Halos matapid ako sa aking dinadaanan nang dahil sa piring sa aking mga mata kung kaya hindi ko makita ang aking nilalakaran. Ang mga lalakeng kumuha sa akin sa bahay ang siyang umaagapay sa akin para makapaglakad. Wala akong idea kung gaano ba kalayo ang lugar na ito sa aming bahay. Ang tanging alam ko lang ay matagal ang naging biyahe at nanakit na rin ang mga mata ko sa kakaiyak. Maging ang labi ko ay tila na pagod na rin na humikbi.
Habang nasa biyahe papunta sa kung nasaan man ang lugar na ito. Ilang beses akong pinagbantaan ng lalakeng may mahabang buhok na malilintikan daw ako kapag hindi pa ako tumigil sa pag-iyak. Ilang mura rin ang inabot ko sa kaniya ngunit hindi naman niya ako nagawang pagbuhatan ng kamay. Marahil ay nag-aalala ito na kapag nasugatan o napasaan niya ako ay mas mababa ang halaga ko kapag binenta na nila ako mamayang gabi.
“Hawakan niyong mabuti ang babaeng ‘yan,” may diin na bulong at ilang ulit na bilin ng lalakeng may mahabang buhok sa mga tauhan nito. Lumukob sa aking tainga ang langitngit ng pintong binuksan. May saglit na katahimikan bago ko narinig ang lalake na kinuha ang atensyon ng boss nila. “Huwag niyong hayaang magpumiglas at magkaroon ng katiting na galos at pasa.”
“Napagbayad niyo ba si Robin?”
Narinig kong tanong ng isang lalake sa malalim at seryosong boses. Batid kong ito na ang taong tinatawag nilang Boss dahil sa authority sa tinig nito.
“Hindi pera ang binayad niya sa amin, Boss.”
Tila palatandaan ng mga lalake ang salitang iyon dahil nang kumawala na ito mula sa labi ng kanilang lider ay halos kaladkarin na nila ako papunta sa lalakeng tinatawag nilang boss. Marahas na hinaklit ang telang nakabalot sa aking mga mata ngunit ang tape na inilagay nila ay nanatili sa aking labi.
“And who is she?” malamig pa rin ang tono na tanong nito.
Rinig na rinig ko ang kalakip na accent ng mga salitang dumulas sa kaniyang labi. Halatang mas sanay siya sa english kumpara sa wikang tagalog.
“Unica hija ni Robin.”
Nanatiling nakapako sa sahig ng opisina ng pinaka-boss ng mga hudluman na lalake ang aking mga mata. Sinasadya ko na huwag ipakita sa kaniya ang aking mukha. Tinaas ng lalakeng mahaba ang buhok ang aking baba. Tila naubos ng lalakeng nakaupo sa swivel chair ang buo kong lakas nang magtama ang mga mata naming dalawa. Tiim-bagang na itong nakatingin sa akin habang ang seryoso niyang mga mata ay may kung anong tinatantya. Habang tumatagal ay mas nag-iisa ang makakapal nitong mga kilay. Mula sa distansya ko sa kaniya ay kitang-kita ko ang haba ng mga pilik-mata niya.
Hindi ang itsura ng lalakeng ito ang inaasahan kong itsura ng boss ng mga hudlum na ito. Ang inaasahan ko ay mas matandang lalake na hindi kaaya-aya ang itsura ngunit ang kaharap ko ngayon ay masiyadong pinagpala pagdating sa pisikal na aspeto.
“Napaka-inosente ng mukha niya. Maganda rin ang hubog ng katawan at makinis. Ganito ang mga babaeng tipo ng mga kliyente natin. Mabebenta natin siya sa auction sa mas mataas na halaga.” paliwanag pa ng lider nila.
Muli akong pinasadahan ng tingin ng lalaking nasa swivel chair. Hindi ko alam kung napukaw ko ba ang interes nito o hindi. Ang hirap niyang basahin. Gumalaw ang mga mata niya na tila ba nagbigay ng sign ng dapat nilang gawin. Ang grupo na nasa likod ko at ang dalawa naman na hawak-hawak ako ay mabilis akong binitawan saka sila nagmamadaling lumabas ng opisina. Nang muling sumara ang pinto ay unti-unti kong ini-atras ang aking paa na naging dahilan para mangunot ang noo ng lalake sa akin. Hinila niya palapit sa working table nito ang kaniyang swivel chair sabay patong ng magkabilang siko sa ilalim ng lamesa. Naburo pa sa akin ang mga mata.
“Tatakas ka?” tanong nito sa akin gamit ang nang-uuyam na tono.
Tumayo siya mula sa swivel chair kung saan siya nakaupo kanina. Lumapit ito sa akin at habang napuputol ang distansya sa pagitan naming dalawa ay para akong kinakapos ng hininga. Nabalot pa ng takot ang aking katawan. Sa tingin ko mukhang imposible na makatakas ako sa ganitong klase ng lugar. Napakislot ako nang pabalang at marahas niyang inalis ang tape na nakadikit sa aking labi. Sa lakas noon ay kulang na lang mapasama ito sa hinila niya.
“Did you really think that you can escape this place, little dove?”
Muli niyang tanong sa akin gamit pa rin ang seryoso niyang tinig.
“Gusto ko ng umuwi. Wala naman akong kasalanan sa inyo. Bakit ginagawa niyo ito sa akin?” lakas-loob na tanong ko sa maliit na boses.
Pinagkibitan niya lamang ako ng balikat. Hindi pinansin ang nagbabadya kong mga luha na ang buong akala ko ay naubos na kanina sa sasakyan.
“Ano bang ginawa ko sa iyo? Wala naman hindi ba?” utas nito na parang nakikipag-usap sa maliit na bata, “If there's someone you must blame, it's your father. Naniningil lang naman ako sa inutang niya. It so happened that he chose to pay up his debt with you and your innocence. This is pure business deal for me, little dove. I hope that you won't take this personally.”
Hindi ko alam kung anong klaseng lalake ang makakaharap ko kapag nilabas na nila ako sa naririnig kong black market na tawag nila. Ayaw ko roon. Sumagi sa akin ang makiusap sa kaniya. Naisip ko rin na imposible naman na pumayag ang lalakeng nasa harapan ko ngunit magmamakaawa pa rin ako.
“Babayaran ko ang utang ng Tatay ko sa ibang paraan. Hindi ko ito tatakbuhan. Parang awa niyo na. Huwag mo akong ibebenta sa mga kliyente niyo. Magaling akong magluto at maglinis ng bahay. Kaya ko ‘ring maglaba. Puwede mo akong gawing personal na alipin sa iyong mansion.”
Natigil ako sa pagsasalita at pagmakakaawa sa kaniya nang makita ko kung saan nakadirekta ang mata nitong mas lalo pang nandilim habang tumatagal. Unti-unti akong bumitaw sa pagkakahawak ko sa kaniyang braso at humakbang palayo. Hindi ko namalayan na nagawa ko na siyang hawakan.
“Take this woman to Iracebeth!” mala-kulog sa lakas ng boses na sigaw nito.
Bumukas ang pinto at muling pumasok ang lalakeng may bitbit sa akin sa lugar na ito. Isang beses pa akong nagnakaw ng tingin sa lalakeng tinatawag ng lahat na boss bago ako tuluyang nagpatianod sa humihila sa akin palayo.
“Anong gagawin ko rito?” tanong ng isang babaeng bumungad sa akin.
Platinum blonde ang kulay ng buhok nito at ang labi niya ay pulang-pula. Tulad ng Boss ng mga lalaking hudlum. Napaka-gandang nilalang din ng nasa harapan ko. Mukhang siya iyong Iracebeth na sinasabi ng Boss kanina.
Dahan-dahan akong pinaikutan ni Iracebeth para suriin ang hitsura mula ulo hanggang paa.
“Bakit dito siya pinadala ni Leon? Ipangpi-premyo lang ito sa mananalo sa tournament? Hindi ba tayo lugi? Pasok itong pambenta. Milyon din ang halagang aabutin ng katawan ng babaeng ito, lalo na kung virgin.” makahulugang tumingin sa akin si Iracebeth, nanantiya. “Virgin ka pa ba?”
“A-Ano po?”
Biglang malakas na tumawa ang babae at ilang sandali pa ay naging halakhak na iyon. Kuminang sa labis na saya ang kanyang mga mata at ngumiti pa siya.
“Boys, you did hit the jackpot. Sure ako na birhen pa ang babaeng ito. Nasaan ba si Leon ngayon? Ako nga ang kakausap sa kanya.”