Kathleen's Pov: Muli akong bago itinuon ang mga mata sa labas. Nakakatuwang pagmasdan ang mga ibong pipit na nagkakatuwaan sa isang sanga ng punong-kahoy. Palipad-lipad sila habang sumasaliw ang mga tinig sa isa't-isa. Inaantok na ako at nabo-bored na talaga. Nandito ako sa silid-aralan ng mga Senior. Mixed-class ang klaseng ito kaya halo-halo ang uri ng mga kaklase ko sa oras na ito. Wala din kaming professor kaya akala mo ay mga nakawala sa kulungan ang mga kaklase ko. Ang iingay at napakagulo nila. Para silang mga bata na kung ano-ano ang pinagkaka-abalahan "Kath!" Awtomatikong umikot ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses. "Nagkakatuwaan ang lahat, ayaw mong sumali? Gusto mo talagang mag-isa sa mga ganitong pagkakataon?" Si Garreth na kumikislap pa ang mga mata. Ka