Donna's Pov: Hindi ko alam kung sino ang naunang kumilos sa mga kasama ko, basta ko na lang naramdaman ang pag-angat ng lupang tinatapakan ko. Gumalaw iyon at halos mabuwal ako sa pwersang tumulak sa akin. Naramdaman ko din ang paghigit sa akin ng kung sino at ang pagtama ko sa katawan ng iba. Wala akong makita kundi kadiliman. Dahil na din sa pagkakatanggal ng mga fireballs ni Daesuki. Pitch black. Samahan pa ng katahimikan ng buong paligid. Ang naririnig ko lang yata ay ang pagkabog ng malakas ng dibdib ko. Ilang minuto ding tila naging estatwa ako bago may tila alitaptap na mga apoy na tumanglaw sa paligid. Doon ko lang na-realize ang sitwasyon ng team namin. Magkakatalikuran kami at dikit-dikit. Nasa tabi ko si Jiro na matamang nag-iisip. Gamit ang kaunting liwanag na ibini