Donna's Pov: Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari. Nakita ko na lang ang sarili ko sa harap ng isang apat na talampakang ice elf o mephit. Katulad ko ang sitwasyon ng mga kasama ko, lahat kami ay nakaharap sa clone ng Ice Mephit. Ang iba nga ay hinddi ko na natingnan pa kung nasaang bahagi dahil sa hindi naman ganoon kaliwanag ang ibinibigay ng mala-kristal na nagyeyelong paligid. I summoned my bow. Agad akong humulma ng palaso at itinutok sa kalaban. Ititira ko na iyon kundi ko lang naalala ang babala ni Hana. Hindi ako pwedeng basta na lang magpasabog ng isa sa mga nilalang na mula sa yelo. Sa oras na gawin ko iyon at magpabaya ako ay maaaring mga kasama ko din ang mapinsala. Lalo na't hindi naman kami masyadong malayo sa isa't-isa. Pinaglaho ko ang palaso ko at umalert