Donna's Pov: Alam kong hindi na kalaban ang tingin sa akin nina GrandMaester. Na hindi na ako banta sa kaligtasan nila. Subalit iba ang sinasabi ng mga mata ng mga nandito sa silid ngayon. Pagkalito at pagdududa ang tanging nakikita ko sa kanila. Pagkalito sa mga nangyayari at pagdududa sa amin, sa akin. Hindi ako iyakin pero sa mga oras na ito ay gustong kumawala ng mga luha ko. All my life, hinahabol ko ang liwanag. Iisa ang tanging gusto ko, iyon ay ang tanggapin ako ng mga taong nasa paligid ko. Nagawa naman nila akong tanggapin hindi ko nga lang akalain na ganoon kadaling magbabago ang pagtingin nila sa akin. Mas masakit ang sugat na nasa puso ko kaysa pagkirot ng bawat kalamnan ko. Tinalo pa niyon ang mga sugat na nakukuha ko sa pakikipaglaban. Hindi na lang basta sugat ang nas