"Nakuha ko na, Ma'am," masayang wika ni Kat at iwinagayway ang puting sobre na hawak niya ngayon. Malamang malaking pera ang nasa loob dahil mukhang masayang-masaya siya. Galanti pa naman si Grego sa iba, sa akin lang talaga hindi. Tama-tama lang ang kapal ng sobre para sa isang buwan nitong paninilbihan. Nakaramdam ako ng hiya para sa sarili ko. Naturingan pa naman akong asawa ng isang CEO, pero walang kalaman-laman ang loob ng bulsa ko. Hindi ko na matandaan kung kailan huling nagkaroon ng laman ang long wallet ko. Mabuti pa nga si Kat, mayroong maipagmamayabang na pera. Perang pinaghirapan niya na mula sa kaniyang pinagpagirang pawis. Samantalang ako, mas mahirap pa yata sa isang daga. Ang lakas pa ng loob ko na isama siya sa pag-alis ko. Ewan ko ba pero ang gaan kasi n