Chapter 57

1897 Words

Nanindig na ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang maramdaman ang ginawang masuyong pagtugon ni Leon sa paghalik na aking ginawa. Hinapit niya ang beywang ko upang mas lalo pang mapadikit ang katawan ko sa kanya. Agad na sumiklab ang kakaibang init sa loob ng katawan ko na hindi ko alam kung saan nagmula. Natakot ako na baka kapag hindi ko pa iyon pinigilan ngayon ay lalong lumaki ang siga at di maapula. Charlie, mag-isip ka ngang mabuti. Huwag mong basta ilagay sa kapahamakan ang iyong sarili. Kumalas ka na habang maaga pa, kumalas ka! Akma kong ilalayo na sana ang katawan ko upang putulin ang halik na unti-unti kaming nilalamon ng buo, subalit hindi hinayaan iyon ni Leon na gawin ko. Siguro dahil may binuhay akong apoy sa loob ng katawan na tinatawag na pagnanasa. Pumulupot pa nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD