ng mga chismosa sa kanilang lugar. Silang dalawa nalang ang dalaga sa grupo nilang mga chismosa at magkababata rin sila. Simula siguro ng ipanganak sila ay hindi na sila nagkahiwalay. "Iyon nga sumasagap ako ng chismis at alam mo nalang sa atin kapag chismis kahit nasa dulo ng kweba ay susuungin." Panimula niya at wala pa man ay tumili na ito. "Nakakita ka raw ng cobra? Gaano kalaki?" Nagniningning ang mga mata nito kaya pati siya ay nadadala sa excitement na magkwento. "Cobra talaga, ang laki iyon na ata ang pinakamalaki na nakita ko." Sabay silang napatili ng malakas. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi dahil sa paulit ulit na paglalaro sa kanyang isipan ng imahe niyon. "Sana isinama mo ako." Ungot nito. "Gaga, paano kita maisasama kung tulog ka. Sarap mo rin sabunutan." "Dapat ginising mo ako dahil alam mo naman na game na game ako sa ganyan." Hindi ito magkandamayaw sa paghampas sa kanya at sabay na siya sa ganito. "Gwapo ba?" Nawala ang ngiti niya dahil isa iyon sa pinanghihinayangan niya na hindi niya nakita ang mukha nito. Umiling siya. "Hindi pero given naman na gwapo 'yon dahil pinsan ni Sir Leo at walang pangit sa lahi nila sir. Isa pa maugat ang mga hita kaya alam kong yummy 'yon." Nabalik ang ngisi niya dahil sa pagngiwi ng kanyang kaibigan. Alam ko na kung bakit. "Pinsan niya? Biglang nawala excitement ko." Napahagalpak siya ng tawa dahil sa pagiging malungkot nito. "But well, sa'yo nalang 'yon tutal mahilig ka naman sa maugat." "Mas masarap ang maugat dahil lalaking lalaki." "Sus, di naman lahat ng maugat gan'on 'yong iba maugat dahil three times a day nagpapalad." Sabay silang natawa dahil sa sinabi nito. Sanay na sanay na sila sa kabaliwan ng bawat isa dahil hindi naman sila lumaking tago sa makamundong kaganapan. "Basta hindi ako papayag na hindi ko makita ang mukha niya, pakiramdam ko talaga yummy siya at kapag gan'on luluhuran ko 'yon." "Tanong mo muna kung walang sabit wag luluhod sa kargadang pagmamay-ari ng iba." Napaisip siya sa sinabi nito. May girlfriend na kaya 'yon? Asawa? Sana naman wala pa. Napailing siya dahil sa mga naiisip. "Ano naman ngayon kung may nagmamay-ari?" Nakangiwi siya dahil sa biglang paghila nito ng kanyang buhok muntikan pa siyang mahulog sa kinauupuan. "Mahaharot tayo pero di tayo papayag na maging kabit." Madiing tugon nito. "Ang OA, kabit agad luluhod lang?" Umirap ito at humalukipkip. "Hindi naman papayag ang lalaki na luluhod ka pero di ka papasukin malamang wawasakin niyan si Vulva." "E, bakit ikaw nawasak na naman si Vulva mo pero nasaan na 'yong lalaki di ba wala? Uso naman one night stand." "Oo nga pero ako binigay ko si Vulva kasi mahal ko 'yong tao hindi dahil sa one night stand kaya ikaw kung ibibigay mo si Vulva mo dapat doon pa rin sa mahal mo. Mas masarap makipagsex sa taong mahal mo kaysa sa taong libog ka lang." Seryosong sambit nito. napatango siya dahil alam niyang tama ito. "Kaya ikaw kung may balak kang pagbigyan ng una mong halik at luhod dapat doon sa mahal mo." "Oo na, oo na." Tanging naisagot niya. Nagpatuloy ang usapan nila tungkol sa kalokohan at noong nagpaalam ito ay inalalayan muna siya patungo sa kanyang silid. Napagpasyahan niyang magpahinga na lamang dahil kumikirot na naman ang kanyang balakang at paa. Pagkalapat na pagkalapat ng katawan niya sa higaang papag ay agad siyang dinalaw ng antok. NAGISING SIYA dahil sa malalakas na boses. Napatingin siya sa bintana ng silid pagkabangon at napabalikwas dahil madilim na. "Hala wala pa akong sinaing baka gutom na si tatay." Mabilis siya bumama sa papag at napangiwi dahil sa kirot ng paa. Ang kirot sa balakang ay kaya niyang tiisin ngunit mas masakit ang paa niya. Ilang sandali siyang umupo at pinakiramdaman ang sarili bago tumayo. Nakahinga siya ng maluwag dahil nakaya niyaa ng kirot. "Richell, Richell nasaan ka?" Kunot noo siyang naglakad patungo sa kanilang kusina. Nabungaran niya sa labas ay ang kanilang mga kapitbahay. Mabilis niyang binuksan ang pintuang yari sa pinagtagpi tagping yero. Lumikha iyon ng ingay dahilan upang mapabaling ang mga tao sa kanya. "Ano pong nangyayari, bakit po kayo nandito?" Nagsilapitan ang mga ito sa kanya at hindi niya alam kung bakit siya biglang kinabahan. "Mabuti at lumabas ka na kanina ka pa namin tinatawag." Humawak sa braso niya si Valerie habang naiiyak. "Ang tatay mo." "A-Anong nangyari sa tatay?" Napatingin siya sa lahat na nagsiiwas ng tingin sa kanya kaya mas lalo siyang kinabahan. "Anong nangyari sa tatay?" Ihiniwalay niya ang kaibigan sa pagkakayakap sa kanya at mahigpit itong hinawakan sa balikat. "Sa-Sabihin mo, anong nangyari sa tatay?" Dahil sa luha nito ay hindi niya mapigilan ang maiyak din. "Na-Nakapatay siya ng trabahador." Utal nitong tugon na halos ikapanghina niya. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa balikat nito. "Nagkainuman kanina sa kwadra ng mga kabayo at nagkainitan sila ni Bitoy." Sabat ng isa sa mga kaibigan ng kanyang ama. "Sino po ang nagsimula?" Nahihirapan siyang ibuka ang kanyang bibig dahil sa panghihina. Alam niyang seryoso ang ama at hindi ito nabibiro ngunit kilala niyang hindi ito nananakit ng kapwa. "Si Bitoy ngunit napatay niya ito dahil ipinagtanggol niya ang sarili niya." "Tumakbo siya sa kagubatan at pinaghahanap na ng mga pulis ngayon, humingi ng tulong kay Sir Leo ang pamilya ni Bitoy para dakpin ang tatay mo." Nanginginig siyang bumitaw sa kaibigan at naglakad pabalik ng kanilang bahay. Hindi niya pinansin ang mga taong naiwan niya sa labas. Nagmamadali siyang naghanda ng makakain sa kabila ng takot at pag-aalala para sa kanyang ama. Isinarado niya ang lahat ng mga bintana at mga pinto mayroon ang kanilang bahay. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa bawat pagdampi nito sa mga damit ng ama. Kumuha siya ng bag at isinilid doon ang ilang piraso ng mga damit nito. "Tay sana ayos ka lang." Bulong niya sa sarili. Pinunasan niya ang mga luha at ilang ulit na huminga upang payapain ang sarili. Matatag ako. Nagsilid siya ng mga pagkain sa bag bago lisanin ang kanilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD