Chapter 4

1995 Words
"HERE." Tinanggap niya ang puting sobre na iniabot ng kanyang amo. Nang dumating siya kanina ay agad niya itong kinausap at humingi ng tulong para sa ama. Wala siyang ibang malalapitan kundi ito. "I'm sorry, pinansyal na aspeto lamang ang maitutulong ko. Pareho ko silang trabahador at sa lupa ko nangyari ang lahat kaya responsibilidad kong tulungan kayo pero ayokong personal na sumama sa isa man sa inyo o sa pamilya ni Bitoy dahil ayokong isipin nila na may pinapanigan ako," sabi pa nito. Tumango siya para sabihin dito na naiintindihan niya. "Ayos lang po 'yon sir malaking bagay na po ito sa'min." "Gusto kong kumuha ka ng abogado na hahawak sa kaso ng tatay mo." Napayuko siya dahil alam niyang malaking pera ang kakailanganin para doon, balak niyang dumulog nalang sa PAO at hingin ang serbisyo nito kahit na matagal uusad ang kaso. Tila napabasa nito ang isip niya. "Ako ang bahala sa lahat ng gastos. Mas mapapadali kung kukuha ka ng private attorney dahil makakapagfocus sa kaso ng tatay mo. Hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyari at kung sino ang inosente dahil wala ako doon sa pangyayari pero alam kong ang tama ang mananaig." Seryoso itong tumingin sa kanya bago may iniabot na panibagong papel. "Anong po ito sir?" Tanong niya. "Calling card ng attorney na mairerekomenda ko sa'yo. Ang pinsan ko sana ang kukunin kong abogado pero kung gagawin ko iyon ay parang may pinanigan na ako." Napasunod ang tingin niya nang tumayo ito at inayos ang manggas ng kamesa de chino na suot. "Don't worry he's very good in court and for sure he can win the case of your father." Hawak ang sobre at calling card na galing dito ay magaan ang loob na umuwi siya upang linisin ang sarili at gawin ang mga dapat na gawin para sa kalayaan ng ama. Hindi siya nagkamali ng nilapitan dahil tunay ngang mabait ang amo. Pagod siyang napaupo sa upuan nilang gawa sa kawayan at napatingin sa maliit nilang bahay na gawa sa pawid. Noon kapag umuuwi siya dito ay palagi siyang nakangiti at masaya dahil kahit na mahirap ay kasama naman niya ang kanyang ama. Pero ngayon ay naninibago siya sa katahimikan. Napabuntong hiningang tumayo si Richell at kahit ramdam na naman niya ang kirot ng kanyang paa at ibang parte ng katawan ay hindi niya alintana. Naligo at nag-ayos siya ng sarili para magtungo sa bahay ng kaibigan pero hindi pa man siya natatapos sa pagsusuklay ay dinig na niya ang matinis nitong boses na papalapit sa kanilang bahay. "Bruha ka pinag-alala mo ako ng sobra," sigaw nito. Patakbo itong lumapit sa kanya at niyugyog ang kanyang balikat. Napangiti siya dahil alam niyang nag-aalala ito. "Papunta na sana ako sa inyo dahil hihiram sana ako ng cellphone mo para matawagan 'yong abogado na kukunin ko para kay tatay." "Sakto, nandito dala ko dahil panay tawag ng tita ko may load rin 'yan kaya wala ka ng problema." Inabot nito sa kanya ang cellphone nito bago tumabi sa kanya ng upo. "Ano bang naisipan mo at pumunta ka sa gubat kagabi? Hindi ako nakatulog kakaisip sa'yo, nag-alala ako." Napatawa siya. "Naniniwala akong nag-alala ka pero hindi ako naniniwalang hindi ka nakatulog. Gaga ka, alam kong matakaw ka sa tulugan kahit sa gitna ng patayan." Sabay silang malakas na napatawa dahil sa kanilang mga pinagsasabi. Mahigpit siya nitong niyakap. "Basta ano man ang kailangan mo nandito lang ako kapag nagkulang ka sa panggastos ay ipapahiram ko sa'yo 'yong mga naipon ko." Hindi niya mapigilan ang mapangiti ng malapad dahil sa sinabi nito. Salat man siya sa materyal na bagay ay mayaman naman siya sa pagmamahal ng ama't kaibigan. "Wag na, tumutulong naman si Sir Leo at sagot niya raw ang lahat ng gagastusin. Isa pa pera mo 'yon para sa pagsunod mo sa tita mo sa ibang bansa," sagot ni Richell. "Kahit na, mapapalitan pa naman 'yon at mas kailangan mo ngayon ng pera kaya ipapagamit ko muna sa'yo." "Wag na, may ibang paraan pa naman." Matapos niyang ayusin ang sarili ay mabilis niyang tinawagan ang numero ng abogado. Samantalang ang kanyang kaibigan ay nasa kanyang tabi lamang. Ilang ulit iyong nagring bago tuluyang sagutin. Sekretarya nito ang sumagot bago ikinonekta sa linya ng mismong abogado. Napatingin siya kay Valerie habang kinakausap ito. Nagpakilala siya at sinabi ang pakay. "Yes, nasabi nga sa'kin ni Leo. You can come to my office so that we can talk about it personally," sabi nito. Nakahinga siya ng maluwag dahil mukhang ito na ang sagot sa kanyang mga dasal. "Sige ho, pupunta po agad ako ngayon diyan." "My secretary will send you the address." Pagkatapos nang pag-uusap ay napapatili siyang yumakap sa kaibigan. "Pupuntahan ko ang abogado para personal na makausap." "Sasamahan kita." Prisenta nito. "Talaga?" Tumango ito. "Oo, gamitin natin ang motor ko para hindi na tayo mamasahe papunta d'on." Matapos matanggap ang address ay agad silang pumunta sa nasabing opisina. Laking pasalamat niya dahil palaging nakaalalay sa kanya si Valerie. "Nasa kabilang bayan lang ang firm na 'to." Imporma sa kanya ng kaibigan na mas alam ang pasikot sikot sa kanilang bayan kumpara sa kanya na sa loob ng hacienda lamang madalas gumala. Halos kalahating oras lang ay narating nila ang mismong firm. Dalawang palapag na gusali lang iyon ngunit napaganda at elegante. Wala siyang kaalam alam sa mga desinyo ng mga gusali kung kaya't hindi niya matukoy kong ano iyon. "Si Attorney Fabilon ho, ako ho si Richell Vinteres." Ngumiti sa kanila ang lalaking unang nakita nila pagkapasok sa building. "Ako ang secretary niya at ako ang sumagot kanina sa tawag mo. He's waiting for you ma'am, this way please." Sumunod sila dito hanggang sa huling pinto ng pangalawang palapag. Nakaukit sa pinto ang pangalan ng abogado. Kumatok ng tatlong beses ang secretary nito bago humarap sa kanila. "Pumasok na ho kayo ma'am," sabi nito. "Salamat." Ngumiti ito at yumuko bago umalis. Naiwan silang dalawa ng kaibigan na nagmamasid masid sa paligid. "Pasok na tayo?" "Ikaw nalang dahil personal na bagay 'yan." Napangiti siya bago tuluyang pumasok sa office ng abogado. Bumungad sa kanya ang lalaking may katandaan na kumpara sa kanya. Tumayo ito pagkakita sa kanya. "So, you're Ms. Richell Vinteres?" Umupo ito sa mesa at tumitig sa kanya mula ulo hanggang paa. Hindi niya alam ngunit hindi naging maganda ang dating sa kanya ng mga tingin nito. Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan at sinalubong ang tingin nito. Sanay siya sa gan'ong klase ng titig kaya isang tingin palang alam niyang hindi maganda ang kahahantungan ng pag-uusap nila. "Oho, ako ho ang pinakiusap sa inyo ni Sir Leo para po sa kaso ng tatay ko." Sa kabila ng pagkaasiwa sa mga tingin nito ay hindi siya natinag. Humalukipkip lamang ito habang ang mga mata ay sa kanya pa rin nakatuon, sa kanyang katawan. "Seld defense ho ang nangyari basi sa kwento ng mga nakakita, ipinagtanggol lang ho ng tatay ko ang sarili niya." Pagpapatuloy niya kahit tila hindi ito nakikinig. Tumikhim siya nang makitang sa dibdib niya na nagpipyesta ang bastos nitong tingin. "Tutulungan kita," sabi nito kasabay ng pasilay ng ngisi sa mga labi. Kahit na magandang balita iyon ay hindi niya nakuhang maging masaya dahil ramdam niyang may kapalit ito. "Tutulungan kita kung pagbibigyan mo ako. Iba pa rin kung may instant fee para ganahan akong ipanalo ang kaso mo." "Anong ibig sabihin mo?" Agad na nawala ang paggalang niya rito. "Alam kong alam mo, you are beautiful Ms. Vinteres and I want a night with you." Walang prenong sagot nito. Hindi manlang inisip ang magiging dating ng mga salita nito sa kanya. Naikuyom niya ang mga kamao dahil sa mga sinabi nito. "Hahanap nalang ako ng ibang abogado marami pa naman sigurong iba, 'yong hindi bastos," may diing sagot niya. Tingin palang nito ay alam na niyang hayok ito sa laman. Isa rin ito sa sandamakmak na mga lalaking malilibog na nakilala niya. "Walang ibang makakapanalo ng kaso mo kundi ako." Pagmamalaki nito habang humahakbang papalapit sa kanya. Sa sobrang paglapit nito sa kanya ay ramdam na niya ang hinila nito sa kanyang pisngi. "Hindi ka makakahanap ng abogadong ipapanalo ang kaso ng tatay mo. I have my ways and I can manipulate the judge's decision in my favor if I want to," sabi pa nito na hindi niya pinansin. "Salamat nalang sa alok mo." Itinulak niya ito palayo sa kanya bago lumabas ng opisina nito. "HINDi na ba talaga magbabago ang isip mo? Malay mo nagkataon lang na walang gustong tumanggap sa kaso ng tatay mo. Pwede pa naman tayong maghanap ng iba. Kung minalas man tayo ngayon may bukas pa naman." Kumbinse sa kanya ng kaibigan. "Iba maglaro ang mayayamang tao Vale, nagagawa nilang pasunurin ang isang tao kapag gusto nila lalo pa sa katulad kong mahirap. Alam kong may kinalaman si Mr. Fabilon kung bakit di tayo makahanap ng abogado, walang tumatanggap ni isa." Ipinahid niya ang puling lipstick sa kanyang labi habang tinitignan ang sarili sa salamin. "Sabi niya nga kanina kaya niyang ipanalo ang kaso kung gusto niya." "Malay mo joke niya lang 'yon." Sunod niyang isinuot ang malalaking hikaw na nabili nya lamang noon sa bayan sampung peso bawat pares. "Seryoso siya at alam kung maduming paraan ang tinutukoy niya at hindi na ako magpapasanta kung kalayaan ni tatay ang kapalit mabuti o masamang paraan papatusin ko. Ayokong umabot tayo ng isang linggo kakahanap ng abogado tapos ang tatay nasa loob ng prisento humihimas ng rehas." "Kaya pati si vulva ibibigay mo sa masamang tao? Di ba usapan natin ibibigay mo lang yan sa lalaking mahal na mahal mo," kontra nito. Napasimangot siya dahil hindi na niya matutupad 'yon. "Sa tulad kong dukha kung maniniwala ako sa mahal mahal na 'yan baka pumuti na ang mga buhok ko tigang pa rin ako. Wala ng lalaking sasamba sa babae dahil sa purong pagmamahal. Sasambahin lang nila tayo kapag gusto nila tayong ikama at makasex. Si vulva ang habol hindi ang puso natin." Sabay na lamang silang natawa dahil sa pinag-uusapan nila. Oo, mga bastos sila kung magsalita at mahilig sila sa panonood ng mga makamundong palabas pero hanggang doon lang iyon kaya ang gagawin niya ngayong gabi ay lagpas sa prinsipyo niya pero iyon lang ang meron siya para maisalba ang ama. Kung tama man ang sinabi ng kaibigan na maaaring may makuha pa silang abogado pero walang kasiguraduhan ang kanilang panalo. Gusto niya ' yong sigurado para sa kanyang ama lalo't narinig niyang hindi titigil ang pamilya ni Bitoy, ang pamilya ng namatayan hanggat hindi nabubulok sa bilangguan ang tatay niya. "Sige na simulan na natin ang pag-inom para makarami." Matapos mag-ayos suot ang napaiksing bestidang kulay dilaw na halos kita na ang kanyang singit na pinarisan ng itim na heels ay kinuha niya ang bote ng alak sa maliit nilang mesa. "May wine naman kasi sa bahay bakit bumili ka pa ng emperador na 'to napakalakas ng tama nito," napapangiwing sagot ng kaibigan. "Hindi ako malalasing sa wine kaya ito ang kailangan ko. gusto ko pagdating ko d'on halos mawalan na ako ng malay sa sobrang kalasingan para hindi ko na makilala ang pagmumukha ng hayop na 'yon. Para masikmura kong makipagsex sa kanya." Napangiwi rin siya nang inumin ang kalahating baso ng mumurahing alak na 'yon at ramdam niya ang anghang at init na gumuhit sa kanyang lalamunan. Napailing iling siya ng mabilis dahil pakiramdam niya ay nabingi siya sa sobrang tapang ng lasa. Mabilis namang inabot sa kanya ni Valerie ang pulutan nilang chichirya. Pareho silang mahilig uminom kaya't alam niyang dadamayan siya ng kaibigan. Minsan nga ay inuumaga na sila kakainom kaya madalas silang pagkamalang mga pariwarang babae dahil dooon. Mga judgemental lang talaga ang mga tao sa kanila, madaming chismosa at pakialamero. "Tagay," sigaw nila. Ganito ang inumang pandukha sa kanilang lugar, purong emperador light jumbo na pinarisan ng tagpipisong chipi. Masaya na sila sa ganito kahit na hindi branded ang alak importante ay nalasing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD