Kanina pa sinisipat ni Akira ang kanyang relong pambisig, maaga kasi silang pinalabas sa panghuli nilang subject kaya nauna na siya sa kotse ng binata. Nag-text ito sa kanya na papalabas na rin daw ito. "Niko, asan na si Emir?" inis niyang tanong rito. Kanina pa ito abala sa cellphone nito kaya hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. "Palabas na rin 'yon...." anito. Nakita niyang biglang nag-iba ang timpla nito habang nakatingin sa cellphone nito.Tinangka niyang tingnan iyon ngunit sinamaan lang siya ng tingin. "Sisilip lang eh," angal niya rito. "Sa loob ka nalang maghintay, okey? Parating na rin iyon." Iningusan niya lang ito pagkatapos ay pumasok siya sa loob ng van ni Niko. Hinayaan niya lang na nakaawang ang isang bintana no