Tinangka niyang magpaliwanag sa binata ngunit hindi siya nito binigyan ng pagkakataon. Nauna na ang galit nito sa kanya at sa kaibigan nito. Ilang linggo na ba silang hindi nagpapansinan? Halos mag-iisang buwan na ata. Sa tuwing kakausapin niya ito, iniiba agad nito ang usapan. Inihahatid sundo pa rin naman siya nito sa school pero hindi katulad dati na napakalambing nito sa kanya. Hindi na nga niya ito nababalitaang napapasama sa gulo, which is good. Nagbago na nga ito subalit kasabay ng pagbabago nito ay ang pagbago rin ng pakikitungo sa kanya. Madalang na rin itong mag-kwento sa kanya. Nabalitaan niya na lang din kay Clarence that he's doing good in school dahil sa totoo lang, matalino naman ito. Masyado lang sigurong nagrebelde kaya napabayaan ang pag-aaral. Ilang beses niyang tinawa