Chapter 13- Heaven's Arena

1514 Words

GrandMaester's Pov: Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na nakatayo dito sa tabi ng bintana habang nakatanaw sa kawalan. Minsan ay tumatanaw sa mga estudyanteng nasa ibaba at nagkakasiyahan. Hindi man abot dito ang mga boses nila ay parang hinahaplos pa din ang puso ko sa nakikitang kasiyahan nila. Sa wakas, nakakangiti at nakakatawa na ulit sila. Kahit na alam kong sariwa pa din sa kanila ang trahedyang dumaan anim na buwan na ang nakakalipas. Alam kong mananatili sa isipan ng bawat isa ang mapait na alaalang iyon pero nakakatiyak akong mas pinalakas ang bawat isa ng mga nangyari. Nakarinig ako ng tatlong katok sa pintuan ng silid ko. "Pasok." Pagbibigay ko ng pahintulot nang hindi lumilingon. Pumasok ang mga taong pinagkakatiwalaan ko. "Nagawa n'yo na ba ang pinagagawa ko?" t

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD