Donna's Pov: Muli akong nagpakawala ng buntong-hininga, hindi ko naman pino-problema ang pagpapalit ng mga Heads, wala naman kasi akong nakikitang problema doon. Kung tutuusin ay advantage pa nga kasi sina Head Quivo at Head Fillo sa oras na tingnan ka pa lang ay manlalambot ka na, pero iyong mga pumalit sa kanila, grabe din ang presensyang binibigay nila. Nakakatakot, pati ang aura nila, magaan lang at halos wala akong maramdaman which is not good that alone made them dangerous. Napangiwi ako habang palabas ng auditorium at inaalala ang itsura ng mga bagong Heads. Wala na sila dito sa auditorium, agad silang nawala pagkatapos ng announcement pero ramdam ko pa din ang impresyong iniwan nila sa amin. Parehong seryoso sina Head Constantine at Head Theo, na para bang kapag biniro ay i