Donna's Pov:
"May ideya ka ba kung bakit tayo ipinapatawag ni GrandMaester?" tanong ko kay Dice.
Kakatapos lamang ng huling klase namin ngayong umaga at s'ya lang ang kaklase na kasundo ko sa klaseng ito. Matapos kasi ang unang klase namin kanina ay napahiwalay na sa amin sina Fhaye at ang iba pa.
Tiningnan lang ako ni Dice at nakapamulsang lumabas ng silid. Ni hindi man lang s'ya nag-abalang sumagot kahit ha o ho. Wala akong nagawa kundi humabol sa kanya.
Ang lalaking ito talaga, napakahirap basahin! Hindi ko alam kung ano na naman ang iniisip n'ya.
Minabuti ko na lang manahimik habang sinasabayan s'ya sa pagbaba sa hagdan. Wala din naman akong makukuhang sagot sa kanya.
Nasa ikalawang palapag kami ng Main Building, ang tanging istruktura sa eskwelahan na naisalba mula sa pagkawasak. Dito din dati nagaganap ang mga klase na magkakasama ang iba't-ibang uri ng Warden katulad noon.
Sa Main Buiding din matatagpuan ang ilang common places sa buong eskwelahan tulad ng Main Room. Buong unang palapag ang inookupa noon dito sa Main Building. Sa second floor hanggang fourth floor naman ang mga silid na para sa klase ng pinagsama-samang estudyante. Ang fifth at sixth floor ang kinalalagyan ng mga mixed training rooms.
Wala na ang Building A, B, C, D. Pinalitan na iyon ng Warden's Square. Katabi naman ng Main Building ang cafeteria at ilang metro mula doon ay ang may tatlong palapag na library.
Nasa tabi naman ng cafeteria ang may limang palapag na building. Ito ang tinatawag na Center Tower, ang building kung saan ay para kay GrandMaester at kinalalagyan ng opisina ng mga Professor. Literal na nakatapat din iyon sa direksyon na patungo sa Warden's Square.
Iyon lang naman ang mga istrukturang binago sa loob ng eskwelahan. Ang mga clubs at mga court, mini arena's maging ang mga field, nawasak man sila ay nagawa pa din silang ibalik sa dati, sa dating pwesto nila.
Ganundin ang mga in-house amenities at ang dormitory sa labas ng eskwelahan. Maging ang lahat ng istruktura doon ay pinalitan o ibinalik sa dati pero nanatili pa din sa mga dating lugar.
Agad kaming kumaliwa pagkalabas ng Main Building. Nanatili pa ding pipi si Dice kaya hindi ko na s'ya kinulit pa.
"Donna..."
Agad na gumuhit ang ngiti sa labi ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Hinanap agad ng mga mata ko ang kakambal ko. "Zen! Mabuti at nakabalik ka na." Mabilis na lumapit ako sa kanya at umabrisete.
"Bakit?" takang tanong n'ya at pinaglipat-lipat ang tingin sa amin ni Dice. "May ginawa ba sa'yo si Dice?"
"Wala lang. Naka-silent mode kasi si Dice," sabi ko at itinuro pa ang lalaki. "Hindi ko s'ya makausap!"
Hindi naman ako pinansin ni Dice.
Sa halip ay ang tumatawang kakambal ko ang binalingan. "Ipinatawag ka din ba ni GrandMaester?"
Natigil sa pagtawa si Zen at napatingin sa akin bago sumagot. "Yeah."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad pero ramdam ko ang tensyon sa kabila ng pagtahimik ng dalawa.
Ganito na naman ang ikinikilos nila. Bigla na lang silang mananahimik na parang may kung anong mangyayari na tanging sila lang ang nakakaalam. Ganito na sila dati pa, may sariling mundo at kahit magtinginan lang sila ay parang may nabubuong tahimik na pag-uusap sa pagitan nila.
Heto na naman ang pagiging misteryoso nilang dalawa!
Ang pananahimik ng dalawa ang laman ng isip ko hanggang sa marating namin ang Center Tower.
Hindi ko na din sila sinubukan kausapin pa hanggang maka-akyat kami sa pinakadulong palapag. Wala din naman silang sasabihin sa akin kahit ano pang pilit ko kaya minabuti ko na lang din na manahimik.
Napatigil pa kami nang makita namin sina Crayon at Queven na nasa may tapat ng silid ni GrandMaester. Kunot na kunot pa ang noo ng piniling Guardian nang sulyapan kami.
Tumango sa amin si Queven bago pumasok sa silid, ni hindi naman kami tiningnan ni Crayon.
Agad naman kaming sumunod sa kanila pero napatigil ako nang papasok na ako sa silid. Mas kumabog ang dibdib ko sa kaba. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari sa oras na pumasok ako ng silid.
Napansin naman iyon ni Zen kaya kusang lumapit at hinawakan n'ya ang kamay ko at pinisil. Sumabay na din s'ya sa akin pagpasok.
Pareho nga lang naming hindi inaasahan ang mga makikita sa loob.
Magkatabi sa isang sofa sina Queven at Crayon habang nasa tapat nila si Dice.
Nasa likod pa din ng lamesa n'ya si GrandMaester at nasa magkabilang gilid n'ya ang dalawang Head ng dalawang kaharian pa sa Faya. Si Head Fillo ng Palas at si Head Quivo ng Fortes. Silang dalawa ay nakatalaga na din bilang Head Warden ng mga Magistrates at Guardians.
Pero hindi sa kanila natuon ang atensyon ko. Kundi sa mga taong nasa kaliwa ni Dice. Sa mga taong inakala kong kasamang nawala ng mga magulang namin. Ang ilan sa mga ikinulong ni Sir Dren sa Libyn, ang ilan sa mga natitirang Mongrel.
"Tito Ignacio," pagkilala ko sa naging pinuno namin habang naninirahan sa Libyn. Katabi n'ya sina Tito Manuel at Tito Braham. Ganundin si Ritchelle, ang panganay na anak ni Tito Braham at kapatid ni Hanz. Limang taon ang tanda n'ya sa amin at isa s'ya sa mga babaeng pinili ni Sir Dren para maiwan noon sa Libyn.
Ngumiti lamang si Tito Manuel pero hindi iyon umabot sa mga mata n'ya. "Mabuti at nasa maayos kayong kalagayan dito. Natutuwa akong kahit paano ay nakakapamuhay kayo ng normal."
"Donna and Zen, sit down." Maya-maya ay utos ni GrandMaester.
Agad na tumalima ang kakambal ko at tumabi kay Dice. Hindi ko naman nagawang sumunod sa kanya kaya sa pang-isahang sofa na nasa malapit ko piniling maupo.
"Nagawa namin silang tulungan at madala dito," simula ni GrandMaester. Pinakilala din n'ya ang mga kasama namin sa piniling Magistrate at Guardian. "Mula din sa araw na ito ay si Manuel na ang magiging Head ng mga Skill."
"Kung nagawa n'yong makaligtas, posible bang nakaligtas din sina P-Papa?" may bikig sa lalamunang tanong ko.
Kahit paano ay nakaramdam ako ng kaunting pag-asa. Gusto kong umasa na makikita kong muli ang mga magulang namin ni Zen.
Umiling si Tito Manuel. "Nagawa kong makapagbukas ng portal at ginamit ko iyon para maitago kaming apat sa kapangyarihan ni Noldren. Pero hindi nagawang maabot ng kapangyarihan ko ang mga magulang n'yo at ang iba pa. Isa pa, kinailangan nilang lumaban para hindi magawang habulin ni Noldren ang Binhi at ang kakambal mo. Hindi ko na sila nagawang tulungan pa nang tuluyang wasakin ni Noldren ang sentro ng Libyn. Nawasak at naabo ang buong Kastilyo, ganundin ang iba pang kasamahan natin."
Naikuyom ko ang mga kamao ko. Umasa ako pero sa puso ko, tanggap kong wala na ang mga magulang namin. Ang hindi ko lang matanggap ay ang hirap na pinagdaanan nila bago sila nawala.
Huminga ako ng malalim at pilit kinalma ang pag-iinit ng dibdib ko. Nararamdaman ko na naman ang pag-ahon ng negatibong damdamin sa puso ko.
"Mukhang narito na sila." Si GrandMaester ang pumukaw sa tensyonado kong pakiramdam.
Muling bumukas ang pintuan ng silid n'ya at pumasok doon sina Sir Daecyl at Sir Sage.
"Alam kong marami kayong gustong malaman mula sa kanila pero mas may mahalaga tayong bagay na papag-usapan," GrandMaested said. "At huwag n'yo sanang mamasamain ang kung anumang pag-uusapan natin."
Nakita ko pa nang tanguan n'ya si Sir Sage na agad na lumapit sa may likuran ko.
Nagtatakang tiningala ko pa si Sir na bahagyang ngumiti pa sa akin.
Bago ko pa mahulaan ang gagawin n'ya ay naglabas na s'ya ng aura at itinuon iyon sa kamay n'ya. Hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa n'ya. Bigla n'yang idiniin iyon sa batok ko, sa markang meron ako.
"Ah!" Dinig mula sa apat na sulok ng silid ang sigaw ko. Tila may pinilas na laman sa kaloob-looban ko.
"Anong ginagawa n'yo?" Halos sabay pang napatayo sina Dice at Zen pero napigilan sila agad ni Ritchelle. Nakita ko pa nang makulong ang dalawa sa tila kahon na basta na lang lumabas.
"Hayaan n'yo muna s'ya," pigil din ni Tito Manuel.
Napapikit ako sa sakit na dulot ng nag-uumalpas na kadiliman sa katawan ko. Pinilit kong pigilan ang paglabas niyon pero sa tuwing susubukan ko ay parang sinasaksak ako.
"S-Sir... Don't." Maluha-luhang nakiusap ako kay Sir Sage pero hindi n'ya ako pinakinggan.
Muntik na akong mabuwal sa pagkakaupo kundi ko lang hinigpitan ang pagkakakapit sa kamay ng sofa.
Tuluyang nasira ang seal ng marka ko. Muli kong naramdaman ang sakit at lamig ng kadilimang biglang lumukob sa kabuuan ko.
Halos manginig ako sa lamig na dulot noon. Tila karayom din na tumutusok sa buong katawan ko ang dampi ng kadiliman na tila tuwang-tuwa na nakalabas muli.
Naramdaman ko ang madilim na aurang inilalabas ng katawan ko. Kasabay ng likidong tumulo mula sa ilong ko. My nose is bleeding again. Ang laging nangyayari sa akin sa tuwing pipigilan ko ang kapangyarihan ng kadiliman.
"Don't move..."
Muli kong narinig ang babalang iyon ni Ritchelle pero nanghihina na ako at nanlalabo na din ang paningin ko kaya hindi ko na sila pinagkaabalahang tingnan pa.
"You can try, but I'm telling you. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari."
Hinang-hina na nga yata ako dahil pati ang boses na iyon ni Crayon ay naririnig ko na. Maging ang yabag at presensya n'yang papalapit sa akin. I even heard voices pero hindi ko na matukoy kung kanino ang mga iyon.
Ilang sandali ding kumapit ako sa sofa pero hindi ko na kinaya ang sakit na nararamdaman ko. Napabitaw ako at naramdaman ko ang pagbigay ng katawan ko.
I am awake kaya alam kong babagsak ako sa malamig na sahig ng silid pero mainit na bisig ang sumalo sa katawan ko.
"Got you," he whispered.
Napatingin na lang ako sa kanya. Hindi ko akalain na kailangan ko pang pagdaanan ito para lamang pagtuunan n'ya ng pansin.
"What are you doing, Crayon?" Head Fillo asked with authority.
Ni hindi s'ya pinansin ni Crayon sa halip ay dinukot sa bulsa ang isang panyo at ipinunas sa ilong ko. Inalalalayan din n'ya ako paupo sa sofa at hindi s'ya umalis sa tabi ko. Bagkus ay naupo pa s'ya sa kamay ng inuupuan ko habang nakapaikot ang isang bisig sa baywang ko.
"Hindi ko maintindihan kung anong ginagawa n'yo GrandMaester," walang emosyong sabi ni Crayon.
I tried to focus my eyes on him pero hinang-hina na ako. Pumikit na lamang ako para kahit paano ay mabawi ko ang kakaunting lakas na meron ako.
"Dahil gusto kong makita n'yo ang maaaring mangyari sa oras na makawala ang kadiliman sa marka ni Donna."
Agad na napamulat ako ng mata nang marinig iyon. Takang napatingin ako kay GrandMaester.
Anong ibig n'yang sabihin? Wala akong makitang emosyon sa mukha n'ya. Nang ibaling ko ang mga mata ko kina Tito Ignacio ay agad na nagbaba sila ng tingin.
"Iyon ang dahilan kung bakit kinailangan naming gawin ang lahat para mabuhay. Dahil kailangan naming ipaalam ang tungkol sa sumpang nasa dugo nating mga Mongrel." Mababa ang boses ni Tito Braham.
Wala akong makapang sagot sa sinabi n'ya. Mas lalong hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.
I tried to moved pero naidiin ko lang ulit ang sarili ko sa upuan nang muling magwala ang kapangyarihan na nagmumula sa marka ko.
"Do it Sage." GrandMaester commanded Sir Sage pero bago pa s'ya makalapit sa akin ay maybnag-aapoy na pader na ang humarang sa kanya.
"Crayon!" Kahit si GrandMaester ay agad na napatayo dahil sa ginawa ni Crayon.
Kahit si Queven ay tumayo na din at hinawakan ang balikat ng kaibigan. "Crayon, calm down."
Sa lahat ng nandito ay s'ya lamang ang may lakas ng loob para kausapin si Crayon. Yes, maybe GrandMaester has the authority but when it comes to power and ability, mas nakakalamang pa din ang mga piniling mag-representa sa buhay at kamatayan.
"Huwag mo akong pakialaman, Uno." Crayon glared at his bestfriend.
"Isasara ko lang ulit ang seal sa marka ni Donna Crayon," paliwanag ni Sir Sage at walang anumang tinabig n'ya ang pader na apoy. "Kaunting bahagi lamang ng marka ang binuksan ko at kung magtatagal pa na nakabukas ang bahaging iyon ay muling masasakop ng kadiliman si Donna."
No. Ayokong magpasakop ulit sa kadiliman. Hindi ko na gugustuhing bumalik pa doon.
"C-Crayon..." Hindi ko alam kung bakit tinawag ko ang pangalan n'ya. Basta ang alam ko ay gusto kong mawala na ang panlalamig na nararamdaman ko.
Tiningnan n'ya lang ako at sandaling pumikit bago walang sabi-sabing lumabas ng silid.
Muli namang lumapit sa akin si Sir Sage at naglabas ng aura. Muli n'yang inilagay iyon sa mga kamay n'ya at itinutok sa marka ko.
Ilang segundo din bago ko naramdamang nawala ang panlalamig na nararamdaman ko. Agad na bumalik ang init ng katawan ko, hindi nga lamang bumalik ang lakas ko.
Nagtaka pa ako nang bigla na lang may nabasag bago magkasunod na dinaluhan ako nina Dice at Zen.
"Okay ka lang ba?" agad na tanong sa akin ni Zen. Kitang-kita ko ang namumuong galit sa mga mata n'ya, maging ang paghihirap n'yang pagpipigil sa kapangyarihan n'ya.
"Hindi ko alam kung ano ang gusto n'yong palabasin GrandMaester," Dice stated dangerously.
Hindi naman umimik si GrandMaester. Binalingan n'ya lang sina Tito Braham. "Mas mabuting ikaw na ang magpaliwanag. Sabihin mo sa kanila ang mga bagay na sinabi mo sa amin. Nasisiguro kong karapatan nilang malaman iyon."
Tumutok ang mga mata namin kay Tito Braham. Sinalubong naman n'ya ang tingin namin, hindi ko nga lamang gusto ang emosyong nakita ko doon.
"Gusto ko munang malaman kung nandito pa din s'ya hanggang ngayon," simula ni Tito Braham habang nakatingin sa akin.
Napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Hindi ko s'ya maintindihan. Sinong tinutukoy n'ya?
Pilit na inisip ko ang sinasabi n'ya nang may maramdaman akong lumabas mula sa akin. Madilim ang presensyang tinataglay noon dahilan para umalerto ang lahat ng nasa silid.
Mistulang itim na usok iyon bago komorte sa isang matangkad na nilalang.
"Erebus!" Takang tuningin ako sa kanya. Nanghihina man ay nagawa kong lumapit sa kanya. Agad naman n'ya akong inalalayan.
Nginitian n'ya lamang ako at pinasadahan ng tingin ang mga nasa silid bago binalingan si Tito Braham. "Ako ba ang tinutukoy mo?"
❤