Chapter 38

1740 Words

Ilang minuto ang pinalipas ko bago ako lumabas ng cubicle. Flinush ko ang toilet bowl nang sa ganun ay hindi naman magtaka ang mga kapwa estudyante na nasa loob ng banyo sa biglaang labas ko. Paniguradong ang nasa isipan nila ay walang tao dito. Mamaya, iba na naman ang isipin nila tungkol sa akin. Iritable pa rin ang hitsura habang pinapasadahan ko ng basa ang pasasalamat na text ni Leon. Wala namang nakakairita, pero inis na inis talaga ako sa nagpadala. Hindi ko pinansin ang iilang mga mata ng mga kapwa student na saglit lang namang napasulyap sa akin nang makita ako. Hindi siguro nila alam na may tao sa center cubicle. Baka akala nila sira lang kung kaya sarado. Matapos sipatin ang sarili sa salamin ay inayos ko na ang tindig upang mag-ready para sa aking next subject. Nagugutom ako,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD