Unti-unti nang bumibigat ang talukap ng dalaga habang nakasandal sa reclining chair. Ala una na ng madaling araw kaya medyo bawas na ang energy ng lahat. Ang iba niya kasing kaibigan ay may kanya-kanya nang pinagkakaabalahan. Si Sarah at Carlo ay masinsinang nag-uusap sa kabilang parte ng pool. Mabuti na lang at kinausap na nito si Carlo dahil sa totoo lang, nahihilo na rin siya sa paghahabulan ng dalawa. Ang iba naman ay nagsiuwian na rin, may mga kailangan daw lakarin kaya nauna na. Naramdaman niya ang pagdantay ng kamay ng binata sa kanyang braso pagkatapos ay hinila siya nito pasandal sa dibdib nito. Hindi na siya tumanggi, kanina pa kasi talaga siya inaantok. "Just sleep,mahal," bulong ni Emir. Panay din ang haplos niya sa braso ng dalaga nang magsumiksik ito sa kanya.