Chapter 45

2018 Words

Ilang minuto na ang nakakalipas nang tumayo ako sa labas ng pintuan ng opisina ni Leon. Hindi ko alam kung nagdadalawa ang isip ko kung tutuloy pa ba ako sa loob o babalik na lang ng room ko. Kanina ang lakas ng loob kong sumagot ng oo, gising pa ako at bababa na ako. Sana ay nagtulug-tulugan na lang pala ako at hindi na sinagot ang tawag niya kung pagdating dito ay maduduwag lang ako. Ayan, ang napapala ng feeling matapang. Bahagyang nakaawang ang pintuan ng opisina pero hindi niya naman ako nakikitang nasa labas na dahil may kalayuan ng table niya. Ilang buntong-hininga ang pinakawalan ko, bago pumasok. Tutal narito na rin naman ako, paninindigan ko na at haharapin siya. Malay ko bang importante talaga iyong mga sasabihin niya? “Hi, Sir.” Bagaman at labis ng kinakabahan dahil feeling

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD