"Anong ginagawa mo rito?" pabulong na sita ni Akira kay Niko. "Akala ko ba inihatid mo si Shaina?" Naging malikot ang kanyang mga mata, takot na makita sila ni Emir at kung ano pa ang isipin nito. "I just want to know if your safe. Nag-aalala ako. Baka magkasakitan kayong dalawa ni Emir." paliwanag nito. Mas pinili ni Shaina na sumabay sa kakilala niya." Tinangka nito hawakan ang kanyang kamay ngunit humakbang siya palayo rito. "Please lang, Niko. Huwag mong gawing kumplikado ang sitwasyon natin. Kaibigan ka niya,girlfriend niya ako-" "You already said yes to him?" Puno ng hinanakit ang boses nito nang magtanong. Nanatili siyang nakayuko, hindi makatingin nang diretso sa binatang naging mabuti rin naman sa kanya. Kung susundin lang niya ang isip