WALA na akong nagawa kung ʼdi payagan sina Blade and Blaze na sumama sa work ko. Hindi na muna ako bumaba dahil nandito ako sa room ng kambal, binibihisan sila ngayon ni Mister Kenta. “Mama, malapit na po kami matapos!” Sigaw ni Blaze kaya napangiti ako. “Okay, nandito lang si Mama at hinihintay kayong dalawa.” Balik na sigaw ko rin sa kanilang dalawa. Para alam nilang hinihintay ko talaga sila. Naglilibot ang tingin ko sa buong k'warto nila at ngayon ko lang napansin na may picture sila simula sanggol ang dalawa. Tumayo ako at lumapit sa may wall. “Ang cute...” Komento kong sabi at hinaplos ang picture frame nina Blade and Blaze noong baby pa sila. “Ang puputi nilang dalawa...” Napangiti ako, hindi ko ma-identify kung sino si Blade and kung sino si Blaze sa dalawang cute na baby na