Fhaye's Pov:
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang tinatahak ang direksyon ng eskwelahan.
Mula pa kanina paglabas namin sa dorm ay kitang-kita na ang pagbabago sa paligid. Ibang-iba na sa dati. Malaki din kasi ang pinsala ng nakaraang paglalaban kaya madaming kailangang ayusin at baguhin sa mga istruktura.
Madami na kaming kasabayang mga estudyante. Lahat sila masaya. Magaan ang aura nila at kami lang yata ni Donna ang nakakaramdam ng tila kawalan ng hangin.
I sighed. Naramdaman iyon ni Donna kaya agad n'yang pinisil ang kamay ko. Nginitian ko lang ang kaibigan ko.
Isa s'ya sa iilang taong nakakaintindi sa nararamdaman ko. Dahil tulad ko ay isa din s'yang human hollow, isang Mongrel iyon ay kung ang pagbabasehan ay ang pagkakakilanlan sa uri namin noon.
Iilan na lang kaming Mongrel na estudyante dito sa Saint Runes. Kaming mga nagawang makaalis sa kadilimang mayroon ang Libyn, ang kaharian ng mga Mongrel. Ang karamihan kasi sa amin ay nasa labas ng eskwelahan, ayon sa report nina Tito Manuel. Nakikisalamuha sila sa mga ordinaryong tao at ang ilan nga sa kanila ay kailangan namin para mabura na ang simbolo ng yin at yang sa amin.
Simbolong kaakibat ay isang sumpa sa lahi namin. Iyon lang ang nakikitang paraan nina GrandMaester para matigil ang sumpang sinasabi nilang si Donna ang magpapatuloy.
Pasimpleng pinagmasdan ko ang kaibigan ko. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan n'ya at mabigat ang nararamdaman n'ya.
Nasa komplikadong sitwasyon s'ya pero katulad ko ay lumalaban pa din s'ya. Kahit walang katiyakan ang magiging resulta ng paglaban namin sa mga tadhanang meron kami.
Wala din naman kaming pagpipilian kundi ang magpatuloy. Mas mainam na iyon kaysa magpasakop ulit kami sa kadiliman. Lalo na ngayon na pakiramdam ko ay laging may banta ng panganib sa lahi namin.
May kakayahan akong maintindihan ang takot ng mga nasa paligid ko. Isa sa kakayahan ko bilang Mongrel ang malaman ang pinanggagalingan ng takot ng taong gugustuhin ko. Kaya kahit hindi pa man nalalaman ni Donna ang tungkol sa sumpang dinadala n'ya ay alam ko na iyon.
Kina Tito Manuel at sa mga matatandang Mongrel na nagbalik dito sa eskwelahan. Pare-pareho ang uri ng takot na nararamdaman ko sa kanila kaya na-curious akong alamin iyon. Na sana ay hindi ko na lang ginawa.
Dahil hindi ko alam kung paano sasabihin kay Donna iyon. Hanggang ngayon ay inililihim ko sa kanya iyon at wala akong planong pangunahan sina GrandMaester tungkol sa bagay na iyon. Lalo na at wala namang nakakaalam sa kakayahan kong iyon kundi si Zen lang.
Ayokong makadagdag sa isipin nila kapag nalaman nila ang kakayahan kong iyon. O baka, ayoko lang talagang dagdagan ang pagdududa nila sa akin. Natatakot ako. Natatakot akong mawala ang kaunting tiwalang ibinigay nila sa akin.
We, Mongrels are very unique. Dahil lahat kami ay may natatanging kakayahan na iba pa sa kapangyarihan namin. Mga kakayahang may kinalaman sa kadiliman. At habang nasa amin ang simbolo ng isang Mongrel, kadikit namin ang salitang kadiliman. At kaakibat niyon ang pagdududa at panghuhusga ng mga nasa paligid namin.
And we're yearning for nothing but acceptance. Sabik na sabik kami sa pagtanggap ng lahat. Kaya takot na takot akong gumawa ng bagay na ikakaduda nila. Dahil kaunting pagkakamali lang, mawawalan ng silbi ang lahat ng hirap namin para matanggap ng iilan.
Napapikit ako nang maramdaman ang takot ng ilang estudyante na kasabayan namin.
Fear. Na kami ni Donna ang dahilan.
Pasimple kong tiningnan ang estudyanteng iyon. Ilang metro ang layo n'ya sa amin pero kitang-kita ko ang pag-aalinlangan ng mga mata n'yang nakadiretso sa amin.
Napaismid na lang ako. Nasisiguro kong hindi lang ganitong pagtrato ang mararanasan namin. Kaya dapat ngayon pa lang ay sanayin ko na ang sarili kong mawalan ng pakialam.
Minabuti ko na lang tanggalin ang kapangyarihan ko sa paligid ko para hindi na maramdaman ang kung anuman.
Dire-diretso lang kami ni Donna hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Nagbulag-bulagan kami sa mga mapanuring mata ng mga estudyante.
"Ang tagal n'yo."
Pareho kaming napatigil ni Donna at lumapit sa nakasimangot na matangkad na lalaki. Inaantok pa ang mga asul na mata n'ya.
"Kanina ka pa?" tanong ni Donna kay Dice. Nakasandal s'ya sa pintuan at naghihintay sa amin.
Isa din s'yang Mongrel katulad namin. Mongrel na may mataas na antas ng kapangyarihan.
"Ang aga mo naman," sabi ko na lang.
He just tsked at agad kaming tinalikuran. Sumunod na lang kami sa kanya.
Dumiretso na kami sa lamesang napili ni Dice. Nakakuha na din kasi s'ya ng mga pagkain namin at nakahain na iyon doon.
Dice is like a glue, always sticking with us. Naiintindihan ko naman iyon dahil sinisiguro lang n'ya na maayos kami.
Bago pa man mahantad ang katauhan namin ay isa na si Dice sa mga estudyante dito na may kakaibang kontrol at lakas ng kapangyarihan kaya iniiwasan din s'ya ng karamihan. At dahil lagi s'yang nakadikit sa amin ni Donna, nawawala ang atensyon sa amin ng mga estudyante.
Tahimik lang kaming nag-almusal.
Paminsan-minsan ay may nahuhuli akong nakatingin sa lamesa namin pero minabuti kong hindi na lang sila pansinin. Masasanay din ako.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang biglang umingay ang cafeteria.
Napailing na lang ako nang makita ang dahilan ng pagtili ng mga babaeng estudyante.
Well, may kapangyarihan kami pero normal pa din naman kami katulad ng mga estudyanteng ipinanganak na ordinaryo.
Hindi ko maiwasang mag-alala para kay Donna nang makita ang mga lalaking pumasok.
Ang Chosen Magistrate at ang Chosen Guardian. Kasama din nila ang mga kauri nila, sina Fernando at Bhrail.
Maituturing silang upper class sa mga uring pinagmulan nila o Elites. Dahil na din sa lakas ng kapangyarihang mayroon sila.
Marami pang katulad nila dito sa eskwelahan. Pinangingilagan lalo na at malayo ang agwat nila sa iba lalo na kung kontrol at lakas ng abilidad ang pag-uusapan.
Napansin ko ang pagbaba ng tingin ni Donna. Nagkunwari s'yang abala sa pagkain. Nagkandasamid-samid pa nga s'ya sa pagmamadaling kumain.
I sighed. Alam ko ang halos pagkakalapit ng kaibigan ko ang ng Chosen Magistrate. Hindi ko nga lang alam ang buong istorya pero nasisiguro kong komplikasyon lang ang dulot niyon para sa kanilang dalawa.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Dice kay Donna.
Hindi na nakasagot si Donna dahil napatingala na s'ya sa lalaking tumigil sa lamesa namin.
"Anong kailangan mo?" tanong ni Dice sa nakakunot-noong si Crayon.
Tiningnan lang s'ya ng lalaki bago binalingan si Donna. Inilapag nya ang isang baso ng tubig sa harap ng kaibigan ko at kaagad ding sumunod sa mga kasama.
Natigilan ako, hindi dahil sa pag-aalalang ipinakita ni Crayon sa kaibigan ko. Kundi sa naramdaman kong kakaibang takot mula sa Chosen Magistrate.
Pasimpleng huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang kapangyarihan ko. Pero nandoon pa din iyon sa sulok ng kamalayan ko kung saan ko itinago kanina.
Kaya paanong nararamdaman ko ang takot na nagmumula kay Crayon?
At hindi lang iyon simpleng takot. Dahil sa sobrang lakas niyon, alam na alam ko ang halo-halong emosyong nagmumula sa kanya.
Panic. Terror. Horror.
The highest level of fear. At ngayon ko lang ito naramdaman. Ngayong kung kailan nakatago ang kakayahan ko.
Maingat na pinakalat ko sa kabuuan ko ang kapangyarihan ko. Hanggang sa maabot ng kakayahan ko ang kinaroroonan ni Crayon.
I almost choke when I sensed his presence.
Madilim ang takot na namamahay sa puso n'ya. Sa sobrang dilim niyon ay agad na nangilag ang kadiliman ng kapangyarihan ko.
Agad kong binawi ang kakayahan ko. Mabilis na binalutan ko ng aura ang isip ko at blinock ang anumang negatibong emosyon na pwede kong maramdaman.
Ganoon ba talaga ang presensya ng taong piniling maging kinatawan ng kadiliman? Naiintindihan ko kahit paano ang bagay na iyon but his fear, ano at para saan iyon?
"Donna..." I tried to divert my attention.
"Huh?"
"Wala ka na naman sa sarili," sabi ko na lang.
"Okay lang ako. Inaantok lang. Tapos na ako, kayo ba?"
Halos sabay kaming tumayo ni Dice.
"Tapos na din kami. Mas mabuti kung pupunta na tayo sa klase natin tutal magka-kaklase naman tayo."
Nararamdaman ko pa din kasi ang takot na nagmumula kay Crayon kahit pa naitago ko na ang kapangyarihan ko sa presensya n'ya. Mas lumalakas iyon at hindi ko gusto ang maaaring ibig sabihin niyon.
Agad namang tumayo si Donna at sumabay na sa amin sa paglabas ng cafeteria.
"Ang una pala nating klase ay sa Warden's Square," sabi ni Dice habang nakatingin sa nasa palad n'ya.
Ibinuka ko din ang palad ko at lumabas mula doon ang tila mapa. Tiningnan ko ang schedule ko.
Tama nga si Dice, sa Warden's Square ang unang klase namin kasama ang iba pang Skills. Pero iyon lang ang klase na magkakasama kaming tatlo. Ang iba ay academic subjects at hindi kami magkakasama ang iba naman ay schedule para sa solo training namin.
"Pasukang-pasukan, may training agad sa schedule ko. Sakit ng katawan agad aabutin natin ah." Nagkunwaring nagrereklamo ako.
"Hayaan mo na pati din naman ako. Nakasimangot din si Donna.
Tahimik lang si Donna habang binabaybay namin ang direksyon papunta sa Warden's Square. Sinubukan ko namang kalimutan ang nangyayari sa akin sa pamamagitan ng pangbubuwisit kay Dice na oo at hindi lang ang sinasabi.
Nakasabay pa namin ang ibang estudyante na may klase din sa lugar na ito. Iyon nga lang ay hanggang sa Square's Fleet lang dahil lahat ay nagkanya-kanyang punta na sa kani-kanilang building.
Umakyat kaming tatlo sa ikatlong palapag. Nandoon kasi ang silid para sa unang klase namin.
"Donna!"
Muntik ko nang matakpan ang tenga ko dahil sa tinis ng boses ni Venice.
Nakangiting sinalubong n'ya kami at halos kaladkadin n'ya kami ni Donna papasok sa silid.
Nagpahila na lang kami sa maingay na babae. Katulad ng dati ay napaka-hyper n'ya at para laging nakalunok ng megaphone.
"Dito tayo," sabi n'ya at itinuro ang mga upuang nasa gitnang bahagi ng silid. "Dito ang upuan ng mga magaganda."
Natawa na lang kami sa kalokohan n'ya.
"Oo na pero dahil sa pangangaladkad mo, naiwan namin si Dice." Natatawang inginuso ko pa ang lalaki.
Tulad namin ay nakaupo na din s'ya at kausap si Luke, ang isa sa iilang estudyante na kinakausap n'ya.
"Okay naman na s'ya saka malaki na 'yang si Dice kaya na n'ya sarili n'ya." Humahagikhik pa si Venice at nilingon ang lalaki na nasa may bintana. "Hindi ba Dice?"
Tiningnan lang s'ya ni Dice habang nakakunot ang noo.
"Umuo ka na lang aba!"
Natatawang hinila s'ya ni Donna para maupo. "Tumigil ka nga sa kalokohan mo. Nasaan na nga pala si Bernadette?"
"Ayun kay aga aga, pinapahirapan ni Sir Daecyll. Nagte-training na agad."
"Grabe naman si Sir. Halimaw talaga. Mabuti na lang at hindi ko s'ya naging mentor," komento ko. Ilang araw ko na din yatang hindi nakikita ang anino ng kaibigan naming iyon.
Sabagay, kung mas lalakas naman si Bernadette okay na din iyon lalo pa at iyon ang nakikita ko.
Nanahimik ako at hinayaang magkulitan ang dalawa.
Wala sa loob na napatingin ako sa maliwanag na tanawing nasa labas ng bintana.
Gusto ko ding magsanay ng katulad ng iba. Walang pag-aalinlangan at takot na baka lumabas sa akin ang kadilimang meron ako at makasakit ng iba.
Gusto ko ding maintindihan at pag-aralang kontrolin ang kakayahan ko bilang Mongrel. Pero paano?
Natatakot ako sa maaaring sabihin nina GrandMaester kapag nalaman nila ang tungkol dito kaya hanggang ngayon ay inililihim ko pa din ito. Baka sa oras na ipaalam ko sa kanila iyon ay mabago ang tingin nila sa akin.
Pinigilan kong maluha sa halo-halong emosyong nasa puso ko.
Hindi ko akalaing sisikilin ko ang sarili ko para lang matanggap ng lahat. Para lang maramdaman na isa ako sa kanila.
Nakulong ako sa kulungang ako mismo ang may gawa. At hindi ko alam kung paano lumabas o kung makakalabas pa ba ako.
❤